Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Lora's POV

"Madel, ano nakita mo na ba?"

"Hindi po ma'am eh."

"Ano? Hanapin mo pa, bilis!"

"Lora, ano ba ang ginagawa mo diyan?"

"Daniel, nawawala kasi siya."

"Ang ano ba ang nawawala? Alahas mo na naman ba?"

Sana nga alahas ko na lang ang nawala pero bakit iyon pa. Iniangat ko ang floor mat na nasa main sala namin, nagbabakasaling nandoon ang hinahanap ko.

"Lora?!"

Hindi ko ito pinapansin. Kailangan kong mahanap 'yon dahil hindi puwedeng mapunta iyon sa kahit sino.

"Lora, ano ba?"

"Puwede ba Daniel tumahimik ka muna. Kita mong may hinahanap ako!" inis kong sabi.

Natahimik ito. Hindi ko na rin inabala ang sarili kong tingnan ang reaksyon ng asawa ko dahil alam ko naman na hindi niya nagustuhan ang pagtaas ko ng tono. Ang mahalaga ngayon ay makita ko ang hinahanap ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito na para bang natanggap nito ang pagkatalo sa isang laro.

"Hindi na matutuloy si mayor. Nabaril daw ang kapatid nito," malumanay nitong sabi.

Naiinis na rin ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko mahanap iyon. Binuksan ko na rin ang mga drawers na nasa gilid lang ng sala.

"Lora?!"

Bakit ba kasi nawawala iyon? Hindi ako sigurado kung nawala na ba ito ng matagal o bago lang ito nawala.

"Lora!"

Sinigurado ko naman na itinago ko iyon ng maayos. Paano ito nawala? Wala naman akong pinagsabihan kung saan ko tinago iyon kahit nga ang asawa ko ay hindi ko rin sinabihan.

"Lora, ano ba? Naririnig mo ba ako?"

Nagulat ako sa paghawak ni Daniel sa aking braso.

"Lora? Ano na?" makulit nitong tanong.

"Ma'am Lora, tsinek na rin po namin ang mga kwarto pero wala po talaga," ulat ni Yina. Isa sa inutusan kong kasambahay.

"Ano ba kasi ang hinahanap niyo? Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin Lora?" baling nito sa akin.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita, "Daniel, nawawala kasi ang itinago ko. Tinago ko iyon dahil kailangan hindi raw ito makita o makuha ng kahit sino."

"Ano ba Lora, paulit-ulit ka! Ano ba kasi iyon?"

"Ang wristband nina Seonaid at Horace!" mabilis kong sagot.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro