Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Lora's POV

"Daniel hindi na kumakain si Seonaid. Nag-aalala na ako sa anak natin."

"Lora, kailangan na natin ng psychiatrist," nakita ko itong kumuha ng cellphone. "Tatawagan ko si pareng Ariel," sabi nito.

"At ano Daniel? Sasabihin ng ibang tao na baliw ang anak natin?" pigil ko dito.

Nilapag naman ni Daniel ang cellphone sa katabing mesa bago ito tumingin sa akin. "Mahalaga pa ba ang sasabihin ng ibang tao sa atin Lora?"

"Oo, mahalaga iyon. Masisira ang imahe ng anak mo. Hindi ako papayag. Hindi naman kasi baliw ang anak natin."

"Alam ko Lora pero hindi na natin makontrol si Seonaid. Nananakit na siya. Hindi kumakain ni hindi tayo kinakausap."

"Ikaw na nga ang nagsabi na nag-aalala ka kay Seonaid kaya kailangan na natin ng tulong mula sa isang propesyunal," mabilis nitong dagdag.

"Tama ka Daniel kailangan na natin ng tulong pero hindi mula sa isang psychiatrist."

"Bakit Lora? Anong ibig mong sabihin?"

"May kakilala si aling Cora na maaaring makatulong sa atin."

"Si aling Cora? Iyon ba ang dati nating kasambahay na umalis dahil wala nang magbabantay sa apo nito?" Lumapit ito at tumabi sa akin. Nasa isang kwarto kami ni Daniel sa bahay nina Seonaid at Horace.

"Oo iyon nga Daniel. Siya nga. Mayroon siyang sinabi sa akin."

"Sigurado ka ba Lora? Alam mo kung saan galing si aling Cora."

"Hindi na mahalaga iyon Daniel. Ang mahalaga ay ang kapakanan ng anak natin."

"Sabi ni aling Cora, mayroon siyang kilalang tao na makakatulong sa atin, kay Seonaid," agad kong sabi. Napansin ko kasi ang pagdadalawang-isip nito marahil kilala niya si aling Cora kaya ganoon.

Hindi kasi nagmula sa simple at ordinaryong pamilya si aling Cora. Sabi raw, may lahing mangkukulam daw ito ngunit naging mabait naman si aling Cora sa 'min. Sa loob ng halos labindalawang taon na paninilbihan nito sa amin ay hindi naman ito naging sakit sa ulo.

Meron lang itong ugali na kakaiba. Minsan nagsasalita ng mag-isa na parang may kinakausap. Minsan pa nga nagsasalita ng isang lengguwaheng hindi maintindihan. Dahil matatakutin si Seonaid noon hindi pa ito kasal kay Horace, pinaalis ko ito nang lihim. Sinabi ko lang sa asawa ko na umalis ito dahil walang magbabantay sa apo nito, ayoko lang mag-alala si Daniel kay Seonaid.

"Lora, seryoso ka ba? Baka anong mangyari kay Seonaid."

"Hindi naman natin malalaman kung epektibo nga kung hindi natin susubukan. Wala naman masamang sumubok Daniel."

Ilang minuto ang lumipas bago magsalita si Daniel. Alam ko na nahihirapan itong magdesisyon.

"Sino ba ang tinutukoy ni aling Cora na tutulong sa atin kung sakaling pumayag tayo?"

"The provider."

"Iyon lang ang sinabi niya tungkol sa taong iyon. Sabi niya lahat daw ng problema ng tao ay kaya raw nitong solusyonan. Sinabi rin niya sa akin kung saan natin ito mahahanap," dagdag ko.

Napansin ko ang pagiging tahimik ni Daniel kahit nakatitig ito sa akin nang seryoso.

"Ano na Daniel? Wala naman masamang sumubok!"

Huminga muna ito nang malalim.

"Kung para kay Seonaid, pumapayag na ako Lora."

Natuwa ako sa sinabi nito.

"Maaga pa naman, hindi naman siguro malayo ang lugar kung nasaan man ang tinutukoy ni aling Cora," dagdag nito.

"Hindi naman Daniel. Ang totoo nga, kahit ako nagtaka nang malaman ko kung nasaan ito, malapit lang pala dito sa atin. May sarili raw itong clinic."

"Mabuti kung ganoon, halika ka na Lora. Puntahan na natin. Teka, sino nga ulit 'yun?"

"Sabi ni aling Cora, tinatawag daw itong The provider."

Napabalik ako sa kasalukuyan mula sa aking pagbabalik-tanaw nang magsalita si Shannon.

"Mommy, nasa kwarto na po si Seonaid. Tulog pa rin."

"Salamat anak," ngumiti ako dito.

Nakauwi na kami galing ospital. Hindi na namin pauuwiin si Seonaid sa bahay nina Horace. Mabuting dito na lang muna siya hanggang sa gumaling na siya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro