Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/2/ Irregular


Every time you
wake up
the feeling 
of emptiness
you can't explain

/2/ Irregular

  [MOLLY'S POV] 


MUGTUNG-mugto 'yung mga mata ko kinaumagahan. This one's for crying all night. Hindi naman na bago 'yon.

Mabuti na lang at sembreak na kaya hindi ko na muna kinakailangang makipagsagupaan sa tren papuntang university. Hindi kasi ako nagdo-dorm dahil una sa lahat hindi ako sanay na may kasamang ibang tao sa isang kwarto. If I'll rent my own room, it's too expensive, hindi naman kami ganoon kayaman para ibili ako ng condo.

"Mag-breakfast ka na, Molly," bungad sa akin ni mama pagpunta ko sa kusina.

"Sila kuya?" tanong ko habang nagsasandok ng sinangag.

"Sabay-sabay silang umalis ng papa mo kanina," sagot ni mama sa akin habang nag-huhugas ng plato.

I didn't speak again. Tahimik lang akong kumakain nang umupo kaharap ko si mama.

"Molly," napatigil ako sa pagkain nang tawagin niya ako. She looks serious. "Naiiintindihan mo naman siguro kung bakit ganoon ang papa mo?"

Hindi ako sumagot at muli lang nagsalita si mama.

"Molly, he just wanted the best for you. Sa tingin lang ng papa mo magkakaroon ka ng secured job kapag naging engineer ka katulad ng ate at kuya mo. Atsaka, I think 'yang pagiging writer magagawa mo kahit na hobby lang."

I get my mother's point. She's saying that I need to have a real job rather than pursuing a dream which they believe is just a fantasy. That's why she thinks that I can still be a writer even if hindi iyon ang kurso ko. I still don't get it.

But hey, they're my parents and the entire world thinks that the parents only want the best for their kids. Who wouldn't? But still, pushing their children to do things that are not suited for them? That's cruel.

"Oh siya, aalis na ako," tumayo si mama at tinanggal ang apron. Naiwan akong mag-isa sa hapag at iniisip pa rin ang future ko.

Minsan naiisip ko na lang na maswerte ako sa isang bagay, alam ko kung ano ang gusto kong maging. Dahil marami sa mundo, minsan hanggang sa tumanda na sila, hindi pa rin nila alam kung anong gusto nilang marating.

*****

TIME flies fast. Akalain mo at second semester na. And here I am, back on the track. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na ayaw ko na, na hindi ko na kaya, heto pa rin ako. Totoo nga 'yung sinasabi nila, fake it 'till you make it.

Hindi ko na-miss ang university kahit na ang buong ambiance ng campus ay hype na hype dahil ngayon ulit nagkita ang magkakaibigan. Most of them are talking about how they spent their sembreak and so on. Habang naglalakad ako sa hallway ay nagkalat sila sa gilid, palakasan sila ng ingay.

I can't help it but to feel somehow envious. Mabuti pa sila ay mayroong tinatawag na mga kaibigan.

Sa college ko natutunan na hindi lahat ng magiging classmate mo ay magiging kaibigan mo, hindi katulad noong high school. Sa college, swertihan kung may mahahanap kang mga kaibigan. Most of my classmates here are just an acquaintance.

Room 103

Nasa Fine Arts College ang klase ko ngayong umaga dahil sa subject na Humanities 2: Art Appreciation. Since irregular ako, kailangan kong mag-advance ng mga subject para madagdagan ang aking units. The perks of being an irregular student? Ang haba ng vacant period mo dahil laktaw-laktaw ang schedule ng mga subjects mo.

Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko ang tahimik na klase, wala pang prof. Kanya kanyang mundo sila. Mukhang lahat kami irreg dito dahil walang magkakakilala. But hey, I forgot to mention the disadvantages of being an irregular student, wala kang kakilala sa mga magiging classmates mo.

But today is an exception. Kaagad ko siyang nakita, si Garnet! Kaklase ko siya? What a coincidence? Is this fate? Tahimik lang siyang nagsa-soundtrip, for sure he's listening to Spotify, madalas ko kasing makita na i-IG story niya ang mga pinakikinggan niya. He loves old music, like I do.

Sayang nga lang at may katabi na siya sa magkabila kaya umupo na lang ako sa harapan, ang palaging bakanteng pwesto, wala akong choice eh.

Ilang sandali pa'y nagring ang bell at pumasok sa loo bang isang lalaki na nasa mid-thirties. Naka-pink polo shirt, naka-tuck in at nakasuot ng makapal na salamin.

"Good morning, class—" naabala siyang mag-salita dahil may pumasok bigla na late. Tumikhim muli ang prof. "Good morning, class! I will be your professor in this subject which is Art Appreciation."

Kumuha ang prof ng chalk at nagsulat sa blackboard ng kanyang pangalan.

"My name is Emman Daez, you can call me Sir Daez. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, class. According sa registrar, irregular lahat ang nag-enrol sa section na 'to, most of you are graduating students. And as you can see, maraming school events tuwing second semester kaya mapapadalas na wala tayong meeting lalo pa't once a week lang ang klase na 'to. Kaya naman ngayon pa lang ibibigay ko na sa inyo 'yung final project niyo na isa-submit niyo before this sem ends."

Medyo na-disappoint ako nang marinig na bihira lang magkakameeting sa subject na 'to. Sa totoo lang sa minor subjects na katulad nito lang ako nakakahinga mula sa mga major subjects. And woah, final project na 'agad? I'm curious.

"Your final project will be... any form of art expression na ang theme ay 'Life'. Wala akong ibibigay na rules, I want you to be creative without limits, go outside the box and feel free to express your thoughts," humalukipkip si Sir Daez. "At medyo marami kayo ano, mahirap mag-check ng isa-isa kaya group yourselves into five."

I heard groans, or it was just from my imagination? Groupings? No way. Paano ako makikipag-group sa mga strangers—isa lang ang kakilala ko and maybe that's a good chance for me to talk to him. Great.

*****

THE University Library is my only sanctuary, my safe haven, and my breathing space. After the brief meeting with our Humanities prof, he dismissed us. Ang susunod kong klase ay one pm pa ng hapon, at nine pa lang ng umaga! Another disadvantage of being an irregular student? The waiting game.

Most of my classmates will surely spend their time in computer shops, malls, and so on. Mabuti na lang sanay akong mapag-isa at walang kausap. Minding my own business is one of the skills I developed in my three years in college.

Narito ako ngayon sa third floor ng library, ang thesis books area, kung saan walang masyadong tao dahil hindi kasi abot ang wifi connection dito. Since hindi ko naman habol ang wifi, this place is perfect for me.

Nilabas ko ang brown journal ko at ang paborito kong fountain pen. There's this story that I've been working lately. Though I'm not sure where the plot will go, every day I'm trying to write an entry to complete it. Balak kong isulat 'to sa loob ng thirty days.

Words are flowing naturally everytime I'm writing, kabaligtaran kapag nagsasalita ako o nagre-recite sa klase. My characters are alive and they're moving in my imagination. I plugged in my earphones to put some background music to inspire me more.

Pero naantala ako nang makita kong may umupo kaharap ko. Sinara ko ang journal at tinanggal ang earphones sa aking tainga. I just stared at the weird guy—I saw him before! The moss haired guy at the OSA office!

"Hey, I'm sorry for bothering you but... I'm your classmate earlier at the Art Appreciation class." Kumunot lang noo ko. Ano bang pinagsasasabi niya? What does he want?

"Ako 'yung late na dumating," hindi pa rin ako kumibo at nakatitig lang ng masama sa kanya. "Okay, I'm sorry again. My name is Chrysocolla Manzano."

What a weird name. Chrys...socolla?

"Cole na lang for short," and then he gave his hand but I stared at it. "Come on, girl, hindi ka naman siguro pipi?" bigla niyang biro at tumawa.

Awkward man pero nakipag-shake hands ako sa kanya.

"What's your name?" he asked.

"Molly Grace Lazuli."

"Really? That's a creepy coincidence."

"Huh?" naramdaman ko na nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean?"

"Lazuli, your surname is a crystal. And mine too, Chrysocolla."

Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi niya. Takang-taka pa rin ako sa weirdo na 'to kaya akma akong tatayo pero pinigilan niya ko.

"Hey, hey, don't go yet," he motioned his hands for me to sit down again.

"Ano bang kailangan mo sa'kin? Leave me alone."

"I'm here to ask you to join my group in our Art App project."

"Art App project? You mean 'yung final project kay Sir Daez?"

"Yup," humalukipkip siya, kanina pa hindi natatanggal sa mukha niya ang ngiti. "You will be the first member of my group. I'm a photographer by the way. That's why I'm planning to submit a film as a final project."

Photographer? Film?

"Molly, do you want to join me?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro