39
Nang makarating kami sa bahay nila William, agad kaming pumasok sa loob. Hindi naman party 'yong birthday ni Tita Paula. Kaunting salo-salo lang kasama sila Tita Lavi at kaming magkakaibigan.
Agad kong yinakap at bineso si Tita Paula at Tita Lavi. Ganoon din si Yanna. Si Izzy naman nag-hello lang.
Tinuro ni Tito Adriel na nasa bakuran daw sa likod sila Von. Kaya agad kaming pumunta doon.
Boses ka agad ni William ang narinig namin. Kumakanta siya ng Pusong Bato sa karaoke.
Nakatayo pa nga siya at akala mo'y siya ang Asia's Song Bird. Ni-hindi kami pinansin.
Si Conall naman ay nagtitimpla ng juice.
Si Kiev ay may kausap sa cellphone niya.
"Uy, Sheena--- Ba't nandito 'yan?!" sabi ni Achille nang makita niya na kasama namin si Izzy.
Hindi ko na sila pinansin at hinanap ng mga mata ko si Von.
Kasi 'di ba, sasabihin niya na sa 'kin kung sino 'yong tinutukoy niya no'ng isang araw.
Nakita ko si Von sa mahabang lamesa, malapit kay William, na naghahanap ng kanta sa songbook.
Hindi ko alam kung tatabi ba ako sa kan'ya o ano. Kaso naunahan na ako ni Conall at Kiev.
Kaya naman naupo na lang kami ni Yanna sa tapat nila. Si Izzy nakikipagbangayan pa rin kay Achille.
Hindi ako nilingon ni Von. Hindi niya yata ako napansin na naupo.
Nang sikuhin siya ni Conall at tinuro ako, agad siyang napatingin sa 'kin.
"Sheena! Andyan ka na pala, Hahaha! Anong gusto mong kantahin? Pumili ka na. Pota kasi si William, ang daming reserved na kanta," sabi niya.
Nakalimutan niya ba?
"Hindi ako kakanta," sabi ko at kumuha ng lumpiang shanghai sa table.
"Gusto mo sapakin ko na si Von?" bulong sa 'kin ni Yanna. Alam niya rin kasi na may sasabihin sa 'kin si Von ngayon.
Ganoon din si Izzy. Kaya nang makadaan si Izzy sa likod ni Von, bigla niya itong sinapak.
"Aray! Sino 'yon?!"
Request ko 'yon sa kan'ya bago kami pumunta rito.
Agad naman akong kinindatan ni Izzy nang makalayo siya sa likod ni Von.
Napabaling kaming lahat nang magsalita si William sa mic. Kakatapos lang ng Pusong Bato at meron na naman siyang kakantahin.
"Ladies and Gentlemen. This is Mahika by Adie and Janine Berdin. Cover by Willia--- Hoy, kanta ko 'yan!"
Hinablot ni Yanna 'yong mic.
"No, bitch! Hoy, Von! Kanta ka dali!" at saka ibingay kay Von ang mic. Nakunot ang noo nito. At ako rin.
Anong meron kay Yanna?
"Hoy, dali, nagsisimula na 'yong kanta!"
Ba't pinapakanta ni Yanna si Von, e alam niyang hindi magaling kumanta si---
"Nagbabadya ang hangin... Ehem---
Na nakapalibot sa 'kin"
Binabawi ko na 'yong sinabi ko.
"Tila merong pahiwatig
Ako'y nananabik"
Ang lamig ng boses niya. Pero bakit... Sabagay, mga bata pa kami no'n nang marinig ko siyang kumanta.
"'Di naman napilitan
Kusa na lang naramdaman
Ang 'di inaasahang
Pag-ugnay ng kalawakan"
Napatingin ako kay Yanna nang umupo ulit siya sa tabi ko at nginitan ako.
"Ibon sa paligid
Umaawit-awit"
Hindi ko na lang pinansin si Yanna at pinanood na lang at binasa 'yong lyrics sa TV ng karaoke.
"Natutulala sa nakakaakit-akit
mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso"
At dahil sa mga lyrics na 'yon, hindi ko rin maiwasan na tumingin kay Von.
Nakatuon lang ang atensyon niya sa karaoke.
May iniisip kaya siya habang kumakanta?
Ilang segundo pa, chorus na.
"Giliw, 'di mapigil ang bugso
ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo,
amin mo, oh"
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang kantahin niya 'yon.
"Giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo
Ang damdamin kong napagtanto na..."
"Sheena, kinikilig ka ba? Ha?" Bulong sa 'kin ni Yanna.
"Hindi," sagot ko naman pero alam niyang oo. Oo, kinikilig ako.
"Gusto kita"
Gusto kita... Pagkanta ko rin sa isip ko habang nakatingin sa karaoke.
Kita ko sa peripheral vision ko na may inaabot sa 'kin si Von.
Kaya naman tumingin ako sa kanya.
Inaabot niya sa 'kin 'yong mic?
Tinaasan ko siya ng kilay pero nginitian niya lang ako at lalong inabot sa 'kin 'yong mic.
"Hoy, ayokong--- Hindi ko alam kung saan ko sisimulan." kanta ko dahil biglang nagstart ang lines ni Janine Berdin.
"Woooooooh!" kantyawan nila Yanna at Izzy. Ang mga kaibigan naman ni Von ay ganoon rin, nakikisabay sa ingay ng dalawa.
"Pota, kinikilig ako!" sigaw ni Izzy.
"Binibigyang kulay ang larawan
na para bang"
Hindi naman gano'n kaganda ang boses ko, sakto lang.
"Ikaw ang nag-iisang bituin
Nagsisilbing buwan na kapiling mo"
Dahil sa sigawan at kantyawan ng mga kaibigan namin, hindi ko maiwasang manginig.
Ramdam kong nanginginig ang kamay ko habang hawak ang mic.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Sa likod ng mga ulap
Ang tayo lamang ang tanging
magaganap"
Ibababa ko na sana 'yong mic kasi akala ko hindi na kakanta si Von. Tapos na rin naman 'yong solo lines ng nga original singers.
Akala ko lang pala, dahil 'di ko namalayan na may isinaksak sa karaoke na isa pang mic at 'yon ang ginamit ni Von.
"Ibon sa paligid
Umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso"
Napalunok muna ako bago sabayan siya sa pagkanta.
"Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo, amin mo
Giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo
Ang damdamin kong napagtanto na"
Napatingin ako kay Von, pero sa karaoke lang siya nakafocus. Ni-hindi siya lumilingon sa 'kin katulad ng paglingon ko sa kan'ya.
Ewan ko. Napapaisip na lang ako, Ako kaya 'yong babaeng tinutukoy niya?
Lalong lumakas ang cheers nila Yanna nang makaabot sa post-chorus.
"Gusto kita! Gusto kita! Gusto kita! Gusto kita! Gusto kita!" pagsabay ng mga kaibigan namin.
Inilayo ko ang mic sa bibig ko. Hinayaan kong mga kaibigan namin ang tumapos ng kanta.
Kaso si Von? Ayon, kumakanta pa rin sa mic.
Hindi ko alam na saulo niya pala 'to.
Habang nagsasaya 'yong mga kaibigan namin sa likod, inilayo ko ang tingin ko kay Von. Baka kasi mahalata niya. Pinakinggan ko na lang siya nang kantahin niya 'yong mga lyrics.
"Ako na nga'y nabihag mo na
Nang 'di naman talaga sinasadya
'Pagkat itinataya ata tayo para sa isa't isa"
One-sided lang ba talaga 'tong nararamdaman ko?
Ba't gano'n 'yong lyrics...
Hay, Sheena, kanta lang 'yan.
"Uy, Sheena! Ba't ka tumgil?!" sigaw sa 'kin ni Izzy.
Hinintay ko muna 'yong two last lines.
Tumahimik sila, malapit nang matatapos na 'yong kanta.
"Napagtanto na, gusto kita..." pagkanta naming dalawa ni Von.
"Wooooooooo!"
Habang nagsisigawan na naman sila, tiningnan ko sa Von sa gilid ng mata ko.
And as I expected, sa TV lang ang tingin niya hanggang magbigay 'to ng score.
Napairap na lang ako sa loob-loob ko.
Ewan ko ba, kung kanina ay kinikilig ako. Ngayong natapos, naiinis ako. Ewan.
Dahil sa sobrang ingay sa bakuran; sila Izzy ay nagsasayaw na at kung ano-ano. Lumayo muna ako, at pumunta do'n sa may pinakadulong upuan na gawa sa kahoy.
Sinigawan pa ako nila Yanna kung saan ako pupunta pero hindi ko na siya sinagot at nilingon.
Nakakaramdam ako ng presensya sa likod ko. Mukhang sinusundan pa yata ako ni Yanna.
"Hoy, Sheen!"
Von?
Nang makaupo ako, agad akong nag-isip nang ie-excuse.
"Ang ingay nila, Hahaha." tawa ko. "Dito muna ako."
Akala ko babalik na siya mga kaibigan namin kaso bigla siyang umupo sa tabi ko.
Dahil hindi gano'n kahaba 'yong upuan, halos magkadikit na ang mga balikat namin.
Pero nanatili kaming tahimik. Walang kibo sa isa't isa.
Ilang minuto pa ang lumipas, pero walang nagsasalita sa 'min.
Naubos na ang pasenya ko na maghintay sa sasabihin niya, kaya nagsalita na ako.
"'Di ko alam na marunong ka pala kumanta, ah?"
"Hahaha, well, secret talent yata tawag do'n." pagbibiro niya.
Tumango-tango lang ako at hindi na ulit nagsalita dahil wala na akong maisip na masabi na hindi magbibigay ng awkwardness sa 'ming dalawa.
Pero nagsalita siya.
"Beside sa secret talent, may isa pa akong secret."
"Ano?" wala sa sarili kong tanong habang nakatulala sa puno ng mangga nila William.
"'Yong babaeng tinutukoy ko no'ng isang araw."
Pinipilit ko ang sarili ko na 'wag lingunin si Von nang marinig ko 'yon.
Napalunok muna ako bago sumagot. "Ahh... Oo nga pala. Sino 'yon?"
Imbis na matinong sagot ay bigla siyang tumawa.
"Anong nakakatawa?"
"Hindi ko alam na hindi mo pa rin pala kilala 'yong tinutukoy ko pagkatapos nating kumanta ng Mahika."
Napalingon ako sa kanya na nakakunot ang noo. Anong ibig niyang sabihin do'n?
"Gusto mo ng clue?" Nilingon niya ako dahilan para magtama ang paningin namin. At dahil na rin na magkatabi kami, kaya hindi gano'n kalayo ang mukha namin sa isa't-isa.
Hindi ako sumagot. Hindi ako makasagot.
"Katabi ko siya ngayon,
"Kausap ko siya ngayon,
"Nakatingin siya sa 'kin,
"Nakatingin ako sa kan'ya,
"Binigyan ko siya ng rose no'ng isang araw,
"At kakatapos lang namin kantahin ang Mahika,
"Kilala mo na ba?"
Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya. Siya naman ay nakangiti sa 'kin at sinasalubong ang mga tingin ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso na para bang gusto nitong kumawala sa dibdib ko.
Nakailang lunok pa ako bago sumagot.
"Ako?"
Lumawak lalo ang ngiti niya nang sumagot ako. Tumango siya bilang pagsang-ayon.
"Ako?" ulit ko pa na may halong gulat sa mga mata.
Hindi ako makapaniwala. Ako? Ako talaga?
"Kailan pa?" tanong ko pa ulit.
At lalo akong hindi makapaniwala sa narinig kong sagot.
"Matagal na. Sobrang tagal na."
So, after all these times, gusto namin ang isa't-isa?
'Paano kung pareho lang kayong takot na umamin sa isa't-isa?' 'Yon ang sabi sa 'kin ni Yanna dati.
"Ngayon lang ako naglakas-loob na umamin. Lalo na't magcocollege na tayo. Hindi natin mamamalayan ang oras. Baka pagkatapos ng graduation, magkanya-kanya na tayo ng landas. Kaya ito ako ngayon, umaaamin.
"Sheena Rieona Jimenez, gusto kita. Gustong-gusto kita.
"Wait! 'Wag ka munang sumagot. Sasabihin ko lang na, hindi mo obligasyon na gustuhin ako pabalik. Basta kaibigan mo pa rin ako. Okay lang kung irereject mo 'ko---
"'Di ba sabi ko sayo..." pagputol ko sa kanya.
"--- Alin?"
"'Di ba sabi ko sayo, kahit pagbalig-baliktarin man natin ang mundo o kahit iilan na lang ang matira sa mundo, hinding-hindi ako pupunta kay Kiev o kanino man...
"Tinanong mo sa 'kin no'n na kung hindi kay Kiev, kanino ako pupunta?
"Gusto mo ng clue?
"Katabi ko siya ngayon,
"Kausap ko siya ngayon,
"Nakatingin siya sa 'kin,
"Nakatingin ako sa kan'ya,
"Kakatapos lang namin kantahin ang Mahika,
"At nagconfess siya na matagal niya na akong gusto,
"Kilala mo na ba?"
Natigilan siya sa sinabi ko. Siya na itong may gulat sa mukha nang marinig niya ang tanong ko.
"Oo, ikaw. Gusto rin kita, Von Aviere Morais. Gustong-gusto kita. Matagal na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro