Chapter 15
Shannon's POV
"I'm home!" sigaw ko.
Napalingon si Seonaid nang sumigaw ako. Hindi nila alam na maaga akong makakauwi. "Kuya!" tili nito at agad akong niyakap.
Niyakap ko rin ito. "Kuya Shannon, sabi mo mamayang gabi ka pa makakauwi?" tanong nito pakatapos akong yakapin.
Medyo maliit kasi si Seonaid kaya kapag kinakausap niya ako ay nakatingala siya sa akin.
"Surprise!" sabi ko habang nakangiti.
"Talaga? Nasaan?" may hinahanap ito sa aking likuran.
"Huh? Ang ano ba?" takang tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Sabi mo surprise? Ibig sabihin may regalo ka sa akin. Nasaan?" mabilis nitong sabi.
Minsan hindi ko alam kung ginogood time lang ako ng kapatid ko o baka sa epekto lang siguro ng gamot na iniinom nito kaya parang sabog.
"Shannon, anak!" masayang sigaw ni mommy.
Nabaling ang atensyon ko kay mommy. Mabilis ang mga hakbang nito habang matamis na ngumingiti sa akin. Ito ang isang bagay na namimiss ko — ang yakap ng mommy ko.
Tatanggapin ko na sana ang yakap ni mommy nang biglang hinila ni Seonaid si mommy palayo mula sa akin.
"No! No mommy!" sabi nito kay mommy.
"Huwag mong yakapin si kuya, wala siyang regalo sa akin eh!" baling nito sa akin habang nakapout pa.
Napatawa nang bahagya si mommy. Nakikita ko sa mga mata nito ang saya tuwing nakikita nitong aktib na aktib ang kapatid ko.
"Aba, akala ko ba gusto mo akong umuwi kasi namimiss mo na ako, little sis.?" sabi ko. Napangiti ako nang makita ko si Seon na nag-uumpisa nang mainis. Ang kyut-kyut niya.
"Huwag mo na nga akong tawagin na little sis! Pandak lang ako pero hindi na ako bata," reklamo nito. Pulang-pula na agad ang maputing mukha nito tanda na naiinis na ito agad sa akin.
"Tama na 'yan," saway nito sa amin. "Mabuti anak nakarating ka nang maaga. Tamang-tama nakahanda na ang almusal," baling sa akin ni mommy.
"Anak, mauna ka na sa dining area. Susunod na lang kami ng kuya mo," baling naman nito kay Seonaid.
Agad naman tumalima si Seonaid. Kami na lang ang naiwan ni mommy sa sala.
"Mom, nasaan po si daddy?" agad kong tanong.
"Nasa shower. Alam mo naman anak na makupad kung kumilos ang daddy mo pero mamaya bababa na 'yon," lumingon ito sa kanan. "Madel, dalhin mo na ang mga gamit ni sir Shannon mo sa kwarto niya," utos nito sa bagong kasambahay namin.
Madel Cinco. Hindi ko pa ito masyadong nakikilala o nakakausap dahil ngayon lang kasi ako nakauwi sa bahay mula nang dumating sa bansa sina Seonaid. Ang totoo, ayoko nang tumanggap ng katulong sa bahay dahil hindi naman namin kailangan. Isa pa, nandiyan naman sina yaya Yina at manang Esther na mas panatag ang loob ko dahil kilala ko na ang mga ito. Nalaman ko na lang na tinanggap ito ni mommy dahil wala raw kaming labadera. Sa pagkakaalala ko, mag-iisang linggo na ito sa bahay bilang katulong.
Wala na akong nagawa nang makuha agad nito ang mga gamit ko.
"Shannon, anak. Magpalit ka muna ng damit mo at sumunod ka na lang sa dining area."
"Sige po mommy," sang-ayon ko. Papalitan ko muna ang damit kong pantaas, masyado na kasing mainit.
***
"Kumusta anak?" tanong ni daddy. Nasa hapagkainan na pala kami at para ngang may fiesta dahil sa daming pagkain na nakahanda.
"Okay naman po ako dad."
"Kumusta ang resto? Baka sa susunod na linggo, bibisita ako."
Ang resto bar. Ito ang business ng aming pamilya. Naipundar ito ni daddy at ngayon, kahit papaano, ay lumalago. Ito ang dahilan kung bakit nakapagtapos kami sa pag-aaral ni Seonaid. Dito rin namin kinukuha ang mga ginastos namin sa pagpapagamot kay Seonaid. Sa awa ng Diyos, may 3 branches na ang aming resto bar sa loob ng dalawang taon mula ng ako na ang nagmanage.
"Okay pa naman po dad, buhay pa rin," tapat kong sagot.
"Nang dahil sa 'yo anak kaya lalong lumago ang resto," wika ni daddy habang nakangiti at nakatingin sa akin.
"Oo nga kuya. Ang galing mo kasi," proud nitong sabi. May pathumbs-up pa si Seon nang sinabi niya ito.
Isa sa mga bagay bakit hindi ako sumusuko kahit minsan ay nakakapagod na, ito'y dahil pinaparamdam nila sa akin na proud sila sa lahat ng achievements ko kaya lalo akong ginaganahan magpursigi sa pagtrabaho.
"By the way po, invited po pala tayo sa birthday party ni auntie Jhanda. Bukas na po," sabi ko.
"Talaga? Sasama ako kuya Shannon!"
"May dental check-up ka anak bukas, hindi ba?" sabat ni daddy.
"Pero gusto ko pong sumama kay kuya, saka gusto ko na rin bisitahin ang resto."
"Sige na po mommy, daddy, pumayag na kayo!" dagdag ni Seonaid.
"Hindi kasi kami ni Daddy mo anak makakapunta sa party ng tita Jhanda mo, pupunta kasi si mayor dito sa atin bukas."
"Edi, ako na lang po ang sasama kay kuya," pagpupumilit nito.
Alam ko kasi na ayaw ni mommy ang malayo sa paningin niya si Seonaid.
"Huwag po kayong mag-alala mom. Ako mismo ang maghahatid kay Seon pabalik," pangako ko.
"Sige na po mommy, daddy. Promise po magpapakabait po ako."
Bumuntong-hininga ang mommy ngunit si daddy ang nagsalita, "Hayaan mo na Lora. Nandiyan naman si Shannon," wika nito kay mommy habang ang huli ay nakatingin lang sa kanyang pagkain.
"Huwag mong pabayaan ang kapatid mo huh," baling ni daddy sa akin.
"Huwag po kayong mag-alala. Babantayan ko si Seon," sabi ko habang nakangiti ako sa kanila.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro