Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

W-12

W-12: Prinsipe Inigo

BELLE'S POV

Pagkasabi ni Lita na baka iwan ako ng dalawa, tumakbo agad ako palabas ng bahay nila Prinsipe Hayme. Mahirap na baka iwan talaga nila ako.

Nakita ko silang nag-uusap. Bakas sa mukha ni Prinsipe Inigo na naiinis na siya dahil ang dalawang kilay niya ay magkasalubong na ngayon pero si Prinsipe Hayme naman ay tumatawa lamang.

Lumapit ako sa karwaheng sinasakyan ng dalawa.

"Saan po ako uupo?" Magalang na tanong ko sa kanila.

Inismiran lang ako ng tingin ni Prinsipe Inigo.

Urgh! Parehas sila ni Zidane. Nakakainis!

Bumaba si Prinsipe Hayme at inalalayan akong umakyat sa karwahe.

Nasa gitna ako ng dalawang naggwa-gwapuhang Prinsipe. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong panget si Prinsipe Inigo.

Kahit labag sa puso at kalooban ko ang sinabi ko, iyon ang totoo. Gwapo siya.

Tahimik kaming tatlo habang umaandar ang karwaheng sinasakyan namin. 

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Parang may anghel na dumaan sa mga pagitan naming tatlo.

Tumigil ang karwahe sa isang mala-kastilyo.

Unang bumaba si Prinsipe Hayme at inalalayan niya ako bumaba.

Nang makababa, nilibot ko ng tingin ang kastilyong nasa harapan ko. Ekswelahan ba ito? Dito ba kami papasok?

"Belle," lumingon ako kay Prinsipe Hayme na naglalakad na pala palayo sa akin.

"Halika na kapatid, maya-maya lamang mag-uumpisa na ang ating klase,"

Tumakbo ako papunta sa kanilang dalawa ni Prinsipe Inigo.

"Dahan-dahan lang kapatid, 'wag kang tumakbo,"

Hinawakan ni Prinsipe Hayme ang bewang ko para alalayan ako sa paglalakad.

"Dito ba tayo nag-aaral?" Mahinang tanong ko kay Prinsipe Hayme.

Hanggang ngayon kasi namamangha pa rin ako sa nakikita ko.

"Prinsesa Belle, nauntog ba ang iyong ulo at nakalimutan mong dito tayo nag-aaral?" Napamaang ako sa sinabi niya.

Lagot!

"Ah-eh," pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Ano sasabihin ko?

"Ikaw talaga. Ayan ka na naman sa lagi mong ginagawa," Kinuha niya ang kanang kamay ko at binaba ito, "Hindi ka na nagbago."

Nang makarating kami sa pinaka-pasilyo ng paaralan na ito na hindi naman mukhang paaralan. Gulo ko.

Iba't ibang babae at kalalakihan ang nakikita ko. Halata sa kanila na mahaharlika sila.

Nanliliit ako.

"Si Prinsipe Inigo,"

"Makisig at magandang lalaki si Prinsipe Inigo."

"Magandang lalaki rin si Prinsipe Hayme."

"Maganda talaga lahi nila."

Mga bulungan na naririnig ko kada dumadaan kami sa pasilyo. Mukhang hindi nga bulungan iyon dahil naririnig ko sila.

Ang dalawang Prinsipe na kasama ko ay parang wala lang sa kanila. Diretso lamang ang kanilang titig sa dinadaanan namin.

"Kay ganda talaga ni prinsesa Belle,"

Namula ako sa narinig ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang lalaki na may kayumanggi mata at bakas sa kanya na maharlika rin siya ayon sa kanyang suot.

Tumigil ang dalawang Prinsipe na kasama ko at tinignan ang lalaking nagsabi ng mga salitang iyon.

"Prinsipe Samuel." Agad na sabi ni Prinsipe Inigo pero bakas sa boses niya ang diin dito.

Nginisihan lamang siya nung Samuel, "Anong kailangan mo, Prinsipe Inigo?" May ngiting sabi ni Samuel.

Samuel pala ang kanyang pangalan. Kay gandang pakinggan.

"Layuan mo siya," sagot ni Prinsipe Inigo.

Layuan? Sino lalayuan ni Samuel?

Lumapit na si Prinsipe Hayme sa dalawa.

"Huminahon kayong dalawa," binalingan niya ng tingin si Prinsipe Inigo, "Halika na Inigo, mag-uumpisa na ang klase baka mahuli pa si Belle."

Bago siya sumunod sa sinabi ni Prinsipe Hayme, tumingin pa siya ng isang beses kay Samuel at nauna na naglakad sa amin.

Hindi ko alam kung anong nangyayari?

Nang makarating sa pangalawang palapag ng kastilyong paaralan na ito kung nasaan ang aking silid.

"Dito kana, Belle. Ito ang silid niyo. Ang silid namin ay nasa pangatlong palapag," sabi ni Prinsipe Hayme sa akin.

Sumilip ako sa loob ng silid may mangilan-ngilan na tao na ang naroroon.

"Mag-iingat ka, kapatid. Mauuna na kami ni Inigo." Tumango ako sa sinabi niya.

"Marami salamat po," sabi ko rito at nginitian siya.

Pinapasok pa niya muna ako bago sila umalis ni Prinsipe Inigo.

Pagkapasok ko, namangha ako sa nakikita ko. Ang ganda ng silid namin. Ang mga upuan ay malambot at magarbo ang mga design.

Umupo ako kanan parte ng silid na ito. Wala naman siguro nakaupo rito.

Nilibot ng tingin ko ang silid na 'to, ang ganda talaga. Ang mga kaklase ko ay halatang magagarbo ang bestida na suot nila maski ang mga suot ng mga kalalakihan ay nagpapakisig sa kanila.

Sampu lamang kami naririto sa silid na ito. Biglang pumasok si Samuel kasama ang dalawang lalaki na nakita ko sa likuran niya kanina.

Nagbulungan ang mga kababaihan na nasa silid na ito. Nahahawa na ako sa pagsasalita dahil ito kay Prinsipe Hayme.

Lumakad si Samuel palapit sa pwesto ko.

"Prinsesa Belle," kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya ito, "Magandang umaga. Magkaklase pala tayo sa taong ito, Prinsesa."

Namumula ako sa ginawa niya kanina. Kailangan ba talaga iyon? Ang halikan ang likod ng palad ko.

"Ah-eh, magandang umaga rin, Samuel." Nahihiyang sabi ko rito.

Nang makaalis sa harapan ko sila Samuel. Nakita kong kinikilig ang mga babaeng kaklase ko. Umiwas na lang ako ng tingin. Nahihiya ako.

Dumating ang guro namin sa araw na ito, isang matandang babae na mukhang mataray. Ang nagpalaki sa mata ko ay ang kanyang suot para siyang si Ms.Minchin sa isang palabas.

Nagturo siya ng matematika. Halos mabaliw ako sa pagtuturo dahil Filipino ang lenggwaheng ginamit niya. Jusko. Kung mahirap intindihin ang math sa wikang English paano pa kapag sinalin sa Filipino.

Katulad lamang nito, Hanapin ang 'eks' sa Walong eks pagsamahin sa siyam ang kabuuan ay zero.

Para akong mamamatay dahil sa math. Kung hindi ko pa itatranslate sa wikang English hindi ako magkakaroon ng kasagutan sa pina-quiz niya.

Natapos ang klase namin sa kanya. Para akong nabuhayan ng dugo.

Naghihintay uli kami ng kasunod na guro. Feeling ko sasabog na utak ko.

Nang may marinig akong tsismis. Charot lang iyon.

"Sobrang kisig talaga ni Prinsipe Inigo," rinig kong sabi ng isang babae na may pulang bestida.

"Sobra," kinikilig naman na sabi ng isa.

Puro na lang si Prinsipe Inigo ang naririnig ko. Wala naman duda na makisig talaga siya.

May biglang pumakaw sa akin atensyon, "Siya na raw ang papalit sa kanyang ama. Siya na raw ang magiging hari sa lugar natin."

Napakurap ako sa narinig ko. Magiging hari si Inigo ng bayang ito? Baka nabingi lang ako.

Ginalaw ko ang kanang tenga ko baka nga nabingi ako.

"Sigurado ka ba d'yan?" Tanong ng isang babae sa babaeng nakasuot na pulang bestida.

"Iyon ang narinig ko kay Ama. Sa kanya na raw ibibigay ang tungkulin kapag nakatapos na siya sa pag-aaral pati na rin si Prinsipe Hayme ay siya na ang papalit kay Haring Danyel bilang kanan kamay ni Haring John."

Lalong lumaki ang mga mata ko. May pwesto pala kami sa pamahalaan na naghahari ngayon dito.

Siniko ng babaeng ang babaeng nakasuot ng pulang bestida at tumingin sila sa akin.

Bakas sa kanila ang gulat, yumuko sila sa akin at lumihis na ng tingin.

Hindi ko alam na ang pamilya nina Prinsipe Inigo ang namumuno rito. Sila ba ang nagpatupad na hindi pwede bigyan ng pagkakapantay-pantay ang mga mararalita?

Pumasok ang pangalawang guro namin. Sa itsura niya mukhang bata pa kumpara kanina.

"Magandang araw sa inyong lahat,"

Bumati kami sa kanya pabalik.

"Sa araw na ito ay ating pag-aaralan ng mabuti ang asignaturang siyentipiko."

Teka, science naman ngayon tapos Filipino ang lenggwahe. Kaya ko pa ba?

"Atin muling balikan ang iyong pag-aaral noong nakalipas na taon, ano ang aghambuhay?"

Anong aghambuhay? Lahat sila nakataas ang mga kamay. Nakigaya na ako para hindi ako tawagin. Sana nga lang.

Natapos ang klase namin na hindi ako natawag. Buti naman. Effective pala 'yon. First time kong ginamit ang teknik na 'yon.

Tumayo ang mga kaklase ko, breaktime na pala namin.

Lumabas ako ng silid namin, dala ang dalawang k'waderno na yakap ko.

"Prinsipe Belle!" Lumingon ako sa likod ko nakita ko ang tumatakbong si Samuel.

Huminto ako para maabutan niya ako, "Bakit?" Mahinhin na sabi ko rito.

"Maaari ba akong sumabay na kumain sa'yo?" Pagtatanong niya sa akin.

Tatango palang sana ako ng may biglang dumagundong na salita sa pasilyo na ito.

"Hindi pwede!"

Sabay na lumingon kami ni Samuel at nakita namin ang galit na mukha ni Prinsipe Inigo.


- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro