Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

W-16

W-16: LITA

BELLE'S POV:

Pagkauwi namin ni Prinsipe Hayme, nakita kong nagwawalis sa hardin si Lita.

Ang ganda at ang amo ng mukha ni Lita, ang kanyang buhok na kulot na kulay tsokolate, ang kutis niya na morena, ang labi niya na sobrang nipis at sobrang pula at kanyang mata na akala mo'y laging masaya.

Mukhang napansin niya ako na nakatitig sa kanya.

"P-prinsesa Belle, kanina pa po ba kayo nandyan?" Nauutal na sabi niya habang lumalapit sa akin.

"Hindi naman gaano,"

Pinunasan niya ang kanyang kamay sa damit.

"Nagugutom na po ba kayo, Prinsesa?" Ngumiti lamang ako rito.

"Hindi pa, masyado marami ang nakain ko kanina."

Tumingin-tingin ako sa paligid, nang makita kong walang mga tagasilbi na nandirito sa hardin nagsalita ulit ako.

"May itatanong sana ako sa'yo, Lita. Pero sa silid na tayo mag-usap."

Naguguluhan man siya pero tumango rin si Lita.

Habang papasok kami sa bahay, luminga-linga ako para kasing may tumitingin sa amin sa malayo.

Napadako ako sa sa mansyon nila Haring Danyel. Para may silweta akong nakita sa isa mga terasang naroroon.

Pumukaw muli ang atensyon ko ng magsalita si Lita, "Prinsesa, bakit po kayo tumigil?"

"Wala. Wala naman."

Tumingin ulit ako sa terasa pero wala na ang silwetang nakita ko. Siguro guni-guni ko lamang iyon.

Nang makarating sa loob ng silid ko, sinarado ko ito ng mabuti 'yung tipong walang makakapasok sa loob.

Umupo ako sa gilid ng kama habang nakatayo si Lita.

"Lita, maupo ka rin. Kunin mo iyon," turo ko sa maliit na upuan na pabilog na nasa ilalim ng malaking salamin na may lamesa.

"Prinsesa, ano po ang itatanong niyo?" Tanong agad ni Lita nang makaupo siya.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko. Baka kasi wala rin siyang alam tungkol dito.

"Alam mo ba kung bakit ginawang batas na bawal umibig ang mga maharlika sa mga maralita?" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya.

Kahit hindi ako sigurado kung may alam siya tungkol dito, tinanong ko pa rin siya. Gusto kong may malaman sa bayang ginagalawan ko ngayon.

Para akong isang bagong sanggol na kapapanganak lang dahil wala ako alam ni isa tungkol sa bayang ito.

Bumaba ang tingin ni Lita sa lapag.

"Lita,"

Tumingin ulit siya sa akin, "Prinsesa, wala rin po akong alam kung bakit ginawa itong batas..." yumuko ulit siya, "Pero, ang sabi ng aking lolo na pumanaw na, may minahal daw po ang dating Hari ng bayang ito..." tumingin ulit siya sa akin at huminga ng malalim, "Isang maralita raw po ngunit hindi po sinuklian ng isang maralita ang pagmamahal na binigay ng Hari. Kaya po siguro dahil doon ginawa ang batas."

Napatulala ako. Dahil lamang doon?

"Dahil lamang doon?" Bulaslas na sabi ko.

"Hindi lamang po roon, Prinsesa. Nagpakamatay po kasi ang Hari ng dahil doon."

Nagulat ako sa sinabi ni Lita. Talagang may nagpapakamatay nang dahil sa pag-ibig. Akala ko sa panahon ko na lang nangyayari ang gan'on.

"Kaya po nagalit ang mga kamag-anak ng Hari. Kaya po dahil doon pinatupad ng sumunod na hari ang ganoong klaseng batas."

"Sino ba ang Hari na nagpakamatay?" Usisa ko rito.

"Ang lolo po sa tuhod nina Prinsipe Inigo at Prinsipe Samuel. At, ang nagpatupad naman po ng batas ay ang kapatid po, na si Haring Joaquin. Hanggang iyon na po ang sinusunod ng lahat. Kaya po mailap sa amin ang mga maharlika at tingin nila sa aming mga maralita ay walang silbi at dapat isa lamang tagasilbi sa kanilang lahat."

Bakas sa mukha niya ang lungkot. Nalulungkot dito ako dahil sa nalaman ko.

"Sino naman ang babaeng minahal ng hari?" Tanong ko rito. Baka may makuha akong sagot.

"Si Ni-"

Hindi natuloy ni Lita ang sasabihin niya ng may tumatawag sa akin.

"Belle, bumaba ka na r'yan at kakain na tayo. May niluto si Ina na isang kakanin."

Si Prinsipe Hayme! Napatayo agad ako.

"Prinsesa, tinatawag na po kayo ni Prinsipe Hayme."

"P-pero hindi pa tayo tapos mag-usap?"

Sunod-sunod ang katok ni Prinsipe Hayme.

Wala na akong nagawa ng buksan ni Lita ang pinto at bumungad sa akin si Prinsipe Hayme na nagtataka.

"Bakit ka narito, Lita?" Tanong ni Prinsipe Hayme.

Lumingon sa akin si Lita na parang naghahanap ng ipapalusot.

"Prinsipe Hayme, pinapunta ko siya rito dahil..." huminto ako sa sasabihin ko. Ano nga ba?

"Dahil?" Nagtatanong na sabi ni Prinsipe Hayme.

"Dahil maliligo na ako kaya pinapuno ko ang paliguan ko sa kanya at pinaayos ko ang damit na gagamitin ko." Matapang na sabi ko.

Buti na lang gumana ang utak ko. Kung hindi yari kami ni Lita pareho.

Nakita ko sa mata ni Prinsipe Hayme na parang naniwala na siya sa sinabi ko.

"Ah! Gan'on ba?" Bumaling siya kay Lita, "Maaari ka na bumaba, Lita."

Dumaan si Lita sa gilid ni Prinsipe Hayme. Dadaanan na rin sana ako sa gilid niya ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"Bakit, Prinsipe Hayme?" Kinakabahan ako sa titig niya.

"Wala." Tumingin siya sa loob ng kwarto na parang may hinahanap.

"Prinsipe Hayme?"

"Tara na," lumakad kami pababa sa hagdan.

"Bakit Prinsipe Hayme lagi mong tinatawag mo sa akin? Pwede namang kuya ang itawag mo sa akin." Napalunok ako sa sinabi niya sa akin.

Hindi ako sanay sabihin ang salitang kuya. Ni minsan wala akong tinatawag sa gan'on. Maski si Jasper, naiilang akong tawagin.

Kumusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako?

Tumitig ako sa kanya para masiguradong hindi siya nagbibiro.

"Dati naman palagi mo kong tinatawag na kuya pero bakit ngayon puro Prinsipe Hayme ang lagi kong naririnig sayo." Bakas sa boses niya na parang nalulungkot siya

Huminga akong malalim at sinabi ang katagang gusto niya marinig sa akin.

"Kuya..."

Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Mas okay pa 'yan kaysa roon sa Prinsipe Hayme na sinasabi mo palagi."

Ngumiti siya sa akin at inakay na ako.

Nandito kami ngayon sa hapagkainan. Wow! Puto at kutsinta.

Tumakbo agad ako palapit sa puto at kutsinta. Kumuha agad ako ng maliit na plato at kumuha sa mga kakanin.

"Dahan-dahan hindi ka mauubusan, kapatid ko." Tumatawang sabi nito sa akin. Pero, hindi ko siya pinansin. Paborito ko kaya ito.

"Lita, kumuha ka ng maiinom para rito sa kapatid kong hindi magambala sa pagkain."

Alam kong iniinis niya ako pero wala akong pake sa kanya.

"Ito ho, Prinsipe Hayme." Nakita kong inabot ni Lita ang isang basong tubig kay kuya at yumuko ito.

"Tubig mo baka mabulunan ka,"

Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ito, "Salamat, kuya."

Masarap pala kapag may tinatawag kang kuya. Gusto ko na tuloy makita si Jasper at matawag itong 'Kuya'. Namimiss ko na sila lahat pwera kay Zidane.

- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro