Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

W-19

W-19: PUSO o MAGULANG

PRINSIPE INIGO'S POV:

Sabay kaming napabuntong hininga ni Hayme ng dire-diretsong bumaba sa karwahe si Belle.

"Anong nangyari roon sa kapatid mo, Hayme?" Tanong ko rito sa katabi ko habang nakatingin sa papalayong si Belle.

Napatingin sa akin si Hayme bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Sinabi na kasi ni ama sa kanya ang tungkol sa pagpapakasal niyo sa nobyembre. Nagalit at tumutol siya 'yun ang pinagtataka ko. Alam nating may gusto sayo ang kapatid ko pero iba na ang kanyang kinikilos. Alam mo 'yon, 'yong pakiramdam na parang nagbago na siya." Lahad niya sa akin habang papunta sa silid namin sa pangatlong palapag.

Hindi ako sumagot sa kanya, hindi ko naman gaano nakakasalamuha si Belle.

Nang makarating sa silid, bumungad sa'min ang katahimikan. Konti palang kami nandito.

Hanggang dumami nang dumami kami rito. Nag-umpisa na ang unang leksyon sa araw na ito.

Hindi ako naka-pokus marahil pati si Hayme ay hindi nakikinig sa mga pinagsasabi ng guro namin sa harapan.

Dumating ang duyo hudyat na tapos na ang kalahating araw namin, tumayo agad kami ni Hayme.

"Sa'n tayo pupunta, Hayme?" Ako tuloy nagmumukhang kanan kamay nito.

"Sa pangalawang palapag,"

Pagkababa namin sa pangalawang palapag, dumiretso kami sa dulong silid ng pasilyong ito.

May ilang naglalabasan pa. Pumasok si Hayme sa loob ng silid, nagpaiwan na ako rito sa pasilyo.

"Wala na siya sa loob," sabi niya.

"Baka nasa kantina na? Malay mo nagutom na siya?" Hulang sabi ko rito.

Ang dami naming naglalakad marahil papunta rin sila sa kantina.

Papasok na kami sa loob ng kantina ng may marinig kaming nag-uusap.

"Napaka-maginoo talaga ni Samuel. Kaya ang ibang kababaihan ay nagkakagusto sa kanya."

Huminto ako para marinig pa ang pag-uusap ng dalawa maski pala si Hayme ay huminto rin.

"Bagay pala silang dalawa. Ang ganda nilang pagmasdan. Nakakainggit silang dalawa."

Hindi ko na napigilan at lumapit ako sa dalawang babae na nag-uusap.

"Sino ang inyong pinag-uusapan?" Sabi ko rito.

Tila natulala sila ng makita ako.

"Prinsipe Inigo," yumuko silang dalawa sa akin.

"Sino ang inyong pinag-uusapan?" Ulit kong tanong sa kanila.

"S-sina Samuel at P-prinsesa Belle po, Prinsipe." Sabi ng isang babae na may kulay luntian ang bestida.

Tumingin ako kay Hayme.

"Nasan sila?"

"Nasa loob po ng kantina, Prinsipe."

Pakisabi ng babae, lumakad agad kami ni Hayme. Malalaking hakbang ang ginawa naming dalawa.

Pagkapasok namin, hinanap agad namin ang dalawa. Nakita namin nasa dulong parte sila ng kantina.

"Ang puto ay para sa dinuguan, Samuel. Hindi ang kutsinta." Rinig naming sabi ni Prinsesa Belle habang tumatawa ito.

"Iyon ba 'yon? Akala ko kutsinta at dinuguan. Pero masarap din isawsaw ang kutsinta sa dinuguan. Tikman mo," nilalapit ni Samuel ang hawak niyang kutsinta na may dinuguan kay Belle. 

"Ayoko! Ayoko! Ayoko!" Iniiwas naman ni Belle ang kamay ni Samuel.

Sabay sila tumatawa halos lahat ng mga tao rito sa loob nakatingin sa kanilang dalawa.

"Ang sarap kaya. Para pala tayong puto at dinuguan..."

Napatingin si Belle kay Samuel ng seryoso. Maski kami nakatitig din kay Samuel dahil sa sinabi niya.

"Belle,"

Nagulat ako ng nandoon na si Hayme sa harapan ng lamesa nina Samuel at Belle. Sumunod na rin ako kay Hayme na nakatayo na ngayon sa lamesa ng dalawa.

"K-kuya!" Sabay tayo ni Belle at tumingin kay Hayme.

"Maaari ba kaming umupo at makisabay sa inyo sa pagkain," seryosong sabi ni Hayme habang nakatingin kay Samuel.

"Oo naman, Prinsipe Hayme," tumingin din siya sa akin "maski ikaw Prinsipe Inigo."  Sabay yuko ni Samuel sa amin.

Umupo si Hayme sa tabi ni Belle at ako ay umupo sa tabi ni Samuel. 'Yon na lang ang pwestong mayro'n.

Nag-utos na kami ni Hayme ng pagkain namin. May pagkain na kasi sina Belle at Samuel.

Nang dumating ang mga pagkain namin. Kumain na rin kami. Naging tahimik ang lamesa namin.

Walang umiimik sa amin sa lamesa. Patingin-tingin ako kay Hayme at Belle. 

"Tapos na po ako kumain,"

Napatingin kami kay Belle ng ayusin niya ang pinagkainan niya at kinuha ang k'waderno at libro niya.

"Mauuna na po ako," yumuko ito sa amin at umalis na.

Napabuntong hininga na lang si Hayme ng makaalis ang kapatid niya.

"Makagalit kayo? Kaya pala hindi siya umiimik kanina sa loob ng silid namin."

Napatingin kami kay Samuel dahil sa sinabi niya.

"'Wag ka na makialam, Samuel." Seryosong sabi ni Hayme.

"Hindi naman ako nangingialam. Sinasabi ko lang ang nakikita ko kanina kay Belle."

Tumingin si Samuel kay Hayme na hanggang ngayon ay kumakain pa rin.

"'Wag mo naman sana pawalain ang mga ngiti sa labi ni Belle, Hayme. Ayoko na dumating sa punto na ang babaeng minamahal ko ay kinakain na ng lungkot."

Pagkatapos ng araw na ito, sumabay pa rin sa amin si Belle sa karwahe. Buong byahe namin ay hindi siya umimik. Tikom ang kanyang bibig at nakatingin lamang sa paligid.

Nandito na ako sa silid ko. Nalilito na rin ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang susundin ko 'ang tinitibok ng puso ko' o 'ang gusto nila ama para sa akin'.

Lumapit ako sa terasa ko at natanaw ko si Belle sa hardin nila. Nakita ko si Belle na nakaupo sa mga duyan na naroroon. Mukhang malungkot siya at tulala habang mag-isa niyang dinuduyan ang inuupuan niya.

Nakita kong lumabas si Lita at nilapitan si Belle na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa isang bagay.

May waring sinasabi si Lita kay Belle base sa bibig niya na bumubukas-sara, pero hindi umiimik ang prinsesa.

Tumayo si Belle at napatingin siya sa bahay namin. Nagtago agad ako, pakiramdam ko nakita niya ako. Bakit nga ba ako nagtatago? Wala naman akong ginagawang mali.

Wala pa naman sa ngayon. Wala pa.


- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

A/N:

Keep safe and dry, guys!☔

Duyo - Breaktime/Recess

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro