Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Seonaid's POV

Dumaan ang maraming araw. Patuloy pa rin si kuya Shannon sa pagtulong kay inspektor Simmon sa kaso ko at balita ko meron daw itong mga nakuhang lead para kahit papaano ay makatulong na umusad ang kaso ko. Hindi raw kasi sapat ang pagbintangan si tita Wilma na walang sapat na ebidensya na magdidiin dito gaya ng nakitang mga txt messages sa mobile phone ni Madel kaya minsan naiinis ako sa bagal ng pagkamit ng hustisya rito sa ating bansa.

Nalaman ko rin kay mommy ang tungkol sa safe house na lilipatan ko bukas. Kailangan ko kasi magtago dahil iyon ang gusto nina mommy at daddy para daw sa aking kaligtasan. Ayoko man sundin sila dahil bakit ako magtatago kung wala naman akong kasalanan ngunit dahil ayoko rin madamay pa ang pamilya ko at ang ibang taong nakapalibot sa akin mula kay tita Wilma, mas maganda nga na lumipat ako sa isang ligtas na lugar.

"Anak, inumin mo muna ito," sabi ni mommy sabay abot sa akin ng aking gamot at ng basong tubig.

Tinitigan ko muna ng ilang sandali ang gamot na nasa palad ko, tsinitsek kung ito ba ang iniinom ko. "Salamat po mommy," masaya kong sabi pakatapos kong mainom ang gamot.

"May gusto ka pa ba anak?" tanong nito.

Inaayos nito ang aking higaan kahit nakaayos na ito bago pa ito pumasok sa aking kwarto.

"Wala na po mommy."

"Inayos mo na ba ang mga kailangan mong dalhin bukas, anak?" tanong ulit nito habang inaayos niya naman ngayon ang mga bagay na nakapatong sa study table ko kahit hindi naman ito magulo.

"Okay na po mommy," sagot ko habang pinagmamasdan ko siya sa kanyang ginagawa. Nakaupo kasi ako sa isang couch malapit sa balkonahe ng aking kwarto.

Pakatapos niya doon sa study table ko, pumunta naman ito sa aking kabinet at binuksan ito. Inaayos niya na naman ang mga damit kong nakahanger kahit nakaayos na ang mga ito.

"Mommy, okay ka lang po ba?"

Hindi ito sumasagot pero naririnig ko itong sumisinghot. Nakatalikod kasi ito mula sa akin habang nilalabas niya at binabalik ulit ang nakahanger kong mga damit sa loob ng kabinet. Paulit-ulit niya itong ginagawa.

"Mom?"

Alam ko na umiiyak ito kaya lumapit at niyakap ko ito sa kanyang likuran. Ganoon kasi si mommy kapag may isa sa amin ni kuya Shannon ang aalis ng bahay.

"Mom? Huwag po kayong mag-alala. Magiging maayos naman po ako roon, magpapakabait din po ako at tatawag din naman po ako sa inyo ni daddy," sabi ko habang yakap-yakap ko siya.

Nag-umpisa na yumugyog ang balikat nito senyales na humahagulhol na ito.

"Mahal na mahal ko po kayo mommy, mag-iingat po kayo dito nina kuya at daddy huh," bilin ko habang nag-uumpisa na rin akong umiyak.

Naging tahimik ang buong oras habang niyayakap ko ito. Iyak lang ni mommy ang naririnig ko.

Makalipas ang ilang minuto, pinunasan ko ang mga luha ni mommy nang humarap ito sa akin.

"Hayan tuloy mommy pumangit ka," patawa kong sabi.

Natawa ito. "Ikaw talagang bata ka!" Kinurot ako nito sa akin tagiliran habang nakangiti.

Mamimiss ko ang ganito. 'Yong pakiramdam na masaya ka kasi kasama mo ang isa sa mga taong pinapasaya at minamahal ka.

"Basta tatawag ka palagi sa amin ng daddy mo. Hindi na nga pumunta rito ang daddy mo baka raw magbago ang isip niya tapos hindi ka na palayasin."

"Palayasin? Grabe kayo sa akin. Siguro ayaw niyo na talaga sa akin kaya pinapalayas niyo na ako."

"Ito naman binibiro lang. Sige na magpahinga ka na, anong oras na oh?" Turo ni mommy sa digital clock ko sa kwarto.

Nag-good night kiss muna ito sa akin bago umalis. Bagamat medyo may pagka-childish, alam ko na sa ganoong paraan lang niya pinapakita ang pagmamahal niya para sa akin.

Bagamat nang umpisa ay nanghilakbot ako sa nalaman ko tungkol sa ginawa nina mommy at daddy ng mga panahon na na-depress ako dahil binigyan nila ako ng isang mahiwagang manika na ang buong akala nila ay gagaling ako sa depression ko kapag nakasama ko ang nasabing manika pero mas pinili ko na lang intindihin ang mga ito dahil alam ko na nagawa lang nila iyon para sa akin. Humingi sina mommy at daddy ng kapatawaran sa ginawa nila na agad ko naman sinabi sa kanila na kalimutan na lang ang mga nangyari na.

Ang totoo, malaking tulong ang nagawa nina mommy at daddy kung tutuusin dahil hindi tuloy ako nahirapan gawin ang plano.

Kaya minsan nakukonsensya na ako sa pinaggagawa ko pero kailangan kong gawin ito para rin naman sa kaligtasan ng lahat.

Sana mapatawad niyo ako kuya, mommy at daddy. Balang araw maiintindihan niyo rin ako.

Tiningnan ko ang oras. Dali-dali akong pumunta sa harap ng salamin para makapag-ayos sa sarili dahil anumang oras dadating na siya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro