Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01

Sinong mag-aakala na makikilala kita?
Lalaking bibihag sa babae na lumilikha ng istorya.
Lalaking isang manunulat din,
Lalaking siya rin palang aking iibigin.

Wala akong ibang hiniling kun’di ang mas makilala ka,
Malaman at alamin ang mga nais mo’t gawa.
Isa ka rin palang manunulat ng tula
Gamit ang mga matatamis mong salita.

Ngunit ‘di ko inakalang mahuhulog ako
Sa mga salita at matatamis mong pangako.
Sa ngiti mong dala-dala ko hanggang sa aking pagtulog,
Walang bitag ngunit ako’y nahulog.

“Bakit ka nga ba ganiyan?”
Tanong ko na tinawanan mo lamang.
“Deserve mo,” nakangiti mong wika,
Deserve ko nga ba talaga?

Ngunit ang tanong, hanggang kailan?
Hanggang kailan magtatagal ang iyong kabaitan?
Matiis mo kaya ang aking kabaliwan?
O baka sumuko ka na lang.

Ngunit sa paglipas ng panahon,
Sa paglipas ng buwan at taon.
Nakilala kita't mas lumalim pa iyon,
Subalit hindi lahat ay sa akin naaayon.

Sino ba naman ako, hindi ba?
Para lahat ng sinabi mo'y matatandaan mo pa.
Tila ba'y hindi ka sa 'kin nangako
Pangakong 'di tutuparin, tama nga ako.

Tandang-tanda ko pa, lahat ng sinabi mo,
Buwan ng Hunyo, sa mismong kaarawan ko.
Sabi mo'y mawawala ka lamang sandali,
Kailangan mong mag-review para maipasa ang pasulit.

Naniwala ako, para 'yon sa kinabukasan mo,
Sa kinabukasan natin, wika mo.
Ang tamis ng mga salitang iyon, Joseph—
Ngunit, may matamis na masakit.

Ilang buwan kang hindi nagparamdam,
"Focus" para sa board exam.
Ang galing, alam kong kaya mo,
Sa talino mo, alam kong kaya mo.

Hanggang sa natapos ang exam, naghintay ako,
Nagpadala ako ng mensahe, ngunit bigla kang naglaho.
Nasaan na? Nasaan ka na?
Kumusta ka kaya? Ako'y tanda mo pa ba?

Wala na yata, wala nang pag-asa,
Pero naghintay ako baka kasi p'wede pa.
Hanggang sa lumabas ang resulta,
Nakita kong pasado ka.

Ako na yata ang pinakamasaya sa araw na yaon,
Agad akong nagpadala ng mensahe para sa'yo.
Ito na, 'ika ko. Ito na ang araw na 'yon.
Pero may mas masakit pa pala sa nakita ko.

Ilang buwan na ba mula nang nagpaalam ka?
Tatlo? Apat? O 'di kaya'y lima?
Alam mo, sana 'di ka na lang nagbitaw ng pangako,
Para wala akong aasahang babalikan mo 'ko.

May iba ka na pala at talagang kapangalan ko pa,
Ang galing mo rin. Ano 'yan? Mahilig ka sa Maria?
Bakit gano'n? Akala ko ba babalik ka pa?
Sana hindi mo na lang sinabi, sana nga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro