W-10
W-10: W-World
BELLE'S POV
Naguguluhan na ako sa nangyayari. Paanong nangyaring naging prinsesa ako?
Gan'on ba kayaman ang Pamilyang Castro? Umiling ako sa naisip ko, hindi nga kamukhang ng mommy ni Jasper ang babaeng kaharap ko ngayon sa lamesang ito.
Kumakain na kami ng breakfast pero heto pa rin ako nahihiwagaan sa mga nangyayari.
"Hayme at Belle, kumain lang kayo nang kumain,"
Napalunok ako ng laway. Ang daming nakahandang pagkain. May fiesta ba ngayon?
"M-maaari po ba ako m-magtanong?" Nauutal na sabi ko sa kanila.
Nandito kami ngayon sa mahabang lamesa na may anim na upuan sa magkabilang gilid at tig-isang upuan sa magkabilang dulo nito. Pula at ginto ang kulay nito.
"Maaari, mahal kong prinsesa." Sagot ni Reyna Autumn.
Kinikilabutan ako kapag naririnig ko ang salitang prinsesa. Isa lamang akong mahirap noon at nalaman kong ako pala ang nawawalang anak ng Pamilyang Castro tapos sa iglap naging prinsesa naman ako?
Nahihiya akong tumingin kay Reyna Autumn, "Anong araw na po ngayon? July 7 na po ba?" Nagtatakang tumingin sila sa akin.
"Marunong kang magsalita ng banyagang wika, Belle?" Tanong sa akin ni Hayme - ang kamukha ni ku- Jasper!
"Banyagang Wika? Ang ingles ba kamo?"
Tumango ito, "Hindi natin pinapahalagahan ang mga banyagang wika," lagot!
"Anong araw na po ba ngayon?" Tanong ko ulit. Ililihis ko ang topic namin.
"Ika-pito ng Hulyo, taong labing siyam tatlungpu'tlima."
Ano raw? Ika-pito ng Hulyo, taong labing siyam tatlungpu'tlima?
Nalilitong nakatingin ako kay Prinsipe Hayme. Inisa-isa ko ang mga salita at trinaslate sa wikang Ingles.
Ika-pito ng Hulyo ibigsabihin July 7.
Taong labing siyam tatlungpu'tlima - 1935?
"Nasa taong 1935 ako?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanila habang nakatayo.
Nakatingin silang lahat sa akin maski ang mga katiwalang naririto ay nagtatakang nakatingin sa akin.
"Kapatid, bakit parang gulat na gulat ka? Labing siyam tatlungpu'tlima ang taon ngayon."
Napatingin ako kay Prinsipe Hayme. Sino ba naman hindi magugulat? Nasa taong 1935 ako? Hindi pa ako naipapanganak no'n.
"I-ilan taon na po ako?" Tanong ko ulit sa kanila.
Baka kasi matanda na ako rito.
"Labing-walong taon gulang,"
18 yrs old pa rin pala ako rito. Napahinga ako ng malalim.
"Kaya ika'y isang ganap na prinsesa na, kapatid."
"P-prinsesa? I-ibig bang sabihin t-tayo ang namumuno sa lugar na ito?"
Tumawa ng mahina si Prinsipe Hayme, ang kapatid ko dito.
"Hindi tayo ang namumuno rito, kundi ang angkan nina Haring John at Reyna Sella. Sila ang namumuno sa W-World."
W-World? Saang bansa makikita ang lugar 'yon?
"W-World? Wikang Ingles ang salitang world, B-bakit i--"
Naputol ang sasabihin ko ng may magsalita, "Minamahal kong anak, dahil tayo'y sinakop ng mga rebelde subalit tayo tinulungan ng mga banyaga kaya ang ating lugar ay sa kanilang pinangalan para sa kanilang pagtatanggol sa atin. Ngunit, hanggang dito lamang ang ating pagpapasalamat kaya ang wika nila'y hindi natin sinasapuso."
Nakita ko ang isang matandang lalaki na may putong sa kanyang ulo pero maliit lang ito.
Umupo ang lalaki sa kabilang dulo ng lamesang ito.
"Buti na lamang at lumabas ka na rin sa iyong silid. Akala ko'y hindi ka na lalabas."
Napapikit ako sa sinabi niya. Bakit naman hindi ako lalabas?
"Dahil Ika'y napagalitan namin. Sinuway mo ang inutos naming 'wag makikipag-usap sa mga maralita,"
Ano bang pamamalakad ang mayroon sa taon na ito?
Hindi na ako nagsalita pa baka lalo lang sila magtaka kung bakit marami akong tanong sa kanila.
Kumain na lang ako nang tahimik. Maski sila ay tahimik din kumakain.
Tumayo ang matandang lalaki kanina. Ang damit niya ay pula na may halong ginto rin at may maliit na putong sa kanyang ulo.
Siya ba ang Hari at Asawa ni Reyna Autumn? Siya ba ang tatay ko rito sa mundong ito?
"Hayme, Belle at Mahal kong Autumn, ako'y gagalak na. Kami ay magkakaroon ng pagpupulong." Sabi na nga ba.
Tumayo sina Reyna Autumn at Prinsipe Hayme kaya tumayo na rin ako.
"Mag-iingat ka, Mahal ko." Umalis si Haring Danyel na may dalawang lalaking kasama.
Umalis na rin si Prinsipe Hayme, "Saan ka tutungo, Hayme?" Tanong sa kanya ni Reyna Autumn.
"Ina, kaya ko na ang aking sarili. Si Belle na lamang po ang alagaan niyo," yumuko si Prinsipe Hayme. "Ako'y tutungo kina Prinsipe Inigo, Ina." Umalis na rin si Prinsipe Hayme.
"Ang nakakatandang kapatid mo talaga," tumingin siya sa akin, "Belle, nag-iisa kong anak na babae na ngayo'y ganap na prinsesa, saan ka naman tutungo?"
Napalunok ako ng laway.
"Ako po'y aakyat na, Reyna Autumn. Maliligo na po ako," Sa sinabi kong 'yon. Tumango siya.
Nang makalayo ako kay Reyna Autumn doon lang ako nakahinga ng maayos. Para akong robot lahat ng kilos ko kailangan maingat.
"Hay!" Napabuga ako ng hangin nang makarating ako sa kwarto kung saan ako nagising.
Tumingin ako sa malaking salamin na nasa kwartong ito. Nakita ko ang sarili kong nakasuot na dress na hanggang bukong-bukong ko.
Tinaas ko ang suot kong dress o bestida? May suot akong heels, sa t'yansa ko mga 2 inches lang ito.
Ang buhok ko naman ay nakapusod. At may maliit na tiara na nakalagay sa buhok ko.
Tinanggal ko ito at pinatong sa lamesita na may salamin. Maski ang buhok kong nakapusod ay tinanggal ko.
Pupunta na sana ako sa cr ng may kumatok sa pinto.
"Sino po 'yan?" Tanong ko rito.
"Prinsesa Belle, ipaghahanda na po namin ang inyong paliguan." Tama ba ang narinig ko?
Wala na akong nagawa at binuksan ito. Tumambad sa akin ang apat na babaeng nakasuot ng asul blouse at skirt na may puting tela sa skirt nito.
Yumuko sila sa akin. Pinapasok ko sila sa kwartong kinalalagyan ko.
Pumasok agad sila sa cr, at may kung anong ginawa roon.
"Prinsesa, handa na po ang iyong paliguan," Lumakad na ako papunta sa cr pero hindi ko inaasahan na pati sila ay sumusunod sa akin.
"B-bakit po?" Tanong ko sa kanila.
"Prinsesa, kami po ang nagpapaligo sa inyo," Bigla lumaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"K-kaya ko naman po maligo ng ako lang. Kaya ko na po."
"Hindi po maaari, Prinsesa. Mapapagalitan po kami ni Haring Danyel."
"Kaya ko na po. Iyong damit ko na lang po asikasuhin niyo." Pagpupumilit ko.
Wala na akong choice kundi sabihin niyon para hindi na sila makatanggi.
Yumuko sila, "Masusunod po, Prinsesa."
Nang makaalis sila doon palang ako lumusong sa maliit na bathtub.
Nalilito pa rin ako. Paano ako nakapunta rito sa 19th century? Paano?
Basta ang naalala ko lang, nakatulog ako habang gumagawa ng mga assignment ko. T-tapos pagkagising ko, nandito na ako.
Totoo ba 'yon kapag humiling ka sa bulalakaw? Matutupad?
Winaksi ko sa isipan ang kopsetong 'yon. Tumayo ako at kinuha ang bathrobe na nakasabit sa likod ng pintuan ng cr.
Lumabas ako ng ito lang ang suot ko. Nakita ko ang apat na tagasilbi na kumatok kanina.
"Prinsesa," tumingin ako rito at nakita ko ang bestida na nasa kama at ang tiara ko.
Kinuha ng isang tagasilbi ang damit at pinapasuot sa akin. Bago ko tanggalin ang bathrobe, nagsuot muna ako ng undies. Naka-undies lang ako ng ipasuot sa akin ang bestida na kulay rosas.
Nang maisuot ko, dinala nila ako sa lamesita na may salamin at pinaupo.
Inayusan nila ang buhok ko at pinusod ito at saka nilagay ang tiara.
"Prinsesa, pinapatawag po kayo ng Mahal na Reyna." Napatigil at napatingin ako sa nagsalita.
"B-bakit daw po?" Tanong ko rito.
"Wala pong sinabi. Pinapababa lang po kayo,"
Bumaba na ako naabutan ko si Reyna Autumn na nakaupo sa isa sa mga sofa nandodoon.
"Iha," tumayo ito at inakay ako papunta sa labas ng bahay.
Pagkalabas ko nakita ko ang garden, umupo kami sa isang upuan na gawa sa kahoy.
"Kumusta ka na, Anak? Galit ka pa rin ba sa amin dahil sa nangyari noong isang araw?"
Hindi ako nakaimik. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko.
"Alam mo namang sumusunod lamang tayo sa batas na pinapatupad ni Haring John."
"Ano pong batas?"
"Batas na hindi tayo pwedeng kumausap sa mga maralita dahil sila'y tagasilbi natin,"
Maralita? Ganoon ba sa panahon na ito? Walang silbi ang mga mahihirap?
"Pero, bakit po?"
"Dahil ito ang nakasanayan natin at sila ay mga mababang antas sa lugar natin." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Reyna Autumn.
Kasi sa panahon ko pantay-pantay na ang lahat ng tao.
Nandito pa rin kami, hindi na ko makapagsalita ng dahil doon.
Mali ang pamamalakad ng mga namumuno sa panahon na ito. Mali na husgahan at hindi isama ang mga maralita o mahihirap sa pantay-pantay na pagtingin sa lipunan.
Napatingin ako ng may pumasok na dalawang kalalakihan at kasunod ng dalawa ay anim na alalay.
Namukhaan ko ang isa, si Prinsipe Hayme pala.
"Ina, kami'y mangangabayo lamang sa kalapit na bayan. May pupuntahan lamang po kami roon."
"Mag-iingat kayo, Hayme at Prinsipe Inigo."
Sino si Prinsipe Inigo? Halos lumaki ang mga mata ko at napatayo ako dahil sa nakita ko.
Siya si Prinsipe Inigo? Siya?
"Ikaw si Prinsipe Inigo?" Nagtatakang tanong ko rito habang nakaturo sa kanya.
Isang ngisi lamang ang binigay niya sa akin. At binigkas ang mga katagang hindi ko lubusang inaasahan na manggagaling sa kanya.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuuu!💋💕
PS:
• PUTONG means Korona/Tiara.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro