Chapter 57
Horace's POV
"Mahal, halika ka na kakain na tayo," alok sa akin ni Seonaid. Pumasok ito sa private office ko sa aming bahay.
Ngumiti ako at lumapit ako sa kanya. "Sige mahal ko," sagot ko.
Hinawakan ko ang kamay nito. "Hinahanap ka na ng mga anak mo," sabi ni Seonaid habang nakangiti sa akin.
Napangiti ako sa sinabi nito. Lumipas ang limang taon matapos ang nangyaring pag-tutuos namin ni auntie ay naging payapa at masaya ang buhay mag-asawa namin ni Seonaid. Biniyayaan kami ni Seonaid ng malulusog na kambal — isang lalaki at isang babae.
Naalala ko ang huling gabing nakausap ko si auntie Wilma.
"Kumusta auntie?" nakangiti kong sabi.
"Hindi!" sigaw nito.
"Bakit auntie Wilma? Hindi mo ba na-miss ang pamangkin mo?" tukoy ko sa sarili.
"Manloloko!!" sigaw nito.
"Bakit auntie sino ba sa atin ang unang nagsinungaling? Sino ba ang unang nangloko at pinaniwala ang lahat sa isang kasinungalingan?" mabilis kong sabi.
"Hindi totoo 'yan. Hindi ako 'yan!"
"Ikaw 'yon auntie Wilma. Ikaw!"
Hinila ko nang marahan si Seonaid sa likod ko, kailangan kong protektahan at masiguro ang kaligtasan nito.
"Hindi!" sigaw nito habang ginugulo ang sariling buhok.
"Ikaw ang pumatay kina lolo at lola, maging sa mga magulang ko!" sumbat ko dito.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nawala sila sa akin!" mabilis kong dagdag.
Tumigil ito at biglang tumawa. "Alam mo ba Horace na ang papa mo ang pinakana-enjoy kong patayin? Nakita ko kung paano ito inaatake sa puso dahil binunyag ko sa kanya na ako ang lumason sa asawa niya," tumawa ulit ito. "Kitang-kita ko kung paano hindi niya inaasahan ang sinabi ko!" at tumawa na naman ulit ito.
Kinuyom ko ang kamay ko, humihinga nang malalim at pinipilit kontrolin ang galit na naghahari sa aking puso. Hinding-hindi ko mapapatawad si auntie Wilma. Ubos na ang natitirang respeto ko sa kanya. Agad ko naman naramdaman ang kamay ni Seonaid at narinig ang sinabi nito.
"Mahal, okay ka lang ba?" pag-aalala nito sa akin.
"At ano Horace, sa tingin mo matatakot mo ako dahil sa ginawa niyo ni Seonaid?" tumawa ito habang dilat na dilat ang mga mata.
"Hindi!" dagdag nito.
"Talaga auntie? Paano kung sabihin ko na sa mga oras na ito ay ni-ri-raid na ang pasugalan mo?" matapang kong sambulat.
Nagulat ito sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin? Bakit alam mo ang pasugalan ko?"
"Loading auntie?" sarkastik kong tanong. "Matagal ko ng alam auntie ang lahat ng ilegal mong negosyo," dagdag ko.
"Hindi!" sigaw nito. "Ikaw!" sabay tingin nito sa akin ng matalim. Halatang nag-uumpisa nang manggigil sa akin.
"Sigurado akong pati ang factory ng lason mo auntie ay na-raid na rin, at paniguradong alam na ng mga tagahanga mo kung anong klase kang tao!" sabi ko habang ngumingiti, inaasar ito.
"Walang hiya ka!" sigaw nito habang nanggigigil ito sa hawak nitong kutsilyo.
"Fernan! Luis!" hanap nito sa kanyang mga alalay.
"Mga alipin!" sigaw ulit nito.
Natuwa ako nang nagtaka ito kung bakit walang lumalapit sa kanya, walang pumapasok sa loob ng bodega kahit sumisigaw na siya. Ngumiti ako dahil sigurado akong dinakip na ito ng mga pulis.
Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa si Fernan.
"Fernan! Bakit ang bibingi niyo? Kanina pa akong sumisigaw?" sabi nito kay Fernan habang nakatingin naman ito sa kanya. "Dapkin silang dalawa!" utos nito habang nakatingin na ito sa amin.
Nangunot ang noo nito. "Ano ba? Ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan?" baling nito kay Fernan.
Lumapit naman si Fernan sa amin at tumingin sa akin. "Boss," sabi nito.
"Anong!" gulat na gulat ito. "Anong ibig sabihin nito Fernan?"
Ngumiti ako kay auntie. "Isa siya sa mga informant ko auntie Wilma. Siya lang naman ang nagsasabi sa akin ng lahat ng pinaplano mo laban sa amin," sabi ko.
"Walang hiya kayo!" sigaw nito.
Bigla kaming nagtago sa isang malaking lalagyan o container ng mga tubig dahil sa narinig namin putukan ng mga baril. Mukhang nagkakagulo sa labas ng bodega.
"Ah!" tili ni auntie.
"Fernan, ilayo mo muna rito si Seonaid," utos ko.
"Ano? Hindi. Ayoko. Hindi kita iiwan Horace!" sabat ni Seonaid.
"Fernan!" sabi ko.
Hinawakan naman nito si Seonaid at pinipilit na hilahin.
Agad akong lumingon kay Seonaid. "Mahal, pakiusap. Mas mapapanatag ako kung ligtas ka. Sige na sumama ka na mahal ko," sabi ko sa kanya.
Nakita ko itong umiiyak. "Paano naman ako mahal? Paano ako mapapanatag kung nandito ka?" sabi nito.
Napabuntong-hininga ako. "Mahal, huwag kang mag-alala, makakaalis ako ng ligtas," sinapo ko ng aking kamay ang kanyang pisngi. "Wait for me, mahal. Babalik ako, okay?" dagdag ko.
Wala na itong nagawa kaya kusa na itong sumama kay Fernan habang nakatingin sa akin ng may pag-aalala. Pinili kong bawiin ang aking paningin mula sa kanya, mas mabuting unahin ko muna si auntie para matapos na ito. Wala na rin akong naririnig na mga putukan sa labas.
"Horace!" tawag sa akin ni auntie Wilma.
"Auntie Wilma," sabi ko habang nakatago pa rin.
"Lumabas kang walang hiya ka!" sigaw nito.
Ilang segundo ang pinalipas ko bago ako lumabas at bumungad sa akin si auntie Wilma na may dalang kutsilyo at galit na galit.
"Duwag ka ba? Bakit ka ba nagtatago?" sabi nito.
Tinitigan ko ito ng seryoso. "Auntie, sumuko ka na!" sabi ko sa kanya habang ni-re-ready ko ang sarili na kunin ang baril na nasa likod ko.
"Hindi. Hindi ako susuko!"
Bigla naman lumitaw si Markus. Tumingin ito kay auntie Wilma.
"Markus!" tawag nito kay Markus nang makita ito. "Markus, tulungan mo ako! Niloko nila ako," sumbong nito. "Bakit may dala kang video cam, Markus?" dagdag nito nang napansin na hindi kumikibo si Markus bagkus nakatingin lang ito sa kanya.
Agad kong kinuha ang baril at itinutok ko kay auntie Wilma. "Sumuko ka na auntie," sabi ko.
"Markus, ano ba!" sigaw nito. Hindi nito pinansin ang sinabi ko.
"Sir, ibibigay ko na ito sa mga police," baling nito sa akin. Tinutukoy nito ang dalang video cam, at nilagay niya ito sa maliit na bag na nakasabit sa kanya.
"Sir?" mahinang sabi ni auntie. Nakikita ko na rin itong umiiyak.
"Ano 'to Markus?" wika muli nito habang nakatitig ng seryoso kay Markus.
"PS/Insp. (Plt.) Raikko Sevilla," pakilala ni Markus sa sarili.
"Ano?" tanong ni auntie. Halatang naguguluhan ito base sa hilatsa ng mukha nito.
"Isa siya sa informant ko auntie," sabat ko.
Lumingon ito sa akin. Maaawa na sana ako sa kanya dahil sa itsura nito pero naalala ko ang ginawa nitong kasalanan kaya niwaglit ko ang awang nararamdaman ko.
Hindi lang si Fernan ang informant ko, isa rin si PS/Insp. (Plt.) Raikko Sevilla na ni-recommend ni inspektor Nathan. Siya ang humikayat kay auntie na gawin ang pagkidnap kay Seonaid para mas madali namin magawa ang huling plano — ang paaminin si auntie.
Si Raikko Sevilla a.k.a. Markus "Manoy" Luiz ang mag-vi-video ng confession ni auntie Wilma kaya meron itong dalang video cam. Walang kamalay-malay si auntie Wilma habang nagsasalita ito kanina na bi-ni-video-han na pala siya ni Markus.
"Sumuko ka na Miss Dela vega," pag-iiba ni Raikko habang kinuha nito ang posas sa bulsa ng pantalon nito.
"Bakit lahat na lang ng minamahal ko sinasaktan ako? Wala na ba talagang magmamahal sa akin ng totoo?" lahad ni auntie Wilma sa mahinang tono. Umiiyak na ito.
Binaba ko nang dahan-dahan ang baril ko.
"Akin na ang kutsilyo, Miss Dela vega," sabi ni PS/Insp. (Plt.) Sevilla habang dahan-dahan lumalapit kay auntie.
"Akala ko ba mahal mo ako Markus?" humihikbing tanong nito.
Dahan-dahan naman akong lumalapit sa kanya. Kailangan kong makuha ang kutsilyo.
"Ginawa ko lang ang trabaho ko Miss Dela vega. Mabuti pa sumuko ka na lang," sagot nito kay auntie. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha nito.
Nakita ko ang pagngiti ni auntie nang mapakla. "Sumuko? Ano ako talunan?" habang tumatawa nang mapait.
Tumigil ito habang umiiyak at tiningnan niya kaming dalawa ni PS/Insp. (Plt.) Sevilla.
"Gusto ko lang naman na mahalin at tanggapin ako ng mga taong mahal ko. Mahirap ba akong mahalin?" tumigil ito ng ilang sandali. "Akala ko kapag binigay ko ang lahat, mamahalin at tatanggapin na ako nina mama, ni papa, at ni kuya Anthony. Akala ko tatanggapin nila ako kung sino ako pero bakit ganoon? Bakit hindi ko makuha-kuha ang hinahangad kong pagmamahal at pagtanggap?" lahad nito.
"Auntie," sabi ko.
Nakita ko ang pagngiti nito sa akin. Isang ngiti na puno ng sakit. Bago man kami makalapit sa kanya, agad niyang nilaslas ang sariling pulso ng kutsilyong hawak nito.
"Daddy, look what I've drawn yesterday," pakita ng anak kong babae sa ginawa nitong drawing. Nakangiti rin ito sa akin.
"Bakit ang pangit?" sabat naman ng kakambal nito habang pinagtatawanan ang drawing ng kakambal niya.
Kararating ko pa lang galing China kagabi. Halos apat na araw akong nasa China dahil sa isang business trip, hindi ko na kasi pinagpatuloy ang pagbubumbero dahil sa hiling ng asawa ko, natatakot na ito sa kaligtasan ko lalo na't may mga anak na kami. Kaya nagdesisyon na lang kaming magtayo ng sariling negosyo — ang paggawa at pagbebenta ng bagoong with a twist.
Nakita ko naman ang panginginig ng labi ng anak kong babae tanda na iiyak na ito.
Lumapit at yumakap ito sa akin. "Daddy, kuya is bad!" sumbong nito habang naririnig ko ang mahina nitong iyak.
Agad ko naman kinarga ang anak ko. "Shh, tahan na! Nagbibiro lang si kuya," sabi ko sa kanya habang hinihimas ang likod nito.
Medyo bumibigat na ito dahil sa mga vitamins at pagkain na pinapakain ni Seonaid, hands on kasi ang asawa ko sa pag-aalaga sa kambal kaya malulusog ang mga ito.
"Ash Damien!" tawag ng asawa ko sa panganay namin na anak.
Pinagsabihan namin ito na huwag siyang magsasalita ng ganoon sa kapatid niya. Sa amin ni Seonaid siya ang palaging nagdidisiplina sa mga bata, ako naman ay sinusuportahan ko lang ito.
"Sorry po mommy, daddy," sabi ni Ash. Niyakap at hinalikan naman nito sa noo ang kakambal niya bilang paghingi ng pasensya rito. Agad naman namin nakita ang pagsilay ng ngiti ni Ara sa ginawa ng kuya niya.
Natapos na rin ang aming almusal. Sakto naman dumating sina mommy Lora at daddy Daniel. Sila muna kasi ang magbabantay sa kambal dahil may kailangan kaming puntahan ni Seonaid.
"Heto mga apo oh, meron kaming binili ni lolo dad," sabi ni mommy Lora. Pinakita nito ang mga dala nilang iba't ibang laruan.
Nakita ko naman ang kasiyahan sa mga mata ng mga anak ko. Tumabi naman si daddy Daniel kay mommy Lora habang tinutulungan ito sa pagbigay ng mga laruan sa kambal.
"Mom, dad? Ano ba 'yan? 'Di ba napag-usapan na natin 'to," sabat ng asawa ko. Kabababa lang nito sa kwarto namin dahil nagpalit ito ng damit. Ayaw kasi ni Seonaid na na-i-spoil ang mga bata.
Napatingin ako sa cleavage nito na kitang-kita sa suot nitong off shoulder fitted long sleeves at hapit na hapit ang maong pants nito sa mabibilog niyang binti.
Hindi naman siya pinapansin nina mommy Lora at daddy Daniel samantala ang kambal naman ay tuwang-tuwa sa mga new toys nila. Patuloy pa rin si Seonaid sa kakatawag sa kanila kaya napatawa ako sa reaksyon niya na parang batang nagpa-pout dahil hindi ito pinapansin.
Bigla ko naman inayos ang pagkakatayo ko ng diretso nang tumingin ng matalim ang asawa ko sa akin kaya kunwari tumatawa ako sa kambal kahit wala naman nakakatawa, kahit wala naman ginagawa ang kambal na inosenteng nakatingin lang ngayon sa akin.
"May nakakatawa ba mahal?"
"Huh? Wala. Trip ko lang talaga tumawa kahit wala naman nakakatawa," mabilis kong sagot.
"Mabuti pa umalis na kayo para makabalik kayo nang maaga," singit ni mommy Lora. "May date kasi kami ng daddy niyo ngayon," patuloy nito sabay kindat kay daddy Daniel. Namula naman si daddy Daniel sa pagkindat sa kanya ni mommy Lora.
Napatingin kami ni Seonaid sa isa't isa at napatawa ng lihim sa kilos nilang dalawa.
"Sige po mommy, daddy. Babalik naman po kami kaagad," paalam ko sa kanila. Ganoon din ang sinabi ni Seonaid. Hinalikan at niyakap muna namin ang kambal bago umalis.
"Sige mga anak, ingat kayo," sabi ni daddy.
"Ingat kayo ah," sabay na sabi nina yaya Yina at manang Esther.
Tinuruan muna nila ang mga bagong kasambahay sa mga dapat gawin kanina, siguro ngayon lang sila natapos. Malaki-laki na kasi ang bahay na nilipatan namin ng pamilya ko kaya nagdesisyon kami ng asawa ko na kumuha ng dalawa pang kasambahay.
Pinaandar ko na ang sasakyan namin paalis ng bahay para bisitahin ang isang taong gusto naming makita at makausap muli.
Itutuloy...
A/N: Malapit na tayo! Malapit ka na niyang iwan! Char!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro