Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Seonaid's POV

"Anak, huwag mong pabayaan ang sarili mo. Matulog nang maaga, huwag masyadong magpagod."

"Opo mommy, don't worry po gagawin ko po lahat-lahat ng bilin niyo," sagot ko dito.

Inilalagay naman ni manong Rio ang mga gamit ko sa trunk ng kotseng gagamitin namin papunta sa safe house na aking pagtataguan. Ngayon araw na kasi ako aalis kasama si manong Rio at yaya Yina. Magpapaiwan kasi sina mommy at daddy sa bahay samantala si kuya Shannon ay hindi pa nakakauwi mula pa kagabi, nakitulog daw ito kay inspektor Simmon dahil naabutan ito ng malakas na ulan.

"Tatawagan ka namin palagi anak ah."

Hindi kasi sila puwedeng sumama sa akin maging si kuya Shannon baka raw masundan sila ng kalaban kapag bumisita sila sa akin. Parte ito ng plano para hindi malaman ng kalaban kung nasaan ako.

"Daniel, ano ba?! Aalis na ang anak mo tapos nandiyan ka lang nagbabasa ng dyaryo, baliktad pa!" sigaw ni mommy kay daddy.

Nasa mahabang sofa lang kasi si daddy na nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo, parang nagkukunwaring walang pakialam sa paligid.

Inayos naman agad ni daddy ang dyaryong binabasa niya. Baliktad kasi ito.

"Ano ba? Bingi lang? Hindi ka pa magpapaalam sa anak mo?" inis na sabi ni mommy.

Agad naman naibagsak ni daddy ang dyaryong binabasa. "Bakit naman ako magpapaalam? Magkikita-kita pa naman tayo ah!"

Pinigilan ko na lang si mommy sa pamamagitan ng paghawak ko sa braso nito dahil sasagot pa sana ito kay daddy. Tumahimik na lamang ito.

"Sige po mommy, daddy aalis na po kami. Mas maganda po na makarating na kami nang mas maaga."

"Ang ingay-ingay kasi ng mommy mo!" sabi nito, kunwari bumubulong ngunit malakas naman ang boses.

"May sinasabi ka Daniel?"

"Meron Lora, narinig mo diba!" sigaw ni daddy.

Napapatawa ako sa kanilang dalawa. Ganyan kasi ang mga iyan kapag may aalis sa amin ni kuya, nag-aaway hindi dahil galit sila sa isa't isa kundi nag-aaway sila para maibsan ang lungkot na nararamdaman nila, parang doon nila dinadaan sa away para hindi maging madrama ang pag-alis ko.

Handa na ang lahat, aalis na nga sana kami ngunit biglang tumunog ang cellphone ni daddy.

"Shannon, anak. Napatawag ka?"

Sumenyas na si manong Rio sa akin na kung aalis na ba kami pero umiling lamang ako dito tanda na ayoko pang umalis. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit gusto ko munang hintayin matapos ang pag-uusap nina daddy at kuya.

"Hindi pa. Bakit anak?" sagot nito habang seryosong nakikinig kay kuya Shannon sa cellphone.

"Ano?!" parang gulat nitong sabi. Lalo akong kinabahan nang tumingin sa akin si daddy.

Lumapit naman si mommy kay daddy, tila pinipilit na pakinggan ang sinasabi ni kuya Shannon sa cellphone.

"Sigurado ka ba anak?" tanong nito habang hindi inaalis ang mga tingin nito sa akin.

"Hoy! Daniel, huwag kang selfish. Uso ang loudspeaker, ano ba!" biglang sabat ni mommy. Medyo nagulat nga ako pati sina manong Rio at yaya Yina sa pagsigaw ni mommy.

Kitang-kita ko rin si daddy nang inikot ang mga mata nito kay mommy pero wala siyang nagawa nang pinalo siya ni mommy sa braso. Napabuntong-hininga na lamang ito bago niya i-on ang loudspeaker.

"Hello? Dad?"

"Oh, ano iyon anak?" sagot agad ni daddy.

"Ano ba ang sinabi mo kanina kay daddy mo, anak?" singit ni mommy.

"Nakaloudspeaker ka anak," singit naman ni daddy.

"Nandiyan po ba si Seonaid, mom, dad?"

Nagtinginan muna kaming lahat na nandito.

"Nandito naman anak," sagot ni mommy.

Narinig pa namin ang pagbuntong-hininga ni kuya, tumigil muna ito ng ilang sandali.

"Anak, ano na? Nalunod ka na?" sabi ni mommy. Nangunot ang aking noo do'n sa sinabi ni mommy, parang tinotopak na naman ito.

"Seonaid, little sis.?" paghanap nito sa akin. Kahit hindi ko nagustuhan ang tinawag niya sa akin, sumagot pa rin ako.

"Bakit kuya? Nawawala ba brief mo?" sabi ko.

"Huh? Totoo ba iyon Shannon?" inosenteng tanong ni mommy.

"Mom!" si kuya.

"Oh ano, bakit ka sumisigaw?" si mommy.

"Sabihin mo na kasi kuya kung ano ang sasabihin mo, kailangan na namin umalis," naiinip kong sabi.

"Seonaid," seryoso nitong bigkas ng pangalan ko.

"Kanina ka pa Seonaid ng Seonaid, Shannon. Kinakabahan tuloy ako sa 'yo," sabi ni mommy.

Napansin ko na rin na parang naiirita na si daddy sa kaingayan ni mommy. Ang lakas-lakas kasi ng boses nito.

"Mom, puwede ba?!" inis na sabi ni kuya.

"Heto, nahihirapan na nga akong sabihin eh baka kasi mahimatay si Seonaid," dagdag nito.

"Ano ba kasi iyon?" naiirita kong sabi.

"Seonaid," sabi ni kuya.

"Oh?" sabat ni mommy.

"Puwede ba Lora!"

"Mom!"

Sabay na sambit ni daddy at kuya. Tumahimik na lamang si mommy.

"Seonaid."

"Isa pa kuya!"

"Bago ko sabihin sa 'yo ito, mangako ka na hindi ka mabibigla."

"Pangako!" mabilis kong sagot para matapos na.

"Seonaid, nandito ako ngayon sa ospital."

"Ano? Diyos ko, anong nangyari sa 'yo anak? Nakabuntis ka ba?" paranoid na sabi ni mommy.

"Mom, puwede po ba patapusin niyo muna ako."

"Diretsuhin muna ako kuya," sabat ko. Sisingit na naman kasi si mommy. Hindi kami makakaalis kung hahayaan ko sumingit na naman si mommy sa usapan.

Huminga ito nang malalim bago sabihin ang mga salitang nagpatigil sa pagtibok ng puso ko.

"Seonaid, buhay si Horace."

"Mom!" sigaw ko.

Bigla itong nahimatay sa binalita ni kuya at agad naman itong nasalo ni daddy. Si mommy talaga, ako dapat ang mahihimatay hindi siya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro