Chapter 30
Seonaid's POV
"Horace!" sigaw nito. Agad itong lumapit at hinawakan si Horace kung kaya't napatayo ako na wala sa oras. Nakaupo kasi ako sa isang kulay dilaw na single chair sa tabi ng kama ng asawa ko.
"Horace, okay ka lang ba?!" pag-aarte nito. May paiyak-iyak pang nalalaman sa harap mismo ni Horace.
"Ang saya-saya ko ngayon kasi buhay ka, Horace. Walang araw na hindi ako nagdadasal tungkol sa 'yo. Araw-araw akong nagluluksa sa pagkawala mo."
Titig na titig naman ang asawa ko rito. Tulad ng naging reaksyon nito sa akin pagdating kanina ay ganoon din ang reaksyon nito kay tita Wilma.
Kanina ko pang napapansin ang patuloy na paghaplos ng kamay ni tita Wilma sa braso ng asawa ko. Hindi ko gusto ang nakikita ko dahil pakiramdam ko ay halos umakyat ang dugo ko sa buong mukha ko.
Inalis ko ang kamay nito. "Umalis na kayo tita Wilma," matapang kong sabi habang seryoso ko siyang tinitingnan.
Kitang-kita ko kung paano kumuyom ang kanang palad nito tanda na nainis ito sa sinabi ko.
"Bakit? Wala na ba akong karapatan na bisitahin ang pamangkin ko, Seonaid?"
"Umalis na kayo. Hindi naman namin kailangan ang tulong mo. Kayang-kaya kong alagaan ang asawa ko," sagot ko.
Hindi ko inaasahan ang pag-iyak nito. Ang galing!
"Bakit mo ba ginagawa ito Seon, kahit kailan naging mabuti ako sa 'yo. Mula nang mawala si Horace, binabastos mo na ako," madamdamin nitong lahad. Binigyan naman ito agad ng tissue ng kanyang alalay.
"Umalis na kayo---"
"Tumigil ka na. Bakit mo ba siya pinapaalis?!" putol ni Horace sa sasabihin ko. Nagulat ako sa pagsigaw nito. Kahit kailan hindi ako sinisigawan ni Horace.
"Hindi porket ikaw ang asawa ko, hindi ibig sabihin ay puwede mo nang paalisin ang mga bumibisita sa akin!" dagdag nito.
Marahil naninibago lang ako dahil hindi naman ako sinisigawan ni Horace noon pero hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako ngayon. Ang sakit sa puso na pinapahiya ako ng asawa ko.
"Ganyan talaga siya Horace. Hindi mo ba alam na pinaratangan niya ako na ako raw ang pumatay sa iyo? 'Di ba ang bobo lang," paninira ni tita Wilma, sa harap ko mismo.
Tumingin sa akin si Horace. Teka, bakit pakiramdam ko ako ang may kasalanan. Akala ko ba kailangan kong maging matapang sa harap ni tita Wilma, na dapat hindi ako magtiwala sa kanya.
Pinatong ko sa mesa ang ginawa kong dessert para kay Horace. Mamaya uuwi na si Horace kaya kailangan maging perpekto ang dinner date namin. Sinindihan ko na rin ang kandila na nakapatong mismo sa lamesang inihanda ko. Maayos na ang lahat kaya nagdesisyon na akong mag-ayos na rin sa sarili.
Makalipas ang ilang oras, narinig ko na ang tunog ng kotse ng asawa ko tanda na nakapasok na ito sa garahe.
"Ma'am Seon, nandito na po si sir Horace," sabi ni yaya Yina, ang mayordoma namin.
Nagpasalamat ako sa kanya at agad na akong pumunta sa aming sala, sasalubungin ko kasi si Horace. Ayaw niya kasi na hindi ko siya sinasalubong pag-uwi.
Napangiti ako nang pumasok na ito sa loob ng bahay. "Mahal," tawag ko kay Horace sabay lapit ko sa kanya.
Ngumiti ito sa akin. "Mahal ko," sabay halik sa akin.
Ilang segundo natapos ang paghahalikan namin.
"Mahal, halika ka na habang mainit pa ang mga niluto ko."
"Teka lang, mahal ko," pigil niya sa akin. Binigay niya sa akin ang tinatago niya sa kanyang likuran.
"Heto, mahal ko para sa 'yo," dagdag nito. Binigyan niya ako ng isang bungkos ng paborito kong bulaklak — pulang rosas.
"Salamat mahal ko," natutuwa kong sabi.
"Mahal, nga pala meron regalo si tita Wilma para sa atin," balita ko kay Horace habang kumakain na kami.
Nakita kong natigilan si Horace sa sinabi ko. Tumingin muna ito sa akin bago magsalita.
"Mahal, ipatapon mo kay manang iyan."
"Huh? Bakit naman mahal ko? Mukhang masarap pa naman mahal," nagtataka kong tanong. Sayang naman ang binigay ni tita na red wine kung itatapon lang.
Huminga muna ito nang malalim. "Mahal, ipatapon mo nga kay manang iyan," ulit nito.
Tumahimik na lang ako. Kapag ganoon kasi si Horace, ibig sabihin seryoso siya sa sinasabi niya pero nalulungkot pa rin ako, nasasayangan kasi ako.
"Mahal," tawag nito sa akin.
Tumingin ako sa kanya. "Mahal, okay ka lang ba?" tanong nito.
"Sayang kasi ng red wine mahal. Mukhang masarap kasi."
Isa pa, naubos na kasi ang stocks namin.
"Huwag kang mag-alala mahal ko, bukas na bukas bibili tayo." Ngumiti ito sa akin.
"Manang!" tawag ni Horace kay manang Sara, isa sa aming katulong.
"Itapon mo ang binigay ni auntie Wilma ngayon na," utos ni Horace.
"Mula ngayon, wala kayong tatanggapin ni isang regalo mula sa kanya," dagdag nito.
Agad naman sumunod si manang Sara. Tumingin naman ulit si Horace sa akin.
"May problema ba mahal ko?" tanong ko sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang ito. "Balang araw, malalaman mo rin mahal," sagot nito sa akin.
"Mangako ka sa akin Seonaid, mula sa oras na ito hinding-hindi mo na pagkakatiwalaan si auntie Wilma. Mag-iingat ka sa kanya," dagdag nito habang nakatingin sa akin nang seryoso.
Hindi ko maintindihan si Horace. Mabait naman si tita Wilma ngunit dahil nakatitig si Horace sa akin na parang naghihintay sa sagot ko ay napilitan akong tumango.
"Siya pala ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko," pag-iiba nito. Nakita ko mismo sa mga mata nito ang galit.
Muli niya akong tinitigan. "Sabihin mo lang sa akin mahal kapag sinaktan ka niya. Hinding-hindi ako magdadalawang-isip na patayin siya. Maliwanag ba mahal ko?"
"Oo mahal ko." Nagulat ako sa sinabi nito ngunit sumagot na lang ako.
Ngumiti ito sa akin. "Mabuti pa huwag na natin siyang pag-usapan. Masisira lang ang dinner date natin ngayon," sabi ni Horace.
"Kung ayaw mo sa bisita ko, ikaw na lang ang umalis," sabi ni Horace.
Natigilan ako. Hindi ko matanggap na pinapaalis ako ni Horace. Bakit ako?
"Ayoko!" sagot ko. Nagulat si Horace sa pagsigaw ko. Wala na rin akong pakialam kung umiiyak na ako, ayoko lang umalis sa tabi ng asawa ko. Hindi ko siya iiwan.
"Seonaid," tawag ni kuya Shannon sa akin pagkapasok nito sa kwarto.
Hindi ko ito nilingon. Nakatingin pa rin ako kay Horace na titig na titig sa akin habang umiiyak ako. Nararamdaman ko na rin tumutulo ang mga luha ko.
Hinawakan ni kuya Shannon ang balikat ko at iniharap niya ako sa kanya.
"Bakit ka umiiyak huh?" alalang tanong ni kuya.
"Anong ginawa mo sa kanya huh?" baling nito kay tita Wilma. Dahil sa pagsigaw ni kuya ay namutla si tita Wilma pati ang kasama nitong alalay na nagtago pa sa likuran ni tita Wilma.
Hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman kong sakit. Hindi ko kasi matanggap na pinapaalis ako ni Horace. Napahagulhol ako kung kaya't nakuha ko ang atensyon ng lahat.
"Wha!" hagulhol ko. Isip-bata na kung isip-bata, hindi ko lang talaga matanggap na ayaw na sa akin ni Horace. Nataranta naman si kuya.
Agad naman pinunasan ni kuya ang aking pisngi. "Tahan na Seon, nandito ako," sabay yakap nito sa akin nang mahigpit. "Poprotektahan kita, huwag kang mag-alala," dagdag nito habang hinahaplos ang likod ko.
Bigla naman akong tumigil sa pag-iyak nang may marinig akong parang may nabasag. Kumalas ako sa yakap ni kuya Shannon at nakita ko ang TV na basag at ang sirang remote control na nagkalat sa sahig. Ito ata ang itinapon sa TV.
Narinig ko naman ang maarteng pagsigaw ni tita Wilma nang nabasag ito.
Nabaling agad ang atensyon ko kay Horace na kung saan seryosong nakatingin kay kuya Shannon maging si kuya ay seryoso rin nakatingin kay Horace.
"Capt., nandiyan lang pala ang remote sa 'yo? Pambihira, kanina ko pa hinahanap 'yan eh. Sa susunod kung magseselos ka, iba na lang ang itapon mo huwag ang remote," reklamo ni Julius habang binubuksan ang junkfood nito.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro