Chapter 53
Horace's POV
"Mahal," mahinang sabi ni Seonaid pakatapos kaming magyakapan.
11pm nang nakarating ako sa kwarto ni Seonaid, halos ilang oras akong naghintay sa kanya. Lumabas na lang ako sa makapal na kurtina nang pumasok ito sa kwarto.
"Mahal, bakit ngayon ka lang?" iyak nitong sabi. Agad ko naman hinawakan ang pisngi nito habang magkadikit ang aming mga katawan. Ito ang pangalawang beses na nagkita kami mula nang dumating ito sa bansa galing Australia bagamat palagi ko itong binabantayan sa malayo.
"Shh, tahan na mahal ko. Nandito na ako," sabi ko sa kanya.
Medyo mahirap na kasing pumasok sa compound ng mga Lagores ngayon dahil dumami na ang mga bantay at CCTVs kaya kailangan maging maingat ako.
Umupo kami sa kama nito sa kwarto habang magkahawak-kamay.
Ilang minuto na hindi kami nagsasalita o walang nagsasalita, nakikiramdam lang sa bawat isa.
"Mahal, babalik na ako," basag ko sa katahimikan na namamayani.
Lumingon ito sa akin. Nag-aalala ito base na rin sa nakikita kong reaksyon nito.
"Bakit mahal? Ayaw mo bang bumalik ako? Hindi na tayo maghihiwalay. 'Di ba sabi ko hintayin mo lang ako at babalik ako," natatakot kong sabi. Baka kasi ayaw niya na sa akin. Ayaw niya na akong makasama.
"Mahal, hindi naman sa ayaw kong makasama ka. Nag-aalala lang kasi ako para sa iyo dahil kapag malaman ni tita Wilma na buhay ka, sigurado akong papatayin ka. Ayokong mawala ka sa akin. Paano kung hindi natin matalo si tita Wilma?" nag-alalang komento nito.
Ngumiti ako sa kanya. "Mahal ko, tiwala lang. Kakayanin natin 'to. At hindi ako makakapayag na hayaan lang natin si auntie Wilma na manalo sa laban na 'to."
Hinaplos ko ang kamay nito habang seryosong tinitigan ito.
"Nagtitiwala ka ba sa akin, mahal?" tanong ko.
"Oo, mahal. Nagtitiwala ako sa 'yo," mabilis nitong sagot.
"Lagi mo lang tatandaan na poprotektahan kita kahit anong mangyari. Hinding-hindi kita iiwan mahal dahil mahal na mahal kita," paalala ko sa kanya.
Pinunasan ko naman kaagad ang luhang pumatak sa pisngi ni Seonaid.
"Mahal na mahal din kita Horace," tapat nitong sabi.
Huminga muna ito nang malalim. "Mahal ko, kailangan ba natin isali siya?" pag-iiba nito habang nasa ibang direksyon nakatingin.
"Mahal, tingnan mo ako. Pakiusap," hiling ko dito. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya lang ang minamahal at mamahalin ko. Lumingon naman ito sa akin, nakikita ko sa mga mata nito ang mga nagbabadyang luha.
"Mahal, ikaw lang ang minamahal at mamahalin ko habang buhay," pangako ko sa kanya.
"Alam mo naman na parte lang 'yon sa plano," dagdag ko.
"Alam ko naman mahal pero bakit siya pa?"
"Mahal, mas maniniwala si auntie Wilma kung siya ang gagamitin natin."
"Mahal, huwag ka nang magselos," mabilis kong dagdag.
"Anong selos? Hindi kaya noh!" sabi ng asawa ko sabay taas ng kilay nito.
"Sus, dinideny mo pa eh," nakangiti kong sabi. Namimiss ko nang asarin ang asawa ko.
"Tsk! Hindi nga! Bakit naman ako magseselos sa kanya? Alam ko naman na ako ang mahal mo!" sagot nito.
"Tama! Ganyan nga mahal ko! Ikaw lang wala ng iba," pangako ko sa kanya.
Nakita ko itong kumuha ng mansanas sa refrigerator nito.
"Wha!" sigaw nito nang makita akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Agad naman akong nakaiwas sa mansanas dahil tinapon niya 'yon sa akin.
"Lord, help me!" dasal nito habang nakatago sa ilalim ng lamesa.
"Fionna," tawag ko dito.
"Wha!" sigaw nito habang tinatakpan ang sariling mga tenga.
Naiinis na ako. May lakad pa naman kami ni inspektor Nathan ngayon.
"Puwede ba Fionna? Tumayo ka diyan!" sigaw ko.
"Multo!" sigaw nito. Tatakbo sana ito ngunit nahawakan ko ang braso nito.
"Please! Please! Layuan mo ako Horace!" nagmamakaawa nitong sabi habang pinipilit nitong kalisin ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Patawarin mo na ako! Please manahimik ka na! Huwag mo na akong multuhin," mabilis nitong dagdag habang nakapikit ang mga mata nito. Nanginginig na rin ito at umiiyak.
Binatukan ko ito.
"Aray!" sabi nito.
"Hindi ako multo!" mabilis kong sagot.
"Akala ko," tumigil muna ito ng ilang sandali. "Hindi! Hang-over lang 'to Fionna," sabi nito sa sarili.
"Gusto mong patawarin kita?" sabi ko.
Ang totoo matagal ko nang pinatawad ito sa pang-iiwan niya sa akin, mas pinili niya ang kanyang trabaho kaysa sa akin. Do'n ko lang naman nasukat na mas mahal niya ang kanyang trabaho kahit alam niyang masasaktan ako. Susuportahan ko naman siya kaso masakit tanggapin ang katotohanan na hindi ako magiging parte ng buhay niya at minahal niya lang ako dahil sa pera ko.
Nakita ko ang gulat nitong reaksyon. "Paano?" tanong nito.
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin at kung ano ang pakay ko sa kanya.
Huminga muna ito nang malalim. "Bago ang lahat, humihingi ako ng patawad sa nagawa ko sa 'yo Horace," pahayag nito nang mahinahon. Nasa sala na kami ng condo unit nito.
"Huwag na natin pag-usapan ang natapos na. Matagal ko nang tinanggap na hindi tayo ang para sa isa't isa. Kung hindi mo lang ako iniwan, hindi ko sana mararanasan ang tunay na kaligayahan sa piling ni Seonaid."
Nakita ko itong ngumiti ng mapakla dahil sa sinabi ko. Bakit ba? Totoo naman eh!
"Baka sabunutan ako ni Seonaid kung malaman niya ang gagawin ko," pag-iiba nito.
Pumayag ito sa hinihingi kong pabor — ang paniwalain si auntie Wilma na gusto niya akong perahan. Alam ko kasi na gagawin niya ang hinihiling ko sa kanya dahil alam ko na may lihim itong galit at inggit kay auntie Wilma. Galit ito kay auntie dahil binabayaran ni auntie Wilma ang lahat na projects sa modelling industry para siya ang magmodel ng mga iba't ibang products na nagkataon na nakalaan para kay Fionna ngunit dahil hindi pa naman gano'n kasikat noon si Fionna kaya palagi itong nauunahan. Inggit naman ito kay auntie dahil hindi nito nahihigitan sa kasikatan si auntie Wilma hanggang ngayon.
"Alam niya ito," sagot ko.
"Basta gawin mo lang ang kung ano ang nasa plano. Hindi ko ibibigay ng buo ang parte mo kung hindi ka susunod," mabilis kong sabi.
Pera lang naman ang katapat ni Fionna. Isa rin itong dahilan kung bakit agad itong pumayag na gawin ang hiniling ko.
"Huwag kang mag-alala, madali naman akong kausap," sabi nito habang pinatong nito ang tasang may laman tsaa sa isang maliit na platito na nakapatong sa maliit na mesang pabilog na nasa gitna.
"Kailan nga ulit ang wedding anniversary niyo ni Seonaid?" nakangiti nitong tanong.
"Dapat lang Horace! Dahil sa oras na malaman ko na may namamagitan sa inyo ng pinsan ko, puputulin ko 'yang ano mo!" turo nito sa t*t* ko.
Kahit maghuhad pa sa harap ko si Fionna, kahit sumayaw pa ito ng sexy dance sa harapan ko at kahit akitin man ako nito, hinding-hindi tatayo ang ibon ko. Dahil para lang ito sa asawa ko, siya lang ang paliligayahin ko, sa kama man o sa lahat.
"Aye! Aye Captain!" sabi ko sabay saludo sa harapan ng asawa ko.
Nakita ko rin ang tuwa nito dahil sa kinilos ko pero ganoon na lang ang pag-iba ng timpla ko dahil sa sunod na tinanong ni Seonaid.
"Paano naman si Bernard? Balita ko nasa Spain ito ngayon."
"Tsk. Bakit mo naman siya hinahanap?" pagtataray ko. Nakakainis kasi bakit naman niya hahanapin ang lalaking 'yon.
"Oi nagseselos siya!" asar nito sa akin.
"Anong selos? Hindi kaya noh!" sabi ko sabay taas ng kilay ko na para bang ginagaya ko ang paraan nang pagkasagot ni Seonaid kanina.
Crush kasi ito ni Seonaid noon hindi pa kami at ang nakakabadtrip crush din siya ni Bernard.
Pinalo naman ako nito sa braso ko. Huwag ako Seonaid gusto mo lang manghawak, pasimple ka pa.
"Pasaway ka talaga mahal!" sabi nito habang nakangiti.
"Bernard!" tawag ko sa kanya habang naliligo siya sa banyo.
"Sino 'yan?" tanong nito. Hubad ito nang pumasok ako habang may shampoo pa sa kanyang ulo.
Lumapit ako sa kanya para makita niya ako. "Si Horace," sagot ko sa tanong nito.
"Wha!" sigaw nito na halos matumba nang makita ako. Hindi rin ito mapakali, naghahanap ng mapagtataguan. Tsk. Ang laking tao, takot sa multo. Teka, hindi naman pala ako multo.
Kinuha ko ang tabo na nasa drum na may laman tubig at binuhos ko sa kanya. "Huwag kang OA. Para kang Barbie kung makasigaw!"
Agad naman itong natameme sa sinabi ko. "Horace?"
"Oh bakit?"
"Wha, Hindi! Hindi!" sigaw nito na natataranta. Lumapit ako dito at binatukan.
"Ouch!" habang nakatingin ito sa akin.
"Hindi ako multo. Buhay ako Bernard!"
Nakatingin lang ito sa akin. "Ito ba ang epekto nang kakanood ko ng Kdrama? Masyado na bang lumilikot ang imahinasyon ko?" sabi nito sa sarili. "Tama, baka sa sobrang puyat lang kakanood ng Kdrama kaya ngayon na-i-imagine ko ang best friend ko. Tama!" kumbinsi nito sa sarili.
Sumalok muli ako ng tubig at itinapon ko sa mukha niya. "Tanga! Buhay ako! Umayos ka nga Bernard."
"Pambihira beshe, hindi ako makapaniwalang buhay ka. Hindi mo lang alam kung gaano karami ang niluha ko ng namatay ka!" pagdadrama nito at yayakapin sana ako nito. Nasa kusina na kami ng bahay niya.
Lumayo ako agad dito. "Lumayo ka! Sinabi ko na sa 'yo na huwag mo ako tatawagin na 'beshe' hindi bagay!" reklamo ko.
Ganyan talaga si Bernard. Akala ng lahat ay bakla ito pero straight ito. Sadyang gusto niya lang ang 'beshe' na endearment dahil unique raw para sa amin.
"Grabe ka naman beshe, ang arte mo! Hindi mo ba ako namiss?" yayakapin ulit ako nito.
Lumayo ako mula sa kanya. Ayoko ngang madikitan niya ako, pakiramdam ko ay maduduwal ako kapag hahayaan ko itong yumakap sa akin. Isa pa, nakatapis lang ito ng towel sa dibdib hanggang binti nito kaya para siyang barbie tuloy.
"Isa pa! Tumigil ka nga!" pigil ko sa kanya. "Papayag ka ba o hindi?" pag-iiba ko.
Sinabi ko na rin ang lahat kay Bernard maging ang hinihingi kong pabor sa kanya. Alam ko kasi na papayag siya dahil kahit kailan hindi ako hinindian nito.
"Kailan naman ako humindi sa 'yo beshe! Basta ikaw, gagawin ko," nakangiti nitong sabi.
Masaya ako dahil naging kaibigan ko ito, kahit minsan nakakairita ito, kahit minsan tinatawag akong 'beshe' dahil magbestfriend daw kami, at kahit minsan clingy ito, masasabi kong isa siya sa tunay kong kaibigan.
"Huwag kang mag-iisip na hawakan mo ang asawa ko! Bubugbugin kita," babala ko.
"Possessive!" sabay kagat nito ng saging.
"Kailan ako magsisimula, beshe?" dagdag nito. Napabuntong-hininga na lamang ako, hindi talaga nakikinig, sabi nang huwag akong tatawagin 'beshe'.
"Pa-kiss nga mahal," agad ko naman nilalapit ang nguso ko sa kanya.
"Eww. Bahala ka diyan!" arte nito habang lumalayo mula sa akin.
"Ah ganoon! Ayaw mo na sa akin huh," agad kong hinawakan ang braso nito para hilahin palapit sa akin.
"Ahiie! mahal!! Ano ka ba?" sabi nito habang kinikiliti ko. Natatawa ako sa reakyon ng asawa ko, 'yong pinipilit niyang huwag tumawa nang malakas dahil baka marinig kami.
Makalipas ang ilang oras, kinakantahan ko na ito. Naalala ko kasi ang hiniling nito sa akin kani-kanina.
"Mahal, aalis na ako," paalam ko sa kanya.
Tinitigan muna ako nito ng ilang minuto. "Puwede ba mahal na kantahan mo ako? Puwede ba na huwag ka munang umalis hanggang sa makatulog ako?" sabi nito.
Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman mahal ko walang problema," sagot ko.
Hinalikan ko muna ito sa noo, mahimbing nang natutulog si Seonaid habang hawak-hawak niya ang kamay ko na dahan-dahan ko naman kinuha at ipinatong sa ibabaw ng kama nito.
"Babalik ako mahal," sabi ko bago ako umalis.
***
Binisita ko muli si Seonaid kinagabi, kailangan kasi namin planuhin ang lahat ng maayos lalo pa't nalalapit na ang wedding anniversary namin. Sinabi rin sa akin ni Seonaid ang pagpunta ni inspektor Simmon kanina at gaya ng plano kailangan idiin ni Seonaid kay inspektor Simmon na si auntie Wilma ang nasa likod nang pagpasabog.
Sa tagal ng panahon hindi kami nagkasama, inaamin ko talaga na namimiss ko ang mga oras na masaya kaming nagtatawanan at nag-aasaran. 'Yong masaya lang at walang iniisip na problema.
"Sana ganito na lang tayo parati mahal," malungkot na sabi ni Seonaid sa akin. Nagkukulitan kasi kami habang naglalaro ng chess, syempre kailangan din namin mag-enjoy kahit ilang minuto lang.
"Mahal, patawarin mo ako kung hindi ko nabibigay sa 'yo ang kaligayahan na gusto mo," sagot ko.
Napabuntong-hininga muna ito.
"Tumigil ka nga diyan! Huwag ka nang magdrama, 'di bagay sa 'yo eh," asar nito sabay ngiti nito sa akin.
"Ah gano'n," sabi ko habang kinikiliti ko ito.
Ngunit natigil ang hagikgikan namin dalawa nang marinig namin ang malakas na boses ni yaya Yina. Ito kasi ang ang nagbabantay sa labas ng kwarto ni Seonaid kapag nandito ako. Siya kasi ang pumapalit sa pagbantay kay Seonaid kapag umaalis na si ninong Ariel.
"Sir Shannon, ano pa po ang ginagawa niyo rito?" boses ni yaya Yina.
"Yaya Yina?" tanong ni Shannon. Ang kapatid ng asawa ko.
Nagtinginan kami ni Seonaid. Agad ko naman niyakap si Seonaid na parang pinoprotektahan.
"Sir, matulog na po kayo!" malakas na sabi ni yaya Yina.
"Sir, kalalabas ko pa lang po sa kwarto ni ma'am Seon. Huwag po kayong mag-alala, tulog na po siya. Ganoon din po sana kayo sir, mukhang haggard na haggard na kayo," dagdag nito.
Matagal bago sumagot si Shannon. "Sige po yaya Yina. Magpahinga na din po kayo," sabi nito.
"Mauna na po kayong umalis sir."
"Itsi-tsek ko po kasi muna ang mga bintana at pintuan baka may nakalimutan sarhan," dagdag ni yaya Yina.
Wala na kaming narinig ni Seonaid sa labas ng kwarto nito.
"Mahal, mabuti pa umalis na ako," sabi ko.
"Huwag mahal. Dito ka na lang matulog total gabi na," pigil nito sa akin.
"Please, mahal. Kahit ngayon gabi lang," hiling nito habang humihikbi na.
Napabuntong-hininga na lamang ako. "Sige mahal ko, dito lang ako."
Kaunting tiis na lang mahal, ilang araw na lang magbabalik na ako. Magiging maayos na ang lahat, sinisigurado ko.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro