W-8
W-8: Who's Belle Antonio?
ZIDANE'S POV:
Ilang araw na ang nakakaraan ng malaman namin na si Belle Antonio ang nawawalang kapatid ni Jasper at nawawalang anak ng Pamilyang Castro. Halos wala silang mapaglagyan ng saya dahil sa nalaman tungkol doon.
Ginawa namin lahat ni Jasper para mapalapit kami kina Belle at Dana. Noong una medyo mailap silang dalawa sa amin, paano ba naman kasi, isang araw lalapit na lang agad sa inyo ang dalawang gwapong lalaki sa balat ng lupa at sasabihing makikipagkaibigan kami sa kanila.
Sino ba naman magugulat at magtataka na ang dalawang lalaking ubod at sobrang gwapo ay lalapit sa inyo.
Noong una akala nila nangtitrip lang kami, langya baka patayin pa ako ni Jasper kapag pinagtripan ko ang long lost sister niya. Ayokong mangyari 'yon. Sayang ang kagwapuhan ko kung hindi ko maipapasa sa iba.
Hanggang tumagal pinapabayaan na lang nila kami na sumama sa kanila. Everyday nagpapadala si Tita Jasmine ng pagkain kay Jasper para kay Belle. Gusto man na nilang ipagtapat kay Belle, hindi nila alam kung paano ito sasabihin na hindi siya mabibigla.
Nandito kami ngayon sa garden dahil breaktime, sina Belle at Dana ang bumili ng mga pagkain namin, nag-insist na kami na bibili pero tumanggi sila. May bibilhin din naman sila sa canteen kaya sila na raw.
"Bro, Okay ka lang?" Siko ko rito.
"Oo, Okay lang ako." Halata sa mukha niya ang lungkot.
"Alam kong hindi. Sabihin mo na sa akin hanggang wala pa 'yong dalawa. Alam kong tungkol ito kay Belle." Bumuntong hininga siya.
Lumingon muna siya sa paligid at biglang nagsalita, "Nakausap namin ang tiyahin ni Belle, ang sabi ng tiyahin niya napulot daw ng kapatid niyang lalaki si Belle sa may paanan ng burol..." burol?
"Iyong tinutukoy ba na burol ng tiyahin ni Belle, Eh, 'yong burol na malapit dito sa campus natin?" Tumango naman sa sinabi ko si Jasper.
"Iyon nga. Doon daw napulot ng kapatid niya si Belle. Tamang-tama raw dahil ang asawa ng kapatid niya ay hindi magkaroon ng anak kaya inako na lang nila na tunay na anak ito." Napabuntong hininga ulit siya.
"Ang kinakabahan ko ngayon, ngayong gabi kami pupunta sa bahay nila Belle para sabihing siya ang nawawala kong kapatid. Ang nawawala naming si Jerah."
Ramdam ko ang pagkabahala niya.
"Wag kang kabahan, Jasper. Alam naman natin na mabait kayong pamilya..."
"Hindi 'yon, Bro. Kinakabahala namin baka hindi niya kami tanggapin, at tanggihan niya ka--"
Pinutol ko ang sinasabi ni Jasper, "Bro, ang bangis nu'n. Gandang laban nu'n sa Mobile legends." Nagtatakang nakatitig sa akin si Jasper. Pinalakihan ko siya ng mata.
Lumingon siya sa likod niya at nakita niya roon na papalipat na sina Dana at Belle.
Nang makalapit ang dalawa sa table namin, "We're sorry natagalan kami. Mahaba ang pila sa canteen at sa photocopy," humihinging pasensya ni Belle sa amin.
"It's okay, hindi pa naman kami gutom..." Bigla tumunog ang tiyan ko.
"Ngayon lang, naamoy ko na ang pagkain,e." Imbis na kumain ang tatlo, pinagtawanan muna nila ako.
"Belle, do you have an assignment in math?" Tanong ko rito.
Balita ko matalino sa math si Belle. Hehehe. Magpapaturo ako sa kanya. Akala niyo mangongopya ako.
"Yap! I'm already done. Why?" Genius talaga. Parehas sila ni Dana. Kaya konti na lang maiinlove na ako rito.
"Paturo naman,oh. Hindi ko makuha iyong algebra."
"Tsk. Hindi mo makukuha n'yon kahit magpaturo ka sa kapatid ko dahil ang dami mong 'x'."
Nakita kong kumunot ang noo ni Belle, "Anong sinabi mo, Jasper?"
"Huh?" Maang-maangan ka ngayon.
"Nevermind,"
Nagpatuloy kami sa pagkain.
--
JASPER'S POV
Muntikan na ako mabuking ni Belle. Bibig ko talaga.
Nasa bahay na ako at naghahanda na kami nila mom para sabihin kay Belle ang lahat ng totoo. Sana nga lang maniwala siya.
Inaayos ko ngayon ang malambot kong buhok at nilagyan ng wax para hindi ito gumulo ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Jas, are you done? Aalis na tayo?" Si mom pala.
"Yes po,"
Pagkaayos ko ng buhok ko, kinuha ko ang phone at lumabas na.
Nadatnan ko sina mom and dad na nasa sala na at mukhang hinihintay ako.
Pagkababa ko, "Come on?" Pag-aya ni dad.
Nang makasakay na kami sa kotse, halo-halo na ang nararamdaman ko. May saya, kaba, at takot na baka hindi niya kami matanggap.
"Matatanggap kaya niya tayo, Joseph?" Nag-aalalang sabi ni mom.
"Kung ano man ang magiging desisyon, respetuhin na lang natin." Sagot ni dad habang nagmamaneho.
Nakarating kami sa lugar nila Belle. Heto na naman ang kaba na nararamdaman ko.
Pagkalabas namin sa kotse, pinagtitinginan agad kami ng mga tao. Mga nagbubulungan habang nakatingin sa amin.
Dapat sa isang restaurant kami magkikita kita pero tumanggi ang tiyahin ni Belle.
Nasa harapan na kami ng isang bahay na ang pintuan nila ay pinagtagpi-tagpi lamang ng mga yero.
Tumingin muna si dad sa amin bago siya kumatok sa pintuan.
Biglang lumabas si Belle. Nagulat siya ng makita ako.
"B-bakit po? Sino po kailangan niyo?" Tanong niya sa amin.
Bigla niyakap ni mom si Belle, naguguluhan man si Belle hindi na siya pumalag.
Bumitaw si mom kay Belle, "S-sorry, nadala lang," ngumiti lang si Belle.
Nakita naming lumabas ang tiyahin niya.
"Nandito na pala kayo Mr&Mrs. Castro, tuloy po kayo."
Pumasok kami sa bahay nila, nahuli ako sa pagpasok.
"Bakit kilala niyo si Tiya Marta?" Bulong niya sa akin.
Hindi na lang ako sumagot, malalaman din naman niya mamaya.
Umupo kami sa plastic na upuan. Umupo na rin sina Belle at ang kanyang tiya.
"Belle, may sasabihin sila sa'yo." Bungad agad ng tiya niya.
Nalilitong nakatingin si Belle sa amin.
May pumasok ulit sa bahay nila isang dalagang babae rin.
"Anong oras ka na naman umuwi, Dria? Doon ka na sa kwarto mo at may bisita kami!"
Tumingin muna sa amin ang dalagang babae na tinawag na Dria ng tiya ni Belle. At, dumiretso na siya agad sa isang kwarto.
"Pasensya na po,Mr&Mrs.Castro." paumanhin ng tiyahin ni Belle.
Kinuha ni dad ang envelope na naglalaman ng resulta ng DNA test ni Belle at ng sa akin.
"Iha, tignan mo ang nasa loob niyan." Sabi ni dad kay Belle.
Nalilito man si Belle kinuha niya pa rin ito at binuksan.
Halos mamutla at matulala si Belle ng makita ang laman ng envelope.
Tumingin siya sa amin at tinignan ang envelope.
"P-paanong? B-baka nagkakamali lang po ito?" Nauutal na sabi niya sa amin.
"Iha, hindi nagkakamali ang DNA test. Anak ka na--" Hindi natuloy ni dad ang sasabihin niya
"Nagsisinungaling po kayo! Hindi po ako ang Jerah na hinahanap niyo na nakalagay dito sa envelope na 'to!" Tumayo na siya sa kanyang inuupuan.
"Tiya Marta," lumingon siya sa tiyahin niya "nagsisinungaling po sila diba po? Anak po ako nila mama at papa..." yumuko ang kanyang tiya.
"Belle," Sa puntong iyon umiyak na siya. "Nakita ka ni kuya Jun nang papa mo sa paanan ng burol. Kinupkop kana nila dahil hindi magkaanak si Bea." Lalong umiyak si Belle.
"B-bakit ngayon lang po?" Tanong niya sa kaniyang tiya.
"Ayaw sabihin nila kuya sa'yo, dahil nga wala naman naghahanap na sanggol noon hindi na nila ito pinaalam sa mga pulis at inako ka na nila na anak," tumingin siya kay Belle "Wag kang magalit sa mama at papa mo, mahal na mahal ka nila."
Sa amin na siya ngayon nakatingin, "Bakit ngayon niyo lang po ako hinanap? Bakit po?"
Umiiyak na rin si mom, "N-nawala ka sa piling namin, kinuha ka ng mga kidnapper sa amin, A-akala namin wala ka na dahil may natagpuang sanggol at may suot itong necklace na bigay namin noon."
Ngayon sa akin na siya nakatingin, "Kaya ba kayo lumapit sa amin ni Zidane dahil kapatid mo ako? Ha?"
Hindi ako nakaimik sa kanya. Hindi ko alam sasabihin ko.
"Kaya pala bigla na lang kayo lumapit nina Zidane. Kaya pala bigla kayo bumait sa amin. Kaya naman pala."
Yumuko na lang ako, alam ko namang mali ako. Sht!
Nagulat na lang kaming lahat ng tumakbo siya palabas ng bahay nila.
Susundan ko na dapat siya pero pinigilan nila ako.
"Bigyan muna natin siya ng panahon para intindihin ang lahat," sabi ni dad sa akin. "Marta, mauuna na kami."
"Ako na muna bahala kay Belle, Mr.Castro."
Umalis kami ng bahay na walang nagawa.
Nang makabalik sa sasakyan, "Ipanalangin na lang natin na patawarin at tanggapin agad niya tayo." Huling sabi ni dad sa amin.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuuu!💋💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro