Chapter 51
Horace's POV
Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Mukhang uulan sabi ko sa sarili habang nakatingala sa langit.
Nabaling ang atensyon ko sa tunog ng sasakyan na narinig kong tumigil.
Halos dalawang taon kong hindi nakita ang asawa ko — si Seonaid. Nakauwi na ito galing sa Australia kasama ang mga magulang nito.
Nagtago ako sa likod ng puno nang lumingon si manong Rio, ang family driver ng mga Lagores — ang pamilya ng asawa ko.
Ilang minuto lang ang pinalipas ko bago ko muling tingnan sa malayo ang asawa ko na ngayon ay nakaupo na sa damo at kinakausap ang pekeng puntod ko at pekeng puntod ng kunwaring anak namin ni Seonaid. Hindi naman totoo na buntis si Seonaid dahil naging maingat kaming dalawa kapag nagtatalik mula nang araw na sinabi sa akin ni papa kung ano ang totoo.
Pinagmamasdan ko siya hanggang umalis na ang kotseng sinakyan nito. Tiisin mo lang Seonaid. Matatapos din ang lahat ng ito.
Hindi na ako nagtagal sa sementeryo, agad akong bumalik sa bahay nang nakaalis na si Seonaid. Isa pa, magkikita kami ni inspektor Nathan, meron kaming mahalagang pag-uusapan.
Sa loob ng dalawang taon, patuloy lang ako sa paghahanap ng katotohanan kasama si inspektor Nathan. Malaki ang advantage ng fake death ko na akala ni auntie Wilma ay totoong nasawi ako sa pagsabog ilang taon na ang nakakaraan dahil mas madali akong nakagalaw o madali kong nagagawa ang plano.
Nagsanay rin ako nang nagsanay sa pakikipaglaban, baril man o walang armas. Kailangan kong paghandaan ang laban na ito dahil hindi ko hahayaan na masayang lang sa wala ang lahat nang pinaguran ko maging ang sakripisyo ng asawa ko.
"Capt. Kape!" alok ni Julius sa akin nang pumasok ako sa kusina. Nasa isang safe house kami na binili ko gamit ang sarili kong pera.
"Salamat pero ayoko," sagot ko. Kinuha ko ang liver spread sa kabinet dahil gusto kong kumain ng tinapay na may liver spread.
"Capt. Kumusta naman ang reunion niyo ni misis?" tanong nito sabay higop nito sa kanyang mainit na kape.
"Reunion?" ulit ko sa sinabi nito sa patanong na paraan.
"Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo siya nilapitan?" tanong nito habang bukang-buka ang mga mata nito na nakatingin sa akin.
"Papunta rito si inspektor Nathan," pag-iiba ko. Agad ko naman iniwan ito sa kusina dahil kailangan kong pag-aralan muli ang dokumento na binigay sa akin ni inspektor.
"Pambihira! Gumising pa naman ako nang maaga para abangan ang kwento mo. Akala ko may poreber na eh!" sabi ni Julius habang paalis ako.
Naalala ko tuloy ang nangyari ng gabing iyon.
"Capt.! Capt.! Gising!" Tinatapik nito ang pisngi ko.
Agad naman akong napabangon at umubo-ubo habang hinahagod naman nito ang aking likod. Napansin ko rin na nasa tabi nito ang kapatid niyang babae na katulad namin ay basang-basa dahil nahulog kami sa dagat. Nasa pangpang kami base na rin sa nakikita ko ngayon.
"Capt.! Gising ka na!" sabi nito sabay yakap sa akin.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" utos ko.
Agad naman itong sumunod habang naka-pout pa. Kaya nga palagi siyang natuturingan na barbie kasi mahilig mangyakap, minsan pa nga nanghahalik ng kung sino ngunit dahil kilalang-kilala ko na ito kaya alam ko na ugali niya lang talagang mangyakap o manghalik kapag sobrang saya nito.
"Aray!" sabay hawak ko sa aking ulo. Bigla kasi itong kumirot.
"Wha! Hindi!" nagulat ako sa sigaw ni Julius. Isa pa nitong sigaw, tatamaan ito sa akin.
"Hala! Capt. Nakilala mo pa ba ako?" tanong nito na ipinagtaka ko.
Dahil hindi ako kumibo, sumigaw ulit ito na para bang babae.
"Hala! Nabagok ang ulo ni Capt.!"
"Aray!" sabi nito. Binatukan kasi ito ng kapatid niya.
"Ang ingay-ingay mo kuya J!!"
"Bakit ka ba nangbabatok? Baka nakakalimutan mo ako ang nagligtas sa 'yo. Hindi nga ako natakot!" pagyayabang ni Julius.
"Anong hindi? Nanginginig ka nga kanina!" sagot ni Diana.
"Tama na 'yan. Huwag na kayong mag-away." awat ko. Ang iingay kasi.
"Tama!! Dapat hindi tayo nag-aaway! Ikaw kasi eh parang bata! Hindi naman kita inaano" sabat ni Julius habang nakatingin sa kapatid nito sabay ikot ng mga mata nito.
Bigla naman itong tumayo makalipas ang ilang segundo. "Halina kayo! Kailangan na natin bumalik baka isipin nila na patay na tayo!"
Natigilan ako.
"Capt.!" tawag nito sa akin. Binuhat na nito ang kanyang kapatid.
Tumayo ako at tinitigan ko ito ng seryoso. "Hindi na tayo babalik."
"Luh? Anong nangyari sa 'yo Capt.?"
"Tulungan mo ako Julius. Pinapangako ko na hindi mapapahamak ang kapatid mo!"
Tumingin lang ito sa akin na nagtataka sa sinasabi ko.
"Capt. nandito na si inspektor Nathan," sabi ni Julius sa akin.
"Salamat bro!" sabi ko.
Ilang oras kaming natapos ni inspektor Nathan sa pag-uusap. Natutuwa ako dahil parami nang parami ang nakukuha kong ebidensya laban kay auntie Wilma. Palago nang palago ang ilegal nitong pasugalan. Nalaman ko rin ang pagtaas ng demand ng lason na binibenta nito sa merkado.
Nagpasalamat ako kay inspektor Nathan bago man ito umalis. Sa loob ng dalawang taon ay nakabuo na ako ng plano at ang pag-uwi ng asawa ko ay parte lang sa susunod na plano. Dahil kailangan paniwalain ni Seonaid si auntie Wilma na magaling na nga siya mula sa depression. Kapag gumawa na nang hakbang si auntie Wilma para mapatay si Seonaid, do'n na papasok ang susunod ko pang plano — ang pagbabalik ko.
***
"Salamat po ninong Ariel," sabi ko sa kanya.
Labis ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi ako nito binigo. Siya ang naging mata ko sa mga lumalapit kay Seonaid at siya rin ang nag-aalaga kay Seonaid nang mga panahon na nasa Australia ang mga ito.
Kahit kailan hindi ko nakakalimutan ang responsibilidad ko bilang asawa ni Seonaid kaya kahit nasa Australia ito, pinapatingin ko ito kay ninong. Minsan pa nga pinapadalhan ko pa rin ito ng paborito nitong bulaklak kapag kaarawan nito at anibersaryo namin sa pamamagitan ni ninong Ariel, siya ang nag-aabot kay Seonaid at siya rin ang nagiging mensahero ko kay Seonaid.
Alam ni ninong Ariel ang lahat, alam niyang nagkukunwari lamang si Seonaid na hindi totoo ang depression nito maging ang pekeng pagbubuntis nito dahil kasabwat namin ito. Alam niyang ginagawa namin ito para makuha ang hustisya para kina papa at mama na sinuportahan naman nito.
Nagkataon kasi na ang family doctor ng mga Lagores ay ang malapit na kaibigan ni papa. Nalaman ko na bago inatake sa puso si papa ay inihabilin ako nito kay ninong Ariel. Mula noon ito na ang tumayong pangalawang ama ko. Ninong ko ito sa aking binyag at isa sa ninong namin ni Seonaid sa kasal.
Nilabas niya ang lahat ng laman ng bote ng antidepressants at pinalitan ang mga tabletas ng mga kapsula ng alkaline vitamins. Ganyan palagi ang ginagawa ni ninong Ariel para magmukhang may sakit nga si Seonaid, ito kasi ang pinapainom kay Seonaid at hindi alam ng lahat na ang laman pala ng bote ay hindi antidepressants kundi vitamins lang.
"Nga pala Horace. Huwag mong kakalimutan." Pinatong nito ang isang maliit na kahon sa lamesa, sa harapan ko.
"Si ninong talaga oh!" nakangiti kong sabi.
"Mas mabuti ng nakakasiguro. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari kay Seonaid lalo pa't nandito na siya sa bansa kaya mas maganda ang maging safe," sermon nito.
Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain ko. May punto si ninong.
"Oi! May condom ah! Kanino 'yan? Puwedeng akin na lang?" singit ni Julius. Umupo ito sa tabi ko at tinali ang isang tela sa leeg nito. Pakatapos, sumandok na ito ng kanin at ulam.
"Tumigil ka! para kay Horace 'yan!" saway ni ninong.
"Grabe! Ang daya bakit siya lang?" reklamo ni Julius habang sa ulam nakatingin.
"May asawa ka ba? Wala ka ngang girlfriend eh!" singit ni Fernan. Umupo ito sa lamesa kaharap ko at kumuha ng kanin at ulam gamit ang kamay nito.
"Wala! Pero marami akong chicks!" pagyayabang ni Julius habang punong-puno na ang bibig nito ng pagkain.
"Fernan, kumusta ang trabaho?" tukoy ko sa pag-iispiya nito kay auntie Wilma.
"Ang sabihin mo inggit ka lang sa akin kasi kindat ko pa lang kinikilig na ang mga girls!" diin ni Julius sa salitang 'girls'.
"Easy lang boss!" sagot ni Fernan sa akin.
"Uuwi na muna ako. Kailangan ako ng asawa ko," paalam ni ninong Ariel.
"Naks! Lakas pa ng tuhod ni ninong Ariel ah!" sabi ni Julius na nakikininong sa ninong ko.
"Ewan ko sa 'yo! Inggit ka lang wala kang lovelife eh!" sigaw nito. Umalis ito na walang pakialam sa reaksyon ni Julius.
"Bwhaha!" tawa ni Fernan habang tinuturo nito si Julius.
"Anong balita?" tanong ko kay Fernan.
"Bakit mo ako pinagtatawanan huh?" sigaw ni Julius.
Kusa naman tumigil sa pagtawa si Fernan dahil sa pagtanong ko.
"Narinig ko boss na pupunta raw si feeling reyna sa birthday party ng tita ng misis mo," sagot nito. Feeling reyna kasi ang tawag nila kay auntie Wilma.
"Birthday party? Marami bang chicks do'n?" tanong ni Julius.
"Gano'n ba. Basta alam niyo na ang gagawin niyo Fernan," utos ko dito.
Mula nang dumating ang asawa ko ay sinigurado ko na kaagad ang seguridad nito kaya may mga inutusan akong magbabantay kay Seonaid bawat oras maging ang buong pamilya nito ay pinababantayan ko rin.
Isa si Fernan sa pinagkakatiwalaan ko, matagal na namin itong kasama ni Julius sa bahay. Siya ang pinadala ko na magiging mata ko sa lahat ng galaw o kilos ni auntie Wilma kaya nga marami na akong nalalaman o nadidiskubre tungkol sa mga lihim nitong negosyo.
"Eh ako Capt.! Ano ang gagawin ko?" tanong ni Julius habang maarteng nakahawak sa kutsara't tinidor.
"Nga pala boss, nakapasok na sa bahay ng misis mo ang taong pinadala ng tita mong feeling reyna. Madel Cinco ang pangalan," ulat nito sa akin.
"Talaga? Ibig sabihin may traydor na agad-agad?" singit ni Julius.
Kumuha naman ulit si Fernan ng kanin gamit ang kamay nito.
"Kadiri ka naman! Wala ka bang GMRC?" reklamo ni Julius sa ginawa ni Fernan.
Inayos ko na muna ang pinagkainan ko dahil wala naman kaming katulong dito. "Fernan, saan ba idadaos ang birthday party ni tita Jhanda?" tanong ko. Kilala ko kasi ito dahil ito lang naman ang tita ni Seonaid, kaunti lang kasi ang babae sa pamilyang Lagores, halos karamihan puro brusko.
"Sa Cherish beach resort boss."
"Beach resort? Hala, Capt. bantayan mo ang misis mo baka magswimsuit," sabi ni Julius kahit walang pumapansin sa kanya. Ang totoo, kanina pang walang pumapansin sa kanya, sabat lang nang sabat sa usapan.
Siguro kailangan ko nang makipagkita kay Seonaid, kailangan maging aware siya tungkol kay Madel na sinasabi ni Fernan. Sa tingin ko, isang opportunity ang birthday party ni tita Jhanda para gawin ang susunod na plano — ang galitin si auntie Wilma.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro