/3/ Piqued
Even if we live
in a broken world
I still believe
in serendipity
/3/ Piqued
[MOLLY'S POV]
"SORRY pero may ka-grupo na ako."
I thought by saying that he would leave me alone. But I was wrong.
"I see. Who is it?"
"It's Garnet, he's from the Architecture Department."
"Does Garnet know you?"
"No—I mean yes." Crap. Bakit nadulas ako?
He grinned as if he really caught me. But I still straighten my face, hindi ako pwedeng patalo sa weirdo na 'to. At sino ba siya para pumayag ako na maging kagrupo siya?
"Molly," he leaned forward. "Base sa impression ko sa'yo, ikaw 'yung tipo ng tao na hindi basta-basta kumakausap ng hindi kakilala. You're introverted and you tend to do things on your own. At nadulas ka kanina, Garnet does not know you. That's why my assumption is still correct, that as of this moment you don't have any group mates."
I rolled my eyes and gave in.
"Fine, wala pa akong ka-grupo. But may I tell you something, Chrysoco..."
"Cole, just call me Cole."
"You look confident that I'll join you, huh. Why do you think so?" humalukipkip ako at sumandal sa upuan habang naniningkit ang mga mata ko sa kanya.
"Hmm..." sumandal din siya sa upuan at hinimas ang baba. "Well, because as far as I know you're a writer."
"How did you know that?" gulat kong tanong.
Imbis na sumagot ay nginuso niya ang journal ko sa table, tinakpan ko 'yon ng dalawa kong kamay.
"You—stalker ka ba?"
"No, I'm not. I'm just observant."
"Observant? Ngayon mo lang na-figure out na writer ako?"
"Engk!" he even formed an x with his arms. "Back then we're in the waiting area of the Office of the Student Affairs. I already saw you."
"But I never write on that time," napu-frustrate kong sabi at unti-unti na akong naki-creepy-han sa kanya.
Napahinga siya ng malalim at humalukipkip.
"But you were reading a novel at that time. You are not that type of person who will fail severely so I only thought of one thing."
"A-ano 'yon?" I reluctantly asked.
He leaned again and uttered those words slowly, "Hindi mo talaga gusto ang course mo. Napipilitan ka lang."
And those words hit me like lightning. Because for the first, somebody noticed, somebody saw that I'm suffering in reality.
The weird guy let out a sigh, kulang na lang siguro ay tapikin niya ako sa balikat. I can see pity in his eyes, and honestly, I don't like the feeling.
"There are many cases like that in college. Hindi lahat ng nag-aaral ay masaya dahil nahihirapan sila, nahihirapan silang kumomporme sa tinatawag nilang reality. Society will tell you to do this and to do that, graduate on time, pass the board exams, find a decent job, and earn your salary, wait for promotion, and pay your bills and taxes until you die. That's what they call 'life' eh?" seryoso niyang wika at muling sumandal, he even brushed his messy moss-hair. "But I'm not here to sympathize with your situation, Molly."
"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko," halos pumiyok ang boses ko, any minute I might break down because of his words.
"I am certain that you will join me because this final project we're going to work on will bring the best out of us."
"What do you mean?"
Ngumiti muna siya bago nagsalita, "Wake Up, Dreamers!"
"Huh?"
"That's the title of the film that I've been thinking."
I'm going to admit that at this moment he already piqued my interest. The title... It's... wonderful.
"Tell me, Molly, what do you think of the title? Ano'ng naiisip mo na posibleng laman nito?"
Napaisip ako saglit. "Well... for me... It's like fulfilling your dreams, you have to wake up and stop dreaming, you have to act and get what you want."
He smiled widely as if I got the correct answer.
"Yes. That's right, Molly."
"But how can we do it?"
"Assuming from your statement, it means pumapayag ka na maging parte ng grupo ko."
Okay. He got me there. Huminga ako ng malalim bago tumango.
"Yes. Wala naman akong choice."
"Atta girl!"
Inayos ko 'yung mga gamit ko, wala na akong balak magtagal dito sa library dahil wala na ako sa mood magsulat dahil sa weirdo na 'to, na kagrupo ko na sa Art App.
"So, kailan ang meeting?" tanong ko sa kanya.
"Molly girl, I told you that you will be the first member of my group. So in short, tayong dalawa pa lang ang magkasama. We need three more members."
"Can I... Can I ask Garnet to join us?"
"Sure," mabuti na lang at kaagad siyang pumayag. "Actually kasama talaga siya sa mga magiging member."
"Huh?"
Nilabas niya mula sa pocket ng uniform niya ang isang papel na nakatiklop at ipinakita 'yon sa akin.
"You see, I already made a list of members."
Napakibit balikat na lang ako. Ibig sabihin kung hindi kasama si Garnet ay hindi siya papapayag? Weirdo.
"Well then, weirdo—este Cole, see you next week."
"Hep hep hep," pinigilan na naman niya ako.
"I need to assemble this team today kaya sasamahan mo ako mamaya na kausapin sila."
"What?!"
"Molly, I'm a busy man, ang daming ideas na nagpo-flow sa utak ko, I need to do it now or else makakalimutan ko 'yon. What time tapos ng klase mo mamayang afternoon?"
I let out a big sigh. Ang demanding naman ng weirdo na 'to.
"Three pm."
"Magkita tayo sa puno ng Balete sa tabi ng College of Education, that's a few meters away from your college."
"Fine," labag sa loob kong sagot sa kanya. "Can I go now?"
"Yeah, and last thing, Molly."
"Ano na naman?" hindi pa kami nag-uumpisa sa project pero nauubusan na ako ng pasensiya sa kanya. It looks like working with him will drain a lot of energy from me.
"May natitira pang isang oras bago sumapit ang lunch break. Ang first assignment mo ay kausapin si Garnet para yayain siyang sumali sa grupo natin." Sabi niya habang nakatingin sa relo niya.
Natameme naman ako matapos marinig 'yon.
"K-kausapin si G-garnet?"
*****
I think I should thank that weirdo for including me to his group. First, magkasama kami ni Garnet sa isang groupings activity na suntok sa buwan dahil magkaiba kami ng kurso, it just happened that we both enrolled in a minor subject. Second, inutusan ako ni weirdo na ako mismo ang magyaya kay Garnet.
Ito ang first time kong makatapak sa Architecture department, nasa fourth floor kasi sila at kaming mga engineering ang nag-ooccupy ng first to third floor ng College of Engineering and Architecture o CEA. Hindi maiwasang pagtinginan ako ng mga nakatambay sa corridor, kitang kita kasi ang Civil Engineering lanyard na suot ko at tiyak kong naiisip nila kung anong ginagawa ko rito.
Pakiramdam ko isa akong alien. Pero wala namang bago 'yon, sa bahay pa lang ay alien na ako.
Sa totoo lang wala akong lakas ng loob. Noong una tumanggi ako kay Cole the weirdo. Pero pinilit niya ako. At dahil medyo marupok, napapayag din ako. He actually did the favor.
I don't know his classroom. Pero nakikita ko madalas sa IG story ni Garnet ang room na palagi niyang pinagtatambayan, you see, may mural paintings kasi ang classrooms ng mga Archi. Ang palatandaan kong mural paintings ay ang madalas i-post ni Garnet, ang mural ng Avengers, fanboy kasi siya ng Marvel Comics.
Room 410. Nakita ko pa lang 'yung mural kinabahan na ako. Kita ko rin mula sa labas ang mga kaunting estudyante na nakatambay, wala namang klase. Ito na ang mahirap na part, paano ko makakausap si Garnet?
Nakita ko na siya, nakaupo sa dulo, nagdodrawing sa drafting table habang naka-earphones. Cool as usual.
Biglang bumukas ang pinto na hindi ko ikinahanda. Medyo nagulat din 'yung lalaking estudyante nang tumambad ako sa paningin niya.
"Yes?" napatingin siya sa lanyard ko.
"P-pwede kay Garnet?" shet. Wala nang atrasan. Nasabi ko na.
"Ah, sige. Wait," Lumingon sa classroom ang lalaki. "Garnet! May naghahanap sa'yo!"
Hindi ko alam kung narinig ba siya nito. Ako naman ay napaatras, parang gusto ko nang umalis dahil sa kahihiyan. Naghintay ako ng ilang segundo. Hanggang sa...
"Ano 'yon?" Shet na malutong. Nakarinig ako ng malalim na boses, 'yung boses niya. Siya 'yon! Pakiramdam ko ay may stiff neck ako at dahan-dahan akong humarap sa kanya.
At parang sa pelikula at mga nobela, bumagal ang ikot ng mundo, parang may musikang tumugtog at nagkulay rosas ang paligid nang makita ko ang kanyang mukha. Mapupungay na mga mata, makapal na labi, matangos na ilong, ang kilay niyang halos magsalubong, 'yung buhok niyang kasing itim ng gabi—
"Miss? Hey."
Natigil ang pagpapantasya ko nang kumaway siya sa harap ko. Nakakainis, nakakahiya ako!
"A-ano..." Kumalma ka, Molly. "C-classmate kita sa Art App, 'di ba?"
"Yeah. Why?"
"A-ano kasi... Itatanong ko lang sana... K-kung may kagrupo ka na?"
"Wala pa eh."
"K-kasi kung pwede sana yayain ka namin na sumali sa group namin ni Cole."
"Hmm... Sure."
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang tense. Pumayag siya?! Agad-agad?!
"Just add me on your group chat. See yah."
"Uhm... Wait."
"Yes?"
"H-hindi kasi tayo friends sa Facebook." Molly?! You really said that?!
"Ah, ganon ba? Add na lang kita."
Add na lang kita.
Add na lang kita.
Add na lang kita.
Add na lang kita.
Add na lang kita.
Nag-eecho ang mga salitang 'yon. Is. This. Real?
"S-sige. Search mo na lang, MG Lazuli."
"Sure. I'll add yah later. Bye." He smiled and he waved at me before returning inside.
Gusto kong mahimatay right now.
Mabilis akong umalis sa lugar na 'yon. Bumaba ako papuntang second floor at kaagad kong tsinek ang aking facebook notifications.
John Garnet Sucgang sent you a friend request.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro