Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

Horace's POV

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto tanda na may pumasok. Nakatalikod ako habang nakaupo sa gilid ng kama ko at nakaharap sa isang malapad na glass window na nasa loob ng kwarto.

"Capt., may bisita ka," sabi sa akin ni Julius. Tinutukoy nito ang taong pumasok.

Hindi ako kumibo. Nakakainis pang pakinggan ang budots na umiere sa TV. Ang sarap talagang sapakin ni Julius, nakakasira ng mood.

Marahil naramdaman ni Julius na ayaw ko sa pinatutugtog nito, kaya in-off niya ang TV. Mamaya itatago ko ang remote para hindi na siya makanood, ang ingay-ingay kasi ng mga pinapanood nito.

"Capt.?" pagtawag muli nito sa akin.

Hindi muna ako kumibo para kabahan naman si Shannon. Alam kong siya ang unang nakaalam at narito ngayon dahil na rin sa tinxt ni Miguel sa akin kanina. Sinundan daw nila ito hanggang sa pagpunta nito sa ospital.

"Huwag kang mag-alala. Kakagising lang kasi niya kaya medyo snob," sabi ni Julius.

Ilang minuto bago ako lumingon at makita ang gulat na reaksyon ng bayaw ko. Tsk. Napangiti ako ng lihim.

"Horace," sambit nito sa pangalan ko.

"May amnesia siya. Hindi niya nga maalala pati pangalan niya," sabat ni Julius habang ngumunguya na ito ng pagkain. Pambihira! Kakakain pa lang nito kanina.

Tinitigan ko naman si Shannon. Kailangan magmukhang hindi ko siya kilala. Kailangan maniwala siya na meron nga akong amnesia.

"Sino ka? Kilala rin ba kita?" sabi ko.

"Ako si Shannon Lagores."

"Oh tapos?" nababagot kong sagot.

Nakita ko itong napabuntong-hininga dahil sa sagot ko.

At dahil kina-career ko ang pagkakaroon ng amnesia, tinalikuran ko ito na para bang wala akong pakialam sa kanya.

"Pasensya na Shannon, mamaya mo na siya kausapin," sabat ni Julius.

Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto tanda na umalis ito.

Ilang minuto bago bumulong sa akin si Julius na ikinagulat ko. "Sa tingin ko, naniwala siya sa akin!" bulong nito habang humagikhik.

Siniko ko naman ito. Dinikit pa naman niya ang sariling bibig sa tenga ko. "Ano ba! Umayos ka nga!" sita ko kay Julius.

Agad naman itong lumayo at tinataas ang mga kamay sa ere na para bang sumusuko.

***

Ilang oras ang lumipas nang dumating naman si Seonaid.

Tumitig ito sa akin habang lumuluha. Dahan-dahan itong lumalapit sa akin. Kitang-kita ko ang pangungulila sa mga mata nito at saya ng makita akong muli.

Magaling! Parang totoong-totoo ang pag-aarte ng asawa ko kaya kailangan galingan ko rin.

Let's the show begin!

"Mahal," sabay hawak nito sa aking braso.

Seryoso ko siyang tinitingnan. Inaalisa ko ang buong mukha nito kung kilala o naaalala ko ba siya.

"Mahal, ako 'to. Si Seonaid. Asawa mo ako," dagdag nito habang pinapakita nito ang singsing sa kanyang palasingsingan.

"Capt., hindi mo ba talaga siya naaalala?" singit ni Julius.

"Pasensya na hindi kita maalala," sabi ko kay Seonaid.

Nakita ko ang sakit sa kanyang mukha sa sinabi ko.

"Seonaid," pagtawag ni Shannon kay Seonaid tila tsinitsek nito kung okay lang ba ang kapatid.

"Okay lang ako kuya Shannon," sabi nito kay Shannon habang nakatingin sa akin, pinipilit nitong huwag umiyak.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Shannon bago ito nagsalita. "Maiwan ko muna kayo Seonaid," tumigil muna ito ng ilang saglit. "At Horace. Kakausapin ko muna ang mga coast guard," paalam nito.

Pinatong naman ni Seonaid ang isang plastik na may laman na mga tupperware sa katabing mesa.

"Mahal, heto oh. Masarap 'to," alok nito sa akin. Nakaupo ito sa isang dilaw na single chair na katabi ng kama ko habang binubuksan ang isang tupperware.

Tiningnan ko ang kutsarang may laman na fruit salad.

"Mahal ko, tikman mo ito," ulit nito.

"Capt., tikman mo na. Masarap iyan, gawa pa naman 'yan ng asawa mo," sabat ni Julius bago pumasok ng CR.

Nakatitig pa rin ako kay Seonaid.

"Bakit mahal? Ayaw mo ba? Hindi ka ba gutom?" sunod-sunod nitong tanong.

"Mahal?" tawag nito sa akin. Pinatong muli nito ang tupperware ng fruit salad sa katabing lamesa.

Muli naman kaming nagtitigan.

"Mahal, huwag kang mag-alala. Nandito ako. Aalagaan kita, at gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang," lahad nito.

"Hindi mo naman kailangan pilitin na makaalala pero pinapangako ko na tutulungan kita na maalala mo ang lahat," mabilis nitong dagdag. Nakita ko ang pagpatak ng luha nito.

Gusto kong punasan ang mga pisngi nitong nababasa na ng kanyang luha subalit nang makita niya ang kamay ko ay binaba ko kaagad ito.

Tiningnan ko na lang ang fruit salad na pinatong niya sa mesa.

"Nagugutom ako," sabi ko kahit hindi ko siya tinitingnan.

Agad naman nito kinuha ang fruit salad.

"Subuan mo ako," mabilis kong sabi.

"Oh, nagbanyo lang ako, sweet na agad. Tsk tsk baka langgamin ako 'yan," si Julius, kalalabas lang kasi nito sa CR.

Nakita ko ang pagngiti ni Seonaid. Mamaya sasapakin ko si Julius, ako lang dapat ang dahilan kung bakit ngumingiti o masaya si Seonaid. Ako lang dapat, wala ng iba.

"May pasubo-subo pa, hindi naman pilay," parinig nito sa akin habang may hinahanap.

"Nasaan na ba ang remote?" dagdag ni Julius, patuloy pa rin ito sa paghahanap ng remote ng TV. Tingnan lang natin kung mahahanap mo!

Agad ko naman tinago ang remote control sa may gilid ko at sinensyahan ko si Seonaid na tumahimik nang makita ako na tinatago ko ang remote.

Humingi ako ng tubig kay Seonaid.

"Sana all, may lovelife. Buti pa ang isa diyan, sinubuan na, alagang-alaga pa," parinig nito muli. Mamaya sasapakin talaga kita.

Tinitigan ko si Seonaid ng seryoso.

"May dumi ba sa mukha ko, mahal ko?" pagtataka nito.

"Masama ba?"

"Hindi naman pero---"

"Tuwing tinatawag mo ako ng 'mahal', hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumibilis ang puso ko," putol ko sa sasabihin nito.

Nakita ko naman ang pagpula ng mga pisngi ni Seonaid dahil sa sinabi ko.

"Sus? 'wag ako Horace! Bumabanat ka na naman," sabat ni Julius. Patuloy pa rin ito sa paghahanap ng remote na kasalukuyan nakatago sa gilid ko.

Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok lang naman ang taong inaasahan kong dadating.

"Horace!!" sigaw nito. Agad itong lumapit at hinawakan ako kung kaya't napatayo na wala sa oras si Seonaid.

"Horace, okay ka lang ba?!" tanong nito sa akin habang umiiyak na wala naman luha sa mga mata nito.

"Ang saya-saya ko ngayon kasi buhay ka, Horace. Walang araw na hindi ako nagdadasal tungkol sa 'yo. Araw-araw akong nagluluksa sa pagkawala mo."

Talaga auntie?

Pinatuloy ko pa rin ang pag-aarte ko. Tinitigan ko ito na para bang hindi ko siya kilala.

Inalis naman ni Seonaid ang kamay ni auntie na humahaplos sa akin. "Umalis na kayo tita Wilma," matapang nitong sabi kay auntie.

Kitang-kita ko kung paano nag-uumpisang magalit si auntie sa sinabi ni Seonaid ko.

"Bakit? Wala na ba akong karapatan na bisitahin ang pamangkin ko, Seonaid?"

"Umalis na kayo. Hindi naman namin kailangan ang tulong mo. Kayang-kaya kong alagaan ang asawa ko," sagot ni Seonaid.

Minsan nakakasawa nang tingnan si auntie sa kadramahan nito.

"Bakit mo ba ginagawa ito Seon, kahit kailan naging mabuti ako sa 'yo. Mula nang mawala si Horace, binabastos mo na ako," madamdamin nitong lahad. Binigyan naman ito agad ng tissue ng kanyang alalay.

"Umalis na kayo---"

"Tumigil ka na. Bakit mo ba siya pinapaalis?!" putol ko sa sasabihin ni Seonaid. Sinadya kong magalit para matuwa si auntie Wilma, iisipin niya na totoo nga na hindi ko maalala si Seonaid dahil alam niya na hindi ko ugaling sigawan si Seonaid noon.

"Hindi porket ikaw ang asawa ko, hindi ibig sabihin ay puwede mo nang paalisin ang mga bumibisita sa akin!" dagdag ko.

Nakita ko na nasasaktan ang asawa ko sa sinabi ko. Gusto ko siyang yakapin pero alam ko na alam niya kung bakit ko 'to ginagawa.

"Ganyan talaga siya Horace. Hindi mo ba alam na pinaratangan niya ako na ako raw ang pumatay sa iyo? 'Di ba ang bobo lang," paninira ni tita Wilma kay Seonaid.

"Kung ayaw mo sa bisita ko, ikaw na lang ang umalis," sabi ko kay Seonaid.

Natigilan ito. Nakita ko kung paano ito nagulat sa sinabi ko. Magaling talagang umarte ang asawa ko, parang totoong-totoo.

"Ayoko!" sagot ni Seonaid.

Nagulat ako sa sagot niya. Ang totoo, base sa planong napag-usapan na namin ay dapat aalis siya kapag pinalayas ko na ito sa harap ni auntie Wilma kaya ganoon na lang ang gulat ko nang humagulhol ito.

"Seonaid," tawag ni Shannon kay Seonaid pagkapasok nito sa kwarto.

Pinagpatuloy ko ang pag-aarte na para bang wala akong pakialam sa kanya na salungat sa nararamdaman ko dahil gustong-gusto ko na itong lapitan at yakapin.

Hinawakan ni Shannon ang balikat ni Seonaid at iniharap niya ito sa kanya.

"Bakit ka umiiyak huh?" alalang tanong nito kay Seonaid.

"Anong ginawa mo sa kanya huh?" baling nito kay auntie Wilma. Dahil sa pagsigaw nito ay namutla si auntie Wilma maging ang kasama nitong alalay na nagtago pa sa likuran ni auntie Wilma.

"Whaa!" hagulhol ni Seonaid. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, napag-usapan na namin ito na kusa siyang aalis.

Agad naman pinunasan ni Shannon ang pisngi ni Seonaid. "Tahan na Seon, nandito ako," sabay yakap nito nang mahigpit sa asawa ko. "Poprotektahan kita, huwag kang mag-alala," dagdag nito habang hinahaplos ang likod ni Seonaid.

Biglang dumilim ang tingin ko kay Shannon habang mahigpit kong hinahawakan ang remote, hindi ako papayag na ginaganyan niya ang asawa ko, ako lang dapat ang hahawak kay Seonaid. Ako lang!

Dahil hindi ko na talaga mapigil ang pagseselos ko, naitapon ko ang remote control sa mukha ng TV na kung saan nakakuha ng atensyon sa lahat.

Bigla naman sumigaw nang maarte si auntie Wilma sa ginawa ko.

Seryoso kong tinitigan si Shannon. Matapang din ito dahil seryoso niya rin akong tinititigan. Napansin ko rin na nakatingin na sa akin si Seonaid.

"Capt., nandiyan lang pala ang remote sa 'yo? Pambihira, kanina ko pa hinahanap 'yan eh. Sa susunod kung magseselos ka, iba na lang ang itapon mo huwag ang remote," reklamo ni Julius habang binubuksan ang junk food nito.

Itutuloy...

A/N: see Chapter 28-2, 29 & 30. Again, nagrerewind po tayo huh? POV na po ito ni Horace.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro