Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

W-9

W-9: Where am I?

BELLE'S POV

Sa mga narinig at nalaman ko kanina, tumakbo agad ko palabas ng bahay nila Tiya Marta.

Nandito ako ngayon sa burol na lagi naming pinupuntahan nina mama at papa dati. Mga nakakuha pala sa akin.

Umupo ako rito at tumingin sa kalangitan, ang daming mga bituin ngayong gabi.

Masaya ba maging isang bituin?

Naalala ko na naman ang usapan kanina. Nakakatawa kasi ngayon ko lang nalaman na ampon pala ako. Pero ni minsan hindi nila ako tinuring na ampon.

Dapat maging masaya ako dahil may mga magulang pa pala ako at kapatid. Pero, bakit hindi ko magawa maging masaya?

Nag-stay muna ako dito sa burol, pinag-isipan ng matagal ang mga nangyari kanina.

Sa pag-iisip ko ng matagal, may sagot na akong nakuha.

Bumalik ako sa bahay nila Tiya Marta, nadatnan ko si Tiya na nakaupo sa labas ng bahay. Mukhang inaantay ako.

"Ayos ka na ba, Belle? Nag-alala ang kapatid mong lalaki sa'yo. Balak ka sana sundan pero pinigilan ni Mr.Castro."

Napayuko ako sa sinabi ni Tiya, mali naman kasi ang naging asal ko sa harapan nilang lahat.

"Pasensya na po,Tiya. Hindi na po mauulit,"

"Wag ka sa akin humingi ng tawad, sa mga totoo mong magulang ka humingi."

Ito ang huling sinabi sa akin ni Tiya ng gabing iyon.

--

Maaga akong nagising, hindi ko alam pero ayoko muna makita si Tiya Marta dahil sa naging asal ko kahapon.

Pagkabihis ko ng uniform, umalis na agad ako. Bibili na lamang ako ng pandesal sa bakery para habang naglalakad may kinakain ako.

Nang makabili ng pandesal, dumiretso na ako sa campus. Hindi ko na rin hinintay si Dana. Ayoko muna makisalamuha sa ibang tao. Gusto ko muna mag-isa at mag-isip.

Nang makarating sa campus, bilang pa lang ang nasa loob ng campus. Ang iba ay mga officer ng campus at ang iba ay maaga lang din pumapasok.

Naglakad agad ako papasok sa classroom namin, wala pang tao at ako palang nandito.

Sobrang tahimik ng classroom namin, hindi mo maiisip na maya-maya lamang ay magiging maingay at magiging impyerno ito mamaya dahil sa tambak na gawain na ipapagawa ng mga prof namin.

"Uy, Belle," May tumatapik sa kaliwang pisngi ko.

"Belle naman gumising kana!"

Kahit nanlalabo pa ang mga mata ko dahil nakatulog pala ako, nakita si Dana na nasa kaliwa ko.

"Buti naman nagising kana! Bakit hindi mo 'ko sinabay papasok? Nakakainis ka!"

Tinignan ko ang classroom namin, marami-rami na rin pala kami.

Tinignan ko ang kahilera namin, wala pa sila.

"Wala lang,"

Kumunot ang noo ni Dana dahil sa sinabi ko, "Anong wala lang?"

"Maaga kasi akong nagising. Okay na?"

Hindi na kami nag-imikan hanggang nagsimula ang klase.

Dalawang subject ang natapos namin. Puro major ang mga 'yon kaya halos mawarak kami para intindihin ang mga sinasabi ng mga prof namin.

"Belle, Tara na sabay na tayo kina Zidane at Jasper na kumain."

Napalingon ako kay Dana na nasa harapan ko na.

"Uy, Tara na! Nagugutom na ako!" Umiling ako sa kanya.

"Mauna na kayo, hindi ako nagugutom, Dana." Ngumiti ako sa kanya para maniwala siya sa sinabi ko.

"Pero..."

Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na, "Sige na,"

Wala siyang nagawa pa. Lumakad na rin siya at sumunod kina Zidane at Jasper.

Hindi ko kayang tignan muna silang dalawa lalo na si ku- Jasper.

Lahat ng mga kaklase ko mga lumabas, ako lamang ang natira sa classroom.

Hindi ko matimbang kung anong gagawin ko? Ang tanggapin na lang lahat ng nangyari o isipin na walang nangyari?

Masaya ako na malamang may pamilya pa ako pero may gumugulo sa utak ko, kung bakit ngayon lang nila ako hinanap.

Sinabi man nila ang tungkol doon pero parang hindi makatotohanan.

Okay na ako sa buhay ko ngayon, Okay na ko, ngayon pala sila gumulo.

Sa buong breaktime, 'yon lamang ang iniisip ko.

Nagsimula na uli ang klase, 'di ko muna pinapansin at kinakausap si Dana. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag sinabi kong kapatid ko si Jasper. Jasper na gwapo at sikat dito sa campus. Jasper Castro na ang pamilya nila ang isa sa mga mayayaman sa lugar namin.

Habang nagdidiscuss ang huli naming prof, isang malakas na tunog ang umingay sa buong campus hudyat na tapos na ang klase sa araw na 'to.

"Goodbye,class!" Sabay alis ni Sir Dumis - ang History teacher namin.

Nag-ayos agad ako ng gamit ko. Nang matapos kong maayos ang lahat. Lumabas na ako.

Nakita ko pang sinundan ako ng tingin ni ku- Jasper.

Palabas na ako ng campus ng may sumigaw ng pangalan ko, "Belle, saan ka pupunta? Dito ang daan pauwi sa atin." Lumingon ako para hanapin kung kaninong boses iyon.

Nakita si Dana na tumatakbo sa quadrangle papunta sa pwesto ko.

"May dadaanan lang ako. Mauna kana." walang emosyong sabi ko sa kanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang makatakas sa reyalidad.

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa burol. Burol na naging daan para makita ako ni Papa Jun.

Umupo ako sa isang bench na malapit sa bangin, nang biglang may dumaan na bulalakaw.

Hindi ko alam pero bigla akong humiling dito,

"Ayoko ng mabuhay. Gusto kong mawala sa mundong ito." Hindi ko namalayan na 'yon ang mga katagang lumabas sa aking bibig.

Nag-stay pa ako rito ng ilang minuto bago magpasya na umuwi na.

Nang makauwi sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto kong masikip. Hindi pa ako nagpapalit ng damit ng may kumatok ng malakas sa pintuan ko, bumungad sa akin ang pagmumukha ni Dria.

"Balita ko, ikaw raw ang nawawalang anak ng Pamilyang Castro?" Mataray na sabi niya sa akin.

Hindi ako nagsalita o sumagot man lang sa tanong niya. Pagod na ako.

"So? Aalis ka na rito? Bago ka umalis plantsahin mo muna mga damit ko para naman makapagbayad ka man lang sa pagkupkop namin sayo noong namatay sina tito Jun!"

Tatanggi pa sana ako pero bigla niya nilabas ang isang timba. Timba na naglalaman ng mga damit niya.

"Plantsahin mo 'yan!"

Wala na akong nagawa ng umalis at pumasok sa kwarto niya.

Kahit pagod na ako physical at mentally, sinunod ko pa rin ang inuutos ni Dria.

"Ano 'to? Pati ba naman ito paplantsahin?" Itinaas ko ang isang kulay rosas na panty. Baka may bra rin dito?

Bandang alas-diyes na ng gabi ako natapos sa pamamalantsa ng mga damit ni Dria. Maski undies at pambahay na damit sinama niya.

"Hay buhay! May mga takdang-aralin pa ako!" Inunat ko ang aking mga braso at pumunta na ako agad sa kwarto ko.

Habang sinasagutan ko ang mga takdang-aralin. Bigla na lamang ako nakatulog sa aking kama.

****

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, kaya napabangon ako ng higa.

"Waaaaaah! Late na ako!"

Bakit ba nakalimutan kong i-alarm ang 3210 kong cellphone.

Kukunin ko na sana ang towel ko, nang may ma-realized ako.

"Teka! Nananaginip ba ako? Nasa'n ako?" Nilibot ko ang aking tingin sa kwartong kinalalagyan ko.

Malaki, malinis, kulay pink ang kulay at ang kama sobrang lambot. Manghang-manghang kong tinignan at pinagmasdan ang kwartong kinalalagyan ko ngayon. Ang buong kwarto ay may mga mukha ko!

"A-anong nangyayari?" isang malaking tanong sa aking isipan.

Kinuha na ba ako nina Ku- Jasper? Ito ba ang kwartong mayroon ako sa bahay nila?

Nawala ang atensyon ko sa mga nakikita ko ng may kumatok sa pintuan, "Prinsesa Belle, gumising na po kayo. Tinatawag na po kayo ng Mahal na Reyna." Mahal na Reyna? Ito na ba 'yong Nanay ni Jasper? 'Yong Nanay namin?

"Mahal na Reyna?" Tanong ko, kung sinoman ang nasa labas ng pinto.

"Ang inyong ina po,"

Ina? P-patay na ang mga magulang ko. Baka ang mommy ni Jasper 'to? Hindi pa ako handang makita sila.

Patuloy pa rin ang katok kung sinuman ang nasa labas ng kwartong kinalalagyan ko.

Wala na akong nagawa kundi lumabas dito. Nakita ko ang isang may edad na babae na nakasuot na skirt na kulay asul na hanggang tuhod na may puting tela roon at kulay asul na blouse.

Nakita ako ang may edad na babae, bumaba na siya at wala akong nagawa kundi sumunod din sa kanya.

Nang makababa nakita ko ang isang malaking sala na kulay beige ang pintura, may chandeliers sa taas nito at ang sofa parang pangmaharlika. Para itong sofa ng mga hari at Reyna o mga taong nakakaangat noon.

"Sa wakas, bumangon ka na rin, Belle. Kahapon ka pa ayaw bumangon sa inyong higaan. Tara na't kumain ng umagahan." Lumingon ako sa aking likod.

Nakita ko roon ang isang magandang babae. Base sa itsura niya may edad na rin ito. Pero, sino siya?

"Mahal na Reyna," nagsalita ang babaeng kasama ko kanina.

"Maaari ka na umalis, Maria." Yumuko ang babaeng kasama ko kanina sa babaeng kaharap ko ngayon at umalis.

"Belle, anak, tara na! Nakahanda na ang ating almusal baka maunahan ka na naman ng kapatid mo sa pagkain." Anak niya ako? Teka? Hindi naman siya 'yong nakita ko noong pumunta sila sa bahay. Hindi siya 'yon!

"Nar'yan na ang nakatatanda mong kapatid,"

Lumingon ako sa tinitignan niya,

J-Jasper?

"Jasper?" Sigaw na tawag ko rito.

"Sinong Jasper ang tinutukoy mo?" Nasa harap ko na siya ngayon.

"Ikaw si Jasper diba? Wala namang biruan," sabi ko rito.

"Kapatid ko, ako si Prinsipe Hayme, ang nakatatanda mong kapatid." H-hayme? Prinsipe?

Naguguluhan ko siyang tinignan, "Prinsipe Hayme?"

"Oo, mahal kong kapatid at ikaw naman ay si Prinsesa Belle. Mga supling tayo nina Reyna Autumn at Haring Danyel."

Supling? Prinsesa? Reyna? Hari?

TEKA? NASAAN BA AKO?





- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💋💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro