Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Seonaid's POV

"Kuya, anong sabi ni mommy?" tanong ko. Tumawag kasi si mommy kay kuya.

"Huh? Ah wala naman. Nangungumusta lang. Tsinek niya lang kung papunta na tayo sa resort," sabi nito. Bakit pakiramdam ko ay nagsisinungaling ito?

Ngumiti na lamang ako. "Ganoon ba? Si mommy talaga oh," sabi ko na lang.

"Nandito na tayo," sabi ni kuya makalipas ang ilang oras.

"Manang Esther, huwag kang lalayo kay Seonaid!" dagdag ni kuya habang ang paningin nito ay nakatutok sa harapan habang pinaparada ang kotse sa parking lot.

"Sige po sir Shannon," sagot ni manang habang tumatango ito. Katabi ko kasi si manang sa loob ng kotse, si kuya naman ang nasa driver seat.

"Seonaid, hindi tayo magtatagal dito huh? Uuwi agad tayo."

Nagtaka ako sa sinabi nito. Hindi puwede baka hindi ko siya makita.

"Huh? Bibisitahin ko pa nga sina ate Janine eh," pag-iiba ko. Kailangan makita ko muna siya bago ako makauwi.

"Okay naman silang lahat Seonaid. Naayos ko na ang problema sa resto bar kaya huwag ka nang mag-alala pa. Pinapauwi ka na kasi nina mommy at daddy."

"Grabe naman! Ang daya niyo!" reklamo ko.

Akala ko pumayag na sila na makapagliwaliw man lang ako kahit ilang araw lang.

"Naalala ko na meron pala kaming meeting mamaya kaya ihahatid na kita pakatapos," pag-iiba nito.

Meeting? Talaga lang?

Hindi na lang ako nagsalita. Para ano pa?

***

"Ba't ngayon lang kayo Seonaid at Shannon?" tanong ni tita Jhanda. Ang nag-iisang kapatid na babae ni daddy.

"Sorry po tita, may inasikaso pa po kasi kami," sagot ni kuya.

"Ganoon ba?" ngumiti muna ito bago magsalita. "Ang mahalaga nakarating kayo nang ligtas. Anyway, kumusta ka na Seon, kumusta ang bakasyon mo sa Australia?" baling nito sa akin.

Ang akala ng lahat nagbakasyon lang ako sa Australia kasama sina mommy at daddy. Hindi nila alam na ibang dahilan pala kung bakit kami nanirahan sa Australia.

"Okay naman po tita. Ang saya nga po. Sayang nga hindi ka po nakasama, madami pa naman mga gwapo do'n!"

Mga gwapong doktor at nars.

"Talaga? Grabe sayang nga! Teka, balita ko---"

"Tita, Happy birthday po pero nagugutom na kasi kami ni Seonaid," putol ni kuya sa sasabihin sana ni tita habang kinakamot ang sariling batok.

"Huh? Ba't ngayon mo lang sinabi, sige kumain na kayo mga pamangkin ko. Huwag kayong mahihiya," ani ni tita Jhanda.

"Aasikasuhin ko na lang muna ang ibang bisita, just enjoy!" paalam nito bago umalis.

Pinalo ko ang braso ni kuya pagkaalis ni tita. "Ang bastos mo kuya! Nagsasalita pa nga si tita, binara mo na agad."

"Mabuti pa kumain ka na, ikaw rin po manang Esther. May tatawagan nga pala ako," pag-iiba nito ni hindi man lang nag-react sa panenermon ko. Agad naman kami nitong iniwan habang nagda-dial sa cellphone nito.

Nakakainis. Hays. Anyway, nagugutom na rin pala ako.

Medyo nahilo ako nang makita ko ang ibang pagkain, halos lahat mamantika. Nasa tabi ko si manang Esther sa pagkuha ng pagkain nang may tumawag sa pangalan ko.

"Seonaid!" ngumiti ito sa akin.

Ganoon na lang ang pagkulo ng dugo ko nang makita ang babaeng dahilan kung bakit nawala sa akin ang asawa ko.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro