Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Shannon's POV

"Sa tingin mo, sino ang posibleng may galit sa 'yo?" tanong ng kilala kong imbestigador. Kasalukuyan niyang tinatanong si Seonaid patungkol sa nangyaring pagtankang pagpatay dito.

"Isa lang naman ang naiisip ko na maaaring may galit sa akin," malumanay na sagot ng kapatid ko.

"Si tita Wilma," mabilis nitong dagdag.

"Tita Wilma?" masuring tanong ni inspektor Simmon.

Wilma? Parang narinig ko na ang pangalan, hindi ko lang maalala.

Inilapag naman ni yaya Yina ang tasang may kape sa harap namin ni inspektor Simmon sa mesang nasa harapan namin maging ang orange juice nina mommy at Seonaid. Tahimik naman itong umalis. Nasa hardin kami ng bahay nag-uusap nina inspektor, Seonaid at mommy.

Napansin ko na nag-uumpisa nang magtubig ang mga mata ng kapatid ko. Nanginginig na rin ang maliit nitong katawan.

"Seonaid, anak. Okay ka lang ba?" pag-alala ni mommy dito. Marahil napansin din nito ang kilos ng kapatid ko.

"Wilma Dela vega," sabat ng kapatid ko. Kitang-kita ko kung paano nabubuo ang galit sa mga mata ng kapatid ko.

"Hmm.. iyon bang sikat na modelo ng malalaswang damit?" tanong ni inspektor.

"Siya nga!" sabat ni mommy.

"Kaano-ano mo ito?" pag-iiba ni inspektor habang mataman na nakatitig kay Seonaid. Katabi ko si inspektor Simmon habang kaharap namin sina mommy at Seonaid.

"Tita siya ng yumao kong asawa. Kapatid ng ama ni Horace," agad na sagot ni Seonaid.

"Bakit mo nasabing siya ang taong nasa likod nang pagtankang pagpatay sa 'yo?"

"Dahil gusto niya makuha ang kayamanan o lahat ng ari-arian ni Horace. Galit ito sa akin dahil sa pangalan ko ibinigay ni Horace ang lahat ng yaman nito at ni piso wala siyang nakuha."

"Kaya nasasabi mo ngayon na siya ang may kasalanan o siya ang master mind ng lahat ng nangyari sa 'yo?"

Nakita ko ang pagkakunot ng noo ni mommy sa sinabi ni inspektor.

"Gusto niya akong patayin dahil gusto niya na makuha ang lahat ng yaman ng asawa ko!" sabi ni Seonaid.

"Bakit parang ayaw mong maniwala sa anak ko, inspektor Simmon?" mataray na tanong ni mommy. Itinaas din nito ang isang kilay na para bang tinatakot si inspektor. Gusto ko sanang sawayin si mommy ngunit nagsalita si inspektor.

"Mrs. Lagores, ginagawa ko lang ang aking trabaho. Sana maintindihan mo."

"Eh kung kausapin mo ang anak ko parang pinamumukha mo siyang sinungaling!" sagot ni mommy.

"Mrs. Lagores, hindi naman ganoon ang intensyon ko, gusto ko lang malaman na---"

"Na ano? Huh? Hindi mo ba nakikita na nanginginig na sa takot ang anak ko? Tapos kung makatanong ka, akala mo kung sino! Hindi ka ba nag-iisip?" mataas ang tono nang pananalita nito.

"Mom!" saway ko.

"Bakit Shannon? Pinagtatanggol ko lang ang kapatid mo!"

Bigla naman humagulhol si Seonaid marahil natakot ito sa pagsigaw ni mommy.

"Anak, bakit? May masakit ba sa 'yo?" pag-alala ni mommy kay Seonaid habang hinahagod ang likod ng huli.

"Siguro mas mabuting umalis na muna ako. Babalik na lang ako kapag mahinahon na si Mrs. Dela vega," tukoy nito kay Seonaid.

"Mabuti pa huwag ka nang bumalik! Tingnan mo ang nangyari sa anak ko!"

"Mom! Ano ba?" Tinitigan ko si mommy, kusa naman itong umiwas.

"Pasensya na inspektor pero mas maganda nga na bumalik ka na lang sa susunod na araw," baling ko kay inspektor Simmon.

Ngumiti naman ito sa akin. "Mrs. Lagores, huwag po kayong mag-alala, tutulungan ko po kayo sa kasong ito," baling nito kay mommy.

Tinaas na naman ni mommy ang isa nitong kilay kay inspektor bago binaling muli nito ang atensyon kay Seonaid na panay ang iyak.

Nagpasalamat ako kay inspektor Simmon bago ito tuluyang umalis. Saktong lumabas sina tito Ariel at daddy sa office ng huli.

"Shannon, anak!" tawag ni daddy sa akin nang makita ako nito papasok ng bahay. Inihatid ko kasi palabas si inspektor Simmon.

"Halika muna anak," dagdag ni daddy.

"Sige pareng Daniel, hindi na ako magtatagal. Malapit na kasi ang duty ko," paalam nito kay daddy.

"Mag-iingat ka pareng Ariel. Pasabi na lang kay mare na pasensya na kung hindi kami makakadalo sa binyag ng anak niyo. Alam mo naman na may pinagdadaanan ang pamilya ko," sagot ni daddy kay dok Merioles.

"Huwag mo nang isipin 'yon pare. Nga pala, tawagan mo agad ako kung nakapagdesisyon na kayo," huling sabi nito.

Pinahatid na ito ni daddy kay manong Rio.

"Anak, anong masasabi mo?" tanong sa akin ni daddy.

Nasabi niya sa akin ang tungkol sa alok ni tito Ariel na meron itong alam na ligtas na lugar na maaaring lipatan ni Seonaid. Medyo nahirapan kami sa paghanap ng isang safe house dahil na rin kapos kami sa pera. Hindi naman kami humihingi kay Seonaid bagamat alam namin na meron itong malaking pera sa bangko na binigay ni Horace bago man ito mamatay.

Nagdesisyon kami nina mommy at daddy na ilayo muna o itago si Seonaid sa ligtas na lugar dahil sunod-sunod na ang mga death threats na nakukuha nito, nadadamay na rin ang ibang tao gaya ni manang Esther. Pakatapos meron na naman pinadalang package kay Seonaid na may laman na fetus na punong-puno ng dugo at nakalagay pa sa isang plato na may kasamang kutsara't tinidor. Nakakasuka ito dahil sa masangsang na amoy. Pinaalam ko na rin ito kay inspektor Simmon maging ang nakumpiska namin nina Fernan na cellphone ni Madel kung saan meron mga ebidensya o patunay na kasabwat si Madel dahil nabasa namin ang mga txt messages tungkol sa pagpapasabog na tugma sa nangyari kay Seonaid.

"Okay naman po sa akin dad. Mabuti nga na libre ito," sagot ko kay daddy.

"Iyan kasi ang nagagawa ng pagkakaibigan. Mabuti na lang meron siyang inialok sa atin. Sa lunes daw pala maaari nang lumipat doon si Seonaid."

Kung kasing yaman lang ako ng mga Dela vega, sana nabigyan ko si Seonaid ng higit pa sa proteksyon na kailangan niya.

***

In-off ko na ang ilaw sa kusina pakatapos kong uminom ng gatas. Hindi ko pala namalayan na alas-dose na ng hatinggabi, nakapokus kasi ako ng maayos sa mga files na sinend sa akin via email. Kailangan ko kasi matapos dahil meron binigay na deadline ang aming school dean. Medyo umiikot na nga ang paningin ko dahil noong mga nakaraan araw ay kulang-kulang ang tulog ko.

Kaya kailangan ko rin magpahinga at matulog dahil bukas na bukas aasikasuhin ko na naman ang kaso ng aking kapatid. Mayroon na raw lead si inspektor Simmon tungkol sa kaso ni Seonaid.

Ngunit natigilan ako nang marinig ko ang boses ng aking kapatid na parang may kausap ito sa loob ng kwarto nito. Imposible kung sina mommy at daddy ang kausap nito dahil ilang minuto pa lang ang nakakalipas bago ang mga ito pumasok sa kanilang kwarto.

Balak ko sanang katokin ang pinto ng kwarto ni Seon nang...

"Sir Shannon, ano pa po ang ginagawa niyo rito?" nagulat ako sa pagsalita ni yaya Yina.

"Yaya Yina?"

Kanina pa ba siya dito?

"Sir, matulog na po kayo!" seryoso nitong sabi.

Bakit parang malakas ata ang boses ni yaya Yina?

"Sir, kalalabas ko pa lang po sa kwarto ni ma'am Seon. Huwag po kayong mag-alala, tulog na po siya. Ganoon din po sana kayo sir, mukhang haggard na haggard na kayo," sabi nito at ngumiti ito sa akin.

Tama baka dahil sa pagod ko kaya kung anu-ano na ang naririnig ko. Mabuti pa na magpahinga na ako.

"Sige po yaya Yina. Magpahinga na din po kayo," sabi ko.

"Mauna na po kayong umalis sir."

"Itsi-tsek ko po kasi muna ang mga bintana at pintuan baka may nakalimutan sarhan," mabilis nitong dagdag.

Wala na akong nagawa. Gusto ko na rin naman magpahinga kaya nauna na lang ako at iniwan si yaya Yina sa labas ng kwarto ni Seonaid na nakatayo at nakatingin sa akin habang paalis hanggang sa nakarating na ako sa aking kwarto.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro