W-3
W-3: Dana Andes
THIRD PERSON'S POV:
Hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ni Dana tungkol kina Zidane at Jasper.
Hindi niya maisip na pati mga mayayaman ay nakakaranas ng ganoong problema.
Naaawa siya para kay Jasper. 'Masakit siguro mawalan ng kapatid, magulang nga lang masakit na, kapatid pa kaya, lalo na't nawala ito. Siguro kung buhay ang kapatid ni Jasper, maganda ito at bantay sarado rito si Jasper.' umiiling na sabi ni Belle sa isipan niya.
Nakabalik na ulit sila sa classroom nila, pero ang utak niya naroon pa rin sa buhay nina Zidane at Jasper.
Dumaan ang tatlong subject pero ang utak ni Belle ay nasa hangin. Kada nagtuturo ang propesor nila, tumatango lang siya at nagsusulat.
Ngayong araw tapos na ang unang araw nila sa sa paaralang Xavier University.
"Belle, Tara na! Dadaanan ko pa si Mama sa palengke, kukunin ko iyong galunggong para pagkain namin sa hapunan." Sabi ni Dana habang nakatayo sa gilid ni Belle na hanggang ngayon ay nililigpit ang mga gamit niya.
"Ito na..." sinukbit ni Belle ang bag pack niya at humarap kay Dana.
"Mauuna na akong umuwi sayo?"
Tanong ni Belle habang naglalakad sila sa kahabaan ng corridor.
"Hindi." Humarap si Dana kay Belle kaya napahinto ang dalaga. "Sasamahan mo 'kong pumunta sa palengke." sabi ni Dana sa kanya.
"Pero---"
"Wala ng pero, Belle. Tara na!" Sabay hila ni Dana kay Belle.
Habang naglalakad ang dalawa palabas ng gate ng Xavier University, nakita nila sina Zidane at Jasper na pasakay sa mga kotse nila.
Tumingin si Belle kay Zidane, hindi niya maiwasan na mamangha sa binata.
"Belle, Tara na..." lumingon si Belle kay Dana, hindi niya napansin na napahinto na pala siya.
"H-huh?" Maang-maangan na sabi ni Belle kay Dana.
"Sabi ko, Tara na. Bakit ka ba huminto?" Sinundan ni Dana ang tinitignan ni Belle. Nakita niya sina Zidane at Jasper.
"Kaya naman pala. Kaya naman pala huminto ka, Belle. Ikaw ha!" Sinusundot-sundot ni Dana ang tagiliran ni Belle.
Todo iwas si Belle kay Dana, "Uy! T-tama na Dana. Tara na nga! Mag-aaral pa ako at maglalaba pa ako ng mga damit namin." Hinila na ni Belle si Dana para makaalis na sila at makaiwas sa tanong ni Dana.
Nang makaalis ang dalawang dalaga, hindi nila alam na kanina pa rin sila tinitignan nina Zidane at Jasper.
"Bro," lapit ni Jasper kay Zidane na nakasandal sa kotse niya.
"Ibang klase ang dalawang transferee." Umiiling na sabi ni Jasper.
"Pero, iyong isa. Iyong babaeng may maikling buhok, parang nakita ko na siya, e. Hindi ko alam kung saan at kailan." Seryosong sabi ni Jasper.
"Belle. Belle Antonio." mahinang sabi ni Zidane.
"Huh? Ano iyon, Bro?"
"Belle Antonio ang buo niyang pangalan. Iyong isa naman si Dana Andes."
"Iba ka talaga! Iba talaga si Zidane Zerano." Umiiling na sabi ni Jasper.
Tumunog ang cellphone ni Jasper at sinagot niya ito.
"Bro, una na ako. Tumawag si Daddy, umiiyak na naman si mommy. Death anniversary kasi ng kapatid kong babae."
Bakas sa mukha ni Zidane, ang pagkaawa sa matalik niyang kaibigan na si Jasper.
"Sige, Bro..." tumungo ito sa binata. Pasakay na sana si Jasper "Jas, paano kung hindi pa pala patay kapatid mo? Wala namang nakuhang bangkay diba?"
Ngumiti ang huli "Sana nga hindi. Magiging masaya mommy nun."
Nang makaalis si Jasper, sumakay na rin si Zidane sa kotse niya at umalis na rin.
****
"Mga suki! Mga suki! Mga suki! Lapit mga suki! Tilapia, galunggong, Maya-maya, bangus mga sariwa ito, mga suki!"
Lumapit sina Dana at Belle sa isang babaeng may suot na apron at may hawak na mahabang kahoy na may maraming papel sa dulo habang winawagayway ito sa mga panindang isda.
"Ma, nandito na po kami." Lumapit si Dana sa matandang babae at nagmano ito roon.
Ang matandang babae ay ang Ina ni Dana.
Nagmano rin si Belle sa ina ni Dana.
"Kaawaan kayo ng diyos," may kinuhang supot ang ina ni Dana at binigay ito kay Dana.
"Ito anak, lutuin mo na iyan mamaya para sa hapunan natin. Masarap niyan kapag bagong luto."
May binigay rin ang ina ni Dana kay Belle.
"Ito rin Belle, lutuin niyo sa inyo." Tatanggi pa sana si Belle pero wala na siyang nagawa kundi kunin ito.
"Maraming salamat po rito." pasasalamat ni Belle sa ina ni Dana.
"Ma, si tatay po nasaan?" tanong ni Dana sa ina habang nanunukli ng pinamili ng isang mamimili.
"Bumili ng tube ice. Paubos na kasi ang yelo natin. Dapat, always fresh itong mga paninda natin." tumango si Dana sa ina.
"Hala sige mga anak. Umuwi na kayo baka may assignment pa kayo at mag-aaral pa kayong dalawa. Sige na, Dana asikasuhin mo na ang sarili mo at ang dalawang kapatid mo roon."
Walang nagawa ang dalagang si Dana kundi sumunod sa inutos ng kanyang ina.
Umalis ang dalawa sa palengke bitbit ang tig-isang supot na dala nilang galunggong.
Nang makarating sa lugar nila. Nagkanya-kanya na sila ng pasok sa mga bahay nila.
"Salamat pala sa galunggong na ito, pakisabi na lang kay tita."
Ngumiti si Dana sa matalik niyang kaibigan "Wala iyon, Belle. Bukas ulit ha! Aasikasuhin ko pa mga kapatid ko." Tumango na lang ang huli.
Nang makapasok si Dana sa loob ng bahay nila, sumalubong sa kanya ang malinis na lababo at tulog niyang mga kapatid.
Tatlong magkakapatid sina Dana. Si Dana ang panganay at nasa kolehiyo na, ang sumunod sa kanya ay lalaki na ngayon ay 3rd yr high school at ang bunso nila ay babae na grade 5 student sa isang pampublikong paaralan.
Lahat silang magkakapatid ay mga scholar sa mga school nila. Kaya kahit papaano hindi sila naging pabigat sa mga magulang nila.
Nagpalit na muna si Dana ng pambahay na damit. Nang makapagpalit, nagsaing na siya para mamaya ipiprito na lang niya ang galunggong.
Habang nagsasaing siya, binuksan niya ang mga bag ng mga kapatid niya, titignan niya kung may assignment ba ang mga ito.
Nang makitang tapos na ang mga takdang-aralin ng dalawa. Niligpit niya ito at tinabi sa isang sulok.
Pinag-aralan niya ang lesson nila kanina. Buti na lang walang assignment na binigay ang propesor nila ngayon.
Nakita niyang nagising na ang kapatid niyang lalaki. Lumapit ito sa kanya, alam na niya kung bakit.
"Ate, paturo naman sa English, oh. May assignment kami roon pero hindi ko pa tapos." Kinuha ng lalaki ang kwarderno niya sa English at pinakita ito kay Dana.
Tinuruan niya ito, hindi nya sinabi ang sagot sa kapatid niya, ayaw kasi ni Dana na masanay ang mga kapatid niya sa instant sagot na hindi naman alam kung paano ito naging tamang sagot sa tanong.
Nang matapos sa lahat. Dumating na ang kanilang magulang na galing sa palengke.
Nagmano sila sa mga ito, at sabay-sabay silang kumain ng hapunan.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuuu! ❤💋
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro