Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Seonaid's POV

"Mahal, heto oh. Masarap 'to," alok ko kay Horace. Kinuha ko naman ang isang tupperware sa loob ng plastik bag na dala ko.

Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na mangyayari ito, ang muli ko siyang makasama. Pakatapos ng tawag ni kuya Shannon, agad akong pumunta sa ospital na sinabi ni kuya na dito raw na-confine ang asawa ko.

Kahit kumikirot sa sakit ang puso ko dahil sa katotohanan na hindi ako maalala ni Horace, ngumingiti pa rin ako sa harap niya.

"Mahal ko, tikman mo ito," alok ko muli dito ng fruit salad. Alam ko kasi na paborito niya ito.

Tinitigan muli ako nito na parang inaalisa ang aking mukha. Wala man lang akong nakikitang kasiyahan sa mga mata nito, ganyan ang kanyang reaksyon kanina nang sinabi ko na mag-asawa kami.

"Capt., tikman mo na. Masarap iyan, gawa pa naman 'yan ng asawa mo," sabat ni Julius. Ito ang nakasama ni Horace sa pagtakas sa fishing vessel ng mga pirata.

Nakatitig pa rin ito sa akin na parang hindi ako nakikilala. Masakit. Oo sobrang sakit kapag nakikita ko ang reaksyon niya kapag nagsasalita ako. Buhay nga siya pero pinapatay niya naman ang puso ko.

"Bakit mahal? Ayaw mo ba? Hindi ka ba gutom?" sunod-sunod kong tanong. Pinipilit kong huwag umiyak. Kailangan niyang kumain dahil malaki ang pinagbago niya, pumayat at umitim ito malayong-malayo sa dati nitong itsura.

"Mahal?" tawag ko. Nilagay ko muna ang ginawa kong fruit salad sa lamesang nasa gilid ng kama ni Horace.

Muli kong tinitigan si Horace na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.

"Mahal, huwag kang mag-alala. Nandito ako. Aalagaan kita at gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang," lahad ko.

"Hindi mo naman kailangan pilitin na makaalala pero pinapangako ko na tutulungan kita na maalala mo ang lahat," mabilis kong dagdag. Tuluyan nang tumulo ang aking luha.

Masaya ako na nahahagkan ko siya, na nalaman kong buhay siya kahit hindi man niya ako maalala, ang mahalaga ay bumalik siya sa akin.

Napansin ko ang pagtaas ng kamay nito, mukhang pupunasan sana nito ang aking pisngi ngunit nang makita niya ako na nakatitig sa kanya, bigla niyang binaba ang kanyang kamay.

Binaling niya ang kanyang atensyon doon sa fruit salad na pinatong ko sa lamesa.

"Nagugutom ako," sabi nito na hindi ako nililingon.

Napangiti ako. Agad ko naman kinuha ang home made fruit salad ko at kutsara. Mabuti na lang ginawa ko ito kahapon, para sana ito kina mommy at daddy.

"Subuan mo ako," hiling nito habang hindi pa rin makatingin sa akin.

Ginawa ko naman kung ano ang gusto nito.

Masaya ako dahil nakikita ko sa kanya na nasasarapan siya sa ginawa kong salad. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagsusubo sa kanya.

"Oh, nagbanyo lang ako, sweet na agad. Tsk tsk baka langgamin ako 'yan," si Julius. Kalalabas lang kasi nito sa CR dito sa kwarto nila.

Napangiti ako sa panunukso nito.

"May pasubo-subo pa, hindi naman pilay," parinig nito kay Horace habang parang may hinahanap ito.

"Nasaan na ba ang remote?" dagdag ni Julius, patuloy pa rin ito sa paghahanap ng remote ng TV.

Napansin ko na may tinago si Horace sa gilid nito at agad naman itong sumenyas sa akin na tumahimik lang ako.

Hindi ko alam kung ano ang gimik niya. Minabuti ko na lang na sundin ito, isa pa siya pa rin ang asawa ko. Naubos ni Horace ang salad kaya humingi ito ng tubig.

"Sana all, may lovelife. Mabuti pa ang isa diyan, sinubuan na, alagang-alaga pa," pasaring ni Julius.

Hindi kumikibo si Horace. Akala ko nga matutulog ito pero ganoon na lang ang bilis nang tibok ng puso ko dahil titig na titig ito sa akin.

"May dumi ba sa mukha ko, mahal ko?" pagtataka ko kung bakit ganyan siya tumingin sa akin.

"Masama ba?"

"Hindi naman pero---"

"Tuwing tinatawag mo ako ng 'mahal', hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumibilis ang puso ko," putol nitong sabi.

"Sus? 'wag ako Horace! Bumabanat ka na naman," sabat ni Julius. Patuloy pa rin ito sa paghahanap ng remote na kasalukuyan nakatago sa gilid ng asawa ko.

Sasagot sana ako kay Horace nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa lang naman ang babaeng pinakaiinisan ko.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro