Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Seonaid's POV

Friday. Ito na ang araw ng 7th wedding anniversary namin ni Horace. Hindi naman kasi naging maganda ang huling anniversary namin dahil patuloy pa rin ako sa pagluluksa kay Horace kaya ngayon araw na ito ay kailangan maging maayos o memorable sa amin ni Horace.

Maaga kaming umalis sa bahay, kasama kong pumunta sa venue sina mommy, daddy, si Horace, at si Markus. Nauna na kasi sina manang Esther, yaya Yina, at ang ibang staff ng resto namin na tumulong sa pag-aayos ng araw na ito. Susunod na lang si kuya Shannon dahil tatapusin niya muna ang final examinations niya.

Hinawakan ko si Horace sa braso nito. "Mahal, halika pasyal muna tayo," alok ko dito.

Gaya nang palagi nitong ginagawa, tititigan muna ako nito bago sasagot pero hindi ko na hinintay ang sagot nito, agad ko itong hinila palabas ng venue.

Maganda kasi ang Calomay Lagoon. Meron itong sariling hall kung saan puwedeng idaos ang iba't ibang events o occasions. Pagkalabas mo naman sa malaki nitong hall, makikita mo naman sa labas ang malawak na hardin, punong-puno ito ng mga magagandang bulaklak, at meron itong malaking fountain sa gitna. Pagkaliko mo naman sa kanang bahagi, matatagpuan mo ang isang sementong hagdanan pababa. Pagbaba mo naman, makikita mo na ang malawak na lagoon. Meron mga cottages na makikita sa gilid ng lagoon. Kapansin-pansin din ang isang daanan na may mga barbed wire, patungo raw ito sa isang gubat. Sabi nila, hindi na raw nakakabalik ang mga taong pumapasok sa nasabing gubat dahil daw umano sa isang diwatang sinumpa ng langit.

Dahil KJ ang kasama ko, bumalik agad kami sa venue. Gutom na raw siya.

"Mahal, maiwan muna kita dito ah. Magbabanyo muna ako," paalam ko kay Horace. Tumango na lamang ito sa akin dahil punong-puno na ang bibig nito ng pagkain.

***

Kinuha ko sa aking pouch ang hand sanitizer ko na niregalo ng pinsan ko. Pakatapos, tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Kailangan hindi ako magmukhang maputla, kaya nilagyan ko ng kaunti ang labi ko ng red lip tint. Pinalitan ko rin pala ang damit ko, nagsuot lang naman ako ng tie-front top na kulay orange + denim short shorts. Pinupush ko ang dibdib ko pataas, tingnan lang natin kung hindi maglaway ang asawa ko.

Paalis na sana ako ng CR nang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid pero wala naman akong nakita, baka guni-guni ko lang.

Naglalakad ako pabalik sa venue nang maramdaman ko muli na may tumitingin sa akin, parang may sumusunod sa akin. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko nang biglang nakasalubong ko si Scarlett.

"Oh, kanina ka pa po namin hinahanap ate Seonaid, may problema po kasi," sabi nito sa akin.

Nilingon ko muna ang likuran ko, tsinitsek kung may sumusunod sa akin.

"Ate? Okay ka lang po ba?" tanong ng pinsan ko.

"Huh? Okay naman ako. Ano nga sinabi mo kanina?"

"Ah, about po sa list ng mga invited guests. Meron po kasing nakapasok na hindi naman po invited."

"Huh? Paano naman nangyari iyon? Sino ba ang pumunta?"

Nagpalagay kasi ako ng mga security sa main entrance ng venue. Ang makakapasok lang ay ang may mga invitation dahil sinisigurado namin na ligtas ang lahat ng bisita at maging maayos ang selebrasyon.

"Wilma Dela vega po ate."

Sinasabi ko na nga ba. Agad akong tumakbo papuntang venue.

"Ate Seonaid!" sigaw ni Scarlett. Pasensya na Scarlett pero may kailangan muna akong palayasin.

Hindi ko napansin na mabilis na pala ang tinatakbo ko kaya hindi ko napigilan ang pagkabangga ko sa isang lalaki. Natumba ako dahil medyo malakas ang impact ng pagkabangga ko sa kanya, at isa pa, malaki ito.

"Miss, okay ka lang?" tanong nito. Binigay naman nito ang kanyang kamay sa akin para tulungan akong tumayo.

Subalit mas pinili kong tumayo ng mag-isa. "Okay lang ako, pasensya na kung--- Bernard!" sabi ko nang makilala ko ito.

"Seonaid!" sabi nito habang nakangiti.

"Mabuti nakarating ka," pag-iiba ko. Isa siya sa mga in-invite ko para dumalo sa anniversary namin ni Horace.

"Syempre, dapat always present ako. Sayang ang libreng pagkain," patawa nitong sabi.

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago, Bernard."

"At hanggang ngayon maganda at sexy ka pa rin, Seonaid."

Palabiro lang talaga itong si Bernard, namimiss ko tuloy ang paglalaro namin ng dota ni Horace ko kasama si Bernard.

Bigla kong naalala kung bakit ako nagmamadali. "Sige Bernard, mauna ako sa 'yo, may aasikasuhin kasi ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil agad kong inumpisahan ang paglakad ngunit hindi pa nga ako nakakalayo nang makita ko si Horace na may kasamang babaeng kilalang-kilala ko. Isang babaeng kahit kailan hindi ko mapapantayan sa ganda, talino at talento.

Si Fionna — ang first love ni Horace.

Nanikip ang dibdib ko sa nakikita ko, nagtatawanan at parang naghaharutan pa ang mga ito.

Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko nang makita ko si Horace kung paano niya tinitingnan si Fionna. Mga tingin na hindi niya binigay sa akin mula nang naaksidente ito. Mga tingin na noon ay sa akin niya lang binibigay.

"Horace!" tawag ko. Lumapit agad ako sa kanila.

Hindi naman ako nahirapan makuha ang kanilang atensyon. Seryoso ko naman tinitigan si Horace na nakatingin ngayon sa akin.

"Hello. Seonaid," masayang sabi ni Fionna.

"Umalis lang ako, sumasama ka na sa mga hindi mo kilala," sabi ko kay Horace habang seryosong nakatingin kay Horace.

"Relax, cous. Inaya ko lang naman si Horace na samahan niya akong mamasyal baka kasi maligaw ako," pabebeng sabi ni Fionna.

"So, tour guide na pala ang asawa ko?" baling ko sa kanya.

"Ano ba ang ginagawa mo dito Fionna? Sa pagkakaalam ko kasi hindi ka naman invited," dagdag ko.

"Kamag-anak mo pa rin ako Seonaid. Gusto ko lang naman na makita muli si Horace. Wala naman masama do'n, 'di ba?" Hinawakan nito ang braso ni Horace.

"Seonaid, ang bilis mo naman tumakbo. Akala ko ba mamamasyal tayo?" sabi ni Bernard. Nagtaka ako sa sinabi nito.

Nagulat naman ako sa bigla nitong pag-akbay sa akin.

"Ano na Seonaid?" nakangiti nitong sabi sa akin. Hindi ko napansin na napatitig na rin ako sa kanya.

"Kumain lang ako, sumasama ka na pala sa ibang lalaki!" sabi ni Horace. Matalim ang tingin nito sa akin nang lumingon ako sa kanya.

"Hi, Horace. Nandiyan ka pala, hindi kita napansin," sabat ni Bernard na nakaakbay pa rin sa akin, napansin ko rin na napadako ang tingin ni Horace sa kamay ni Bernard na nakapatong sa aking balikat.

"Horace, halika na!" singit ni Fionna, nakita ko rin ang pasimple nitong haplos sa braso ng asawa ko.

Agad ko naman tinanggal ang kamay ni Bernard sa akin at hinila si Horace papasok ng venue.

"Horace!"

"Seonaid!"

Sigaw nina Fionna at Bernard.

"Hindi ba sinabi ko na sa 'yo Horace na huwag kang sasama sa hindi mo kilala!" sabi ko pagkapasok namin sa isang dressing room. Ito kasi ang malapit na kwartong nabuksan ko.

Iyon ba talaga Seonaid? O ayaw mo lang maalala ni Horace si Fionna. Dikta ng isip ko.

"Wala naman siyang ginagawang masama!"

"Hindi mo ba naiintindihan? Huwag ka ngang magtitiwala sa kahit kanino!"

"Mabait naman siya."

"Ano ba Horace ang hindi mo maintindihan? Huwag ka nga munang sumama sa iba."

"Bakit ikaw nakikipaglandian ka sa ibang lalaki?" pag-iiba nito.

"Bakit ikaw sumama ka kaagad sa babaeng iyon?" tukoy ko kay Fionna.

"Malaki kasi dede niya!"

Aba!

"Kapag malaki ba ang dyoga? Sasama ka na? Gano'n ba Horace?"

"Bakit ikaw sumama ka sa singkit?"

Singkit? Si Bernard ba ang tinutukoy niya?

"Bakit mo ba iniiba ang usapan? Ikaw ang pinag-uusapan dito!"

"Bakit ikaw? Iniiba mo rin ang usapan!" sabi nito.

Nagtitigan lang kami ni Horace, wala nang nagsasalita sa amin. Naputol ang aming seryosong pagtititigan dahil sa pagkatok ni mommy.

"Anak, Horace, nandiyan ba kayo sa loob? Maghanda na kayo huh? Magsisimula na ang program," sabi ni mommy. Narinig namin ang paalis nitong mga yapak makalipas ng ilang segundo.

Katahimikan lang ang namayani sa oras na 'to. Agad ko naman pinunasan ang pumatak na luha sa aking pisngi.

"Bakit?" tanong nito.

Napalingon ako sa kanya, nakayuko lang ito. Bagamat ayoko siyang kausapin pero mas pinili kong suwayin ang sarili.

"Anong bakit?" balik kong tanong.

"Kahit anong gawin ko," tumingin ito sa akin.

Tumigil muna ito ng ilang sandali. Kinakabahan ako sa mga binabato nitong titig sa akin.

"Bakit hindi ko maalala kung paano kita minahal, Seonaid," patuloy nito. Walang emosyon ang nakikita ko sa mukha nito.

Tinitigan ko lang ito at hinayaan ko na lang pumatak nang pumatak ang mga luha ko. Nasasaktan ako.

Bakit mo ginagawa ito Horace? Bakit mo ako sinasaktan?

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro