Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

W-7

W-7: Evidence is REAL.

THIRD PERSON'S POV

Lumipas ang apat na linggo. Ngayon ang araw na malalaman nila Zidane at Jasper kung si Belle nga ba ang nawawalang kapatid ni Jasper.

Sa mga nakalipas na apat na linggo, palaging sinusundan nina Jasper at Zidane ang dalagang si Belle. Walang mintis silang sumusubaybay rito.

Hindi pa rin sinasabi ni Jasper ang hinala niya sa mga magulang niya dahil ang gusto niya kapag sigurado na siyang si Belle at Jerah ay iisa.

Maagang pumasok sa campus sina Zidane at Jasper dahil gusto agad nilang malaman ang resulta.

Habang papunta sa clinic ng school, "Tngina! Kinakabahan ako. Baka mali ang iniisip natin." Kinakabahang sabi ni Jasper.

"Wag kang kabahan, Bro. Ilang weeks natin 'to hinintay,"

Nang makarating sa clinic, bumungad sa kanila ang nurse at ang doktora ng school.

"Maupo na kayo Mr. Zerano and Mr. Castro," Umupo ang dalawa sa harapan ng doktora. Lumabas ang nurse at nang makabalik may hawak na itong envelope.

"Narito na ang result ng DNA test na ginawa kay Ms. Belle Antonio,"

Halos hindi mapakali sa kanyang upuan si Jasper dahil sa nerbyos at kaba na nararamdaman niya.

"Dinala pa ito sa ibang bansa para makasiguradong tama at accurate ang magiging resulta ng DNA test," tumango lang ang dalawang binata "kayo na magbukas at tumingin ng resulta," inabot ng doktora ang envelope kay Jasper.

Nanginginig na kinuha ni Jasper ang envelope. Kinakabahan man siya pero gusto niya pa rin malaman ang resulta.

"Kung ano man ang magiging resulta, Bro tanggapin na lang natin," saad ni Zidane sa kaibigan.

Tumingin muna si Jasper kay Zidane at bumaling din siya agad sa hawak niyang envelope.

Unting-unti n'yang binuksan ang envelope, pagkabukas niya sa envelope parang nakakita siyang multo. Halos lumaki ang kanyang mata sa nakita.

"Bro, anong resulta? S-siya ba?" Naniniguradong tanong ni Zidane.

Isang ngiti ang sinukli niya kay Zidane. At hindi inaasahan pumapatak na pala ang luha ni Jasper.

"S-siya si Jerah..." mahinang sabi ni Jasper.

"Anong sabi mo, Bro?"

"Sabi ko si Belle at Jerah ay iisa! Siya ang kapatid ko! Siya!" Walang mapaglagyan ang kasiyahan ni Jasper ngayon.

"Dapat malaman nila mom at dad ito. Dapat malaman nila na buhay pa ang kapatid ko!" Sinarado niya ulit ang envelope at tumakbo siya palabas ng clinic.

"Oy, hintayin mo 'ko!" Tumatakbo ang dalawang binata sa tahimik na corridor ng kanilang campus.

Halos lahat ng estudyante ay nasa kani-kanilang classroom na.

Sumakay agad sila sa kani-kanilang sasakyan at agad ito minaneho papunta sa bahay nila Jasper.

Nang makarating sa bahay ng mga Castro, bumaba agad ang dalawa. Nakita nila ang mga kasambahay nila na nagdidilig sa mga bulaklak ng kanyang ina.

Nagtanong si Jasper sa isang kasambahay nila, "Where's my mom?"

"Nasa kusina po, Ser. Nagluluto po si Ma'am." Tumango na lang ito at dumiretso sa kusina.

Nadatnan nila roon ang mommy niya na nagbabake ng cookies.

"Mom,"

Lumingon ang ginang sa kanyang anak.

"Jas, why are you here?" Nagulat ang ginang ng makita niya rin si Zidane.

"Also you Zidane, why are here? I thought you two are in school."

Hindi sumagot ang dalawa bagkus yumakap agad si Jasper at umiyak agad ito sa kanyang Ina.

"Jas, why are you crying? May ginawa na naman ba kayo?" Umiling ang dalawang binata. Hindi na rin mapigilan ni Zidane na hindi umiyak.

"M-mom, T-tama po kayo," nagtatakang tumingin ang Ginang sa anak niya. "Buhay pa si Jerah, Mom. Buhay na buhay siya." Halos matulala ang ginang sa narinig niya.

"Hindi magandang biro niyan Jasper." May diing sabi ng ginang.

"Mom, totoo po ang sinasabi ko. Nahanap ko na siya, Mom." Binigay ni Jasper ang envelope sa kanyang ina.

Kinuha ng kanyang Ina ang envelope na nagtataka, "buksan niyo mom para malaman niyo po." Nagtataka man ay binuksan ng ginang ang envelope.

Halos manlaki rin ang mga mata ng ginang sa nakita, "T-totoo ba ang nakalagay rito,Jasper?" Pagtatanong ng ginang.

"Yes, Mom! It's true!"

"Who's Belle Antonio?" Tanong ng ginang.

"Classmate namin, Mom. New transferee sa campus." Sagot ni Jasper.

"Kailangan ko siyang makita. kailangan ko siyang makita, Jasper. Puntahan natin." Pagmamakaawa ng ginang kay Jasper.

"Mom, baka mabigla siya agad kapag pinuntahan natin siya. Hindi pa niya alam ang tungkol dito. Please, Mom. Kapag okay na ang lahat, sasabihin natin sa kanya ang totoo." Saad ni Jasper.

Tumango na lang ang ginang sa sinabi ng kanyang anak.

Kahit gustuhin ng ginang na puntahan si Belle ay hindi maaari dahil baka nga mabigla ito kapag nalaman ng dalaga ang tungkol dito.

"Jasper," humahangos na pumasok ang daddy n'ya.

Nakitang ng matandang lalaki ang pag-iyak ng kanyang asawa.

"What happened?" Nag-aalalang tanong niya rito.

"B-buhay si Jerah, Joseph. Buhay ang anak natin." Balita agad ng ginang sa kanyang asawa.

Nagtatakang tumingin ang matandang lalaki sa ginang at sa dalawang binatang lalaki.

"What? Hindi magandang biro 'yan!"

Binigay ng ginang ang envelope sa matandang lalaki.

"Ikaw na mismo tumingin, Joseph. Para makita ng sarili mong mga mata ang sinasabi ko sa'yo."

Kinuha ng matandang lalaki ang envelope sa ginang, nagtataka man siya pero kinuha naman niya ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang envelope. Hindi makapaniwala ang bumabakas sa mukhang ng matandang lalaki.

"This is for real? It is real?" Tumango silang lahat sa sinabi ng matandang lalaki.

"P-paano?"

"Sasabihin ko lahat sa inyo, Dad and Mom." Niyaya ni Jasper ang mga magulang niya sa sala para roon nila ito pag-usapan.

"Unang kita ko palang sa bagong transferee sa amin parang namumukhaan ko na siya, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta may kutob akong kilala at nakita ko na siya dati pa," tinignan ni Jasper silang tatlo lahat sila ay nakikinig ng mabuti. "Kaya nu'ng sinabi ni Zidane ang buong pangalan niya, may nagtulak sa akin na isearch ko siya baka nakilala ko na siya o nabunggo ko na siya. Nang mahanap ko siya sa fb, ito ang bumungad sa akin," nilabas niya ang kanyang phone at binigay ito sa mom and dad niya.

Nang makita ng ginang ang larawan ng batang si Belle, dito na tumulo ang luha ng ginang.

"A-ang a-anak natin, Joseph. Buhay ang anak natin." Utal-utal na sabi ng ginang. Umiyak din ang matandang lalaki dahil alam at nagkaroon siya ng lukso ng dugo ng makita ang larawan ng batang Belle.

"Bakit hindi mo agad sa amin sinabi, Jasper?" Tanong ng kanyang dad.

"Ayoko po kayong bigyan ng false alarm. Ibabalita ko lamang ito sa inyo kapag sigurado na ako sa hinala ko kaya ito sinabi ko na sa inyo. Mom, dad, buhay si Jerah. Buhay ang kapatid ko."

Nagyakapan silang tatlo, sa gilid nakangiting nakatingin si Zidane sa Pamilyang Castro.


- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💋💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro