/6/ Dream
My greatest dreams
my greatest fears which path will I follow?
I want to set
my soul free
/6/ Dream
[MOLLY'S POV]
I can't find the right words to write lately. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nawalan ng gana sa pagsusulat. So I stopped.
That's my problem all the time, nasa kalagitnaan ako ng isang kwentong ginugugulan ko ng panahon, bigla na lang akong mawawalan ng boses sa pagsusulat. Writer's block is what they call it.
Minsan ko nang na-search sa Google kung paano ba maiibsan ang sakit na 'Writer's block', marami na akong sinubukang mga technique, manood ng movies, mag-exercise, mag-relax. Pero wala pa rin.
And the only effective solution I found? Do nothing.
Katulad na lang ngayon. Imbis na gumawa ako ng assignment ay nakatunganga lang ako sa study desk ko, nakatitig sa blangkong MS Word habang patay sindi ang cursor.
WAKEUP, DREAMERS!
Ewan ko ba kung bakit iyon ang tinipa ng mga daliri ko. Iyon ang title na sinabi sa akin ni Cole the weirdo na hindi niya sinabi sa iba naming groupmates sa Art App.
Tiningnan ko 'yung phone ko at binuksan ang messenger.
There's this thing na kapag bagong friends ka with someone sa Facebook ay automatic na lalabas sa messenger na connected kayo ng new friend mo.
You and Garnet are now friends. Send a wave to Garnet.
Isa itong advantage para sa mga gustong sumamantala ng pagkakataon sa mga crush nila. But not for me, kung sa personal nga'y nahihiya ako, sa chat pa kaya? I don't have the guts even just to wave at Garnet.
So instead, I clicked his icon to watch his Facebook My Day. It's the latest way in social media to show every minute of your life even if no one goddamn cares, but the good thing is, it is the latest and legal way to stalk your crush.
Hindi ako pala-post sa My Day or IG Story, wala namang may pake sa buhay ko so why bother?
Nag-play ang My Day ni Garnet, may isa lang siyang post, picture na kita ang kanyang paint brush at palette at may caption na 'WIP', he's working a new painting, I guess. Mabuti pa si Garnet ay paisa-isa lang kung mag-post ng My Day or IG story, 'yung iba kasi ay tila ginawang Power Point presentation ang mga buhay nila, magmula 'ata bumukas ang mga mata nila sa umaga hanggang sa matulog sila ay detalyado ang mga nangyari.
Nag-play ang sumunod na My Day at nakita ko 'yung kay Jasper, nag-cringe ako nang makitang halos tuldok na lang 'yung time span, bumungad sa akin ang selfie ni Jasper pero hindi ko na pinag-interesan na tingnan pa. Sumunod kong nakita 'yung kay Alexa, marunong pala siynang mag-My Day? Thank God isa lang din ang post niya at kita lang don ang isang music sheet.
Hanggang sa hindi ko na lang namalayan, I'm tapping my screen endlessly and mindlessly looking at these people's so called 'day'. And I stopped. What the hell am I doing? I'm supposed to be writing!
I tossed my phone on my bed. Napasandal ako sa aking upuan at napatingala na lang. And then for a moment I thought of something...
Binalikan ko ang kaninang blangkong MS Word na may nakasulat na ngayong title. Nilapat ko ang dalawa kong kamay sa keyboard at hinayaan ko itong mag-tipa.
Whatifawriter , anartist, apoet, amusician, andphotographermeet?
I was surprised and at the same time intrigued. This sounds like a good plot. Pero napaisip ako, ano nga kaya ang mangyayari sa aming lima?
And that's what I need to find out.
*****
FIRST activity from weirdo's bucket list, since we're going to make a film, and he's the acting leader, it's safe to assume that he's the director, kumbaga sa isang orchestra, he's the conductor. I—we had no choice but to follow him.
ONYX STUDIO.
"I rented this place for this day," may halong kayabangang wika ni Cole. Nakahalukipkip siya at humarap sa aming apat.
Napatingin ako sa mga katabi ko, si Garnet na poker-faced, si Jasper na abot-tenga ang ngiti, at si Alexa na nakahalukipkip at hindi maipinta ang mukha. Hindi ko alam kung anong kakaibang ihip ng hangin ang nagdala sa kanila rito ngayon.
As usual ako ang inutusan ni Cole the weirdo after meeting nag mag-announce sa GC na magkita-kita kami next Saturday, ang araw na wala kaming pasok lahat, which is ngayong araw. Isang sakay ng jeep mula sa university 'tong Onyx Studio.
Akala ko nga hindi sila pupunta kasi na-seen lang ako sa GC.
"Come, let's go inside," naunang pumasok si Cole the weirdo habang bitbit ang dalawang bag na sa palagay ko'y naglalaman ng camera at tripod.
Pagpasok namin sa loob ay bumungad ang reception, may nag-yoyosi na babae, kinausap 'yon ni Cole, mukhang kakilala niya 'ata. Binigay ng babae ang susi kay Cole at pumasok na kami sa isang pinto.
Bumungad ang isang maliit na studio. Cole opened the lights, kami naman ng mga kasama ko ay kanya-kanyang hanap ng pwesto.
"Well, alam niyo naman siguro kung bakit tayo nandito?" sabi sa amin ni Cole nang mabuksan niya ang lahat ng ilaw. Walang sumagot kaagad. Sa totoo lang walang nakakaalam sa amin kung ano ba exactly ang gagawin namin.
"Uhm... Kukuhanan mo ba kami ng one by one photo?" curious na tanong ni Jasper.
"No, Jasper," sagot ni weirdo at ipinakita niya sa amin ang camera niya na nakakabit na sa tripod. "Kukuhanan ko kayo ng video isa-isa para magpakilala."
"What?" halus sabay-sabay naming react.
"Paanong magpakilala?" si Garnet. "You mean... Like telling anything about ourselves?"
"Kayong bahala. Just be yourself, tell something interesting about you."
"Ay! Game ako diyan!" nagtaas pa ng kamay si Jasper, hindi halatang excited siya. Si Alexa naman ay walang sinabi.
Oh no. Ang isa sa pinakaayaw ko sa lahat? Humarap sa camera. Feeling ko napaka-awkward kong tao. Magpakilala nga lang sa first day of school palagi kong inaayawan, eto pa kayang ire-record? AT ISASALI SA COMPETITION?
Relax, Molly.
"Game, let's do this!" masayang wika ni weirdo. Siya lang masaya. Mukhang excited siyang manalo sa competition niya ah.
At dahil si Jasper lang ang excited, siya ang naunang magpakilala. Napansin ko lang 'yung suot niya ngayon, parang alam niyang may shooting kami ng ganito sa suot niyang Hawaiian Yellow polo at ripped jeans. Ang ganda ng porma niya at pagkaka-ayos ng kulot niyang buhok.
"Lights... Camera... Action!"
"Hello, Philippines! My name is Jasper Tupas, twenty years of age! Taking up Bachelor of Science in Computer Science, from College of Science! Do I love Science? Hell, no!" saan kaya kumukuha ng ka-hyper-an 'tong si Jasper? Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. "Anyway, I'm a theatre actor, most of the time I'm always getting the lead role you know. I love to act, it's my life, it's my passion. Aside from that, I also love to read poetry, madalas akong tambay sa bar—hindi sa Gay bar—kundi sa mga bar na may gig ng spoken word poetry, I'm inviting you to watch us sometimes." Kumindat pa siya sa camera.
"So, Jasper, tell me about your greatest dream," biglang wika ni Cole habang nasa likuran ng camera na nag-rerecord.
Nakita ko na saglit natulala si Jasper bago sumagot.
"My greatest dream is to play for the world," malumanay na pagkakasabi ni Jasper at napansin kong naging kakaiba ang kanyang ngiti, like a bitter smile... "But first, my dream is... to be accepted for who I am... by my father."
Namayani saglit ang katahimikan bago 'yon basagin ng palakpak ni Cole.
"Okay, cut! That's nice, Jasper," puri ni Cole. "Alexa you're next."
Tumayo si Jasper sa stool chair at pinahid ang gilid ng mata. "Omg I need to retouch." Atsaka ito umalis para pumunta sa fitting room.
Si Alexa naman ang sunod na umupo sa stool chair kung saan nakatutok ang camera. Hindi naman siya nagreklamo nang siya ang tawagin ni weirdo kanina. Nakasuot siya ngayon ng violet blouse at black long skirt, ang gloomy ng aura niya.
"Lights... Camera... Action!"
"My name is Alexandrite Montes, my family and friends call me 'Alexa'. Twenty-one years old na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-graduate dahil sa paulit-ulit kong pagbagsak, but who cares? Ang course ko ay Bachelor of Accountancy, I'm aiming to be a CPA and to be a lawyer." Bigla siyang huminto sa pagsasalita at napatingin lang sa kawalan. Parang naubusan na siya ng sasabihin.
"Bakit ka paulit-ulit bumabagsak, Alexa?" I guess Cole asked that just for her to continue speaking.
"Well, because... I don't have enough time to study. I forgot to mention na marami akong part-time jobs and one of those is being a music teacher."
"Why Accounting and law?" tanong ulit ni Cole.
"Kasi gusto kong yumaman. I want to be rich." And there for the first time, we saw her smile, a kind of evil smile that she'll dominate the world.
"You're a musician, right? You know how to play the piano." Hirit ulit ni Cole. Siguro ika-cut niya na lang 'to pag nag-edit siya.
"Yeah, I can play the piano, guitar, violin, drums, and flute. I can even write songs. But hey, hindi ako mapapakain ng music. There's no money in it. Hindi ako yayaman sa pagiging musikero."
After Alexa, si Garnet ang sumunod. Medyo kinahaban ako kahit hindi naman ako dapat kabahan, ako na kasi 'yung susunod.
Garnet's looking cool on his maroon varsity jacket, para siyang Jock sa aura-han niya.
"Ako nga pala si John Garnet Sucgang. Fourth-year Architecture student from CAFA. There's nothing interesting about myself," no, that's not true. Gusto ko sanang sabihin. "I'm just a simple guy who loves to paint."
"Why not Fine Arts? Why Architecture?" nasa isip ko rin 'yon nang itanong 'yon ni Cole.
"Hmm... Because..." tumingala pa siya ng bahagya at napangiti na parang bata. "I hate to tell this but that's what my parents want for me. And... I'm an obedient child so why not? There's no money in arts they said so... so be it. Okay naman ako sa Arki pero lately nagkaroon ako ng dalawang drop dahil nagkasakit ako ng matagal."
"Your greatest dream?"
Katulad ni Jasper kanina ay matagal ding napaisip si Garnet, tumingin siya sa camera at sinabing, "I don't know. I just want to be happy."
Ewan ko kung bakit natulala ako sa sinagot ni Garnet. Bakit?
I just didn't expect that a guy like him... a guy like him who's almost good at everything, has no specific dream? Gusto lang niya maging masaya. What a simple dream he has. Pero paano nga ba maging masaya? Ano ba ang totoong batayan ng kasiyahan sa ating mga tao?
Is it to be accepted?
Is it to be rich?
Is it... to achieve?
"Molly, your turn."
Na-realize ko na nakatingin silang lahat sa akin, si weirdo, si Garnet, si Jasper na tapos ng mag-retouch, at si Alexa.
Dahan-dahan akong nagpunta sa stool chair at umupo.
Bukod sa mga matang nakatutok sa akin, sa isang camera at mic, at mga ilaw... Parang biglang... bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob magsalita.
"I'm... Molly Grace Lazuli. I'm from a family of engineers taking up Civil Engineering, and honestly... it sucks," tumingin ako ng diretso sa camera at mapait na ngumiti. I saw that weirdo's grinning like a fool but I didn't mind him. I continued. "I want to be free, to do what I want. Gusto kong maging published author. I want to be something but the world won't allow me. Pero kahit na ganon, I will still continue even if no one believes in me, I will fight for myself and I will prove my parents wrong."
'Di ko napagtanto 'agad na tuluy-tuloy na akong nagsasalita at higit sa lahat tumigil lang ako nang maramdaman ko ang luha sa aking pisngi.
I'm fucking crying.
And then they all clapped.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro