W-23
W-23: Higwaan
BELLE'S POV:
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa naririnig kong sigawan sa labas ng silid ko.
'Anong nangyayari?' Tanong ko sa isipan ko.
Dali-dali akong bumangon at naghilamos para tignan kung anong nangyayari sa labas.
Pagkalabas ko ng aking silid, mga tagasilbi ang nakita ko na pabalik-balik at mukhang natataranta.
Naguguluhan ako kung anong nangyayari sa kanila. Hinila ko ang isang tagasilbi - siya ang tagasilbi na nakita ko nung unang nagising ako rito.
"Ano pong nangyayari?" Bakas sa mukha niya ang pagkataranta.
"Prinsesa Belle, si Prinsipe Inigo at si Lita po ay mukhang...nagtanan." Mahinang sabi niya sa akin sabay yuko niya.
'Di ko na inaasahan 'yon. Pero 'di ko inaasahan ang pagtanan nilang dalawa.
Bumaba ako sa sala at nakita ko ang mukha ni Haring Danyel na nakaupo sa malambot na sofa. Malalim ang kanyang iniisip habang nakakuyom ang kanyang mga kamao.
Tumingin siya sa akin at bakas sa kanyang mukha ang galit.
Tumayo siya at humakbang siya papalapit sa akin, "Dahil sayo Belle kaya nagkakagulo ang palasyo ngayon! Dahil sa pag-iisip mo at dahil sa pagiging sakim mo!" Durong sabi niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko, ngayon ko lang nakita magalit si Haring Danyel.
"Bakit po ako? Hindi ko ho kasalanan na hindi ko mahal ni Prinsipe Inigo at 'di ko kasalanan kung nagtanan silang dalawa ni Lita. Mali po bang sundin ang tinitibok ng puso?"
Dahil sa sinabi ko lalo siyang nagalit sa akin.
"Kung sumunod ka na lamang sa akin! Kung hindi ka na lang tumutol sa kasunduan, Belle hindi magiging gan'on si Prinsipe Inigo!"
Mali na bang sundin ang tinitibok ng puso?
Pinigilan ko ang maiyak. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin ni Haring Danyel.
"Lumabas na rin po sa bibig niyo, ang gusto niyo lang naman ang kapangyarihan. Hindi niyo iniintidi ang nararamdaman ng iyong anak..."
Tumigil ako saglit at tinignan ang mga tagasilbi na huminto sa kani-kanilang ginagawa.
"Hindi na po ba maaari magmahal ang mga mararalita ng isang maharlika? Dahil sa ano po? Dahil sa batas na nakasulat! Batas na hindi makatarungan para sa mga maralita! Hindi niyo ba naiisip? Kayo, tayo mismo ang umaalipin sa mga kapwa nating Pilipino na hindi naman dapat. Tayo dapat ang nagpapaangat o tumutulong sa kanila para makaahon sa kahirapan pero lalo natin sila binababa dahil sa pesteng batas na 'yan!"
Hindi ko namalayan na kusang tumulo ang luha ko, "Tayo mismo ang sumisira sa mga pangarap ng mga maralita. Makapag-aral at matuto katulad ng sa amin. At, magkaroon ng karapatan kung sino sila."
"Belle,"
Napa-angat ang mukha ko sa tumawag sa akin at natanaw ko si kuya Hayme. Bakas sa mukha niya na pagod na pagod siya.
Sa'n siya galing? Umalis siya nang ganitong maaga?
"Umakyat ka muna sa silid mo,"
Aangal pa sana ako dahil 'di pa ako tapos magpaliwanag. "Pakiusap," pagsusumamo ni Prinsipe Hayme sa akin.
Kaya wala akong nagawa kundi umakyat muli sa silid ko.
Sinarado ko ang pinto ng aking silid at umupo sa gilid ng aking kama.
--
Unting-unti ako napadilat at 'di ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa bigat na nararamdaman ko.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at tinungo ang paliguan para magmumog.
Pagkalabas ko sa paliguan, tinignan ko ang bintana sa silid ko, gabi na pala. Buong araw pala ako nakatulog.
Lumabas ako ng silid ko at nadatnan ko ang buong bahay na sobrang tahimik taliwas sa nangyari kanina.
Pagkababa ko, wala akong naabutan kahit isang tagasilbi.
'Nasa'n sila?' Tanong na pinupukol ko sa isipan ko.
Pumunta ako sa kusina, wala rin akong nakitang tagasilbi.
Lumabas ako sa bahay at nilibot ko ang hardin pero wala akong naabutan.
'Nasa'n ba silang lahat?'
Papasok na sana ako ng may biglang tumawag sa akin.
"Prinsesa Belle,"
Pagkalingon ko, nakita kong humihikahos at pawis na pawis na Samuel na nasa harap ng tarangkahan namin para siyang tumakbo ng ilang kilometro bago nakarating dito.
Agad na lumapit ako sa kanya, "A-anong nangyari sayo?" Alalang sabi ko sa kanya.
"Ang mga tagasilbi..." sabay punas niya sa kanyang noo na may pawis.
"Anong mayro'n sa mga tagasilbi? Nakita na ba sina Prinsipe Inigo at Lita?"
"H-hindi pa," tumingin siya sa akin "Pero, ang mga tagasilbi ay nag-aklas at n-nasa h-harap sila ng munisiplyo dahil sa mga narinig nila sayo."
Dahil sa mga narinig nila sayo...
Dahil sa mga narinig nila sayo...
"D-dahil sa akin?"
Tumango si Samuel sa akin, "Oo, dahil sa mga sinabi mo kanina kay Haring Danyel."
Kaya ba wala akong makitang mga tagasilbi?
Nakita ko na lang ang sarili ko na papunta na kami sa munisiplyo kung sa'n nagwewelga ang mga tagasilbi.
Hindi pa naman kami nakakalapit sa mismong munisiplyo, rinig na namin ang mga pagsusumamo at hinagpis nila na sinisigaw nila sa tapat ng munisiplyo.
"Karapatan ng mga tagasilbi dapat isabatas!"
"Pantay-pantay na pagtingin amin ay hangad!"
"Kalayaan namin, ang kailangan namin!"
Paulit-ulit nilang sigaw sa mga mithiin nila.
Humakbang pa kami ni Samuel papalapit pero agad din kaming napahinto dahil sa mga tingin na pinukol nila sa amin.
Mga tingin ng mga tagasilbi. Tingin na gusto hingin at makamit ang kalayaan. Kalayaang, pinagkait ng mismong lahi nila.
"Prinsesa Belle," sabay-sabay na bigkas nila sa pangalan ko.
Biglang humarang sa harapan ko si Samuel.
"Walang kasalanan si Prinsesa Belle kung ano man ang naging ganap dito. Ako'y isa rin sa kalahi niyo. Magagawan natin ito ng paraan. Makukuha rin natin ang kalayaan natin."
Wala akong nagawa ng hilahin ako ni Samuel paalis sa lugar na 'yon.
Nang makapasok sa munisiplyo, nakita namin ang mga aligagang mga tagasunod ng mga maharlikang angkan. Mga tagasunod na hindi sumapi sa pag-aaklas ng mga nasa harapan ng munisiplyo.
Pumasok kami sa isang silid na narito at nakita namin si Haring John na nasa unahan ng mahabang lamesa at may sinasabi sa mga maharlikang nasasakupan niya. Nakita ko rin doon si Ama - Haring Danyel at si Prinsipe Hayme.
"Nasa kaliwang parte ang aking ama, Prinsesa Belle,"
Biglang sabi ni Samuel sa akin. Tinignan ko ang sinabi niya at laking gulat ko na kamukha ni Samuel ang kanyang ama. Mukha nga itong binata pa sa kanyang itsura.
Napatingin ako kay Haring John dahil sa sinabi niya.
"At, hanggang ngayon 'di pa rin nakikita ang nag-iisa kong anak na lalaki na kasama ng isang tagasilbing si Lita. Hinahanap na sila sa buong W-World ng mga tagasunod namin na hindi sumama sa pag-aaklas ng mga tagasilbi."
Hindi pa rin pa sila nakikita.
"Hanapin niyo sa buong W-World o maging sa kalapit bayan sina Inigo at Lita. Kung manlaban man si Inigo, daanin niyo na sa dahas." Tumango ang mga tagasunod at si Prinsipe Hayme. Sabay na tumalikod kay Haring John.
Daanin sa dahas? Pati ang nag-iisang anak niya, magagawa niyang saktan? Anong klase siyang Ama at pinuno ng bayang ito?
- to be continued -
Thank youuuuu!💕💋
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
A/N:
Ayun! Malapit na matapos ang kwentong ito. Ilang kabanata na lang. Pero, pero, pero, may big plot twist na magaganap pa. Kung ano 'yon? Basahin niyo na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro