SPECIAL CHAPTER (1)
SPECIAL CHAPTER:
Dalawang taon na ang nakakaraan ng ma-experience kong makapunta sa ibang panahon. Sa panahon ng W-World.
Hanggang ngayon 'di pa rin masink-in sa utak ko na nangyari ang mga 'yon, na nakipagsalaparan ako sa panahon nila at nilabanan ang batas nila.
Sinasariwa ko ang lahat ng may kumatok.
"Ms. Belle," sabay bukas ng pinto at sumilip ang aking secretary.
Ngumiti ako rito, "Mr. Zerano is here po," magalang na sabi n'ya sa akin.
"Papasukin mo," tumango s'ya at sinarado n'ya ang pinto.
Zidane. Mahigit isang taon rin s'yang nanligaw sa akin. Nang s'ya aking sagutin. Pinahirapan ko muna s'ya para naman worth it.
Iniluwal s'ya ng pinto. Bumungad sa akin ang lalaking naka-amerikanang suit. Pormal kung pormal ang suot. Mukhang galing s'ya sa meeting.
Ngumiti s'ya sa akin na pagkatamis-tamis. Bakit ko nga ba sinagot ang isang 'to?
"Para sa pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa." Bungad n'ya at may nilahad na bouquet of sunflowers and fries.
Ito ang isang dahilan kung bakit talaga ako umibig sa kanya at umiibig nang paulit-ulit.
Kinuha ko ang mga ito, at nilapag ang sunflowers sa lamesa at ang fries ay pinapak ko na.
"Bakit ka narito?" Tanong ko habang nakataas ang kanang kilay ko.
Tinaas n'ya ang kanyang dalawang kamay, "wala akong ginawang masama, sinusundo lamang kita."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.
Hinarap n'ya ako habang nakalapat ang kanyang magkabilang kamay sa gilid ko.
Napabuga s'ya ng hangin, "'Di mo na naman tinitignan ang phone mo, para sa'n ba 'yang phone mo kung 'di mo gagamitin." Naiirita n'yang sabi.
Paano naman kasi puro text messages n'ya nakikita ko. Akala mo walang work na ginagawa sa office ng magulang n'ya kung makapagtext sa akin.
Kaya dalawa ang cp ko, isa para sa mga important messages from my family and isa for business purposes.
"Ginagamit ko na--" pinutol n'ya ang pagtututol ko.
"Iyong for business phone mo."
Inangilan ko s'ya. Hiwalayan ko kaya ang isang 'to!
Napatayo ako at nakipagtitigan sa kanya. Walang araw talaga 'di kami nagtatalo. Bwisit kasi 'to, isip bata talaga.
"Kung makipagbreak kaya ako sa'yo?" Panghahamon ko sa kanya.
Bigla naman s'yang namutla. Ngumisi ako sa kanya. Alam naman n'yang 'di ko rin gagawin. Abnormal talaga ang isa 'to.
"May dinner sa bahay n'yo. May pag-uusapan kaya ka pinapasundo sa akin ni Jasper baka raw kasi late kang umuwi." Mabilis n'yang sabi. "Saka, 'wag mo nga gagawin 'yon. Kahit alam ko namang biro lang 'yon, e!" Pagmamaktol n'ya.
Tinapik ko ang kanyang pisngi at hinalikan ito, sabay pa-cute sa kanya.
Kinuha ko ang aking handbag at kumapit sa kanyang braso, "come on!"
Umiiling ito habang naglalakad kami.
Ganito kami palagi. Nag-aasaran, nag-aaway pero in the end of the day okay kaming dalawa.
--
"Nabasa mo ba?" Bungad na tanong sa akin ng kuya kong si Jasper.
May umakbay sa akin, "As usual, hindi, brother-in-law." Sabay humalakhak ang dalawa.
Inalis ko ang kamay n'ya sa akin at tinignan sila ng masama.
"Alam n'yo naman palang tamad ako magbasa ng mga texts. Dapat kasi tumatawag na lang kayo sa akin kung emergency or important matter!"
"Easy..." Inirapan ko sila.
"Where's Dana?" Tanong ko sa magaling kong kapatid.
"Kausap ni mom," sabay umalis ang dalawa sa harap ko.
Iniwan na lang ako basta rito. Kagigil.
Ano bang mayro'n ngayon at may pa-dinner sila. Lahat ng mga kamag-anak namin narito.
Pumasok ako sa loob ng bahay at bumungad sa akin ang magulang at mga kapatid ni Dana.
"Hello po, tita and tito!" Bati ko sa kanila.
Ano bang mayro'n? At, parang ako lang yata ang walang kaalam-alam.
Nakita kong pababa na ng hagdan sina Mommy and Dana at kasunod nila si Daddy.
Humalik ako kay mom and dad ng makababa ang mga ito at ngumiti kay Dana. Tinitignan ko s'ya kung anong nagyayari pero ngiti lang ang binalik n'ya.
"Everything is here. Jasper and Dana has announcement to us," 'Di ko namalayan si kuya Jasper na naroon na rin pala.
"Anong mayro'n?" Tanong ko rito sa katabi ko. Pero, kinibit-balikat lang ako ni mokong. Bwisit ka talaga, Zidane.
"Everyone knows, Dana and I are engaged..." Tumango ako sa sinabi ni kuya, last month lang naman kasi n'yon nu'ng nagpropose s'ya, kasama pa nga ako sa plano na 'yon.
"But now, I'm happy to announce that Dana and I are become to be good parents in less than a months." Nagulat ako sa sinabi ni kuya kaya pala 'pag lumalabas kami ni Dana, sobrang dami ng kinakain n'ya. Now I know.
"Matinik talaga kuya mo. Nagseselos lang n'yan." Komento ni Zidane habang umiling-iling pa sya.
Tinignan ko s'ya ng masama at s'yang tahimik n'ya.
Pumalakpak ang mga kamag-anak namin. Ang magulang naman ni Dana ay umiiyak pero may ngiti sa kanilang labi.
"So, Our wedding date is next month. I hope all of you will attend to our wedding. Thank you!"
Binati sina kuya Jas and Dana ng mga kamag-anak namin. Lahat ay masaya sa pinahayag ni Kuya. Kaya pala bumabait sa akin ang isang 'yon.
Hinala ko si Dana at tinignan ng masama.
"Bakit 'di mo sinabi sa akin? Akala ko ba best friend tayo!" Angil ko rito.
Ngingiti-ngiti ang bruha. Akala n'ya.
"Sorry na, bessy! Nataranta rin ako ng malaman kong preggy na ko. Sasabihin ko sana sayo pero ayaw ni Jas. Gusto n'ya i-surprise kayo. Sila mama kanina lang din nalaman."
Pasalamat ang isang 'to dahil may kasalanan 'din ako nung engagement n'ya.
"Okay. Apology accepted."
Niyakap n'ya ako, "Congratulations, bessy! Naiiyak ako. May pamilya ka na, na pinapangarap natin dati." Tumango s'ya.
Pangarap namin makabuo ng masaya at malaking pamilya. Ito talaga ang isa sa mga pangarap naming dalawa.
Nagpunas s'ya ng luha, "next year kayo naman ni Zidane. Kayo naman ang makikita kong may announcement sa amin."
Mukhang matagal pa n'yon, pareho kaming may hinahabol pang pangarap. Saka wala rin naman sinasabi sa akin si Zidane. Pareho pa kaming 'di ready. Okay munang ganito kaming dalawa, iyong mahal na mahal namin ang isa't-isa.
Sabi nga n'ya, "Sosolohin muna natin ang isa't-isa, mahihintay naman siguro tayo ng magiging anak natin, hindi ko gagayahin si Jas, akala n'ya kapag nanganak na si Dana, s'ya pa rin ang mahal. Kawawang nilalang, mahahati ang atensyon n'ya kay Dana. Buti pa ako solo pa ang atensyon mo." Sabay yakap ng mahigpit sa akin.
Mabuti muna 'to, si Zidane palang ang pasakit sa ulo ko. Wala pa ang magiging mga clone n'ya. Wala pang dadagdag sa sasawayin ko.
Si Zidane muna.
🖤🖤🖤🖤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro