Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Seonaid's POV

"Kumusta ka na?" ngumisi ito.

Alam ko naman na masaya ito ng namatay ang asawa ko ni hindi ko nga ito nakitang nagluksa.

"Ano ba ang pakialam mo sa akin? Tita Wilma!"

"Tsk. Ganyan na pala ang epekto kapag nabaliw. Wala ng respeto!"

Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay ko. Siya ang puno't dulo nang pagkasira ng magiging pamilya ko. Kaya wala akong pakialam kung binabastos ko na siya.

Saktong may kutsilyong nasa tabi ng lechon kung saan nasa tabi ko, kinuha ko ito at itinusok ko sa karne o katawan ng lechon. Sabay pagtingin ko sa kanya nang diretso, "Bakit po tita Wilma, nakakatakot na ba ako?"

Nakita ko ang pagkagulat nito dahil sa inakto ko pero dahil likas na ang pagiging demonyita nito, "Hindi ka naman mabiro. Anyway, alam mo naman na hanggang ngayon nagdadalamhati pa rin ako sa pagkawala ng pamangkin ko," pag-iiba nito. Paiyak-iyak pa kahit wala man lang luhang lumalabas sa mga mata nito. Plastik.

As if maniniwala ako sa kanya.

"Seryoso tita? Kailan pa? Balita ko nga nagkasino ka pa kahapon ni hindi mo na nga dinadalaw si Horace," taas-kilay kong sagot.

Narinig ko naman ang bulungan ng ibang bisita na malapit sa amin. Pinagtitinginan nila si tita Wilma.

"Anong sabi mo?!" sigaw nito. "Akala mo kung sino ka! Alam ko naman na tuwang-tuwa ka dahil namatay si Horace kasi kapag wala na siya, makukuha mo ang lahat ng yaman niya!" panghuhusga nito sa akin.

"Bakit mo sinisigawan ang alaga ko?" singit ni manang Esther.

"Paki mo tanda? Kasali ka ba? Epal mo!" pagtataray nito kay manang.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo tita Wilma. Huwag mong pagtaasan ng tono si manang Esther," babala ko.

"Manang, mabuti pa umalis na lang tayo dito dahil ayokong ibaba ang sarili ko sa isang katulad niya!" mabilis kong dagdag.

"Bakit Seonaid? Natatamaan ka? Kasi nga iyon ang totoo! 'Di ba?"

"Hindi tita. Alam na alam ko ho kung ano ang totoo. Lahat-lahat, walang labis, walang kulang!" ngumiti ako dito para lalo itong asarin. Kailangan kong gawin ito, kailangan magalit siya.

"Ano tita? Hindi ka ba aware sa kasabihan na 'walang lihim ang hindi nabubunyag'. Tama naman, dahil mananatiling totoo ang totoo at laging bubukal kahit anong pilit itago," matapang kong sagot.

Patuloy pa rin ang bulungan ng ibang bisita. May naririnig ako na pinag-uusapan nila si tita Wilma.

"Bakit?! May problema?" sabi nito sa ibang bisita ni tita Jhanda marahil napansin nito na siya ang pinag-uusapan.

Natutuwa ako sa reaksyon nito. Natatamaan kasi ito sa mga sinabi ko at alam kong nagagalit na ito. Dapat lang dahil kailangan kong gawin 'to.

"Huwag na huwag mo akong subukan, Seonaid! Hindi mo ako kilala!" mabilis nitong baling sa akin. Napansin ko na rin ang pagkumo ng mga kamay nito, halatang nanggigigil.

"Excuse me, pero kung sino ka man, wala kang karapatan takutin ang kapatid ko!" sabat ni kuya. Hindi ko napansin na nandito na siya sa tabi ko. Masyadong malakas ang boses ni kuya kaya tuluyan nang nakuha nito ang atensyon ng lahat.

Napatawa ang ibang bisita sa sinabi ni kuya. "Ouch. Hindi siya kilala?" sabi ng isa. "Buti nga sa kanya," sagot naman ng isa.

"May nangyayari ba rito?" singit ni tita Jhanda. "May problema ba Wilma?" baling nito sa kanya.

"Wala naman Jhanda. Kinakamusta ko lang naman si Seonaid. Hindi ba Seon?"

Hindi ako sumagot. Gusto ko siyang mapahiya.

Hinawakan ko sa braso si manang Esther para pigilan ito, mukhang ipagtatanggol ako laban kay tita Wilma. Lumingon ito sa akin at sinensyahan ko na lamang ito na tumahimik.

"Mabuti pa umalis ka na Wilma. Ayoko ng gulo sa party ko."

Nasisiyahan ako sa aking nakikita. Nakakatuwa pala na pinapahiya siya. Nakita ko sa mukha nito ang pagka-inis dahil sa sinabi sa kanya ni tita Jhanda kaya bigla na lang itong umalis.

"Mahal na reyna!" sigaw ng alalay nito habang sumusunod ito kay tita Wilma. May pagka-old-style kasi si tita. Iniisip niya na isa siyang reyna na dapat luhud-luhuran.

"Okay ka lang ba Seon? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo Seon, makakatikim siya sa akin!"

"Okay lang po ako kuya."

"Bakit ka nanginginig Seon? Sigurado ka ba talaga na okay ka lang?" Mabilis naman itong tumingin kay manang Esther na nasa gilid ko. "Manang, dala mo ba ang gamot ni Seonaid?" tanong ni kuya Shannon.

Nanginginig na kasi ako. Hindi sa takot sa kanya kundi sa galit.
Napansin ko rin ang paglapit ni tita Jhanda sa amin.

"Mabuti pa umuwi na lang tayo sir para po makapahinga na po si Seon baka atakihin po siya," sabi ni manang Esther pakatapos niyang i-tsek ang pulso ko.

"Wait lang," lumingon si tita sa isang waiter. "Roberto, halika rito. Maglagay ka ng maraming pagkain na maaari nilang baunin, naintindihan mo?" tumango naman ito sa sinabi ni tita. "Bilisan mo," mabilis na dagdag nito.

Nagpasalamat kami kay tita Jhanda sa pagkaing pinadala niya. Bago man kami umalis, humingi muna kami ng pasensya sa nangyari kanina at binati ulit namin siya sa kanyang kaarawan.

"Wala ka na bang naiwan Seon?" tanong ni kuya. Uuwi na kami. Dadaan muna kami sa apartment para kunin ang mga gamit.

"Wala na kuya," sagot ko.

"Magbanyo ka muna huh? Tuloy-tuloy pa naman ang byahe natin. Hihintayin kita sa kotse."

Inayos ko muna ang sarili ko. Wala na akong magagawa kundi umuwi. Napabuntong-hininga na lamang ako kahit gustuhin ko man maglakwatsa ay hindi puwede. Hindi ko puwedeng sayangin ang pinagpaguran at sinakripisyo ko at ni Horace.

Natagpuan ko nga ito na nakasandig sa kotse nito, mukhang hinihintay ako. Nasa parking lot kami ng Cherish Beach Resort. Napansin ko rin si manang Esther sa gilid na may kausap sa cellphone nito.

"Sumakay ka na," binuksan nito ang pinto ng kotse.

"Sir, gusto ka pong makausap ni ma'am Lora," sabay abot nito ng cellphone kay kuya na agad naman kinuha ng huli.

"Seon, magbabanyo lang muna ako," paalam ni manang.

Tumango ako kay manang.

Papasok na sana ako sa loob ng kotse nang may naramdaman akong parang may nakatingin sa akin. Lumingon ako nang tinawag niya ang pangalan ko.

"Seonaid!"

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro