Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Wilma's POV

"Naipadala ko na kay Horace, mahal kong reyna," ulat ni Markus sa akin. Tinutukoy nito ang mga pictures ni Seonaid.

Kasalukuyan akong kumakain nang dumating si Markus.

"Ano ba? Lakasan mo naman!" utos ko sa alipin kong pumapaypay sa akin habang kumakain.

Tumingin ako kay Markus. "Mabuti kung ganoon," sagot ko sa kanya.

"Nga pala, kumusta ang shipment?" tanong ko kay Markus.

Sa loob ng ilang buwan, ipinakita nito sa akin ang kanyang katapatan. Napansin ko rin ang galing nito sa pagma-manage ng mga ilegal kong negosyo. Mula nang siya ang humawak ng pasugalan ko ay lalong lumago at dumami ang nakukuha kong kita. Maging ang mga lason na binibenta ay nagiging patok sa merkado.

"Maayos naman po mahal kong reyna," sagot nito.

"Huwag niyong bibigyan si Seonaid ng pagkain huh? Nagkakaintindihan ba tayo?" utos ko sa mga alipin ko.

"Opo mahal na reyna," sabay nilang sabi.

"Ganoon ba. Mabuti naman," baling ko agad kay Markus.

"Nga pala, tumawag pala si Fionna Vasquez mahal kong reyna. Hinihingi na po ang kanyang parte!" balita sa akin nito.

Agad-agad? Tsk. Ibang klase! Wala talagang hindi kayang gawin ang pera. Lahat gagawin para lang sa pera.

Pauwi na ako dahil katatapos pa lang ng photo shoot ko para sa isang sikat na magazine.

"Hi po. Ayie!" tili nito nang makita ako. "Idol na idol ko po kayo Miss Wilma. Grabe ang ganda-ganda niyo po sa personal," sabi nito. Agad naman akong ngumiti ng peke. "Ikaw naman, binobola mo pa ako."

"Hindi po Miss Wilma. Totoo po na idol ko po kayo, ang ganda at sexy niyo po kasi," agad naman kumuha ito ng cellphone. "Puwede papicture po Miss idol."

"Sure, why not!" sabi ko.

Agad na akong nagpaalam sa mga tagahanga ko dahil marami pa kasi ang gustong magpapicture sa akin. Kaway-kaway rito, kaway-kaway ro'n.

"Alipin! Alcohol!" sabi ko agad pagkapasok sa personal Van ko.

Nag-iingat lang baka may germs sila, ayokong mahawaan.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa hotel na tinutuluyan ko. Kailangan kong magpahinga dahil meron akong susunod na appointment.

Pumasok na ako sa elevator, hindi na sumunod ang mga alipin ko dahil alam nila na ayokong nalalapit ang mga tuyo't magaspang nilang balat sa akin.

Tumunog na ang elevator tanda na bumukas ito. Papunta na sana ako sa aking unit nang may narinig akong nagsasalita, nakuha nito ang aking atensyon nang sinambit nito ang pangalan ni Horace.

"Iyon na nga! Kailangan ko ng malaking pera!" sabi nito sa kanyang kausap sa cellphone.

"Si Seonaid? Hindi naman niya malalaman na hihingi ako kay Horace, sasamantalahin ko na may sira sa ulo si Horace, sasabihin ko na may utang pa siya na kailangan niyang bayaran sa akin," tumigil muna ito na para bang nakikinig sa kausap sa cellphone.

"Ano ka ba naman Cynthia, hindi ko na nga alam kung paano ko lalapitan si Horace. Kaya nga nagtatanong ako sa 'yo. Hindi rin ako sigurado kong makikinig sa akin si Horace," sabi nito.

Nakilala ko ang babaeng may kausap sa cellphone — si Fionna Vasquez. Isang sikat na artista at modelo. Ang unang babaeng kinabaliwan ni Horace. Sa pagkakaalala ko ay halos umabot ng isang taon ang kanilang relasyon ngunit dahil gustong sumikat ni Fionna, tinanggap nito ang isang malaking proyekto sa Italy. Mas pinili nito ang kanyang pangarap kaysa sa pag-ibig kaya nakipaghiwalay ito kay Horace.

Napangiti ako sa naisip kong ideya. Good timing talaga. Nabalitaan ko kasi kamakailan lang na na-scamm daw ito. Kaya ngayon na-di-depress ito dahil hindi naman sa kanya ang perang in-invest nito — pera ng kanyang manager. At ngayon, base na rin sa mga naririnig ko, kakasuhan daw ito ng kanyang manager kapag hindi agad maibalik ang perang na-scamm.

Napansin kong aalis na ito ngunit pinigilan ko agad ito. Tumingin muna ito sa akin bago magsalita nang makilala ako.

"Miss Wilma Dela vega? Oh my!" gulat nitong sabi. Tsk. Wala talagang hindi humahanga sa kamandag ko.

Inaya ko siya sa loob ng unit ko, do'n namin pinag-usapan ang plano. Sabi ko sa kanya na bibigyan ko siya ng malaking halaga kapag mapapalayo niya sina Seonaid at Horace. Agad naman itong pumayag katumbas ng malaking pera bilang kapalit nito.

Nalaman ko kasi na malapit na ang 7th wedding anniversary nina Seonaid at Horace, ayon na rin sa ni-report sa akin ni Markus na idadaos daw ito sa Calomay Lagoon.

Kaya sinadya ko talagang pumunta sa wedding anniversary nila dahil gusto kong ma-divert ang atensyon ni Seonaid kay Fionna, hindi nila iisipin na kasabwat ko ito. Hindi sila mag-iisip ng masama laban sa akin dahil ang alam nilang lahat ay wala akong koneksyon o hindi ko kilala si Fionna at aakalain nila na nag-gatecrash lang ako.

"Sige, ibigay mo na sa kanya Markus," utos ko.

"Masusunod po mahal kong reyna," sagot ni Markus at umalis na ito.

Hindi bale, malaki-laki naman ang nagawa ni Fionna. Hindi pa nga tumatagal ay napahiwalay niya agad sina Seonaid at Horace. Magaling! Natuwa ako nang muli kong maalala ang sinabi sa akin ni Fernan.

"Mahal na reyna, hawak ko na si Seonaid," sabi ni Fernan sa akin sa telepono.

"Magaling po ang binayaran niyong artista, talagang paniwalang-paniwala si Seonaid," tukoy nito kay Fionna.

"Alam mo na ang gagawin mo Fernan," utos ko.

"Masusunod po mahal na reyna," huling sagot nito bago ko ibaba ang tawag.

Isa sa mga binayaran ko para magmanman kay Seonaid ay si Fernan. Siya rin ang nagbibigay sa akin ng impormasyon sa lahat ng kilos nina Seonaid at Horace. Kung hindi lang masyadong bantay-sarado si Seonaid ng kanyang mga magulang pati na rin ang pakialamerong kapatid nito, matagal ko na siyang napatay.

Alam ko naman na may alam si Seonaid tungkol sa akin, hindi lang talaga ako nakakakuha ng tiyempo na patayin ito. Ang totoo, ilang beses ko nang pinagtankaan ang buhay ni Seonaid noon akala ko ay patay na si Horace. Kung hindi nga lang inutil at tanga si Madel, sana si Horace na lang ang pinoproblema ko ngayon.

Mabuti na lang maganda ang naisip na plano ni Markus kaya sigurado akong mapapatay ko sina Seonaid at Horace ng sabay.

"Mahal kong reyna, may problema ba?" tanong nito sa akin. Pumasok kasi ito sa aking kwarto at nakita ako na hindi mapakali. Lakad pakanan, lakad pakaliwa.

Nag-iisip kasi ako ng panibagong plano laban sa mag-asawang Dela vega. Kakauwi ko pa lang galing sa Calomay Lagoon — um-attend ako sa 7th wedding anniversary nina Seonaid at Horace.

"Hindi. Hindi. Hindi," sabi ko sa sarili. Kailangan kong mapatay kaagad si Horace pati si Seonaid pero paano?

Hinawakan naman ako ni Markus sa kamay kaya napatigil ako sa kakalakad.

"Mahal kong reyna, paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa akin? Malay mo makatulong ako," sabi nito.

Umupo naman ako sa tabi nito. Nakaupo kasi ito sa gilid ng kama.

"Eh kasi wala akong maisip na plano kung paano ko mapapatay sina Horace at Seonaid. Gusto ko kasi na ako ang papatay sa kanila," sabi ko habang naka-pout. Napapansin ko rin na nagiging panatag na ang loob ko kay Markus kaya minsan nasasabi ko na sa kanya ang lahat ng pinoproblema ko.

Hinihimas naman nito ang binti ko. "May naisip akong plano mahal kong reyna. Bakit hindi natin kidnapin si Seonaid para siya ang magiging pain natin kay Horace. Sigurado akong ililigtas siya ni Horace. Tapos kapag nando'n na silang dalawa, puwede mo na silang patayin ng sabay," sabi nito habang nakatingin sa akin nang seryoso.

"Pero paano naman natin makikidnap si Seonaid eh bantay-sarado ang pamilya niya?"

"Mahal kong reyna, bakit hindi mo gamitin ulit si Fionna Vasquez? Puwede natin iset-up sina ni Horace at Fionna para kapag makita sila ni Seonaid, sigurado akong masasaktan ito at do'n na papasok si pareng Fernan. 'Di ba kilala naman ni Seonaid si pareng Fernan, kaya hindi iisipin ni Seonaid na kikidnapin na pala siya ni Fernan. Oh anong masasabi mo mahal kong reyna?" lahad nito.

Napangiti ako sa sinabi nito. Tama. Bakit hindi ko 'yon naisip?

"Ako ng bahala sa lahat mahal kong reyna, huwag ka nang mag-alala. Gagawin ko ang lahat pati ang motel na pupuntahan nila ay siguraduhin kong nakaayos na," pangako nito sa akin.

Malaki ang pasasalamat ko kay Markus sa ginawa nito. Napakalinis pa nito kung gumawa ng trabaho at tiniyak din nito na tatahimik ang binayaran niyang pokpok sa isang motel na magtuturo kay Seonaid kung nasaan ang kwarto nina Horace at Fionna.

Natapos ko na rin ang pagkain ko kaya minabuti ko munang maligo.

Nakahanda na rin ang lahat, sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sa kanila. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para protektahan ang sarili ko. Kailangan kong patayin sila lalo na si Horace para wala ng makaalam sa lihim ko.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro