Chapter 20
Seonaid's POV
"Mommy, bilhan natin si daddy ng pineapple juice," sabi ko kay mommy.
Ngumiti ito sa akin. "Sige anak, ilagay mo na lang sa push cart," utos nito.
Nilagay ko nga ang kinuha kong 5 cans na pineapple juice sa aming cart. Nasa supermarket kami ngayon, namimili ng mga groceries good for a month.
Natutuwa ako dahil pinapayagan na ako nina daddy at mommy na lumabas o gumala ng mag-isa. Hindi na nila ako hinihigpitan. Noon kasi bantay-sarado sila sa akin.
Kahapon nga, nagshopping ako kasama ang aking pinsan na babae at nadadalaw ko na rin araw-araw ang puntod ng mag-ama ko. Mabuti naman na nakakalabas na ako sa bahay, nakakabagot kaya kung walang ginagawa. Hindi pa kasi ako puwedeng magtrabaho base na rin sa bilin ng family doctor namin na siyang psychiatrist ko.
"Ma'am Seon, magbabanyo po muna ako," paalam ni Madel. Sumama ito sa amin kahit ayoko siyang isama. Ang totoo, ayoko sa kanya dahil umpisa nang makita ko siya, hindi na mapanatag ang loob ko.
Tumango na lang ako dito bilang pagsang-ayon.
Makalipas ang ilang oras, naipasok na ni manong Rio ang lahat ng pinamili namin sa trunk ng kotse.
"Ma'am Seon, ma'am Lora, nagtxt po ba si Madel sa inyo?" tanong sa amin ni manong Rio, ang aming family driver.
"Wala naman. Bakit kuya Rio?" tanong ni mommy.
"Sabi niya po sa akin kanina na magbabanyo lang daw siya," singit ko. Ganoon ba kahaba ang ihi niya? O baka hindi makatae?
"Ganoon po ba? Eh, nagtxt po kasi siya sa akin ma'am Lora, ma'am Seon," ulat nito.
"Sabi niya po na mauuna na raw siya sa atin kasi may emergency raw po," dagdag nito.
Ipinakita nga ni manong Rio ang txt message ni Madel sa amin. Hindi ko maintindihan kung bakit kay manong Rio ito nagpaalam.
Hindi na lang namin inabala pa ang aming sarili sa isyu ni Madel. Mas mabuti na lang na umuwi na rin kami. Bago man ako makasakay sa loob ng kotse, meron na naman akong naramdaman na parang may tumitingin sa akin. Ganoon palagi ang nangyayari o nararamdaman ko tuwing umaalis ako ng bahay mula nang nakauwi kami ng bansa.
Napapadalas ang kabang nararamdaman ko tuwing umaalis ako ng bahay, pakiramdam ko'y may sumusunod o nagmamatyag sa akin.
"Anak, may problema ba?" tanong ni mommy. Nagtaka siguro ito kung bakit hindi pa ako pumapasok sa loob ng kotse.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. "Wala naman po mommy," sagot ko.
Nakikipag-usap si mommy kay manong Rio habang ang huli ay nagdadrive. Hindi ko masyadong tinutuunan ng atensyon ang mga sinasabi nila dahil nakatingin ako sa aming right side mirror, tsinitsek kung meron sumusunod sa amin.
Nakarating kami sa bahay ng ligtas. Kinuha na muna ni manong Rio ang lahat ng aming pinamili sa trunk ng kotse.
"Anak, pupunta muna ako sa kusina," paalam ni mommy sa akin bago ito pumasok sa loob ng bahay. Nakapasok na rin si manong Rio dala ang lahat ng aming pinamili.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha ito sa loob ng maliit kong bag baka kasi si kuya Shannon ang nagtxt.
2 messages from:
09xxxxxxxxx
Unregistered number? Baka nakitxt lang si kuya.
"Kumusta? Seonaid!" unang txt nito.
Binasa ko ang sumunod nitong txt.
"Kung ako sa iyo, pumasok ka na at magtago dahil ilang segundo na lang sasabog na ang kotse niyo. Advance Happy New year, Seonaid!"
Pakatapos kong basahin ito, isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng katawan ko sa malamig at matigas na semento.
Bago ko man isara ang aking mga mata, isang babae ang nakita kong nakatayo sa malayo at nakangiti sa akin. Si Madel.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro