26
at Dechavez residence
sheena - izzy
_____________
So, ano na ang chika?
May gusto pa rin si Von kay Yanna.
Eh? Paano mo naman nalaman?
Lagi niyang kasama si Yanna kung saan-saan.
And... Hindi niya na ako masyadong minemessage o kinakamusta man lang kung okay na ang lagnat ko o ano.
Si Yanna na ulit ang nakikita niya.
Paano ka naman nakakasigurado d'yan?
Kinuwento sa 'kin ni Yanna kagabi. Nagsleep over siya sa 'min...
And kanina lang umaga, yinayaya na naman ni Von na maglunch si Yanna sa kanila, kasi namimiss na raw ni Tita Lavi...
Dapat sumama ka! Akala ko ba trio kayo?!
Tinanong ako ni Yanna kung gusto ko raw ba sumama.
Sabi ko, 'wag na muna. Inexcuse ko na kailangan ko mag-aral sa ibang subjects na nakaligtaan ko.
Luh! Sumama ka dapat!
I don't know, Izzy...
Nagseselos ako.
Sheena...
Ewan ko ba.
Naiinis ako kay Von.
Inis na inis ako sa kanya.
Ako rin! Naiinis rin ako kay Von! Anytime talaga masasapok ko na 'yon! Nako talaga! Kapag nakita ko 'yon sa Monday, lagot talaga siya sa 'kin!
Izzy...
Oh?
Pigilan ko na lang kaya?
Mahirap 'yan...
Ita-try ko.
Uhm...
Aish! Ewan! Bakit ba kasi siya pa nagustuhan ko?
If you really want to forget your feelings for him,
then ibaling mo sa iba 'yong atensyon mo.
You know, lumayo ka muna sa kanya. Gawin mo 'yong gusto mong gawin.
Ako muna sabay mo pauwi! Ako muna kasama mo sa mga gala!
You know, best friend bonding~ Hahaha.
At kapag nagfade 'yong feelings mo sa kanya, e 'di ayos. Baka crush-crush lang talaga.
Kapag hindi,
Malala na 'yan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro