16
at school's cafeteria
sheena - izzy
_____________
Kung ikaw ang nasa posisyon ko, anong gagawin mo?
'Yong unang option.
Umamin at hintayin siyang may sabihin?
Yup!
Kung mareject, e 'di ouch.
Kung hindi, e 'di mwah mwah!
Loka, hahaha.
Bakit? Tama naman, ah? Hahaha!
Mas maganda kasi na malaman mo kung ano ba 'yong nararamdaman niya sa 'yo. Confessing your feelings really helps to move on. It feels as if something heavy has been taken out of your chest, gagaan 'yang pakiramdam mo!
Pero kapag nareject, mas bibigat.
Kaya dapat maging ready ka sa kung ano man ang sasabihin niya.
Si Von ba?
Ha?...
Si Von ba 'yong crush mo kako?
Hay nako, halata ka kaya. Kanina ka pa pasulya-sulyap sa table nila.
Sakto rin siya sa descriptions mo kanina do'n sa guy.
Mabait. Sweet. Caring. Genuine. Approachable. Dependable. At kung anu-ano pang able.
Gwapo-able.
Oo, si Von...
Pero, please! Don't tell anybody!
Please, Izzy!
Oo na, parang naman napakadaldal ko sa ibang tao, Hahaha!
I just... I don't even know why I like him.
Gan'yan talaga ang love. Hindi mo malaman kung saan nagsimula, at hindi mo malalaman kung kanino tatama.
O pak! Rhyme!
Pero sa tingin mo... uh...
Kung may gusto rin siya sa'yo?
Oo... Oo, sa tingin mo lang.
Sa tingin ko? Hm.
Siguro?
Siguro? Paanong siguro? Siguro, wala? Siguro, meron? Siguro, medyo? Siguro, ano?
Chill! Hahaha!
Dali na kasi, hindi na ako mapakali, o!
Chill ka muna! Inhale...
Hoy, aba, exhale!
Ayos ka muna kasi.
Okay, ayos na. Ano na?
I've known you guys for two and a half years, at akala ko pa nga noon ay merong kayo dahil sa mga ginagawa niya sa'yo.
And for that two and a half years, he's been consistent with his actions towards you. O baka mas mahaba pa do'n.
'Yong effort. 'Yong paghatid-sundo. 'Yong pag-aalaga sa'yo tuwing may lagnat ka. 'Yong mga regalo. 'Yong compliments.
Hanggang ngayon, gano'n pa rin siya sa'yo.
At sa tingin ko...
Siguro, meron.
Talaga?
Chill, princess. Sa tingin ko lang, ha? 'Wag ka masyadong makuntento sa tingin ko lang.
Ano nang gagawin ko?
It's up to you but for me,
Still do option one.
And be ready with all the possible answers he will say.
Ihanda mo 'yang puso mo.
Okay...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro