Chloe
"Natnat ano gusto mo paglaki mo?"
"ako? Hmm gusto ko.. magpakasal tayo"
"bakit naman? "
"kasi mahal kita.."
"natnat grade6 pa lang tayu, masyado pa tayong bata para jan"
"Kaya nga paglaki natin eh. Sa ngayon, ang gusto ko lang muna ay makasama ka"
"sabi ni mama lahat daw ng tao nagbabago tsaka diba lilipat na kayo sa london next year?"
"Kaya nga pumayag akong pumunta dun para sa future natin, promise ko sayo na mag aaral akong mabuti tapus magkakaron ako ng magandang trabaho at hahanapin kita then magpapakasal na tayo"
"Promise mo yan ah"
"Promise"
~~~
Grade 7
"Natnat kailangan mo ba talagang umalis?"
"don't worry chloe, naalala mo ba yung promise ko? Pangako tutuparin ko yun. Just wait for me"
~~
Grade 8
It's been a year since nung umalis ka pero gaya ng sinabi mo, I'll wait for you"
~~
Grade 9
Pansin ko na unti unti nang nawawala yung communication natin. Sa tuwing tatawagan kita, palagi kang busy o kaya naman ay pagod. Natatakot ako. Natatakot akong baka bigla kang mawala. Natatakot akong baka makalimutan moko. Pero i promise lalaban ako.
~~
Grade 10
Totoo ngang lahat ng bagay ay nagbabago, kahit ang mga tao. Hindi natin namalayan na unti unti tayong bumibitaw, at ngayon tuluyan nang nawala. Pero kahit ganun, nais ko pa ring panghawakan ang pangako mo na babalik ka at mamahalin moko. Kahit na alam kong ako na lang ang lumalaban, wala akong pake basta para sayo.
~~
Grade 11
Alam mo ba? ang saya ko kanina dahil finally nakita ko rin ang facebook account mo. Pero agad ding nawala yun nung nakita ko yung relationship status mo... Bakit di mo naman sinabing may girlfriend ka na pala? Masyado akong naniwala dun sa promise mo. Nung nakita ko yung picture nyo, sobra akong nasaktan. Ang ganda nung ngiti mo. Halatang masaya kang kasama sya. Pero kahit ansakit, di ko kayang magalit sayo o kahit abg sisihin ka. Sino ba naman ako diba? Siguro sign na toh na tama na. Oras na siguro para kalimutan kita.
~~
Grade 12
Bumalik ka.. Masaya akong bumalik ka na, pero masakit din dahil alam kong sa pagbabalik mo hindi ako ang dahilan. Nabalitaan ko na naaksidente ang daddy mo. Gusto kitang yakapin ngayon dahil alam kong nasasaktan ka ngayon. Naalala ko kung gaano mo ka idol ang papa mo at kung pano ka kasaya kapag sinasabi mong magiging piloto ka rin gaya nya. Pero gustuhin ko mang damayan ka, hindi ko magawa dahil alam kong may isang tao nang handang gawin yun para sayo.
~~
Hindi ko talaga inakala na muli pa kitang makikita. At mas lalong hindi ko inakalang sa pinapasukan kong school ka magtatransfer. Nakita ko kung gano ka kasaya kanina kasama sya. Hindi na rin ako nagtakang agad kayong sumikat sa school dahil bagay na bagay talaga kayo. Sya maganda, matalino, mabait at mahal mo. Walang wala ako sakanya. Masaya din akong makita ka ulit na nakangiti matapos ng nangyari. Hindi na rin nakapagtatakang masaya ka dahil halata namang mahal na mahal ka nya at ginagawa nya ang lahat mapasaya ka lang. Classmates din tayo pero siguro hindi mo na ako kilala dahil hindi mo man lang ako tiningnan ni isang beses. Masakit man pero as long as nakikita kitang masaya ayos na ako.
~~
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalo lang masasaktan. Nagkaron ng program sa school natin. Pilit kong iniwasan ka pero mukhang ayaw makiayon sakin ng tadhana. Dahil wala ang girlfriend mo na si mina, kinailangang humanap ng bagong makakapartner mo para sa Mr. And Ms Campus sweetheart. At sa kamalas malasan ako ang napili dahil sa talent portion.Alam kasi ng lahat ng classmates natin na kasali ako sa choir. Habang kumakanta tayo, hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata mo lalo pa at ang kanta ay 'everything has changed' ni taylor swift at ed sheeran. Simula ng araw na yun lagi na tayong inaasar ng mga classmate natin kaya mas lalo akong umiwas sayo. Mahal kita, pero alam kong iba ang mahal mo. Kaya kahit pagsulyap lang sayo ang tanging magagawa ko, kakayanin ko dahil mahal kita ar tanging kasiyahan mo lang ang hangad ko.
~~
Naging maayos ang mga sumunod na araw. Pinilit kong kumilos ng normal kahit mahirap dahil nandiyan ka. Akala ko magagawa kong umiwas sayo hanggang matapos ang school year pero mali ako. Nagkaron tayo ng thesis by partner at nagulat na lang ako nang lumapit ka sakin saying na ako ang nabunot mo. Hindi ko alam ang sasabihin nang sandaling yun kaya natulala lang ako sayo at natauhan lang nang umalis ka at hinabol mo si mina na noon ay palabas ng classroom. Maraming schoolmates natin ang nagtataka sainyong dalawa dahil mukang nagkakalabuan kayo. Gusto ko sanang matuwa pero hindi ko magawa lalo pa at halatang pareha kayong nasasaktan. Matapos ang dalawang araw, kinausap kita para sabihing ako na ang bahal sa lahat pero di ka pumayag kaya naman hinati na lang natin. Dumating ang araw ng defense at naging maayos naman ang lahat. Matapos nun ay bumalik na ulit sa normal ang lahat. One and a half month na lang bago ang graduation natin at inanounce na 2weeks before nun ay may gaganaping masquerade ball. Excited ang lahat pero ang nasa isip ko lang ng oras na yun ay ang kagustuhan kong makasayaw ka kahit sa gabing yun lang at masabi ang lahat ng gusto kong sabihin kaso alam kong imposible. Hanggang isang araw, naging usap usapan ang break up nyo ni Mina. Imbes na matuwa ako, mas nangibabaw sakin ang pag aalala. At sa pangalawang pagkakataon, nais kong yakapin ka at hayaang umiyak sa mga balikat ko habang sinasabi sayo ang mga katagang 'magiging ayos din ang lahat at lagi lang akong nasa tabi mo'. Pero muli, hindi ko magawa dahil wala ako sa posisyon.Gayunpaman, sa kagustuhan kong mapangiti ka, araw araw ay palihim akong nag iiwan ng mga motivational quotes sa locker mo o kaya naman ay mga jokes na alam kong corny.Hindi naman ako nabigong pangitiin ka. Three days bago ang prom ay may nag iwan ng isang letter sa locker ko saying na magkita kami sa garden ng school. Bigla akong kinabahan sa di malamang dahilan pero kahit ganun ay pumunta pa rin ako. And there.. I saw you holding a bouqet of white roses. I smiled bitterly for thinking na naalala mo na ako. Dahil kung talagang naalala moko, you won't give me flowers dahil alam mong allergic ako dito. But i don't mind it, all i know that moment is kasama kita and that's what matters. Tinanong kita kung bakit moko pinapunta at sinabi mong ako ang gusto mong maka partner sa prom. My mind suddenly went blank that time and all i could was to nod at you. Kita ko kung pano unti unti lumawak ang ngiti sa labi mo. And for me, your smile is the most wonderful thing I've ever seen.
~~
Dumating ang gabi ng prom and i can't think of anything that time except having a slow dance with you while staring at your smile. Nauna akong dumating sayo kaya naman inintay muna kita sa may entrance. I've waited patiently. Halos lahat ng students ay nasa loob na but I kept on waiting hoping na padating ka na. Hours had passed at nag iintay pa rin ako unti one of our classmates saw me. She asked me kung anong ginagawa ko sa labas and i told her, i was waiting for you. She gave me a pity look and said 'He's already inside chloe, infact he's dancing with mina right now'. Hindi ako nakapag salita ng mga oras na yun. Pakiramdam ko masisiraan ako ng ulo. And with that, tumakbo ako palabas ng venue not minding the heavy rain falling that moment. Hindi ko alam kung san ako pupunta ng mga oras na yun hanggang di ko namalayan na nakarating ako sa park kung san mo sinabi sakin lahat plano mo for us and your promises. There, naupo ako not minding kung maputikan ang gown ko. I cried with all my heart habang inaalala lahat ng memories natin at kung pano unti unti yung nawala. Kung pano paulit ulit kong pinilit na kalimutan ka pero hindi ko magawa kahit ang sakit sakit na. Bigla akong may narinig mula sa pouch ko and there, nakita kong tumatawag ka. Sinagot ko ang tawag mo at tinanong mo kung nasan ako. Sinabi kong ayos lang ako at wag mo nang hanapin pa but to my surprise, i saw you on the other side of the road holding an umbrella na niregalo ko sayo before you left. I couldn't help but to cry even more seeing you holding that umbrella habang nakangiti sakin at kumakaway just like before. Sa sobrang kagustuhan kong yakapin ka ay tumakbo ako papunta sayo nang hindi alintan ang mga sasakyang dumadaan. But all of a sudden tanging mga hikbi mo na lang ang naririnig ko saying how sorry you are over and over habang mahigpit mo akong yakap yakap sa mga bisig mo. Unti unti ay naramdaman ko ang sakit na dulot ng pagkakabunggo saakin. Inabot ko ang mga pisngi mo at pilit na pinunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata mo. Seeing you cry is the least thing i want to see. I promised myself na gagawin ko ang lahat mapangiti ka lang pero ngaun ako ang dahilan ng pag iyak mo. I'm sorry my love. Marami pa sana akong nais na sabihin sayo pero habang tumatagal ay mas nararamdaman ko ang sakit ng katawan ko at ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. So with all my strength I smiled at you and tell you the words i badly want to say for a very long time. "I love you so much, my love..." Then everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro