Chapter 37
Seonaid's POV
Dumaan ang maraming araw, naging tahimik muli ang buhay namin. Wala nang nagpapadala ng kung anu-anong nakakatakot o mga maseselang bagay sa akin, wala na rin mga phonecalls or txt messages na nagsasabi sa kung ano man ang susunod na mangyayaring masama. Nakabalik na rin si kuya Shannon sa pagtuturo, kailangan niya na talagang bumalik sa trabaho dahil baka masisante na siya sa haba ng mga absences niya. Kailangan na rin siya sa aming resto bar.
Paulit-ulit din ang routine namin araw-araw. Patuloy ko pa rin inaalagaan si Horace, sabi ni tito Ariel kailangan ko raw kausapin nang kausapin si Horace. Pinapasyal ko rin siya sa hardin namin para makalanghap siya ng sariwang hangin, nagluluto rin ako ng mga masusustansyang pagkain para sa kanya. Kahit papaano ay hindi naman ako nahihirapan sa pag-aalaga kay Horace. Gusto rin niya kasi na gumaling at bumalik ang lahat ng alaala niya.
Iyon din ang dahilan bakit palaging bumibisita si tito Ariel dito sa bahay, sumasagawa kasi ito ng occupational therapy para mas madaling bumalik ang alaala ni Horace.
"Babalik ako mamaya, Seon," sabi ni Markus. Kapag umaga kasi umuuwi ito sa kanila, tuwing hapon na ito bumabalik. Siya kasi ang private nurse ni Horace at ito ang tumitingin kay Horace kapag wala si tito Ariel.
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat Markus ah," sabi ko sa kanya.
Tumango na lang ito bago umalis sa harapan ko.
Pagkaalis nito, saktong pumasok sa kusina si mommy.
"Anak, ano ba ang niluluto mo diyan?"
"Butternut bisque po mommy," sagot ko. Niluluto ko kasi ang mga paboritong pagkain ni Horace para kahit papaano makatulong sa paggaling niya.
"Mukhang masarap ah," nakangiti nitong puri sa niluto ko.
"Nga pala mommy, gusto ko po sana na i-celebrate po ang wedding anniversary namin ni Horace sa blue lagoon," pag-iiba ko.
Isa ito sa mga tourist spot ng lugar namin — ang blue lagoon o tinatawag din na Calomay Lagoon. Mas pinili ko ito kasi mas malapit lang sa bahay at gusto ko ring mag-invite ng ilang kamag-anak namin.
"Sigurado ka ba anak? Paano kung may mangyari sa 'yo? Sa inyo ni Horace?" pag-alala nitong sabi.
"Mommy, marami naman po tayo do'n. Nandiyan naman kayo nina daddy at kuya. For sure, hindi sila makakalapit sa akin o sa atin," sagot ko.
"Ayoko naman mommy na dito lang sa bahay i-celebrate, paano naman po magiging memorable para sa amin ni Horace? 7th wedding anniversary namin 'to mommy," patuloy ko.
Sasagot sana si mommy nang biglang pumasok si Markus.
"Oh Markus, akala ko ba uuwi ka? Bakit ka bumalik?" tanong ko nang makita ko ito.
"Pasensya na kung nadistorbo ko ang pag-uusap niyo, nakalimutan ko kasi ang bag ko," sabay kamot sa batok nito.
Tumatango-tango naman kami ni mommy.
"Nga pala Markus, invited ka pala sa wedding anniversary namin ni Horace," sabi ko sa kanya.
Napansin kong tumingin si mommy sa akin dahil sa sinabi ko.
Kinuha niya muna ang bag niya bago tumingin sa akin. "Talaga? Kailan?"
"Sa Friday na. 8am kami aalis dito sa bahay para makarating agad do'n."
"Tamang-tama, wala akong gagawin sa Friday. Sige sasama ako," pahayag nito habang nakangiti ang mga singkit nitong mata.
"Aasahan ko iyan huh?"
"Huwag kang mag-alala, pupunta ako," pangako nito.
Nagpaalam muli ito sa amin bago ito tuluyang umalis. Napansin ko ang tingin ni mommy kay Markus. Parang hinintay niya muna na makaalis ito bago niya binaling sa akin ang atensyon.
"Anak, sigurado ka ba? Kinakabahan kasi ako," sabi ni mommy.
"Mommy, relax lang po. Huwag kang mag-alala, nandiyan naman sina kuya Fernan," tukoy ko sa mga kaibigan ni kuya Shannon.
Sabi niya sa akin, mga kaibigan lang daw niya ang mga iyon nang tinanong ko sa kanya kung sino ang mga ito. Nagtrabaho raw ito sa resto bar bilang security guard kaso nakahanap na raw ito ng mas magandang trabaho kaya umalis ito sa resto pero hindi naman nagbago ang samahan nila bilang magkaibigan.
Agad kong niyakap si mommy. "Please mommy? Kahit ngayon lang naman," pakiusap ko dito.
Napabuntong-hininga na lamang ito.
"Sige na, pumapayag na ako. Huwag kang mag-alala, ako ng bahala sa daddy mo," sabi nito.
"Thank you mommy," hinalikan ko ang pisngi nito.
Kaya nga siya ang kinausap ko dahil alam ko na papayag ito kumpara kina daddy at kuya Shannon.
Sisiguraduhin kong magiging masaya ang ika-pitong anibersaryo ng kasal namin ni Horace.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro