Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Seonaid's POV

Ang sarap talaga matulog sa malambot na kama tapos may yakap-yakap kang isang matigas--- matigas? Bakit parang matigas? Mabalahibo? Bakit parang humihinga ang unan ko? Bakit may nararamdaman akong buga ng hangin sa aking mukha? 

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang natutulog na Horace. Kaya naman pala may nararamdaman akong humihinga dahil ang lapit-lapit ng mukha nito sa akin.

Napakagwapo nito, matangos ang ilong, may mapupulang labi, mahahabang pilikmata, teka, bakit parang may tumutusok sa akin?

Tumingin ako sa ibabang bahagi kung saan ko nararamdaman na may tumutusok sa akin. Anak ng!

"Wha!" sigaw ko.

Napabalikwas si Horace mula sa pagkakatulog nito, tumayo ito na natataranta.

"Bakit?!" tanong nito sa akin.

Napansin ko ang gulat na gulat na reaksyon nito. Ngunit naagaw ang atensyon ko sa tayong-tayo nitong t*t*. Napansin niya agad ang tinitingnan ko kaya agad siyang kumuha ng unan at tinakpan iyon.

"Wha!" muli kong sigaw. Agad ko naman kinumutan ang buong sarili.

"Ano ba? Bakit ka ba sumisigaw?"

"Akala mo naman hindi pa niya 'to nahawakan," inis nitong sabi.

Nahawakan? Natigilan ako sa sinabi nito.

"Akala ko ba mag-asawa tayo? Bakit ganyan ka kung maka-react?" dagdag nito.

Bakit nga ba? Siguro naninibago lang ako.

Binaba ko agad ang kumot na ginawa kong panakip. "Pasensya ka na, naninibago lang ako," sabi ko na hindi ako tumitingin sa kanya.

Ang totoo, ganoon talaga ako noon pa. Napapasigaw ako kapag nakikita kong hubad si Horace.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito at ang pagsara ng pintuan ng CR.

Hala? Na-over ba ako? Paano kung magduda ito dahil sa kinilos ko? Paano kung isipin niya na nagsisinungaling ako? Paano kung hindi siya maniwala na mag-asawa kami?

Bakit ba kasi palagi akong nabibigla? Ilan ulit ko nang nakita iyon eh.

Hays.

"Kumusta naman ang tulog niyo mga anak?" tanong ni mommy sa akin at kay Horace.

Nilagay naman ni manang Esther sa gitna namin ang isang mangkok na may laman na ginisang manok sa repolyo at karot.

"Okay naman po mommy," sagot ko. Alam ko naman na hindi sasagot si Horace eh.

Napansin ko si Horace na parang may malalim na iniisip. Bigla akong kinabahan, paano nga kung pagdudahan niya ako?

Tumingin muli ako sa kanya, titig na titig ito sa pritong hotdog na nasa harapan nito.

"Sir, puwede po ba akong magtanong?" tanong nito kay daddy.

Nagtinginan muna sina daddy at mommy. Nagulat sila dahil kinausap sila ni Horace. Mula kasi nang dumating ito sa bahay, hindi ito nakikipag-usap sa kahit sino maliban sa akin at kay kuya Shannon.

Ngumiti naman si daddy. "Ano iyon iho?"

Hindi naman nagsalita kaagad si Horace.

"May problema ba anak?" singit ni mommy habang nakatitig kay Horace.

Lahat kami na narito ay nakatitig sa kanya, naghihintay sa sasabihin nito.

"Sir---"

"Daddy na lang Horace," putol ni daddy sa sasabihin ni Horace.

"Ako rin Horace,anak. Mommy na lang ang itawag mo sa akin," nakangiting sabi ni mommy.

"Ok," maikling sagot ni Horace.

"Ano pala ang tanong mo, iho?" dagdag ni daddy sabay inom nito ng kanyang kape.

"Tumatayo rin po ba ang t*t* niyo?" inosenteng tanong nito.

Nabuga naman ni daddy ang kanyang ininom samantala si mommy ay panay hagod sa likod ni daddy habang gulat na gulat ang reaksyon. Sina manang Esther at yaya Yina ay nakita kong napatawa sa tinanong ni Horace.

"Horace!" saway ko.

Inosenteng tumingin lang sa akin si Horace na nagtataka kung may mali ba sa sinabi nito o wala.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro