Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Seonaid's POV

"Tito Ariel, meron po bang pagkain na hindi puwedeng kainin ni Horace?"

Ngumiti ito. "Wala naman pero mas maganda pa rin ang masusustansyang pagkain."

"Salamat po tito."

"Nga pala Seonaid, sabihin mo na lang sa daddy at mommy mo pag-uwi nila na hindi ko na sila mahihintay pa, marami kasing pasyente sa ospital ngayon, alam mo naman na naka-duty pa ako ngayon," paalam ni tito Ariel.

Iniuwi ko kasi si Horace sa bahay kasi ayaw na nito sa ospital. Sinamahan naman kami ni tito Ariel pauwi dahil kailangan niya munang tingnan ulit si Horace. Nasabi na rin niya sa akin na posibleng temporary lang ang retrograde amnesia ni Horace. Sana nga.

Nasabi sa akin ni Julius na wala naman amnesia si Horace nang kinidnap sila ng mga tsinong pirata. Posibleng nagkaroon ng ganoon si Horace dahil nauntog daw ito sa bangkang sinakyan na ginamit nila sa pagtakas. Dahil sa lakas ng alon at ulan ng gabing iyon, nasira ang bangka nila, mabuti na lang ay hindi sila nagkahiwalay.

Nakita ko si Horace sa aming hardin na nakaupo sa isang upuan gawa sa kahoy. Hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon dahil pakatapos nang pagtapon nito ng remote sa TV ay pinaalis niya kaming lahat. Ayoko man umalis ngunit wala na akong nagawa nang biglang inatake si Horace. Sumasakit daw ang ulo nito kaya sigaw ito nang sigaw. Mabuti na lang nandoon si tito Ariel at ang ibang nurse, sila ang nag-asikaso sa kanya hanggang sa naging mahinahon na ito.

"Mahal, nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya nang nakalapit ako.

"Ito ba ang bahay natin?" pag-iiba nito.

Napangiti ako ng lihim ng sinabi niya ang 'bahay natin'.

"Bakit ang liit?" dagdag nito.

"Hindi ito ang bahay natin, mahal. Ito ang bahay ng pamilya ko, dito ako tumira nang hindi pa tayo kinakasal," mabilis kong sabi.

"Akala ko ba uuwi tayo sa bahay ko!" sigaw nito.

Nagulat na naman ako. Hindi kasi ako sanay na sinisigawan ako ni Horace.

"Edi umuwi ka ng mag-isa mo!" sabat ni kuya Shannon. Kasama namin siyang umuwi sa bahay galing ospital. Ayaw pa nga ni kuya na isama si Horace sa bahay pero pinilit ko ito, mas maganda na kasama ko si Horace sa bahay dahil mas maaalagaan ko siya.

"Kuya! Ano ba?" saway ko dito.

Nakatayo si kuya Shannon habang nasa loob ng bulsa ng suot nitong pantalon ang mga kamay nito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Horace at bigla itong tumayo nang makita si kuya.

"Malamang dito ako nakatira! Saka nandito si Seonaid kaya uuwi ako," pang-aasar nito kay Horace. Alam niya kasi na magseselos na naman ito katulad ng nangyari sa ospital kahapon.

"Kuya, puwede ba?" pakiusap ko. Natatakot kasi ako baka sumakit na naman ang ulo ni Horace.

Nabigla ako nang hinawakan ako ni Horace sa kamay habang seryosong nakatingin kay kuya. Nakikita ko na rin na napatiim-bagang ito habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ko.

"Asawa ko siya 'di ba?!"

"Oh tapos?" sabi ni kuya habang nakapoker face.

"Kuya, tama na!" sabat ko. Alam ko naman na inaasar niya lang ang asawa ko.

Natatakot ako na baka magsuntukan ang dalawa. Isa pa, hindi ko sila kayang pigilan dahil malalaking lalaki ang mga ito.

"Mula ngayon, huwag ka nang lumapit sa asawa ko!" utos ni Horace.

"Paano kung ayoko?" sabi ni kuya. Ngumingiti pa ito!

"Kung makakalapit ka nga sa kanya!" hamon ni Horace. Ayaw din magpatalo.

Medyo humihigpit na ang pagkahawak ni Horace sa aking kamay.

"Tama na nga!" saway ko habang tinitiis ko ang panggigigil ni Horace.

"Ano bang nangyayari dito?" sabat ni daddy.

"Shannon?" baling ni mommy kay kuya.

Nakauwi na pala sila. Napansin ko rin ang paglapit ni yaya Yina marahil nagtataka kung ano ang nangyayari sa amin.

"Aalis muna ako mom, dad," tumigil muna ito ng ilang saglit at binaling niya ang tingin sa akin. "Seon, may aasikasuhin muna ako."

"At bakit ka ba magpapaalam sa asawa ko?" singit na naman ni Horace.

Hindi ko na talaga kaya baka mabali na ang kamay ko kapag hinayaan ko lang si Horace. Agad kong inalis ang kamay ko sa pagkahawak ni Horace, medyo natagalan nga lang dahil sa sobrang higpit nito.

Napansin ko ang gulat na reaksyon ni Horace. Gusto kong matawa sa reaksyon niya, bukang-buka ang mga mata nito.

"Pumasok na po tayo sa loob mommy, daddy," alok ko.

Sinadya kong iwan si Horace ni hindi ko siya pinapansin kahit tinatawag niya ako, napansin ko na lang na sumusunod ito sa akin na parang tuta.

***

"Mommy, daddy, sasama ako kay yaya Yina sa paggrocery mamaya," ang totoo namimiss ko na ang baby namin ni Horace. Gusto kong bisitahin ito pero malayo kasi ang bahay sa sementeryo, halos isang oras pa kasi ang haba ng byahe kung sasakay ka. Nagkataon naman na mag-go-grocery si yaya Yina ngayon kaya makakapuslit ako.

Nagtinginan muna sina mommy at daddy bago magsalita si mommy.

"Anak, alam mo naman na hindi ka puwedeng lumabas," sagot ni mommy habang nilalagyan ng ulam si daddy sa plato nito. Nanananghalian kami.

Napansin ko na natigilan sa pagsandok ng kanin si Horace.

"Bakit hindi siya puwedeng lumabas?" tanong nito.

"Pero mommy, daddy, wala na---"

"Hindi ka lalabas, Seonaid. Tapos ang usapan!" pinal na sabi ni daddy.

Tunog lang nang nagbabanggaan na mga kutsara't tinidor at plato ang naririnig ko sensyales na walang nagsasalita.

"Bakit hindi siya puwedeng lumabas?" basag ni Horace sa katahimikan habang punong-puno ng pagkain ang bibig nito.

Pasimple kong pinunasan ang luha ko. Gustong-gusto ko nang bisitahin ang puntod ng anak ko.

"Bakit ka umiiyak?" inosenteng tanong ni Horace. Palibhasa hindi niya alam na may anak kami. Siguro magiging masaya kami ngayon kung hindi lang ako nagpabaya. Paano kaya kung malaman ni Horace ang tungkol sa anak namin, baka magalit siya o sisisihin niya ako.

Nagulat ako nang nilagyan ako ni Horace ng isang chicken joy sa aking plato, ganoon na sana ang saya ko ngunit...

"Huwag kang assuming. Nilagyan lang kita ng ulam kasi mauubusan ka na," seryoso nitong sabi at kaagad itong bumalik sa pagnguya nito.

Pansin ko nga na tambak ang lahat ng ulam sa plato nito habang tinitingnan lang siya nina mommy at daddy.

Kikiligin na sana ako eh, sinira mo pa Horace.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro