Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

W-4

W-4: Jasper Castro

JASPER'S POV

"Yes, dad I'm on the way na po..." Binaba ko ang telepono ko. Pauwi na ako sa bahay namin.

Bigla kasi tumawag si Dad kanina pinapauwi na niya ako dahil nagwawala na naman si mom.

Every year na lang ganito siya, kapag naaalala niya ang kapatid kong babae. Itong araw na 'to, ang araw kung saan nawala ang kapatid kong babae. 2 yrs old ako ng mga panahong nawala ang kapatid ko at ang kapatid ko naman ay 6 months that time.

Nilalaro raw siya ni yaya noon sa parke ng may sapilitang kumuha sa kapatid ko. Walang nagawa si Yaya noon kung hindi ibigay ito.

Sinabi niya agad ang nangyari kay mom at dad. Noong una, nakikipag-usap pa raw ang kidnapper sa mga magulang ko pero habang tumatagal hindi na ito mga tumawag.

Halos mabaliw raw ang mga magulang namin. Hindi nila alam kung saan nila hahanapin ang kapatid ko. Humingi na sila ng tulong pero walang nangyari.

Hanggang binalita ng detective ni dad na may natagpuan daw ang mga pulis na isang bata na ang edad ay nasa 8 months to 10 months daw.

Noong una hindi naniniwala sina mom and dad. Pero nang ma-dna test, lumabas doon na positive. Halos hindi na kasi makilala ang bangkay dahil sunog daw ang buong katawan nito pero ang isa pang katibayan nila mom at dad na iyon si Jerah ay ang kwintas na bigay ni mom.

Jerah, ang first name na bigay nina mom. Hindi pa nabibinyagan ang kapatid ko ng kunin siya sa amin.

Doon ko unang nakita kung paano umiyak ng husto si mom, parang binabasag ng paulit-ulit ang puso ko.

Nakarating ako sa bahay namin ng ligtas. Pagkababa ko pa lang ng kotse, rinig ko na agad ang boses ni mom.

"J-Joseph, iyong anak natin. A-alam kong hindi pa siya patay! B-buhay pa ang Jerah ko, ang Jerah natin. Buhay pa siya!" Utal-utal na sabi ni mommy habang bakas sa boses niya na umiiyak siya.

Ayokong ihakbang ang mga paa ko papasok sa loob. Ayokong makita kung paano na naman siya magmakaawa na buhay pa ang kapatid ko.

Unti-unti kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang mga basag na figurine at nagkalat na unan.

Mahina akong naglakad palapit sa kanila. Hindi ako gumagawa ng ingay.

"Buhay pa ang anak natin, Joseph. Buhay pa si Jerah. Maniwala ka sa akin, H-hindi si Jerah iyong nilibing natin. B-buhay pa iyong anak---"

Napahinto si mommy sa pagsasalita ng makita niya ako.

Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ni dad sa kanya at lumapit sa akin.

"J-Jasper, anak, B-buhay pa ang kapatid mo. Buhay pa si Jerah. Napanaginipan ko siya. Ang laki-laki na ng kapatid mo. Kasing laki mo na rin at lumaki na maganda at mabait. Buhay siya anak." Bakas sa mga mata ni mom na pagod na siya mukhang kanina pa nagwawala si mommy.

Tumango ako sa kanya.

"Oo, Mom. Buhay pa si Jerah. Kaya tara na pahinga ka na sa kwarto niyo." Mahinang sabi ko sa kanya habang inaakay ko siya paakyat sa kwarto nila ni dad.

Nakita ko si dad na nakatingin sa akin, ngumiti lang ako. Alam ko kung ano ang nararamdaman ngayon ni dad. Lahat kami nasasaktan kapag dumadating ang araw na ito. Hunyo 3. Ang araw kung saan nawala at dinukot ang kapatid ko.

Nang makarating kami sa kwarto, pinahiga ko siya at kinumutan.

"H-hanapin mo si Jerah, anak. Alam kong nasa malapit lang siya. B-buhay siya alam ko iyon. Buhay na buhay siya..." pahinang-pahina na sabi niya hanggang nakatulog na siya.

Kung totoo ang sinabi ni mom na buhay si Jerah, sino iyong nilibing namin? Sino iyon?

Hindi ko namalayan ang pagdating ni dad.

Tinapik niya ako sa braso "Ako na bahala sa mommy mo. Sige na magpahinga ka na." Ngumiti siya sa akin. Bakas din kay dad na nahihirapan din siya.

"Dad..."

"Sige na Jasper. Ako na bahala rito."

Wala na akong nagawa kung hindi lumabas ng kwarto.

Pumasok ako sa kwarto ko. At inalala ang mga nakaraan. Mga araw na maganda, mga araw na puro hagikhik at iyak ni Jerah ang naririnig ko.

Nang mawala si Jerah, nagbago ng 360 degrees ang buhay ko, ang buhay namin.

Naging ganyan na si mom. Ang kinalulungkot pa namin, hindi na pwede mabuntis si mom.

Naalala ko ang dalawang bagong transferee. Iyong Belle na 'yon parang nakita ko na talaga, e. Hindi ko lang maisip kung saan at kailan pero namumukhaan ko siya. Pwede ba iyon?

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at kinuha ang smart phone ko. Binuksan ko ang Facebook account ko. Tama, hanapin ko na lang iyong Belle na iyon sa fb.

Ano nga buong name niya. Sinabi ni Zidane kanina iyon,e.

Belle... Belle... napapakamot na ako sa ulo ko, hindi ko maalala iyong surname niya.

Belle An... Belle Antonio, iyon nga! Buti na lang, may lumabas na suggestion dito sa search bar.

Ano ito? Wala man lang picture? Tsaka iyong profile niya noong bata pa siya. Titignan ko na sana iyong picture niya nang biglang na lowbat ang phone ko. Great! Ngayon pa siya nalowbat! Ang galing!

Napakamot ako sa ulo ko. Hinanap ko agad ang charger at sinaksak ito sa phone ko. Pupu naman. Tagal mag-open.

Gotcha! Nang ma-open ulit ang phone ko, Dali-dali ko itong kinonnect sa WiFi at binuksan agad ang Facebook account ko.

Tinignan ko agad ang profile nung Belle na 'yon.

Wala talaga siyang mga picture man lang? Baka kasi nakasalubong ko na pala 'to dati tapos may past pala kami. Dejoke lang 'iyon, nagbibiro lang ako. Umiling ako sa kalokohan ko.

Tinap ko iyong dp niya. Para akong nakakita ng multo. K-kamukha niya ang kapatid ko. Kamukha niya. Zinoom-in ko ang picture niya, kamukha niya talaga si Jerah.

Sinave ko sa gallery ko ang picture niya.

Iyong baby picture nung Belle, parang kapatid ko? Kaya ba parang nakita ko na siya? Dahil?

Kailangan ko siyang imbestigahan. Kailangan.



- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💋❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro