Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Wilma's POV

"Tanga ka ba? Ang sabi ko mainit na kape ang ibigay mo sa akin. Bakit ang lamig nito?" pagtataray ko sa isang alipin ko habang sinasampal ko ito.

Kitang-kita ko kung paano ito nanginginig sa takot. Tsk.

"Whaa!" sigaw nito matapos kung ibuhos sa kanya ang kapeng tinimpla nito para sa akin.

"Nag-iinarte ka? Huh? Sagot!" sigaw ko sa kanya sabay hawak ko sa braso nito nang mahigpit.

"Hi- hindi po mahal na reyna," sabi nito habang nakayuko.

"Umiiyak ka ba?" sigaw ko muli.

"Hi- hindi po mahal na reyna," nakayukong sabi nito.

Pinaka-ayoko sa lahat ay ang masyadong mga mahihina, tanga at mga lampa. Mga walang kwenta!

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan tanda na may pumasok. Magagalit sana ako sa taong naglakas loob na pumasok sa kwarto ko na hindi man lang kumakatok ngunit...

"My queen, ang init na naman ng ulo mo."

Ngumiti ako dito. "Markus, bakit ngayon ka lang?" pabebe kong sabi. Agad ko siyang niyakap at hinalikan.

"Mahal na reyna, aalis na po ako. Meron pa po ba kayong kailangan?" sabat ng tanga kong alipin.

Tinitigan ko siya nang matalim. "Umalis ka na nga rito! Alis!!" utos ko habang tumakbo naman agad ito.

Hinalikan naman ako ni Markus sa pisngi. "My queen, hayaan mo na, huwag mo na lang pakainin buong araw bilang parusa sa kanya," sabi nito.

Napangiti ako. Ito ang dahilan kung bakit nagustuhan ko ito kaagad mula nang makilala ko ito sa night club. Isang baguhan na strippers na pinag-aagawan ng mga patrona pero dahil mas marami akong pera, ako ang unang nakabili sa kanya. Sa loob lang ng tatlong linggong pagsasama namin, inaamin kong magaling ito sa pagpapaligaya sa kama kaya saka ko na lamang ito idedepatsa kapag nagsawa na ako.

"Kumusta naman ang pinagagawa ko?" pag-iiba ko. Tinutukoy ko lang naman ang pag-iipisya nito sa mga Lagores at kay Horace.

Seryoso niya akong tiningnan. "Maayos pa naman ang lahat. Nasa plano mahal kong reyna," umupo ito sa gilid ng aking kama habang hinuhubad nito ang sapatos at medyas.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhuli dahil sa oras na malaman nila, hinding-hindi kita tutulungan," pangako ko sa kanya.

Naalala ko si Madel na hanggang ngayon hindi pa namin nakikita. Hindi ko alam kung nasaan ito pero wala na akong pakialam. Siya kasi ang pinadala kong espiya sa bahay ng mga Lagores kaso napurnada pa, ang tanga kasi. Hindi pa nga nagtatagal doon, pumalpak na. Nang nalaman ko na nakabalik na si Seonaid sa bansa, binayaran ko si Madel para alamin ang mga ginagawa ni Seonaid at para magawa namin ang plano, ang patayin ito dahil balita ko ay magaling na raw ito. Ang totoo, matagal ko nang gustong ipapatay si Seonaid pero bantay-sarado naman sa kanya ang pamilya niya kaya nahihirapan itong patayin ng hangal kong mga alipin

"Huwag kang mag-alala reyna ko. Akong bahala sa kanilang dalawa. Sisiguraduhin ko," sagot nito. Hinubad naman nito ang damit nitong pantaas.

Napangiti ako sa sinabi nito.

Isang araw kasi biglang nagsabi sa akin si Markus na tutulungan niya ako sa planong pagpatay sa mag-asawang Dela vega. Ang totoo nagtaka nga ako bakit interesado siya roon ngunit ang sagot niya sa akin, "gagawin ko iyon dahil mahal na kita," napangiti ako kapag naaalala ko ang sinagot nito. Sasamantalahin ko ang pagkakataon na may tama ito sa akin, siya ang magiging susi ko sa bago kong plano.

"Mabuti naman Markus," sabi ko. Naghubad na rin ito ng pantalon, boxer short na lang ang naiwang suot nito.

Umupo ako sa tabi nito. Hinahaplos ko ang malapad nitong dibdib.

"Bakit nga pala gusto mong patayin sila? Hindi naman natin masisiguro na makukuha mo ang kayamanan ni Horace. Saka aanhin mo pa ang yaman nila kung meron ka naman," sabi nito. Agad nag-iba ang timpla ko, hindi ko kasi nagustuhan ang tono nang pananalita nito.

Tumayo ako at tinitigan ko ito. "Hindi mo naman kailangan malaman pa Markus."

Tatalikuran ko na sana ito pero agad naman akong nahawakan nito sa kamay.

"Huwag kang magalit sa akin mahal kong reyna pero paano ko naman ma-e-enjoy ang pinapagawa mo sa akin kung hindi ko naman alam kung bakit mo sila gustong patayin," lahad nito.

Agad ko naman inialis ang kamay nito. "Bingi ka ba? At sino ka ba sa inaakala mo? baka nakakalimutan mo na binili lang kita para paligayahin ako. Isang laruan na kaya kong palitan. Kaya wala kang karapatan na magtanong ng kahit ano."

Tumahimik na lang ito. Dapat lang. Lahat ng gusto ko ay dapat nasusunod. Lahat ng utos ko dapat ginagawa.

Ano siya sinuswerte? Feeling close?

Isang bagay lang naman ang gusto kong mangyari, gusto kong mawala sa paningin ko ang mag-asawang Dela vega. Ang totoo hindi ko naman talaga habol ang kayamanan ni Horace. Tama si Markus, aanhin ko naman iyon kung meron naman ako.

Isang bagay lang naman ang ayaw kong mangyari, ito ang malaman ng lahat ng tao ang matagal ko nang tinatagong lihim. Lihim na matagal na palang alam ng pamangkin kong si Horace. Hindi ako nakakatiyak kung alam niya lahat ng sikreto ko pero gagawin ko ang lahat nang makakaya ko hindi lang nila maisawalat ito sa publiko. Kung kailangan kong pumatay, gagawin ko.

Labis ang pagkataranta ko at pagkatakot ko nang nalaman ko na buhay pala si Horace.

Mabuti na lang nagkadiperensya ang utak nito pero hindi pa rin ako magpapakampante. Base sa sinabi sa akin ni Marcus, posibleng bumalik ang mga alaala nito dahil temporary lang naman daw ang amnesia nito. Kailangan kong kumilos bago mahuli ang lahat.

Sisiguraduhin kong ako na mismo ang papatay kay Horace. Kung nakaligtas man ito sa pagsabog ng gusaling pinasunog ko, puwes gagamitin ko na ang huling alas ko. Ang patayin si Seonaid — ang kahinaan ni Horace.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro