Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Seonaid's POV

Nararamdaman ko ang mabibilis na paghalik ni Horace sa aking pisngi. Paulit-ulit niya itong ginagawa kaya napilitan akong imulat ang mga mata ko.

"Good morning mahal ko," bati ng aking asawa.

Hindi ko siya pinansin. Bahala siya! Muli kong pinikit ang aking mga mata.

"Oi, mahal. Gising na. Huwag mo akong tulugan," sabi nito habang niyuyugyog ako.

"Ano ba Horace! Nakakainis ka naman!"

Tumayo na lang ako para pumunta sana sa banyo.

"Mahal, may dalaw ka ba ngayon?"

"At bakit?" sabi ko habang hindi ito nililingon.

"Ang sungit mo kasi mahal ko," sabay yakap nito sa aking likod.

"Ano ba Horace! Lumayo ka nga!"

"Mahal naman eh. Ano bang problema? Mabaho ba hininga ko?" binugahan nito ang kanyang kanang palad ng sariling hininga. "Hindi naman mahal ko," dagdag nito.

"Bahala ka diyan!"

Mabulok siya! Akala niya nakalimutan ko ang ginawa niya kagabi.

"Mahal naman eh sorry na," sabay yakap ulit nito.

Mahigpit ang pagkayakap niya sa akin at pinipilit ko naman kumawala. Ngunit ganoon na lang ang pagkabigla ko nang hinalikan niya ang leeg ko.

"Ahyie!! ano ba Horace, nakakakiliti!" Pinipilit kong huwag mapangiti sa ginagawa niya sa akin ngayon.

"Sorry na kasi mahal," hinalikan ulit ako nito nang mabilis sa aking leeg.

Alam na alam ni Horace kung saan parte ng katawan ko ang sensitibo at alam ko na ginagawa niya ito dahil alam niya na hindi ko ito matatagalan.

"Oo na! Ayiehiik hahk."

Biglang tumigil si Horace na ipinagpasalamat ko.

"Talaga? Hindi ka na galit?"

"Oo na. Hindi na lang."

"Bitawan mo na ako Horace," mabilis kong dagdag.

"Ayoko. Galit ka pa eh! Hindi mo ako tinatawag na mahal," reklamo nito.

Napangiti ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Gusto ko pa kasi na sinusuyo niya ako. Bakit ba?

"Bahala ka!"

"Ah ganoon," sabi nito. Umaarte itong kikilitiin ako sa pamamagitan ng paghalik sa leeg ko.

"Wait, oo na. Biro lang naman eh!"

"Sige nga mahal gusto kong marinig?" hamon nito habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Pinapatawad na kita mahal ko," sabi ko.

"Ang hina naman? Hindi ko marinig," atungal nito.

"Sabi ko, pinapatawad na kita mahal dahil mahal na mahal kita!"

"Mahal na mahal din kita mahal ko," sabay halik nito sa aking pisngi. Ngumingiti pa ito na para bang nanalo sa lotto.

***

"Mahal, hayan kumain ka ng marami," sabi ko. Nag-aalmusal kasi kami ni Horace ngayon.

"Mahal, love mo pa rin ba ako kung mataba na ako? Ang dami kasi nito," tinutukoy nito ang nilagay kong ulam sa kanyang plato.

"Oo naman mahal ko, kahit maging baboy ka, mahal na mahal pa rin kita."

"Ows, talaga?"

"Oo nga. Kahit naghintay ako sa wala kagabi pero ano? Pinatawad nga agad kita kasi mahal na mahal kita," nakangiti kong sabi.

Nakatulog na kasi ako kagabi kakahintay sa kanya. Nagising na lang ako na nasa kama na at katabi ko na siyang natutulog.

"Alam ko," sabi nito. Halata sa mukha ang kasiyahan nang sinabi ko iyon.

Bago man ako magsalita muli...

"Ma'am Seon."

Napalingon ako sa isang nakaputing babae na siyang tumawag sa aking pangalan.

Na naman.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro