Chapter 11
Lora's POV
"Anak, umuwi ka na muna para makapahinga ka na rin," sabi ko sa panganay kong anak.
"Tama ang mommy mo Shannon. Kailangan mo rin magpahinga anak," singit ng aking asawa.
"Sige po mommy, daddy. Babalik na lang po ako mamaya."
"Sige anak. Mag-iingat ka huh," bilin ko sa kanya.
Kami na lang ni Daniel ang naiwan sa loob ng kwarto. Na-confine kasi si Seonaid. Ang aking anak na babae. Mabuti na lang ay nadala agad namin siya sa malapit na ospital pakatapos nitong maglaslas sa sarili.
Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko dahil sa pagkakamaling ginawa ko. Tuwing minamasdan ko ang maamong mukha ni Seonaid habang nakaratay sa ospital, hindi ko maiwasan ang maalala ang dating siya. Ang dating Seonaid ko. Ang anak ko.
"Lora, huwag mo nang sisihin ang sarili mo," biglang sabi ni Daniel.
"Pero Daniel hindi ko maiwasan. Kasalanan ko kung bakit lumala si Seonaid."
"Sana hindi na lang ako nakinig kay aling Cora," dagdag ko.
"Lora, tapos na iyon. Ang mahalaga ligtas na ang anak natin at makakauwi na tayo bukas. Mas mababantayan at maaalagaan na natin siya sa bahay."
Ngumiti na lamang ako. Tama ang asawa ko. Mas mahalaga ay ang ngayon. Sana nga hindi ko na lang hinayaan na mamalagi si Seonaid na nag-iisa sa bahay nina ni Horace. Ang akala namin ay makakatulong sa kanya ang mapag-isa ngunit nagkamali kami.
Ipinapangako ko na ako na mismo ang mag-aalaga kay Seonaid. Sana nga lang mapatawad niya ako. Sana nga.
"Daniel paano kung hindi niya ako mapatawad?"
"Lora, mahal ka ni Seonaid. Mapapatawad ka niya. Maiintindihan niya naman na ginawa lang natin iyon para sa kanya."
Tama si Daniel. Matalino si Seonaid kaya maiintindihan niya kung bakit ko ginawa iyon. Isa akong ina, ina na gagawin ang lahat para sa kanyang anak.
"Anak, kapit lang. Hindi ba sabi ko sa iyo na huwag susuko. Anak, sana bumalik ka na sa dating ikaw. Huwag ka nang malungkot kasi nandito na si mommy, aalagaan kita araw-araw," sabi ko habang hinahaplos ko ang buhok nang natutulog kong anak.
"Diyos ko, tulungan mo ang aking anak. Tulungan mo si Seonaid na maging malakas. Huwag mo muna siyang kunin sa amin. Kailangan niya pang malampasan ang pagsubok na ito," panalangin ko.
"Lora, halika ka na. Kumain muna tayo," aya ni Daniel. Inaayos nito ang mga dala naming pagkain.
***
"Mom, dad, kayo naman po muna ang umuwi. Ako na po ang magbabantay kay Seonaid," sabi ni Shannon. Hindi ko namalayan na gabi na pala kung hindi lang dumating si Shannon.
"Hindi ako uuwi. Dito lang ako," wika ko.
"Pero mommy---"
"Shannon, ang sabi ko dito lang ako. Dito na lang ako matutulog. Hindi ko iiwan ang kapatid mo," matigas kong sabi habang hinihimas ko ang kamay ni Seonaid. Nakaupo ako sa tabi ng kama nito.
Wala na ngang nagawa si Shannon maging si Daniel. Hindi na rin sila umuwi.
Sasamahan ka namin Seonaid, anak ko. Hindi ka namin iiwan.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro