W-18
Chapter 18: Sa mundong ito...
BELLE'S POV:
Isang linggo na ang nakakalipas nang makarating ako sa mundong ito.
Isang linggo na rin, namimiss ko na silang lahat. Sina Dana, Tiya Marta, Jasper, ang mga tunay kong magulang kahit hindi ko pa sila nakakasama, sama mo na rin si Dria at si Zidane.
Hanggang kailan pa ba ako mananatili rito? Hanggang kailan ba?
Sa isang linggo kong pananatili rito, nasasanay ko na ang sarili kong magsalita na purong Filipino lamang.
Bigla may kumatok sa pinto ng silid ko.
"Sino 'yan?"
Nasa loob ako ng aking silid at nagsusulat ng takdang-aralin ni Ginoong Alparo
"Prinsesa, si Lita po ito. Pinapatawag po kayo ni Haring Danyel. Nasa silid na po sina Reyna Autumn at Prinsipe Hayme ng iyong Ama."
"Sandali lamang," sabi ko kay Lita at hininto ko ang pagbabasa ng libro para sa takdang-aralin kay Ginoong Alparo.
Tumingin muna ako sa salamin kung maayos ba ang aking suot. Nang makita kong ayos naman, tinahak ko na ang pinto.
Pagkabukas ko, bumungad sa akin si Lita.
"Pasensya na, may ginawa lang ako para bukas."
Yumuko si Lita at sinundan ako papunta sa silid ni Ama. Nasasanay na akong tawagin sila na Ina, Ama at Kuya.
Pagkapasok ko sa silid, nadatnan ko sila Ina at kuya Hayme na nakaupo sa harap ni Ama.
"Maupo ka na, Belle."
Umupo na ako sa tabi ni kuya Hayme.
"Sa darating na ika-siyam na Nobyembre taong labing siyam tatlungpu'tlima, papalit na sa pwesto ko si Hayme bilang kanan kamay ng magiging hari, walang iba kundi si Prinsipe Inigo."
Napatingin ako kay kuya Hayme na katabi ko ngayon dahil sa sinabi ni Ama.
"Handa ka na bang pumalit sa akin, Hayme?" Seryoso tanong ni ama sa kanya.
"Opo, Ama. Handa na po ako."
Tumango si ama sa sinabi ni kuya Hayme.
"Hindi lang 'yon ang sasabihin ko," tumingin sa akin si ama, "Belle,"
"Bakit po, Ama?"
"Sa mismong araw rin n'yon, ikakasal ka kay Prinsipe Inigo."
Napamaang akong tinignan si ama sa mga mata niya baka kasi nagjojoke lang siya.
"P-po?" Nauutal na sagot ko rito.
"Ikakasal ka kay Prinsipe Inigo,"
"P-pero, hindi naman po kami nagmamahalan, Ama. Mali naman po siguro na ipakasal kami kung wala kaming nararamdaman sa isa't isa. Hindi po ako pumapayag! Pasensya na po," yumuko ako sa kanila bilang paggalang at umalis na ako.
Nakita ko pang susundan sana ako ni ina pero pinigilan siya ni ama.
Pagkalabas ko sa silid nakita ko si Lita na kinukusot ang mga mata niya.
"Lita, bakit?" Tanong ko rito.
"W-wala po, Prinsesa. Tinatawag po pala ako ni Manang, mauuna na po ako."
Pagkasabi niya umalis agad siya at bumaba.
Bumalik na ako sa silid ko at napaupo sa gilid ng kama.
Uso rin pala rito ang arranged marriage o pwersahang pagpapakasal kahit hindi naman sila nagmamahalan.
Ano na lang mangyayari sa totoong Belle kung ipakasal talaga ako. Baka hindi rin mahal nung Belle si Inigo.
Napayuko ako habang nakalapat ang dalawang siko ko sa binti ko. Gulong-gulo na ang utak ko. Gusto ko na talaga bumalik.
Napa-angat ako ng tingin ng may bumakas sa pinto at iniluwa nun si kuya Hayme.
"Belle,"
"Kuya Hayme, alam mo siguro ang tungkol doon? Kaya ba nitong nakalipas na araw, pilit mo ko pinapalapit kay Prinsipe Inigo? Lagi mo rin bukang-bibig si Prinsipe Inigo na mabait at maalalahanin? Kaya ba?"
Napayuko siya sa mga sinabi ko. Tama nga ako, may alam siya.
Naalala ko nung isa araw...
"Belle, Bilisan mo naman magbihis, mahuhuli na tayo sa ating klase."
Bumaba na ako sa sala, anong oras na kasi akong nagising kaya ito ako ngayon tinanghali.
Pagkababa ko, nakita ko si Prinsipe Inigo sa isa sa mga stipa na nasa sala.
"Bakit ang tagal mo bumaba, Belle. Siguro nagpapaganda ka pa kay Inigo. Ikaw talaga."
Nabigla ako sa sinabi ni kuya Hayme. Ako magpapaganda d'yan kay Inigo. Imposible!
Wala nga ako ni isang nararamdaman d'yan. Pagkainis ang nananalantay sa akin kapag nakikita ko siya dahil kay Zidane. Kumusta na kayo 'yon? Bakit ko pa ba iniisip iyon.
Hindi ko pinansin si kuya Hayme at lumabas na lang agad.
Sumakay kami sa karwahe namin at pumunta sa mala-kastilyo naming paaralan.
Nang dumating ang duyo pumunta na ako sa kantina. Hindi na ako sinusundo ni kuya Hayme dahil sinabihan ko na ito na kaya ko na.
Pagkarating ko sa kantina, nakita ko na roon sina kuya Hayme at Prinsipe Inigo.
"Nandyan ka na pala, maupo ka na." Pagkalapit ko sa kanila umupo na ako sa tabi ni kuya.
"Gusto ko ng dinuguan at puto, kuya Hayme."
"Si Prinsipe Inigo ayaw mo?" Pilyong sabi ni kuya Hayme.
Napatingin ako sa kanya.
"Kuya, 'wag ako ang lokohin mo. Nagugutom na ako."
Napabalik ako sa sarili ko ng hawakan ako ni kuya Hayme.
"Kuya, lumabas ka na lang muna. Ayoko muna makipag-usap." Tumungo ako sa pinto ng silid ko at binuksan 'yon.
Walang nagawa si kuya Hayme at lumabas ito. Pagkalabas niya, sinarado ko na agad ang pinto at ni-lock.
Humiga ako sa kama at nagtalukbo. Gusto ko muna limutin ang lahat. Ang lahat-lahat.
--
Napabangon ako ng higa ng may marinig ako na sunod-sunod na malalakas na katok na nanggagaling sa pinto ko.
Napatingin ako sa orasan na nasa silid ko, alas-otso ng gabi palang? Bakit pakiramdam ko mahaba ang naging pagtulog ko.
Lumapit ako sa bintana, bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag na galing kay haring araw. Umaga na pala. Buong gabi akong tulog.
Alas-otso na pala ng umaga at hindi gabi.
May kumatok uli sa pinto ko, "Belle, anak, bumangon ka na d'yan. Mahuhuli ka na sa klase n'yo."
Nataranta ako at agad ako pumasok sa paliguan, si Binibining Elisa ang guro namin sa Sipnayan - Filipinong salita para sa Matematika. Ang dami kong natutunan dito.
Nagmadali akong naligo at sinuot ang kulay rosas na maraming disenyo na hanggang bukong-bukong ko. Lumapit ako sa lagayan ng mga tiara at kinuha ang kulay rosas din na tiara.
Nang tinignan ko ang sarili ko sa mahabang salamin, lumabas na ako ng silid dala ang mga k'waderno at isang libro para kay Ginoong Alparo.
Pagkababa ko nakita ko si Lita na may dalang dalawang tasa.
Nasa stipa pala sina kuya Hayme at Prinsipe Inigo.
Namalikmata lang ba ako o sadyang nakita kong nakangiting nakatingin si Inigo kay Lita?
Napatingin sa akin ang dalawa ng tuluyang nakababa na ako sa sala pero iniwas ko rin agad ang paningin ko.
Dumiretso ako sa kusina at umupo roon para makakain na.
"Prinsesa, gatas po?" Tumingin ako kay Lita ng alukin niya ako.
Imposible bang ma--
"Prinsesa, may dumi po ba ako sa mukha?" Tanong niya sakin.
Napakurap ako sa sinabi at umiling.
"Prinsesa, gusto niyo po ba ng gatas? "
Umiling ulit ako.
"Anak, nandyan ka na pala. Akala ko hindi ka papasok."
Napatayo ako at nakita ko si Ina na nakasuot ng kulay bughaw na kasuotang pambabae.
"Tapos na po ako kumain," yumuko ako kay ina at lumabas na sa kusina.
Galit pa rin ako, hindi man lang tumutol si Ina kay Ama.
Nadatnan ko sina kuya Hayme at Prinsipe Inigo pero hindi ko sila binigyan ng pansin. Dumiretso ako lumabas at sumakay agad sa karwahe.
Ayoko muna makipaghalubilo sa kanila. Kahit kanino.
Nang makasakay, nakita ko na rin silang dalawa na papunta na rin sa karwahe. Umiwas ako ng tingin sa kanila.
Umandar ang karwahe ng makasakay ang dalawa.
Tahimik din sila at mukhang nakikiramdam.
Nang makarating sa mala-kastilyo naming paaralan, bumaba agad ako.
"Belle," tinawag pa ako ni kuya Hayme pero hindi ko na siya pinansin.
Dumaan ako sa pasilyo, 'di pa maraming tao kaya mabilis ako nakaakyat sa pangalawang pasilyo kung nasa'n ang silid-aralan namin.
Dalawang babae palang ang naroroon, pumasok at umupo ako sa pinakahuling upuan kung sa'n naging permanenteng upuan ko na.
Nakatingin lang ako sa bintana na malapit lang sa akin, nakatulala akong nakatingin at pinagmamasdan ang mga puno na umuugoy kasabay ng hangin.
Napalingon ako ng may presensya akong naramdaman at nakita ko roon si Samuel na nakatayo at nakatingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ko rito na walang kabuhay-buhay.
"Gusto mo nang kendi para naman maging matamis ang araw mo ngayon," alok niya sakin ng hawak niyang kendi.
"O, baka naman gusto mo ng kakanin para naman maging malagkit ang tingin mo sa akin." Napatawa ako sa sinabi niya.
"Anong nakain mo ngayon, Samuel?"
"Wala naman, gusto ko lang maging masaya ka, hindi ka dapat maging malungkot, isang katulad mo ay dapat laging nakangiti at iniingatan."
Namula ako sa sinabi ni Samuel. Buti na lang bumalik na siya sa kanyang upuan ng dumating si Binibining Elisa. Hindi ko pala namalayan na nandito na pala lahat ang mga kaklase namin.
Sa mundong itong ay isang malaking question mark pa sa akin. Hindi ko alam kung ano pa mangyayari sa akin dito. Basta ang alam ko lang gusto ko ng umuwi at bumalik sa 21st century.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuuu!💕💋
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro