Wakas
Wakas:
BELLE'S POV:
Hinang-hina akong napabangon at parang nauuhaw ako ng hindi ko malaman.
Tinanggal ko ang bagay na nakakabit sa bibig at ilong ko. Sa paligid tanging nakikita ko lamang ay puro puti. Nasa hospital ako pero bakit?
Aabutin ko sana ang tubig na nasa lamesang malapit sa kinahihigaan ko nang biglang sumakit ang tagiliran at ulo ko.
Urgh! Ano bang nangyari sa akin? Anong ginagawa ko sa lugar na ito? Ang naalala ko ay nasa loob ako ng kwarto ko, katatapos ko lang mamalantsa ng mga damit ni Dria.
Hanggang doon lang ang naaalala ko! Ano ba nangyari sa'kin?
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at niluwa nito si Jasper na may dalang dalawang styrofoam.
Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito at agad na lumapit sa akin si Jasper upang alalayanan ako.
Biglang may sumagi sa isipan ko.
"Belle!"
"Prinsesa Belle!"
"Anak!"
Iba't ibang boses ang naririnig ko pero iisang pangalan lang ang kanilang binabanggit. Belle. Ang pangalan ko.
"Prinsesa Belle, Aking kapatid, patawad sa lahat. Alam kong 'di ako gaano naging kuya sayo. Naging sakim ako at naging sunod-sunuran ako sa lahat kahit ikaw na iyong nasasaktan," sabi ng lalaking nakaluhod sa harap ng babaeng nakahiga.
May nakita akong isang babae na nakahiga sa lupa at duguan habang naka-unan sa isang lalaki - hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
Unti-unting lumilinaw ang mga nakikita ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang kamukha ko ang babaeng nakahiga sa semento.
Lalong nanlaki ang mata ko ng makilala ang lalaking nakaluhod - si Jasper.
Paanong nangyaring kamukha niya si Jasper?
Napabalik ako sa wisyo ko ng marinig ang boses ni Jasper.
"A-ayos ka lang ba, Belle? May masakit ba sayo? Tatawag ako ng nurse 'dyan ka lang!"
Pipigilan ko sana siya at magtatanong kung bakit nandito ako sa hospital pero agad-agad s'yang lumabas ng k'wartong kinalalagyan ko.
Sino ang mga 'yon? Bakit ko kamukha ang babaeng 'yon? Pati, si Jasper kamukha ng lalaking 'yon? Bakit?
"Kumusta ka na, Anak?" Pag-aalalang sabi sa'kin ng mama namin ni Jasper. Ang tunay kong ina.
Hindi ako tumugon sa tanong n'ya. Nakatitig lang ako sa kanya.
Tinignan ako ng mga doctor at nurse. May tinatanong sila sa'kin pero hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanila.
Nang makalabas ang mga doctor at nurse kasama ang magulang namin agad akong nagtanong kay Jasper.
"A-anong nangyari sa'kin? Bakit nandito ako sa hospital?"
"Hindi mo alam, Belle? Halos mahimatay si mommy ng makita kang hindi na humihinga sa loob ng kwarto mo ng dalawin ka nila sa tiya mo isang taon na ang nakakalipas,"
Isang taon? Isang taon akong tulog?
P-pero, p-paano nangyari iyon?
"Isang taon ang nakakaraan?"
Tumango siya sa'kin, "Hindi mo ba naaalala? Halos mataranta kaming lahat habang sinusugod ka namin sa hospital at halos gumuho ang mundo namin ng sabihin ng doctor na..." napatingala siya at napapikit. Tumingin siya sa'kin at hindi nakaligtas sa'kin ang butil na tumulo sa mga mata niya "comatose ka,"
Nanlaki ang mga mata ko at napabaling sa kanya, "Na comatose ako?"
Tumango siya, "Oo, isang taon. Isang taon kami umasa na magigising ka pa. Kasi ngayon lang ulit nabuo pamilya natin tapos mawawala ka agad sa'min? Kaya ginawa namin lahat para sayo. Pero, nakakapagtaka walang idea ang mga doctor kung bakit na comatose ka. Wala ka naman sakit. Kaya ang hinala nila napagod ka masyado thru physically, emotionally and mentally."
Niyakap ako ni Jasper - o madaling salita kuya Jasper.
"Huwag mo na kaming takutin ng gano'n ha! Hindi mo alam ang kabang nararamdaman namin habang dumadaan ang araw na hindi ka pa rin nagigising. Natatakot kami baka mawala ka sa'min ng tuluyan."
"Bestie!"
Sabay na napalingon kami ni Jasper at bumungad sa'min sina Dana at... Zidane.
Napatitig ako kay Zidane, parang ang laki ng pinagbago niya nung huli ko siya nakita. Nag-matured ang mukha niya. Naging manly.
Habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa kanya, may nakikita akong ibang katauhan sa kanya.
"Prinsesa Belle," may humahangos na lalaki papunta sa babaeng duguang nakahiga sa kamukha ni kuya Jasper.
Lumuhod ito at hinaplos ang pisngi ng babaeng kamukha ko.
"P-patawad, pero maraming salamat sa mga tinulong mo sa'min ni Lita," tumingin ito sa babaeng katabi niya.
"Hangad namin ang kasiyahan mo sa muling pagkabuhay mo. Sa muling pagkabuhay mo, magiging masaya ka na at wala ng hahadlang sa inyong pagmamahalan. Paalam, Prinsesa Belle."
K-kamukha niya ang lalaking iyon. Prinsipe Inigo.
"P-prinsipe Inigo..."
"Sinong Prinsipe Inigo, Belle?" Nagtatakang tanong sa'kin ni kuya.
"Sa panaginip ko. Prinsipe Inigo, Hayme, Lita at Prinsesa Belle. Sila iyong mga tao sa panaginip ko."
"Prinsipe Inigo?" Naniniguradong tanong ni Zidane sa'kin.
Tumango ako sa kanya.
"Ang ninuno nina lolo,"
Napatingin kami sa kanya at lumapit siya sa'min.
"Ninuno ng lolo ko si Prinsipe Inigo sa side ni mommy. Sabi ni mommy na kwento nila lolo't lola sa kanya, kakaiba raw ang kwentong pag-ibig nito. Dahil bawal umibig ang mga maharlika sa mga ma--"
Pinutol ko ang sasabihin niya, "sa mga maralita dahil iyon raw ang batas sa lugar nila, sa W-World. Pero, sinuway ito ng kapatid ng ama ni Prinsipe Inigo."
"P-paano nalaman ang tungkol doon?"
"D-dahil..."
Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si mommy.
"Nandito na pala kayo," lumapit siya sa akin pati si daddy, "pwede ka na raw umuwi bukas sabi ng doctor mo! Makakauwi ka na anak. Makakasama ka na rin namin."
---
Isang linggo na ang nakakalipas ng makalabas na'ko sa hospital. Bumalik ang dati kong buhay.
Pumapasok na ulit ako, iyon nga lang ahead na sa'kin sila kuya Jasper ng isang taon. Balik 1st year college ulit ako.
Nandito ako sa garden ng school. Tahimik dito at malilim.
Pilit ko inaalala ang panaginip ko pero konti lamang talaga ang natatandaan ko.
Napaangat ako ng tingin ng may mga kamay na lumapat sa lamesang batong nasa harapan ko.
"Z-zidane?"
"Paano mo nalaman n'yon, Belle?" Nagtataka akong tumingin sa kanya kung ano ang tinutukoy niya.
"Ang tungkol sa W-World. Imposibleng naikwento 'yon ng mommy niyo ni Jasper lalo na't kagigising mo lang ng sabihin mo iyon."
W-World. Ang bayang kakaiba sa lahat. Ang bayang may batas na bawal umibig sa mga maralita.
"Napanaginipan ko sila," tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko.
"Sino ba sila? Bakit kamukha ko si Prinsesa Belle, kamukha ni kuya Jasper si Prinsipe Hayme at ikaw, kamukha si Prinsipe Inigo?" Tanong ko sa kanya na tipong may makukuha akong sagot sa kanya.
"Sabi ni mom, sa dumaang henerasyon namin, ako lang bukod tanging naging kamukha ng lolo ko, ang ninuno namin. Xerox copy raw kaming dalawa."
Tumango ako sa kanya, "Gano'n din ang sinabi sa'kin ni mommy. Nagtanong ako sa kanya tungkol sa pamilya namin, kung may Prinsesa Belle at prinsipe Hayme ba sa bloodline namin."
"Anong sabi niya?"
"Mayro'n daw. At, kamukhang-kamukha namin 'yon ni kuya Jasper."
"May kwinento siya tungkol sa pagkakapatay ni Prinsesa Belle, namatay s'ya dahil niligtas niya ang tagasilbi niyang si Lita..."
"Ang lola... Ano pa sabi ni tita?" Pagtatanong niya sa'kin.
"Naging matalik na kaibigan ni Prinsesa Belle si Lita kahit isa itong tagasilbi. Hindi naging hadlang 'yon para 'di makabuo ng pagkakaibigan ang dalawa. At, nang malaman ni Prinsesa Belle na may gusto si prinsipe Inigo kay Lita at gano'n din si Lita, nagpaubaya na ito sa kaibigan. Pero, 'di naging madali ang lahat sa kanila."
"Dugtong din ni mommy, Si Samuel - ang tunay na nagmamahal kay Prinsesa Belle ay 'di kaylan man umibig muli, kaya ni isa ay wala sya naging anak o sumunod man sa lahi nila. At, nagkaroon ng sumpaan ang dalawang magpinsan, ang sabi kung sino man ang magiging kamukha ni Prinsipe Inigo at ni Prinsesa Belle ay..."
"And?"
"Hindi ko na alam. Hanggang doon lang sinabi ni mommy. Iyon lang daw kasi kwinento ng lolo namin sa tuhod sa mama ni mommy."
Tumango ito sa'kin.
"Hindi rin pala tapos ang kwento sayo."
Napatingin ako sa kanya, "Hindi rin tapos?"
"Oo, ang kwento naman sa'min, pagkamatay ni Prinsesa Belle, nagbago ang lahat sa lugar na iyon. Naging masaya at nagkaroon ng pantay ng pagtingin sa mga maralita dahil iyon kay Prinsesa Belle. Hanggang doon lang alam ko."
"May naalala ako! May binigay sa'kin si mommy ng isang picture. Sabi ni mommy, ibibigay ito sa babaeng kamukhang-kamukha ni Prinsesa Belle," kinuha ko ang larawan na inipit ko sa isa sa mga notebook ko.
"At, ikaw iyon."
Nang makuha ko na, hinarap ko ito sa kanya.
"Putol nga lang iyong picture." Malungkot na sabi ko sa kanya.
Hindi talaga ito larawan, isa itong drawing na dinevelop para hindi masira. Black and white pa ang kulay nito. At, halatang matagal na ito dahil naninilaw na ito.
"Pa'no mo nasabing putol?"
"Kasi hindi ko mabasa ang mga nakasulat sa likod nito."
Tinalikod ko sa kanya ang picture at pinakita ang sulat na malabo na pero mababasa mo pa rin kahit papaano.
Nagulat siya sa nakita at agad na may hinanap sa kanyang bag. May nilabas siyang isang maliit na rectangle shape sa bag at kinuha niya ang hawak kong picture at pinagdikit ito.
"Sa muling pagkabuhay niyo, magiging masaya na kayo at wala ng hahadlang sa inyong pagmamahalan."
Napatingin ako sa kanya.
"Ano?"
"Iyon 'yong nakasulat sa likod ng picture," pinakita niya rin ang picture ng isang babae at lalaki sa ilalim ng puno.
"Prinsesa Belle at Samuel..." mahinang sabi ko.
"Pinsan ni lolo Inigo. Ang tunay na nagmamahal kay Prinsesa Belle."
Laking gulat ko na maalala ang sinabi ni prinsipe Inigo.
"Sa muling pagkabuhay mo, magiging masaya ka na at wala ng hahadlang sa inyong pagmamahalan."
"Tayo ang reincarnation nila? Pero,"
Pinutol ko ang sasabihin ni Zidane,
"Hindi. Tayo ang magpapatuloy sa naudlot nilang pagmamahalan."
- W A K A S -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro