W-14
W-14: Prinsipe Samuel
BELLE'S POV:
Hindi ko alam bakit naiwan sina Samuel at Prinsipe Inigo sa building na 'yon. Hindi ko aakalaing canteen pala ang building na 'yon dahil sa interior at exterior design.
Pagkatapos ako ihatid ni Prinsipe Hayme umalis din agad ito marahil ay pupunta na s'ya sa silid nila sa ikatlong palapag ng Paseo building.
Hinihintay kong pumasok si Samuel sa aming silid tatanungin ko kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa ni Prinsipe Inigo.
Nag-umpisa na ang sumunod naming klase, walang Samuel na dumating.
Palinga-linga ako ng tingin baka kasi nahuli lang siya ng dating.
Natapos ang klase namin sa Kipnayan pero walang Samuel na dumating.
Dumating ang sunod na guro namin, si Ginoong Alparo - guro sa sabjek na Filipino.
"Magandang hapon sa inyong lahat,"
Tumayo kami at bumati rin sa kanya.
Sa itsura ni Ginoong Alparo, medyo may edad na siya, ang kanyang katangkaran ay nasa anim (6) na pulgada, kayumanggi ang kanyang balat, ang mata niya ay kulay tsokolate at ang kanyang buhok ay messy? Sa itsura niya mukha siyang masungit, 'yung tipong kailangan mo siyang sundin agad kapag may pinagawa siya sayo.
"Sa araw na ito, ang ating pag-aaralan ay kayarian ng pangungusap..."
Naging alerto ako sa sinabi niya, paborito kong sabjek ang Filipino. Pakiramdam ko magtatawag siya.
Isang malakas at nakakabingi ang aming narinig. Hudyat na tapos na aming klase kay Ginoong Alparo.
Hindi nga ako nagkamali, nagtawag nga siya. Marami sa amin ang napatayo at pinagalitan niya.
Terror teacher.
Nakahinga na kami ng maayos ng lumabas na si Ginoong Alparo. Para kaming hindi huminga sa loob ng isang oras at tutok na tutok kami sa kanya. Sa bawat galaw mo na hindi kanais-nais sinisita niya agad.
Hindi ko alam kung bakit nagsisilabasan na sila. Ang alam kong may isa pa kami sabjek bago mag-uwian ng alas-tres ng hapon.
Nahihiya man, nilakasan ko ang loob ko.
"Paumanhin, bakit nagsisilabasan na sila?" Tanong ko sa babaeng nasa harap ng upuan ko.
Ang mukha niya ay napakaamo at ang kulot na buhok niya ay nakalugay at may tiara sa tuktok ng ulo niya. Sa tantiya ko, mas matangkad ako sa kanya.
"Sa etik ang kanilang punta, Prinsesa Belle." Sagot nito sa akin.
Ang kanyang boses ay malambot at mahinhin. Naguguluhan man, nagtanong ulit ako.
"Sa'n ang etik?"
Ngumiti ang babae sa akin, "Sa unang palapag, Prinsesa Belle. Sabay na ho tayo,"
Nauna siyang umalis sa akin at sumunod ako sa kanya.
Habang naglalakad kami sa pasilyo nagsalita ako, "Wag mo na akong tawaging Prinsesa Belle, Belle na lang ang itawag mo sa akin pare-parehas lang naman tayong mga prinsesa rito. Ano nga pala ang pangalan mo?"
Lumingon ito sa akin na nakangiti, "Totoo pala ang sabi nila, kay buti ng puso mo. Mas mataas po ang inyong tungkulin kaysa amin, kaya nararapat lamang tawaging kang Prinsesa, Belle," sumabay siya sa paglalakad ko.
"Ako po pala si Arateya Bienivida. Bunso sa apat na magkakapatid na Bienivida. Ako na lang ho ang naririto at nag-aaral. Ang tatlo ko pong mga kapatid na lalaki ay nasa ibang bansa po."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin.
"Malalaki na ho kasi ang mga iyon. Nasa edad na tatlongpu, dalawangput'lima at dalawangput'tatlo na po sila."
Napatango ako sa sinabi niya. Kaya naman pala, siguro nagtatrabaho ang mga 'yon para sa kanila.
Pinigilan ko siya bago pa kami makapasok sa klase ng etik.
"Sandali lang, anong ang sinasabi mo kanina na mas mataas ang posisyon namin kaysa sa inyo?"
Lumunok siya at tumingin sa akin, "kanan kamay ho ang papa niyo ni Haring John, kaya po mataas po ang tungkulin at posisyon niyo kaysa sa amin."
Talagang malakas ang mga taong may mataas na tungkulin sa pamahalaan na tinatag dito.
May itatanong pa sana ako sa kanya, "Prinsesa, Tara na po. Baka maparusahan po tayo kapag nahuli tayo sa atin klase. Mahigpit pa naman po si Ginang Esteban."
Tumango ako sa kanya at dali-dali kaming pumasok sa silid.
Bumulaga sa akin ang napakagandang kwarto, floral ang theme nito at ang nakapaligid ay tungkol sa ethics. Puro kababaihan lamang ang naririto ngayon.
"Nasaan ang mga kalalakihan?" Tanong ko kay Arateya na siyang katabi ko ngayon.
"Nasa ibang silid po sila. Iba po ang mga silid natin kapag ito po ang sabjek."
Humarap ulit siya sa harapan at tuwid na umupo ng maayos.
Nilibot ko ang aking tingin, ganoon din ang ibang mga kababaihan na naririto, tuwid at maayos ang kanilang upo. Na akala mo'y nakaruler ang mga likod.
Binilang ko kung ilan kaming naririto. Dalawangput'lima kaming naririto sa kwartong ito.
Napatingin ako sa isang sopistikadang babae na pumasok sa kwartong ito. Diretso ang kanyang lakad na parang may mga librong nakalagay sa kanyang ulo na hindi pwedeng mahulog. Ang kanyang bestida ay abot hanggang sahig. Medyo matanda na ang babaeng pumasok pero hindi mo mahahalata sa kanyang mukha ang kanyang edad.
Lalong tumuwid ang pagkakaupo ng mga kaklase kong babae ng makatayo sa harapan namin ang sopistikadang babae.
"Magandang araw sa inyo," panimulang bati niya sa aming lahat.
Patayo na sana ako pero nakita kong hindi tumayo ang kaklase ko. Buti na lang naramdaman ko agad 'yon.
"Magandang araw rin, Ginang Esteban," bati namin sa kanya.
"Nakapagsanay ba kayo sa mga tahanan niyo kung paano ang tamang tindig, lakad, pakikipag-usap sa iba at tamang pagkain at paggamit ng mga kasangkapan?"
Lumalakad-lakad siya habang binibigkas ang mga tanong niya sa amin.
"Iyan ang mga gagawin natin sa taong ito. D'yan ko rin malalaman kung pinag-igi at binigyan niyo ng atensyon ang inyong mga natutunan sa nakaraang taon."
Napatingin ako sa mata niya ng tumama ang kanyang paningin sa akin. Dali akong umiwas sa kanya.
Para siya terror sa pinaka-terror na teacher.
"Pumila ng maayos,"
Sa isang sabi lang niya, nagsitayuan ang lahat at pumila ang mga ito ng maayos.
Tumayo si Ginang Esteban sa unahan kung nasa'n ang lamesa niya.
Nasa harap ko si Arateya, ang nasa likod ko ay ang babaeng may pulang bestida kanina.
Gusto kong magtanong kay Arateya kung anong gagawin namin bakit kami pinatayo pero kinakabahan ako baka pagalitan ako ni Ginang Esteban.
"Kunin ang mga librong nakapatong sa lamesa ito," turo niya sa lamesang katabi niya, "isang libro muna at ikutin ang buong silid, kunin pangalawang libro at ipatong din sa unang libro umikot ulit at itong huling libro, gan'on din gagawin na hindi nahuhulog ang mga ito." Paliwanag niya sa amin.
Kinabahan ako sa sinabi niya. Ang lawak ng silid na ito.
May nagtaas ng kamay. Ang babaeng may puting bestida at nakapusod ang kanyang mahabang buhok. Hindi makita ang mukha niya dahil nasa unahan ito ng pila.
"Ano 'yon, Binibini Maria?" Mataray at may otoridad na sabi ni Ginang Esteban.
Maria pala ang kanyang pangalan.
"Kapag ho nahulog, ano pong mangyayari?"
"Uulit ka ulit sa umpisa,"
Napasinghap ako lalo sa sinabi niya. Geez, sana hindi mahulog ang mga libro sa ulo ko mamaya.
Naglakad na ang isang babae, wala pa siyang libro sa kanyang ulo kukunin palang niya ito sa lamesa.
Lumapit si Ginang Esteban kay Maria, "ituwid ang likod, 'wag kukuba-kuba!" May hawak siyang ruler na mahaba at ito ang ginagamit para ipatuwid sa babae ang kanyang likod.
Hindi ko makitaan ang babae na hirap sa kanyang paglalakad, parang madali lang sa kanya.
Nakuha na niya ang isang libro. Inikot niya ang buong silid na ito. Nakuha na niya ang pangalawang libro, umikot ulit siya. Wala kang mababakas sa mukha niya na napapagod na siya.
Marikit at kaaya-aya ang kanyang kilos. Para siyang prinsesa sa galaw niya.
Nakuha na niya ang pangatlong libro, ni-isang libro walang nahulog sa kanya. Bumalik siya sa pila namin at pumila sa pinakadulo.
Habang tumatagal kinakabahan ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang palapit nang palapit ako sa unahan upang sumalang.
Ako na ang nasa harap ng pila, si Arateya na ngayon ang naglalakad sa buong silid. Nasa pangalawang libro na si Arateya, pero tuwid at naka-chin up siya kung maglakad. Ang ganda ng lakad niya.
Nang makita kong binalik na ni Arateya ang tatlong libro, ibigsabihin ako na.
"Sunod,"
Napakurap ako at nagdasal sa aking isipan. Kaya ko 'to!
Naglakad ako ayon sa napag-aralan ko noong high school at sa mga napapanood ko sa YouTube.
Diretso ang lakad ko at walang kurap akong naglakad. Nakuha ko na ang isang libro at nilagay ito sa ulo ko.
Kinakabahan man pero natawid ko ang tatlong libro na hindi bumabagsak sa sahig.
Natapos lahat kami, ni isa sa amin walang nakahulog ng libro.
"Maaari na kayong maupo,"
Nagsibalikan kami sa kanya-kanya naming mga upuan.
"Magaling! Ni-isa sa inyo walang nakahulog ng libro." Masayang bigkas niya sa amin.
"May oras pa naman pero maaari na kayo umuwi. Paalam."
Isa-isa na sila mga tumayo at nagsilabasan mga silid.
"Prinsesa Belle, sabay na tayo?" Nasa harap ko na si Arateya.
"Belle na lang ang itawag mo sa akin. Pare-parehas lang naman tayo," Sabi ko sa kanya.
"Pero po--"
"Belle na lang, Arateya."
Wala siyang nagawa kundi tumango na lang.
Naglalakad na kami sa pasilyo ng unang palapag. May mangilan-ngilan na rin ang mga nagsisilabasan ngayon.
"Arateya, kilala mo ba si Samuel?" Tanong ko rito.
Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa paligid.
"Si Prinsipe Samuel po ba ang tinutukoy niyo, Belle?"
Tumango ako rito.
Umupo siya sa isang upuan na gawa ng kahoy ng mahogany ng makalabas kami sa pasilyo
Nandito kami ngayon sa parang garden ng paaralan na ito, nakaupo kami malapit sa fountain.
"Si Prinsipe Samuel po ay pinsan buo ni Prinsipe Inigo pero ang sabi-sabi po rito galit daw ho ang pamilya ni Prinsipe Samuel kina Haring John."
Nagulat ako sa nalaman ko. Magpinsan sila? Bakit parang ang layo ng mukha nila?
''Bakit naman magkagalit ang pamilya nila?" Usisa ko rito.
Huminga muna siya ng malalim, "kasi po ang Nanay ni Prinsipe Samuel ay isang maralita po." Umiwas siya ng tingin.
"Bawal ba talaga magmahal ng isang maralita ang isang maharlika?"
"Opo, 'yon po kasi ang nakasaad sa Batas ng bayang ito. Kaya po siguro itinakwil ang ama ni Prinsipe Samuel. Pero ngayon po, Okay na po sila subalit galit pa rin po ang angkan nina Prinsipe Samuel kay Haring John."
"Bakit naman? Maayos naman na pala sila?"
Tumingin ulit siya sa paligid, "Ang tatay po kasi ni Prinsipe Samuel ang dapat na hari ng bayang ito pero po napunta kay Haring John dahil sumuway ang tatay ni Prinsipe Samuel sa Batas."
Ganito pala ang impact ng batas na ito dito sa bayang ito. Bawal magmahal ang mga maharlika ng isang maralita. Anong klaseng batas 'yon. Walang pantay-pantay na pagtingin.
"Alam mo ba sa mun-" Napahinto ako sa sasabihin ko ng may nagsabi ng pangalan ko.
"Si Prinsipe Hayme po," turo ni Arateya sa likod ko.
Napalingon ako at nakita ko si Prinsipe Hayme na palapit sa lugar namin.
"Naghintay ka ba ng matagal, kapatid?"
Umiling ako sa kanya. Kasama ko naman kasi si Arateya. Nakikita ko si Dana sa kanya. Namimiss ko na ang kaibigan ko. Kumusta na kaya siya?
"Pasensya na, ngayon lang kami pinalabas ni Ginoong Esteban."
"Asawa ni Ginang Esteban?" Biglang sabi ko.
"Oo, parehas na guro silang mag-asawa."
Lumingon siya sa kasama ko.
"Binibining Arateya?" Base sa boses ni Prinsipe Hayme ay nagtatanong siya rito.
"Opo, Prinsipe Hayme."
"Salamat sa pagsama sa kapatid ko," lumingon siya sa akin, "Tara na, nandyan na ang karwahe."
Inalalayan niya ako tumayo, "Mauuna na kami, Binibining Arateya."
Habang naglalakad kami papunta sa karwahe, napansin kong wala si Prinsipe Inigo.
"Nasan si Prinsipe Inigo, Prinsipe Hayme?"
"Nauna na ang damuhong."
Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
"Pinatawag siya ni Haring John,"
"Sakay na, kapatid."
Ito iyong karwaheng sinakyan namin kanina.
Lumilipad pa rin ang utak ko, tungkol sa nalaman ko kina Prinsipe Inigo at Samuel. Magpinsang buo pala sila.
At, ang tatay ni Samuel ang unang sumira sa Batas na pinatupad ng angkan nila.
Ang gumugulo sa isipan ko, bakit may ganoong batas ang bayang/mundong ito. Ang pagbabawal umibig ng mga maharlika sa maralita.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuuu!💕💋
A/N:
2k+ words for the first time hehehe. Mahabang update para sa inyo. Thank you sa patuloy na nagbabasa nito. Salamat!😊💋 Sinali ko ito sa wattys2019 sana suportahan niyo.😉
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro