Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Horace's POV

"Basta huwag niyo pong kakalimutan ang binigay kong lista sa inyo manang Esther at yaya Yina. Importante na maluto po iyon sa Friday," paalala ni Seonaid.

"Nga pala, ang kulang na mga dekorasyon Scarlett na kailangan niyo for the stage, sabihan mo lang si Josephine, siya na ang bahala sa finances niyo," dagdag ni Seon. Kinakausap niya ang dalawang babaeng hindi pamilyar sa akin.

Nasabi na ni Seonaid ang tungkol sa 7th wedding anniversary namin. Sabi niya kailangan i-celebrate ito para maging memorable raw para sa amin.

"Mahal," tawag sa akin ni Seonaid nang makita akong nakatingin sa kanila. Tumayo ito, mukhang lalapitan ako. Napadako ang tingin ko sa sumasayaw nitong dibdib. Malulusog na dibdib. Naalala ko tuloy ang nangyari kaninang umaga.

Tinutupi ko ang makapal naming kumot dahil sabi ni Seonaid sa akin, ito raw ang una kong ginagawa tuwing nagigising ako noon hindi pa ako naaksidente. Pinapawalis niya rin ako kasi sabi niya parte raw ito ng therapy ko. Tapos pinapahugas niya pa ako ng mga pinggan kasi sabi niya ito raw ang paborito kong ginagawa noon. Ganoon pala ako kasipag!

Habang ang asawa ko nakaupo na parang reyna.

"Mahal, magwalis ka nga dito!" turo nito sa sahig kung saan maraming mga pira-pirasong chips. Kahit kailan ang kalat-kalat niyang kumain.

"Bakit hindi ma-drawing 'yan mukha mo? Akala ko ba gusto mong makaalala?"

"Sige ka, hindi kita tatabihan mamayang gabi," pagtataray nito habang nakapatong pa ang mga paa nito sa isang upuan.

Hays. Nakakainis naman kasi. Pakiramdam ko parang inaalipin ako ni Seonaid. Ano naman kasi ang konek sa paglilinis sa pagbalik ng alaala ko? Janitor ba ako noon?

Kinuha ko ang walis at agad ko naman niwalisan ang sahig.

"Aba? Nagdadabog ka ba mahal?" seryoso nitong tanong.

Pinalambot ko agad ang mukha ko. "Hindi ah," sabi ko sa mahinang tono baka totohanin niya ang hindi pagtabi sa akin mamaya. Huwag naman sana!

Ngumiti ito. "Good," sabi nito.

Natigil ako sa pagwalis nang may naisip akong magandang ideya. Napapangiti ako ng lihim.

"Wha! may ipis!" niyakap ko kaagad sa likod si Seonaid pakatapos nitong tumayo mula sa pagkakaupo.

"Nasaan? Nasan!" taranta nitong tanong. Alam ko kasi na takot ito sa ipis.

Hindi pa rin ako bumibitaw sa pagyakap sa kanyang likuran. Isa lang naman ang gusto kong mangyari ang mahawakan muli ang malambot nitong dibdib kahit gabi-gabi ko naman itong nahahawakan. Kapag nakikita ko siyang tulog na tulog, palihim kong hinahawakan ang dibdib nito.

Tumigil ito sa kakaikot. "Hoy, baka niloloko mo lang ako?" pinipilit nitong tingnan ang mukha ko kaso niyayakap ko nga siya sa likod. Niyayakap ko siya nang mahigpit habang ang mga braso ko ay nasa ibaba malapit sa dibdib nito.

"Ano ba Horace, bumitiw ka nga!"

"Ayoko, baka dapuan ako ng ipis!"

Natutuwa ako kapag gumagalaw si Seonaid dahil natatamaan kasi ng braso ko ang dibdib nito.

"Horace!! Kapag malaman ko na niloloko mo ako, lagot ka sakin!"

Natutuwa ako dahil galit na galit na ito. Napapangiti pa ako tuwing sumisigaw ako nang "ayan may ipis sa dingding," o "ayan na ang ipis," tapos sigaw lang siya nang sigaw kahit wala naman ipis.

"Wha!" sigaw ulit nito habang may hawak na itong tsinelas.

Natatawa ako kapag nakikita kong iwinawasiwas nito ang tsinelas sa ere kahit wala naman ipis.

At kung sinuswerte ka nga naman. "Hayan may ipis na!" dahil meron na nga talagang totoong ipis.

"Wha!" sigaw namin dalawa. Agad kaming lumukso sa kama at tinakpan namin ang sarili ng kumot.

Nagkatinginan kami sa isa't isa. Bumibilis ang tibok ng puso ko nang nagkatitigan kami, napadako ang tingin ko sa kanyang labi. Dahan-dahan naming nilalapit ang aming mga mukha, halos ilang pulgada na lang magdidikit na sana ang mga labi namin nang...

"Ma'am, sir! Ano po ang nangyayari diyan?" sigaw nina manang Esther at yaya Yina sa labas ng kwarto.

"Horace, Seonaid? Buksan niyo ito," katok nang katok naman si mommy Lora sa pinto.

"Mahal?" mahinang tapik ni Seonaid sa aking pisngi.

Tumingin ako sa kanya. Medyo may kaliitan kasi si Seonaid kaya nakatingala ito sa akin.

"Mahal, okay ka lang ba? Kanina pa ako nagsasalita?"

"Pasensya na."

Ngumiti ito sa akin. "Basta magsabi ka lang sa akin mahal kung may problema o may sakit kang nararamdaman," sabi nito.

"Nga pala mahal, ano ba ang gusto mong flavor ng cake natin?" habang hinihila ako papunta sa inupuan nito kanina. Napaupo na lang ako.

"Ikaw na ang bahala. Basta masarap, okay na sa akin."

Ngumiti ito sa akin. Isang ngiti na napakatamis.

Siguro kung naaalala ko siya, baka kanina pa ako kinikilig. Ngunit kahit anong pilit kong gawin, hindi pa rin siya maalala ng isip ko.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro