Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

W-2

W-2: Zidane Zerano

BELLE'S POV

Hindi ko alam kung bakit may anong naramdaman ako sa tiyan ko. Ano iyon? Parang may insekto sa aking tiyan.

Pilit ko binabaling ang aking paningin sa propesor naming nagtuturo sa harapan. Pero, kusa akong dinadala ng mga mata ko kay Zidane.

Nakikita ko siya sa peripheral vision ko na nag-uusap silang dalawa ni Jasper. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila pero isa lang ang sigurado ako, gusto ko itong marinig.

Nakikita kong ngumingiti si Zidane tapos sabay iiling ang kanyang ulo. Ganoon din si Jasper, ngumingisi at ngingiti na parang may binabalak gawin.

Napaiwas agad ako ng tingin, nang tumingin sa direksyon namin si Jasper.

Bakit kinakabahan ako? Eh, ngayon ko lang naman sila nakita. Siguro dahil kamukha sila nina Jungkook at Taehyung? Iyon nga! Baka nga dahil doon.

Siniko ako ni Dana kaya agad akong napatingin sa kanya.

Yumuko siya nang kaunti, ginaya ko rin siya. Kung titignan kami sa malayo, para kaming nagsusulat lamang.

"Anong ginagawa mo, Belle?" Pabulong na tanong niya sa akin.

Tumungo siya at tumingin sa blackboard at nagsulat.

"Anong ginagawa ko? Wala. Bakit mo naman natanong?" Pabulong din na sabi ko.

Nag-iingat kami baka marinig kami ni prof Gabuyao, mukhang masungit pa naman siya. Ayokong mapagalitan kami.

"Wala raw? Eh, huling-huli kitang nakatingin sa gawi nina Zidane at Jasper. 'Wag mo ng ideny, Girl." Tinignan ko siya na nagtataka. Paano niyang nalaman niyon? Halata bang nakatingin ako sa gawi nila?

Muli niya akong siniko "Ikaw ha. Usap tayo mamaya. Ang best friend ko mukhang umiibig na." Bakas sa boses niya ang kilig.

Kinikilig siya? Kanino?

Hindi ko na lang siya pinansin. Minsan weird talaga si Dana. Umiling na lang ako sa isipan ko.


Naging matalik na kaibigan ko si Dana, simula nung napunta ako sa pangangalaga  ni Tiya Marta. Halos hindi na kami mapaghiwalay. Kung nasaan ako, naroon din dapat siya.

Kaya ito, parehas kaming nandirito sa Xavier University. Buti na lang parehas kaming beauty and brainy. Iyon nga lang may pagkakaiba rin kami ni Dana.

Kung si Dana magaling math, ako medyo mahina roon. Kung si Dana mahina sa science, medyo expert ako sa science. Magaling din ako sa asignaturang Filipino, medyo mahina ako sa English. Si Dana naman pambato namin noon sa English quiz bee. Kapag siya ang pambato namin, sure ball panalo na kami.

Kung may pagkakaiba kami ni Dana, syempre may pagkakatulad kami. Parehas naming gusto ang asignaturang Social studies o Aralin Panlipunan, kaya lagi kaming pinaghihiwalay sa grupo pagdating doon. At, ang ayaw naming asignatura ay ang MAPEH. Ewan ba naming dalawa, hindi kami mahal ni sport.

One time nga, nagkaroon kami ng volleyball game para sa MAPEH namin, kada sineserve ng kalaban  iyong bola sa amin, umiilag na kami. Masakit kaya matamaan ng mikasa na bola nang volleyball. Natamaan nga ako noon sa noo ko, sobrang namula kaya natakot na ako sa volleyball. Ewan ko kay Dana bakit pati siya natakot. Siguro dahil iisa lang ang mga bituka namin.

Napabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang bell. Hudyat na tapos na ang subject namin dito.

Dire-diretsong lumabas si Prof. Gabuyao at muling nag-ingay sila.

"D-dana tungkol saan ang sasabihin mo?" Pabulong na sabi ko sa kanya.

Nakakahiya kasing magsalita sa classroom, feeling ko hindi kami pwedeng magsalita.

Tinignan ko ang mga kaklase ko, halatang puro mayayaman sila. Konti lang kaming mga scholar ng school na ito.

"Mamaya na tayo mag-usap kapag naglunch break na. May dalawa pa tayong subject." Napatingin ako sa dalawang kilay niyang nagtaas-baba. Feeling ko may binabalak 'to sa akin.

Pumasok ang next prof namin. Tungkol sa Biology science ang ituturo niya. Dahil science ang tinuturo ni sir, nakinig ako sa kanya. Isa sa mga favorite subject ko ang science.

Todo kinig ako sa prof namin, kada may sinusulat siya, sinusulat ko rin. Kaya hindi ko namalayan na bell na pala. Totoo nga talaga na kapag nag-eenjoy ka hindi mo namamalayan iyong oras.

Umalis ang prof namin sa Bioscience at pumalit si Ms. Gaiw, prof sa subject na English.

Dami niyang rules, bawal gumamit na Filipino language kapag subject niya. Kapag nahuli ka niyang nagsasalita ng Filipino, may penalty ka.

Kaya ngayon ang ginagawa namin puro tango lang. Baka kasi magkaroon kami ng penalty. Nag-iingat lang Hehehe. 

Nakakainip ang class ni Ms. Gaiw. Inaantok na kami. Kahit grade conscious ako, may panahong inaantok din ako.

Pagkatunog ng bell, tumayo agad ang mga classmates namin. Mukhang na-bored din sila.

Buti naman tapos na ang klase niya. Feeling ko si Dana lang ang nasiyahan sa lecture ngayon. First day na first day lecture agad talaga ang ginawa ng mga prof namin.

Habang nag-aayos ako ng gamit ko, siniko ulit ako ni Dana.

"Mag-uusap tayo, Belle. Baka nakakalimutan mo!" Sabay tawa niya.

Tumango ako sa kanya at napailing.

"Hindi ko nakakalimutan, Dana." Sabi ko habang nagliligpit ang gamit.

Sabay kaming naglakad. Akala ko sa canteen kami pupunta pero mukhang papunta kami sa garden ng school na ito. 

Paano naman ko nalaman na sa garden kami papunta? May mga signage kaya.

Nang makarating kami sa garden, lumaki ang mga mata ko. Ang ganda. Ang ganda-ganda rito.

Punong-puno ng mga iba't ibang bulaklak, may mga rosas, sunflower, gumamela, tulips at iba pang klase ng bulaklak. May mga nagtataasang puno rin ang nandito. May beachers at lamesa para sa mga estudyante at lamp post, siguro ginagamit iyon 'pag gabi na. At, mukhang alagang-alaga ang garden na ito. Wala kang makikitang bakas na dumi o kalat man lang.

Umupo kami ni Dana na malapit sa fountain ng garden na ito.

Pagkaupo pa lang namin "Bakit nakatingin ka sa pwesto nina Zidane at Jasper kanina, Belle?" Ito agad ang bungad niya sa akin.

Hindi ba pwedeng kumain muna kami?

"Dana kumain muna tayo. Mamaya na iyan." Paawa na sabi ko sa kanya.

"Hay, sige-sige kumain na muna tayo at ako'y nagugutom na rin." Sabay namin nilabas ang mga baong dala namin.

Ang ulam ni Dana at dalawang jumbo hotdog at Pritong talong. Ang akin naman ay scramble egg.

Nagpalitan kami ng ulam. Masarap talaga ang pritong talong lalo na't may toyo't mansi.

Tumingin ako sa mga tao rito sa garden, parehas namin ay may mga dala silang baon. Mukhang lahat kaming narito ay mga scholar.

Matapos namin kumain, nagsalita na ulit si Dana.

"Hindi ka na makakalusot pa, Belle.  Bakit tumitingin ka sa gawi nina Zidane at Jasper?" Napalunok ako ng sarili kong laway.

"Ah-eh. H-hindi ako makapaniwala na k-kamukha nila sina jungkook at Taehyung. K-kambal ba sila nina Jungkook at Taehyung?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Kamukhang kamukha talaga nila,e.

Narinig kong tumawa si Dana dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa roon?

"A-alam mo Belle. Nakakatawa ka. Wala ka talaga alam kina Zidane at Jasper?" Tumango ako sa kanya. Wala naman talaga, e.

"Okay, Besh. Sasabihin ko lahat ang nalalaman ko kina Zidane at Jasper." Tumingin ako sa kanya ng seryoso "Hindi sila kambal. Hindi sila related kina Jungkook at Taehyung mo. Sadyang may pagkakahawig lang silang apat." Pabulong na sabi niya sa akin.

"Si Zidane Zerano ay nag-iisang anak ni Mr&Mrs Zerano. Badboy, heartthrob ng Xavier University, Magaling kumanta, maraming na napaiyak na babae pero mahal niya ang kanyang ina at nag-iisang kapatid na Babae na si Zerah.  Kaya Belle please wag kang lalapit kay Zidane,a. Magkaiba sila ng idol mong si Jungkook." Tumango ako sa kanya.

"Si Jasper Castro naman ay nag-iisang anak at tagapagmana ng Pamilyang Castro. Kung si Taehyung ay may pagkaisip na bata, ito naman si Jasper mahilig sa bata..." Nagulat ako sa sinabi ni Dana. Anong mahilig sa bata. Ibig bang sabihin?

"Kung ano man niyang iniisip mo Belle, burahin mo na. Ang ibig kong sabihin mahilig siyang makipaglaro sa mga bata. Kasi gusto niyang magkaroon ng kapatid na babae o lalaki. Pero, ang sabi ng iba may kapatid dapat siyang babae, iyon nga lang nawala raw ito. Hinanap nila pero ang sabi-sabi patay na raw." Nagulat ako sa nalaman ko tungkol kay Jasper.

Nakakalungkot pala.

May itatanong pa sana ako kay Dana ng biglang nagbell. 

"Tara na Belle baka mahuli pa tayo sa next subject natin." Kaya wala akong nagawa at sumunod na lamang sa kanya.


- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank you!!💕💋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro