Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Seonaid's POV

Itinutok ko pa rin ang kutsilyong hawak ko sa kanila at wala akong pakialam sa sinasabi ni kuya.

"Anak, makinig ka sa akin. Magiging maayos naman ang lahat kung sasama ka sa amin," pakiusap ni daddy.

"Seon, huwag mo nang pahirapan sina mommy at da---" sabi ni kuya.

"Wala akong pakialam sa inyong lahat! Hindi ako sasama sa inyo dahil masaya na ako kay Horace. Masaya na kaming dalawa! Kayo ang umalis!" galit kong sabi.

Nanginginig na ang kamay ko senyales na nag-uumpisa na akong magalit.

"Seonaid, ano ba?!" sigaw ni kuya pakatapos nitong guluhin ang sariling buhok na para bang naiinis na nang sobra.

"Tumahimik ka!!" sigaw ko sabay pandidilat ko ng aking mga mata.

Nagulat silang lahat sa pagsigaw ko. Humagulhol naman si mommy. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya kung umiyak. Napaka-OA.

"Mga bingi ba kayo? Ang sabi ko ayokong sumama sa inyo. Hindi ko iiwan ang asawa ko!"

"Hindi naman natin iiwan si Horace anak. Puwede mo naman siyang isama," mabilis na turan ni mommy.

"Talaga mommy?" masaya kong sabi ngunit ganoon na lang ang pagkawala ng matamis kong ngiti nang magsalita si kuya Shannon.

"Mom! Ano ba? Hayan na naman kayo! Napag-usapan na natin ito. Kaya nga hindi siya gumagaling kasi kung anu-ano pa ang sinasabi mo!"

"Pero Shannon kapatid mo nam---"

"Tumigil ka na Lora! Akala ko ba gusto mong bumalik sa dati si Seonaid?" pagpuputol ni daddy sa sasabihin ni mommy.

"Huwag nga kayong mag-iingay! Maririnig kayo ng asawa ko!"

Ayaw pa naman ni Horace ko na nadidistorbo sa kanyang pagtulog.

"Horace ka ng Horace! Seonaid, tumigil ka na!" sigaw ni kuya.

Nagulat ako. Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Si Horace ko nga hindi ako sinisigawan, siya na kuya ko lang akala mo kung sino.

"Kayo ang tumigil. Baka nakakalimutan niyo na nasa pamamahay ko kayo! At ikaw kuya Shannon, akala mo kung sino ka! Wala ka naman binatbat sa asawa ko!" baling ko sa kanya.

"Huwag mong hintayin na ako mismo ang magsasampal sa 'yo ng katotohanan, Seonaid!"

"Bakit kuya? Totoo naman ang sinasabi ko! Mas magaling maglaro ng basketball ang asawa ko, na mas matalino siya kaysa sa 'yo at mas magaling siya sa trabaho niya kaysa sa 'yo!" pag-iiba ko.

"Utang na loob Seon! Gumising ka na! Nandito kami. Hindi ka namin iiwan!"

"Hindi niyo ako iiwan kuya? Bakit kailangan ko ba kayo?"

"Hindi ka namin iiwan dahil mahal ka namin. Mahal kita bilang kapatid ko! At oo, kailangan na kailangan mo kami!"

"Puwes, hindi ko kailangan ang pagmamahal niyo kaya puwede na kayong umalis! Ang sabihin niyo, gusto niyo kaming paghiwalayin ng asawa ko!"

Tama. Ayaw lang nila ako maging masaya kaya pinapalayo nila ako sa asawa ko. Mga maramot! Iniisip lang nila ang kanilang mga sarili.

"Saan ka pupunta?!" takang tanong ko kay kuya. Naglakad kasi ito papuntang hagdan ni hindi man lang ito natakot sa hawak kong kutsilyo.

Bago man ito humakbang sa unang baitang ng hagdan, tumingin muna ito sa akin bago magsalita, "Pupuntahan ko lang naman ang sinasabi mong asawa!" sabi nito at agad naman itong umakyat papunta sa aming kwarto.

"Hindi!" hindi siya puwedeng pumasok sa kwarto baka madistorbo ang pagtulog ng asawa ko.

Hinabol ko si kuya ngunit mabilis itong nakaakyat at nakapasok sa aming kwarto.

Nakapasok na si kuya Shannon. Hindi! Baka saktan niya si Horace ko. Hindi ako papayag. Papatayin ko talaga si kuya pati sina mommy at daddy kapag may ginawa sila. Papatayin ko silang lahat para wala nang makahadlang sa pagmamahalan namin ni Horace.

"Umalis ka!" sabi ko nang makapasok sa kwarto.

Tsinek ko kung ligtas ba ang aking asawa ngunit wala si Horace sa aming kama. Walang Horace sa buong kwarto. Napalingon ako kay kuya Shannon na nakatalikod mula sa akin.

Matagal itong nakatayo bago humarap sa akin. Tiningnan niya ako nang diretso sa aking mga mata. Patay na emosyon ang namumuo sa mga mata nito.

"Siya ba ang hinahanap mo, Seon?" tukoy nito sa isang bagay na hawak nito.

Nakasuot ito ng isang asul na t-shirt, maong na short at isang itim na wristband na may nakaukit na pangalan ko katulad ng suot kanina ng asawa ko.

Ang pinagtataka ko kung bakit mayroon ganoon sa loob ng aming kwarto.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro