W-24
W-24: Taguan
BELLE'S POV:
Nang makaalis si Prinsipe Hayme na may kasamang ilang mga tauhan para hanapin sina Prinsipe Inigo at Lita ay siyang sunod naman namin ni Samuel.
"Prinsesa Belle baka mapahamak tayo kapag sumunod tayo kina Prinsipe Hayme,"
Patago kaming sumusunod kina Prinsipe Hayme. Gusto kong malaman kung anong gagawin nila kina Prinsipe Inigo at kay Lita.
"Wag kang maingay, Samuel. Basta sundan na lang natin sila." Sabi ko rito at nilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko.
Magsasalita pa sana siya pero 'di na lang niya tinuloy.
Dahan-dahan ang bawat hakbang namin ni Samuel habang sinusundan namin sina Prinsipe Hayme.
Nang makalabas sa munisipyo, agad na sumakay sa mga karwahe ang mga ito. Nasa likod kami ng munisipyo.
"D'yan ka lang, ako na kukuha ng karwahe natin." Agad na tumakbo si Samuel para kunin ang karwaheng sinakyan namin kanina.
Ilang segundo lang din dumating na si Samuel. Pagkasakay ko, siyang pagpalo niya sa kanyang kabayo na agad ding tumakbo nang mabilis.
"Sa'n kaya hahanapin ni Prinsipe Hayme si Prinsipe Inigo?" Pagtatanong ni Samuel habang sinusundan namin sila.
"Palabas na tayo ng bayan natin,"
Nilibot ko ang tingin ko at nakita ang karatulang 'Maligayang Pagdating sa bayan ng W-World' lumabas nga kami sa bayan namin. At, ito ang kauna-unahang lumabas ako.
Sinusundan pa rin namin sila. Hindi ko alam kung gaanong kalayo na namin sa bayan ng W-World.
Puro matataas na puno lamang ang nakikita ko at sobrang dilim na rin. Mukhang magha-hatinggabi na base sa kalahating buwan na sobrang kislap.
"Nasa'n tayo, Samuel?"
Lumingon siya sa akin, "Hindi ko alam prinsesa. Dalawang bayan mayron sa tinatahak nating landas. Malalaman lang natin kung sa'n sila pupunta kapag nasa gitna na tayo ng kalsada na nagpapagitan sa dalawang bayan."
Tumango ako rito. Hindi ko rin naman kasi alam ang pasikot-sikot dito.
Tumigil ang karwaheng sinasakyan namin.
"Bakit tayo tumigil?" Pagtatanong ko rito. Nilibot ko ang tingin sa paligid puro matataas na puno pa rin ang nakikita ko.
"Nasa gitna tayo ng daan kung sa'n pinaghihiwalay ang dalawang bayan. Tumigil din sila Prinsipe Hayme."
Hindi sa kalayuan kung sa'n kami ngayon ay nakita ko nga sila Kuya - Prinsipe Hayme na nakahinto rin at mukhang nag-uusap-usap.
"Ano kaya pinag-uusapan nila?" Bulaslas na sabi ko.
Naghintay pa kami. Maya-maya lang lumakad ang mga kabayo ng mga tauhan sa munisiplyo papunta sa kanang bahagi ng daan.
"S-san sila pupunta?" Nagulat kami ng pinatakbo ni Prinsipe Hayme sa kaliwang bahagi ng daan ang kanyang kabayo. "Sa kaliwang bahagi si Prinsipe Hayme? Nalaman kaya nilang sinusundan natin sila?" Pagtatakang tanong ko.
"Hindi siguro, Prinsesa. Mukhang may binabalak siya. O, baka naman alam niya kung nasa'n si Prinsipe Inigo at si Lita?"
Napakurap ako sa sinabi ni Samuel. Baka nga.
"Baka nga..."
Tumingin ako kay Samuel, "sundan natin siya,"
Sinundan namin ang kabayo ni Prinsipe Hayme buti na lang hindi pa siya nakakalayo.
"Papunta na tayo sa bayan ng T-World."
T-World? Ano naman 'yon?
"T-World?"
"Oo, Prinsesa. Isa sa mga tahimik na bayan dito."
Tumango na lang ako sa sinabi niya.
Habang sinusundan namin si Prinsipe Hayme, bigla siyang lumiko sa isang daanan na madilim at may naglalakihang puno.
"Sa'n siya pupunta? May daan ba sa tinatahak niya?"
Huminto kami kung sa'n dumaan si Prinsipe Hayme.
"Wala,"
Ibigsabihin...
"Samuel, sundan natin si Prinsipe Hayme! Alam niya kung nasa'n sina Inigo at Lita."
Bigla niya pinatakbo ang karwahe at tinahak namin ang daang tinatahak ngayon ni Prinsipe Hayme.
--
Nakatago kami ngayon ni Samuel sa mga naglalakihang puno. Habang sinusundan namin si Prinsipe Hayme kanina, bumaba ito sa kanyang kabayo at nilakad ang madamong daan. Bumaba rin kami at sinundan siya.
Ito na, nandito kami sa likod ng isang malaking puno habang nakatingin kay Prinsipe Hayme na kumakatok sa lumang pinto na gawa sa puno nang Narra.
Lumaki ang mga mata ko ng makita kung sino nagbukas ng pinto. Si Lita.
"S-si Lita 'yon,"
"Alam ni Prinsipe Hayme kung nasa'n nagtatago sila Prinsipe Inigo. Nilinlang niya ang mga tauhan sa palasyo."
Nang makapasok sila sa bahay. Di na namin alam ni Samuel ang gagawin.
"Magpakita na tayo sa kanila, Prinsesa." S'westiyon ni Samuel sa akin.
Hindi ko napansin nandito na kami ni Samuel sa tapat ng pinto. Kumatok na kaming dalawa. 'Di namin alam kung pagbubuksan nila kami o hindi.
Gumalaw ang busol hudyat na may magbubukas.
Bumungad sa'min si Lita na nanlalaki ang mga mata.
"P-prinsesa?"
"Maaari ba kami pumasok?" Dahan-dahan tumango si Lita sa'min.
Pumasok kami ni Samuel sa loob ng bahay. Lahat sila napatayo ng makita kami ni Samuel.
"Anong ginagawa niyo rito, Belle?" Gulat na gulat na sabi ni Prinsipe Hayme.
"Sinundan ka namin, Prinsipe Hayme. Alam mo pala kung sa'n sila nagtatago?"
Tumango siya sa'min, "Oo, kaninang umaga."
Kaya pala.
"Prinsesa, 'wag niyo po kami isumbong. Parang awa niyo na," Ani ni Lita.
Tumingin ako kay Samuel, "hindi namin sinundan si Prinsipe Hayme para malaman kung sa'n kayo at para isumbong kayo. Narito kami para malaman ang kalagayan niyo. Wala kaming intensyon. At, masaya ako sa inyo,"
"Maupo kayo, Prinsesa."
Pinaupo nila kami sa isang upuan na gawa sa rattan.
"Anong plano niyo? Dito lang kayo?"
Umiwas sila ng tingin.
"Hindi pa namin alam. Kaya nagtatago pa kami." Sabi ni Prinsipe Inigo at sabay baling kay Lita.
"Nagkakagulo na ngayon sa munisipyo..."
"Alam namin ang tungkol r'yan," tugon ni Prinsipe Inigo.
"Maraming salamat, Prinsesa dahil sa mga sinabi mo naging bukas ang mga isip ng mga kalahi ko. Maraming salamat,"
"Wala 'yon. Kapwa namin kayong Pilipino. Iisa lang lahi natin kaya dapat nagtutulungan tayo para umangat ang isa't isa."
--
"Wala dapat makaalam ng mga nalaman niyo kanina," agad na sabi ni Prinsipe Hayme pagkababa namin sa kanya-kanyang karwahe at kabayo na dala namin.
"Belle, pasensya na sa mga nasabi ko sa'yo noon. Kaya ito ngayon, bumabawi ako sa lahat ng maling nagawa ko sa inyo,"
Sabay na naglalakad kami papasok sa munisipyo. Nauuna sa'min maglakad si Samuel.
"Saka pala, pumapayag na ako sa buhay pag-ibig mo kasama si Samuel,"
Napatingin ako kay Prinsipe Hayme dahil sa mga katagang lumabas sa bibig niya.
"P-prinsipe Hayme?" Naguguluhang tawag ko sa kanya.
Parang nung isang araw lang, ayaw na ayaw niya kay Samuel tapos...
"Iwasan mo nga lang pagtawag mo sa'kin na Prinsipe Hayme! Gusto ko ang salitang kuya! Gusto ko ulit marinig 'yon,"
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Maski ang pananalita niya ay parang isang prinsipe talaga.
"Sige na nga, k-kuya," mahinang sabi ko.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang munting ngiting galing sa kanyang labi.
"Maayos. Masarap pakinggan ang pagtawag mo ng kuya sa'kin."
Palihim na napangiti ako. At, naisip ang mukha at reaksyon ni Jasper. Ganyan din kaya ang mararamdaman niya?
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang natanaw namin ang pinto na papuntang munisipyo. Pagkapasok naming tatlo, nagkakagulo ang pasilyo. Mga aligagang tagasilbi at kawal na hindi sumanib o sumapi sa pag-aaklas ng ibang kalahi nila.
Lumapit si kuya Hayme sa isang kawal, "Anong nangyayari?"
Yumuko ang lalaki sa kanya, "Prinsipe Hayme," at iniangat din ang kanyang ulo, "nakita na ng mga kawal sina Prinsipe Inigo at Lita,"
Nakita? Paano sila nakita? Ilang oras palang nakakalipas ng umalis kami roon.
Nagkatinginan kaming tatlo. Pare-pareho kaming nagulat.
"P-paano nila nakita?" Pagtatanong ni kuya.
"Dahil kay Arateya Bienivida, Prinsipe Hayme."
Arateya? Ang kaklase ko? Paanong alam niya ang pinagtataguan ng dalawa?
Tumingin ako kay kuya Hayme pero nakatulala lang siya sa isang tabi.
"Paanong nalaman ni Arateya kung sa'n nagtatago ang dalawa?" Pagtatanong ko rito. Gusto kong malaman kung paano niya nalaman.
Tumingin sa akin ang kawal, "kababata nina Prinsipe Hayme at Prinsipe Inigo si Binibining Arateya, Prinsesa. Nakita ng mga kawal si Arateya sa isang pamilihan at sinundan nila ito at doon nakita ng mga kawal ang paglabas ni Lita."
"Bitawan niyo kami!"
Napalingon kami sa bukana ng munisiplyo ng marinig ang mga hiyaw at sigaw na nagmumula roon.
Nakita namin na kinakaladkad sina Prinsipe Inigo, Lita at Arateya ng mga kawal habang ang mga kamay nila ay nasa likod nila.
Dumaan sila sa harapan namin at ni-isa sa amin ay walang huminga at gumalaw man lang.
"Sa'n sila dadalhin?"
Tumingin kami sa kawal habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ni Samuel.
"Si Lita ay ikukulong sa karsel. Si Prinsipe Inigo ay ikukulong sa kanyang kwarto hanggang sa kanilang kasal ni Prinsesa Belle. At, si Binibining Arateya ay ibabalik sa pamilyang Bienivida, Samuel."
Ikukulong? Hindi maaari! Dapat gumawa kami ng paraan! Ilang linggo na lang bago ang kasal namin.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. FOLLOW. SHARE.
Thank youuuuuu!💕💋
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro