Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

08


Taehyung

gilamorous101: maybe it's much better if we'll never talk



and that's when I realized another tears was streaming in my cheeks, I decided to turn off my phone and throw it somewhere, my heart feels tearing up and been broken for the second time this day.

siguro nga mali ako, mali ang lahat ginawa ko, pero ganoon ba talaga ako ka-isip bata sa mga mata nila, na puro mali ang ginagawa?

hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak at inilabas lahat ng inis na nararamdaman ko, namalayan ko nalang na nakatulog na pala ako at nang magising akong muli ay may mga hita ng mabibgat ang nakapatong sa aking tiyan.

kunot noo ko itong tinitigan, si Jin hyung, nag-ce-cellphone. naagaw ko ang atensyon niya at sandali kaming nagkatitigan bago niya ako ngitian ng pagka-tamis tamis.

"buti gising kana, kung naugutom ka may inihain na akong pagkain sa hapag kainan, ala-una na ng gabi" sabi niya, nakangiti parin. hindi ako makatingin sakaniya ng derecho dahil nakukonsensya ako sa ginawa kong pagsigaw sakanila ni Jungkook.

"kalmado ka na?" nakangiting tanong niya, kagat labi akong tumango kay Jin hyung habang rinig na rinig ko ang malakas na paghilik ng mga hyungs. so dito na talaga ako nakautulog sa kwarto nila?

"sorry" i apologise finally but then he just smiled at me, hugged me tightly like hia own pillow.

"wag kang magsorry sa akin, kay jungkook.... mag usap kayo bukas okay? pagusapan ninyo iyan para hindi tumagal okay ba?" mabilis akong tumango sakaniya at mas niyakap siya ng mahigpit kasabay ng muling pagtulo ng luha ko.





ºººº


kinabukasan, nasa lamesa kaming lahat, walang umiumik, magkatapat kami ng upuan ni Jungkook. hindi ko alam kung paano o saan ako magsisimula, habang yung lima naman ay nakatitig lang din sa aming dalawa.

"wag ninyo sanang patagalin ang away bata ninyong dalawa, sana mas maging maintindihin pa kayo" pakiusap ni namjoon hyung na sinangayunan ng lahat, nakatungo lang ako habang kagat kagat ang aking daliri.

Umalis muna ang lima at iniwan kaming dalawa ni jungkook, wala paring umiimik hanggang sa magdesisyon siyang basagin ito.

"Sorry hyung, akala ko kasi okay lang na kainin ko iyon kahit na hindi ako nagpaalam sa iyo" hindi ako sumagot, kagat-kagat ko lang ang daliri ko. 

"May kasalanan din naman ako kookie eh, pasensya na, dapat hindi ako nagalit ng ganoon sa iyo, dapat hindi kita sinigawan" I apologise, we both share another silence. bigla ko nalang narinig na tumawa si Jungkook at mas lalo pa itong lumakas nang tignan ko s'ya

Pagkatapos noon ay bigla nalang kaming natawang dalawa at nagpaluan sa braso, hindi ko din alam pero ganito talaga kaming dalawa, siguro dahil parehas pa kaming may pagka-isip bata, pero ang maganda naman ay pagkatapos noon, magpapaluan nalang kami ng braso at magkakainan..... ng cereal.

"Bangtan" magkasabay pa kaming tumingin ni jungkook kay PDnim, kapitbahay lang namin siya, hehehehe.

Magkatabi lang ang apartment namin, nagsilapit naman kaagad yung iba kay BangPD.

"Hallelujah! May relief good ba!?" Si hobi hyung parang gago talaga, para s'yang tangang naka-luhod sa harapan ni PDnim,nanlalaki ang butas ng ilong habang yung iba ay nagsisitawa lang.

"May sasabihin ako sainyo" ani PDnim, prenteng umupo sa maliit na sofa.

"Woah, wag mo sabihin na hinahanap na ako ng mga kamaganak kong alien?" Hysterical kong tanong at nagmake-face.

"Hindi! Patapusin ninyo muna ako-"

"Lahat naman may katapusan PDnim, pero kailangan ba nating tapusin ito ng ganito kadali?" pagdadrama naman ni liit, nanlalaki yung butas ng ilong. Sana all lumalaki, kasi siya hindi na.

Huehuehuehue

Dismayado itong tinignan ni PDnim. "Tapos kana?" napuno ng halakhakan at hiyawan ang silid dahil sa tanong ni PDnim.

Roasted si liit!

roasted gasul!

"Ganito, dahil na-stuck tayo dito at hindi makabalik sa hotel, medyo matatagalan pa tayo, gumagawa na kami ng paraan. Kapag naging maluwag na, maari na tayong bumalik sa hotel, at kapag naging maayos na at pwede ng bumiyahe ang mga eroplano, maari na tayong umalis  ng Pinas" mahabang paliwanag ni PDnim, tinignan muna kami nito bago magpatuloy.

"Sa ngayon, hindi natin pwedeng sabihin kung nasaan tayo, at wala
Tayo sa hotel, mahirap na dahil wala tayong seguridad, delikado" tumango-tango kaming lahat, habang ako ay hindi mapigilang mamangha, wow! psobrang astig, para akong-- hindi para kaming si 007, para kaming mga nagtatagong agents at hindi pwedeng malaman ng lahat na nandito kami.

WOW!

Nagkaroon din ng usapan tungkol sa shoots, sa live at sa kung ano pa man, bahala sila basta ako busy ako sa panghuhuli kung saan ba nanggagaling ang mga langgam na ito.

Pagkatapos noon, dumating na yung pinaka-gusto kong part ng araw. Ang kumain. Yeheyyy! Nakakagutom din makinig sa sinasabi ni PDnim, at ang magpractice ng dance step.

"Uhm, taehyung" nilingon ko si Jin Hyung, punong-puno ang bibig kagaya ko.

"Kagabi" pagsisimula ni Jin-hyung "nakita ko kung saan yung phone mo, tapos nakita ko, nagbabasa ka pala ng wattpad?" Nanlaki ang mga mata ko at napa-awang ang bibig habang tinitignan si Jin Hyung. HORI SHIT, shit down shit down, you are rocking the boat wag niyang sabihing nabasa niya ang--

"Uyyy~ anong binabasa mo hyung ahhh" alam ko iyang mga tinginan ni pandak eh, alam ko iyan.

Makiki-chismis na naman iyan.

"Wala, madami kasing magagandang libro doon, ang dami ko ngang nabasang fanfiction natin, naiilang lang ako sa iba" pag-amin ko, habang maingay na kinakain yung kimchi.

"Oo nga pala hyung, subukan mo ding lutuin yung adobo!" Excited na sabi ni hobi hyubg kay Jin huung.

Bigla ko tuloy naalala si Myl, hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti, paborito at specialty niya pala ang adobo.

Ibig sabihin marunong siyang magluto? Tipuhan ko yung ganoon.

"Bakit pangiti-ngiti ka diyan hyung, ikawww ahh, parang may tinatago ka talagang lihim sa amin" natugilan ako sa pang-aalaska ni Jungkook, ngiting-ngiti ang gago habang yung iba naman ay naghihiyawan.

Guys! Kalma! Alam kong gwapo ako!

"Huh? M-may naalala lang ako" naatawang sabi ko na ikinahiyaw naman nila.

"Is this may chix ka?" Hay nako namjoon hyung, tinulad mo pa ako sa'yo? Haist. Alam ninyo namang tapat ako masyado sa alaga kong butiki eh!

Narinig ko na naman ang hiyawan nilang lanat, si jimin parang nauulol, ewan ko ba.

"Tinulad mo pa ako sayo namjoon hyung" paninisi ko, umiling naman siya na parang defensive aysus!Patay ka kay eomma! Patay ka, sapukin ka niyan ng gucci bag niya. Ay ako Pala si gucci boi, siya pala si pink bag, huehuehuehue.

"Hindi no, loyal ako kay Jin hyung" parang gago ampota, hindi ba nila alam na NamJin fan ako, hori- shit tayo diyan.

"Mamaya ka sa'kin sa kwarto" pagbabanta ni Eomma na ikinatawa lang naming lahat, sorry hyungs, parang hindi ninyo magagawa yung business ninyo kasi marami tayong magshishare sa kwarto.

"In love ka ba?" halos maibuga ko sa mukha nila yung tubig na ininom ko sa biglaang tanong ni Yoongi hyung, agad akong umiling at bahagyang lumayo sakaniya.

"H-hindi ano!" Utal kong sagot na mas lalo lang naging dahilan para tuksuhin ako, ano ba guys! In love ako sa butiki ko, okay na ba kayo?

"Bakit defensive?" Pilyang tanong ni Jimin, habang malakas na tumatawa.

Nakakabigla naman kasi ang tanong nila, hindi bali sana kung ang tinanong nila ay kung kailan kami magpapakasal ng alaga kong isda! Rawr!

"Wala akong chix" sabi ko sabay lamon ulit ng kimchi. Pag sinabing lamon, lamon.

Pero halos maibuga ko kay Hobi Hyubg ang sunod na tanong sa akin ni Jin Hyung.

"Kung ganoon sino si gilamorou101?"natigilan ang lahat, para kaming nasa isang drama series, nanlalaki ang mga mata nila, titig na titig sa akin habang naka-awang bibig. What the hell? Wag niyang sabihing binasa niya ang messages namin?

Talagang lalagyan ko ng gagamba ang bag niya.

"Woah woah. Bakit hindi namin alam, sino itong gilamorous101?"

"Talaga? May kachat siya online?"

"Anong name?"

"Taga saan?"

"Maganda?"

"Mabait ba?"

"Sexy?" Doon ko binatukan si jimin, nakakapang init ng ulo ang sinabi niya tapos  hindi  nila ako sineryoso at tumawa lang.

Hindi naman nakakatawa ang sinabi niya tss.

"Hmm. Sino ba si gilamorous101?" Sabi ko na eh, kaya ayokong malalaman nila dahil alam kong kukulitin nila ako ng kukulitin.

Bakit kasi ang chismoso ni Jin hyung? para talaga s'yang babae sa sobrang pagkaintriga n'ya

"Hindi mambabatok iyan kung hindi sakanya malapit yung babae, sino ba kasi siyaaa yiee~"

"Aish! Wala nga kausap ko lang!" depensa ko, pilit iniiwasan ang tanong pero patuloy lang ang anim sa pangiintriga

"Type mo ba?" Type ko nga ba? Aish! Taehyung wag ka ngang magpadala diyan sa mga tanungan nila.

Parang mga baliw  at kilig na kilig ang anim habang patuloy akong inuusisa.

"Type mo taetae? Yieee~" hindi ako sumagot, para kasing mga gago nangingiliti pa kaya ayan nabato ko tuloy sila ng  unan. Aish! bakit ba mga isip bata ktong mga ito?

"Silence means yes" pilyong sabi ni namjoon hyung, bahala kayo sa buhay ninyo basta ang akin lang bawal nilang usisain kung sino si Myl, bawal! Akin lang siya, err I mean ako lang dapat ang makakaalam ng kung sino siya.

"Kaibigan ko lang iyon"

"Kaibigan ba talaga ang tingin mo?" Aish! Tangina talaga, napailing nalang ako at napatakip ng mukha habang ang anim ay tawa lang ng tawa habang hindi pari tumitigil sa pang-uusisa

Speaking of Myl, I still have business with her to deal with

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro